Chapter 11 Big Boss!

2480 Words
Maagang nagising si Meisa at ang kanyang mga kasama. Bago sila umalis patungo sa kagubatan, kumain muna sila ng almusal at ipaalam rin kay Ginoong Yanga tungkol sa harang na sinet-up ni Meisha. Nang makasiguro na wala silang nakalimutan dalhin ay umalis rin sila agad at pumasok sa kagubatan. Naglalakihan ang mga puno at habang tumatagal ay nagiging masukal na ang parte ng kagubatan na napuntahan nila. Nasa liblib na sila ng kagubatan. Huminto muna silang anim sa paglalakad at si James naman ay hawak parin ang mapa at tiningnan ang paligid para siguraduhin na nasa tamang lugar sila. Matapos niyon inutusan niya sina Deli at Kali para tingnan ang sitwasyon sa lugar ng mga Mushpunch. Pagbalik naman ng dalawa ay agad napansin ni Meisha na hindi maganda ang kanilang ekspresyon. “Boss, hindi maganda!” Ang iba naman kasama nila ay napalingon kay Deli. “Ang dami!!” Patuloy nito. “Huminahon ka nga, Deli. Ano ba ang ibig mong sabihin?” Tanong naman ni Vino. Pero bago pa magsalita ulit si Deli ay inunahan ito ni Kali, “Masyadong marami ang Mushpunch ngayon. Sa tantiya ko ay mahigit isang libo ang mga ito, at hindi pa kasama doon ang may attribute na lason sa katawan.” “Itutuloy parin ba natin `to, boss?” Tanong naman ni Deli. Ilang sandali naging tahimik si James pero maya’t maya ay binuka nito ang bibig upang magsalita. “Ano ba kayo? Isa lamang Mushpunch ang kalaban natin, kahit na may lason ang iba, mayroon tayong pangontra para doon.” Turan nito at saka tumayo sa kinaupuang malaking bato. Nang marinig ni Meisha ang sinabi nito, hindi na lamang siya nagpahayag. Tanging gusto lang niya gawin ngayon ay matapos sila at makuha niya ang reward. Pwede rin niya ibenta ang karne ng mga Mushpunch. “H-hindi ko inaakala na ganito sila kadami!” Tinapik ni James ang balikat ni Deli. “Isa pa, Deli, kung walang tiyaga, wala ka rin nilaga. Isipin mo din kapag natapos tayo dito ay makakakuha tayo ng isang daan barya na pilak! Kaya naman magpakalalaki ka at kaya natin `to!” ~**~ Pagdating nilang anim sa teritoryo ng Mushpang, sinikap nila na babain ang kanilang presensya upang hindi makuha ang lahat ng atensyon ng mga ito. Pumunta sila sa parte kung saan kaunti lang ang mga ito at sinimulan salakayin ang mga ito. As expected, these monsters really do stronger than usual but nevertheless they could still manage to cope up with it. As their party fight with monster, Josephine will assist them whenever they needed. After all, she’s healer not a fighter. She also need to distance herself a bit further from them so as not to hinder them. Habang abala silang lahat sa pagpatay ng mga halimaw. Sagitsit ng mga palaso na pinakawalan ng grupo nila, ugong ng malakas na suntok na natanggap ni James mula sa Mushpunch at daing ng halimaw na napatay. Each of her group dealing with one monster after another. Because of the commotion going on, it attracted a lot of monsters not far away from their group. Mabilis rin gumamit ng salamangka si Meisha at walang kahirap-hirap na pinipiraso piraso ang mga ito sa pamamagitan ng ‘wind blade’. Snip! “Poooiii!” Thud! Snip! Thud! Nahagip ng kanyang mata ang dalawang Mushpunch na naiiba sa kalahi nito. She was able to tell that this two were poisonous by just looking at their bright red and blue cap. For fear to mix them up with the carcass that she planned to sell in a good price, she quickly led these two away from it. “Poooiii!!!” Inis na sumunod ang mga ito. Hindi pa nito nakalimutan na tawagin ang ibang kasama at hinabol si Meisha at sabay sabay na inatake siya. “Oh Diyos ng apoy, ako’y dinggin mo, ilabas mo ang nagliliyab na apoy mula sa langit at tanggapin mo ang aking alay, rain of fire!” Pagkatapos niyang bigkasin