The Soldier & I
Book 2
AiTenshi
June 18, 2018
"Ang SF unit ngayon ay maihahambing sa isang basurang matapon, maaari rin ito ihambing sa isang artista palubog na mula kasikatan. Sa makatuwid ang SF unit na nasa bingit ng pag kalaos. Ang ibig kong sabihin ay mahina ang pwersa nito kaya naman narito kami upang alukin kayong dalawa na sumali dito. Muli kayong humawak ng baril at ipag tanggol ang ating bansa laban sa mga kaaway." ang wika ni Commander Palma dahilan para maibuga ko ang kapeng iniinom.
Napatingin sa akin si Bryan at mahigpit na hinawakan ang aking kamay sabay sabing "ang desisyon ay nasa aking asawa. Kung saan siya ay doon rin ako."
Chapter 5: Komplikadong Pangarap
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang naka tingin sa sahig. "Mag buhat noong malagay sa peligro ang buhay ni Bryan ay nag desisyon na kaming lumagay sa tahimik. Minsan na namin siyang pinag lamayan at inilibing, ayokong maging totohanan ang malagim na kaganapang iyon." ang sagot ko.
"Ang pangyayaring iyon ay malabo nang maulit, ang kidlat ay hindi tumatama sa kaparehong lugar ng mag kasunod. Sadyang nasasayangan lamang kami sa inyong abilidad, lalo't kapwa kayo nag training sa Cambodia upang maging isang mahusay na alagad ng batas. Si Sarge Bryan Turalba Jr ay naka kuha ng pinaka mataas na grado sa pag susundalo noon at siya ang nararapat na pumalit sa iyong ama bilang isang magaling na Commander. Ikaw naman Mr. Dela Rosa ay mahusay sa pag hawak ng mga sandata, batay sa iyong record ay madali kang matuto at ang iyong talento ay napaka natural. Sadyang isang malaking kawalan sa sandatahan ang iyong pag tiwalag. Once a soldier always a soldier. Muli kayong tinatawag ng inyong mga sandata." ang wika ni Commander Palma.
"Nais lang namin linawin na kayo ay daraan pa sa training upang makapasok sa SF unit." wika ni Papa
"Ganoon naman pala papa, paano kung hindi kami mapasa sa training? Balita ko ang lahat ng mga sundalo rito ay mag ttraining upang makapasok sa squad, libo ang mga sundalong iyon, bakit kailangan pa ako? O bakit kailangan pa kami?" tanong ko naman
"Dahil sa strong recommendation na ibinigay ng mga dati mong kasama sa SF unit. Nais nila na ikaw ay bumalik sa misyon. Ilan na lamang sila sa squad, kinakailangan natin ng mahuhusay na miyembro." wika ni Commander Palma
"At upang maging patas sa lahat ay daraan rin kayo sa pag sasanay." ang dagdag ni papa
"Paano kung hindi namin ipasa ang pag susulit? Paano kung mas piliin namin na ibagsak ito upang maging tahimik ang aming buhay?" ang tanong ni Bryan.
"Nakasalalay ang inyong pangalan sa magiging resulta ng inyong training. Ikaw Sarge Turalba ay may reputasyon bilang mahusay na alagad ng batas. At ikaw naman Mr. Dela Rosa ay dinadala mo ang apeliyido ang iyong ama. Ang lahat ng mata ay nasa inyo. Siguro naman ay hindi niyo bibiguin ang ating commander. Tama?" naka ngising wika ni Palma
Natahimik kami ni Bryan at napatingin kami kay papa.
Kapwa kami napabuntong hininga..
"Pag iisipan po namin ang inyong alok." ang sagot ni Bryan.
"Mabuti kung ganoon. Umaasa kami na hindi ninyo kami bibiguin." ang sagot ni Palma sabay tayo at sumaludo sa aming dalawa.
"Nasaan ang aking apo?" tanong ni Papa.
"Nandito kay mama, bisitahin mo siya minsan." ang sagot ko naman
Tumango si Papa at tinapik ang aming balikat. "Aalis na kami. Pag isipan ninyo ang inyong magiging desisyon."
Wala kaming nagawa kundi ang panoorin silang sumakay sa kanilang sasakyan habang nakapako ang aming mga paa sa tarangkahan.
Tahimik..