ang orasyon ng salamangka ay biglang umulan ng apoy sa lugar kung saan ang nakatayo ang kanyang mga kalaban. Matapos mamatay ang mga iyon ay bumaling si Meisha sa kanyang mga kasama. Bawat sa kanila ay may malaking progreso, subalit sa paningin niya ay mas lalong matatagalan silang matapos sa kanilang trabaho. “Guys, mayroon akong ideya, hanga’t maari kunin ninyo ang atensyon ng maraming halimaw na ito at lipunin sa iisang lugar at ako na ang bahala sa kanila!” Nilakasan niya ang kanyang boses para marinig ng kasama niya ang sinabi niya. ~**~ Puno ng mantsa ng dugo na kulay berde ang sibat ni Vino nang matapos niya saksakin ang vital part ng kalaban; at iwinisik niya ang berdeng dugo sa paligid at tiningnan ang buong paligid. Lagpas na nang kalahating oras simula ng salakayin nila ang kanilang kalaban. Malaking gulat na lang ni Vino ng makita ang napakaraming bangkay ng Mushpunch sa paligid. Kilala niya ang kanyang mga kaibigan, kahit pa gaano pa sila kahusay huliin at patayin ang mga Mushpunch, nakakasiguro siya na hindi ganito kadami ang mapapatay nila sa maikling oras! Sa tantiya niya ay nasa mahigit isang daan na ang napatay na halimaw. Bago nila sinalakay ang mga ito, inaasahan na ni Vino na matatagalan silang matapos sa kanilang pagsugpo ng Mushpunch. After all, the population of this monster is more than thousand and it is estimated that it will take them more than seven hours to finished their work. Pero ngayon, ano ito ang nakikita niya?! Sino ang gumawa…biglang napatigil si Vino at napatingin kay Meisha na kasalukuyan pinaulanan nito ng apoy ang kalaban. Mahigit limang nakakalason na Mushpunch ang napatay nito sa isang tira lang. Napalunok siya. Makikita rin sa kangyang mga mata ang paghanga sa dalaga. Noong unang kita palang niya sa dalaga, wala siyang gaanong kalaking expectations para dito kahit na isa itong salamangkera. Mukhang katorse anyos pa ito at wala pang karanasan sa pakikipaglaban. Iniisip niya na baka kailangan nito ng tamang gabay para hindi ito maging pabigat sa kanilang grupo, pero sinong mag-aakala na mali ang kanyang akala? Simula ng bumiyahe sila mula sa kabisera hangang sa bayan ng berlyx ay tahimik ito at hindi man lang nagreklamo na kadalasan ginagawa ng kaedad niya. Maliban do’n, ipinakita rin nito ang pagiging matalino noong nagpupulong sila kagabi. Siguro dahil narin ayaw nitong manatili sa bayan at gustong sumama sa kanila kaya nagmungkahi narin ito ng isang ideya na hindi rin naman kinontra ng kanilang lider na si James. Higit sa lahat, kaya nitong gumamit ng mahiwagang harang na mabisa lamang sa loob ng sampung oras. Hindi isang salamangkero si Vino pero hindi rin siya gano’n katanga para hindi malaman na isa `yong—kung hindi man mataas na ranggong salamangka ay maari din nasa kaagitnaan ng mababa at mataas na antas ng salamangka iyon. Ngayon naman ang dali nitong sugpuin ang mga kalaban nila. Dahil ba isa itong salamangkera? Isipin palang ni Vino iyon ay hindi niya maiwasan na mainggit. “Guys, mayroon akong ideya, hanga’t maari kunin ninyo ang atensyon ng maraming halimaw na ito at lipunin sa iisang lugar at ako na ang bahala sa kanila!” Naputol sa pag-iisip si Vino ng marinig niya ang malakas na boses ni Meisha. Medyo nagdalawang isip siya ng marinig niya ang sinabi ng dalaga. Pagkakatiwalaan ba nila ito? Pero base sa kilos at pananalita nito, nararamdaman niya na confident ito sa gagawin na parang hindi ito ang unang beses na nakikipaglaban. Gayong gusto nito lipunin ang maraming halimaw, siguro naman may magandang plano ito. Biglang naalala tuloy niya ang ginawa nito kanina sa limang halimaw. Kung magiging successful ito, ibig sabihin na mas mapapadali ang kanilang trabaho. Kaya naman hindi na nagpatumpik