Naramdaman ko nalang na lumingkis ang kamay ni Bryan sa aking bewang at gumapang ito sa aking tiyan. Niyakap niya ako mula sa likuran at hinalikan ang aking pisngi. "Ayos ka lang ba? Wag kana masyadong mag isip." ang bulong niya
"Hindi ko maiwasan. Lalo't nahihirapan ang aking loob sa mga bagay na hindi ko magawang pag desisyunan ng maayos. Ayoko nang bumalik sa magulong buhay ng pag susundalo ngunit sa kabilang banda ay ayokong ipahiya at biguin si papa. Saan ako lulugar? Paninindigan ko ba ang desisyon kong mamuhay ng payapa o tutugunan ko ang tawag ng isang magulong sitwasyon? Anong desisyon mo?" ang tanong ko.
"Hindi ko alam, basta para sa akin ang pinaka mahalagang misyon ay ang mahalin ka, alagaan ang ating anak at ibigay ang mga bagay ng mag papasaya sa inyong dalawa." tugon niya
"Natatakot ako na mawala ka ulit, na kapwa tayo mapahamak." pag aalala ko.
"Noong una, ang aking misyon ay bantayan ka, siguraduhing ligtas at malayo sa panganib. Sadyang nag babago ang lahat dahil ngayon ay isa ka na ring sundalo at may kakayahan ka nang ipag tanggol ang sarili mo. Timbangin mo ang sitwasyon, kung saan mas gagaan ang iyong kalooban ay nasa likod mo lang ako. Hindi kita iiwan at hindi kita pababayaan. Asawa mo ako, ang lahat ng desisyon mo ay desisyon ko rin. Ang lahat ng nais mo ay nanaisin ko rin." ang wika niya habang nakayakap ng mahigpit.
"Salamat." ang tugon ko sabay dampi ng aking kamay sa kanyang pisngi. "I love you."
Ngumiti siya at dinama ang aking haplos. Hinalikan niya ako sa labi at muling niyakap ng mahigpit. "I love you." bulong rin niya.
Sa bawat sandaling lumilipas ay natatagpuan ko ang aking sarili na balisa at wala direksyon ang pag iisip. Marahil ay dahil sa mga bagay na hindi ko magawang pag desisyunan ng maayos. Hindi biro ang maging isang sundalo, napatunayan ko ito mag buhat noong makipag sapalaran kami sa Syria. Samut saring kalaban sa paligid ang aming sinasagupa sa araw araw. Umuulan ng bomba sa kalangitan, umuulan ng bala sa paligid, ni hindi mo masasabi kung hanggang kailangan ka na lamang mabubuhay. Para bang ang lahat sa iyo ay limitado at wala kang magagawa kundi ang tanggapin ito. Ayoko nang bumalik sa ganoong sitwasyon. Natatakot ako para kay Bryan at sa kay Angelo.
"Kailangan ba talaga kapag nag iisip ka ay malayo lagi ang tanaw mo? Yung tipong dapat magandang view at nasa ilalim ka ng puno ng mangga?" ang tanong ni Ed noong makita ako sa isang parke.
"At kailangan ba talaga ay maki alam ka at basagin ang scene ko?" ang tanong ko naman.
Tumabi siya sa akin at tinapik ang aking balikat. "Ang sarap panoorin ng mag ama mo oh. Ang ganda nilang mag laro, barilan talaga? Eh parang mini me ni Turalba iyang anak niya, parehong mahilig sa aksyon." ang wika ni Ed habang nakatanaw rin kay Bryan at Angelo na nag tatakbuhan at nag babarilan sa parke.
"Sana ay parati nalang silang ganyan. Kaso ay hindi, dahil ngayon ay kumakatok nanaman ang tawag ng pag susundalo sa amin. Nais nila na mag undergo kami sa training para muling maging member ng SF unit."
"Eh bakit kailangan pang mag training e dati ka namang member nito? Nakaka inis naman sila. Basta kapag hindi ka nakapasok dyan ay mag reresign na ako. Kung hindi lang baon sa utang si mama at papa ay baka matagal na akong umalis sa SF unit. Akalain mo iyon, pati bukid na sakahan namin ay naka sangla. Kaya heto nag papa sundalo ang beauty ko para makabayad."
"Kontento naman ako sa maliit sa sahod sa pagiging empleyado sa bangko. May kinikita rin naman si Bryan sa work niya. Nais lamang ni papa na bumalik kami sa pag susundalo at muling mag bigay ng karangalan sa kanya at sa buong Unit. Kinakailangan rin naming mag training kasama ng mga baguhan upang maging patas raw ang pamimili ng mga mahuhusay na makakapasok sa Special Force Unit."
"Oh, kung ayaw ninyo ay ibagsak ninyo ang training. Kapag failed kayo ay wala na silang magagawa."
"Kapag failed kami ay madidismaya si Papa. Tiyak na mabibigo siya, alam mo iyon, tinanggap niya ang relasyon namin ni Bryan, tinanggap niya na kami ay nag sasama sa iisang bubong bilang mag asawa. Nahihiya naman kami na hindi ibigay ang kanyang nais at tila ba hindi namin makakayanan na biguin siya dahil napaka buti niya sa amin ni Bryan." ang wika ko naman.
Nag bitiw si Ed ng buntong hininga..
"Iyan ang tinatawag na "ipit moment", sadyang mahirap mag balanse dahil mayroon kang taong mabibigo sa iyong desisyon." tugon ni Ed.
"Naguguluhan tuloy ako." ang bulong ko naman habang sabay yakap sa aking sariling tuhod.
"Ay mag emote pa ba?" tanong ni Ed at habang nasa ganoong posisyon siya ay tumamang pekeng bala sa kanyang noon at pumakat ito dito. "Arekuppp!!" ang reklamo nito
"Wow, ang galing mag sniper ng baby ko! Sapul ang kalaban!" ang masayang wika ni Bryan.
"Yey! Patay na ang monster!" ang masayang wika rin ni Angelo.
"Aba't binaril na nga ako, ginawa pa akong monster ng tiyanak mong anak. Makakatikim na sa akin iyang batang iyan." reklamo ni Ed sabay tayo dahilan para hilahin ko siya. "Sigurado ka ba dyan?" tanong ko tapos na patingin siya sa aking anak na naka ngisi habang may hawak na baril. "Fine.. Dito nalang ako." pag babago ng isip niya sabay upo sa aking tabi.
Tahimik..
"Eh anong balak mo ngayon? Nasaan na yung spark na dati ay atat na atat kang mag sundalo para hanapin si Sarge?"
"Walang nang spark, kung ako ang masusunod ay mas gugustuhin ko ang tahimik na buhay ngunit ayokong may mabigo."
"Gawin mo ang isang bagay dahil gusto mo at hindi dahil iyon ang ginusto ng tao para sa iyo. Gawin mo dahil nais mo itong gawin at hindi yung napipilitan ka lang. Mas masarap gawin ang isang bagay kung alam mong pinapasaya ka nito." ang wika ni Ed.
Tumango ako at napatingin sa kanya. "Tama ka, anong nakain mo? Bakit parang ang husay mong mag bigay ng advice ngayon?" ang tanong ko
"Nakain ko? Edi yung alam mo na yon. Tie naman tayo kasi kinakain mo rin yung kay Sarge." pilyong sagot niya
Tawanan..
Habang nasa ganoong biruan kami ay siya naman pag dating ng ilang sasakyan ng sundalo sa parke. Batid kong galing ito sa kampo nila papa. Ang ilang sakay nito ay ang aapurang bumama para puntahan kami.
"Anong drama ng mga iyan?" tanong ni Ed
Nag kibit balikat ako. "Ewan, wala akong ideya." ang sagot ko naman. Agad rin lumapit sa akin si Bryan buhat ang kanyang anak. "Anong problema?" tanong nito
"Sir Adel, ang kampo! Pinasabog ang kampo!" ang wika ng mga ito na aking ikinabigla.
"Nasaan si Papa?!" ang tanong ko na halos atakihin sa puso.
"Dinala na namin sa ospital. Mabilis ang pang yayari. Ilan lamang kaming naka ligtas sa kampo!!" ang wika ng mga ito kaya naman hindi na kami nag aksaya ng panahon.
Agad kaming sumama sa kanila upang mag tungo sa ospital kung saan dinala si papa.
At habang nasa ganoong pag mamadali kami ay isang malakas na pag sabog ring ang umalingawngaw sa parke kung saan naka tambay kanina.
Halos man laki ang aming mga mata dahil kung hindi kami nakalipat ng pwesto malamang ay abo na kami ngayon. Habang tumatagal ay palala ng palala ng sitwasyon dito sa siyudad at ang nakapag tataka ay walang ideya ang mga alagad ng batas kung saan nag mumula ang mga ito.
Panibagong hamon ba ito sa amin na dapat harapin o dapat takasan na lamang at mabuhay ng normal?
Itutuloy..