si Vino at sinunod na lang ang gusto ng dalaga. Isn’t it to taunt those monster? Hindi man halata, pero confident si Vino sa husay niya sa pagtakbo. ~**~ Dalawa’t kalahating oras na ang nakalipas at sa wakas, sa hindi nila inaasahan ay natapos rin sila sa pagpuksa ng mga Mushpunch! “Wow, ang galing! Hindi ko inaasahan na matatapos tayo ng tatlong oras!” Masayang sabi ni Kali saka pasalampak na umupo ito sa lupa. “Ako rin, akala ko kanina na baka buong araw tayo matatapos nito dahil sa sobrang dami nila. Mabuti na lang pala at mahusay sa salamangka si Binibining Wistra!” Sabi naman ni Deli. Nakaupo ito sa ibabaw ng malaking bato para magpahinga. “Akalain mo magkakaroon tayo ng isang daang barya na pilak sa maikling oras.” “Oi, kayo diyan, hali kayo dito at tulungan akong kolektahin itong mga Mushpunch na maari pa natin maibenta sa merkado!” Tawag sa kanila ni James. “Ay Oo nga pala, extra income `to! Bilisan na natin para makauwi na tayo!” Sabi n Deli saka sumipa ito paitaas at tumayo ng tuwid. Tumakbo ito patungo sa mga bangkay ng halimaw at saka isa-isang kinuha ang mga iyon maliban sa mga may lason at sira. Sumunod din naman si Meisha sa kanila at pinulot ang mga bangkay ng halimaw. Medyo napahinto sa ginagawang pagpulot ng mga bangkay ng Mushpunch si Meisha. Hindi pa gano’n katagal na matapos ang pagpatay nila sa mga halimaw, pero sa hindi malaman ay hindi parin siya mapakali. Sure, it may not be easy to deal all of these monsters if it weren’t for her help, but it is still made her feel not right. Sa dati niyang buhay, she had also experienced this kind of situation before. Sa dati niyang mundo, kapag dumarami ang mga halimaw at nagkaroon ng abnormalidad sa kanilang mga kilos, iisa lang ang dahilan niyon. Mayroon dumidirekta sa kanila—madaling salita, mayroon silang big boss. Pero base sa observation ni Meisha, wala naman big boss ang mga ito dahil kung meron man eh `di sana lumitaw na ito nang sinasalakay nila ang mga tauhan nito. May posibilidad ba na nagkamali siya ng iniisip? Napapailing na lamang siya sa naisip. Posible rin naman, pero gayonman ay mas makakabuti parin na maging maingat ngayon. Isinantabi niya ang mga napulot sa iisang lugar. Hindi kagaya ng dati, wala siyang interspatial storage bag o ring para mapaglalagyan ng mga nagkabundok na karne ng Mushpunch. Iyon ang isa sa pinanghihinayang niya. Kung maari lang sana na pwedeng madala sa kamatayan ang mga gamit niya ay baka hindi na niya kailangan magkaroon ng problema na dalhin ito. Tanging magagawa lang niya ay gumamit ng paliitin ang mga ito ng panandalian at ilagay sa kanyang bag para hindi siya mahirapan na dalhin ang mga iyon. While they were picking up their spoil, suddenly, they felt the ground shaking a bit. Binitiwan ni Meisha ang bangkay ng halimaw at napalingon sa bahagi kung saan makikitang nagsiliparan ang mga langgap palayo at ang isang malaking puno naman ay natumba ng lumitaw ang higanteng halimaw. Mabangis na umungal ito. “Anak ng tipaklong!” “Jusko ano iyan?!” Nagulantang ang mga kasama ni Meisha na makita iyon. Isang napakalaking kabute na naglalakad sa dalawang paa na kahawig ng mga ugat. Mayroon itong malaking braso at may mga kamay na kasing katulad ng malaking bato na may kakayahang patayin ng direkta ang isang tao kapag makatanggap ang mga ito ng isang malakas malakas na suntok mula sa halimaw. May maraming asul na hiyas na nakabaon sa katawan nito at sa sentro ng dibdib ay kapansinpasin na may malaking asul na hiyas na nakabaon. Napalunok ang iba sa nakita. Wala ni isang nagsalita, pero hindi rin nagtagal ay si Josephine ang bumasag sa kanilang katahimikan. “Jusko, bakit nandito ang halimaw na ito dito? Wala ito sa impormasyon na binigay nila sa atin!” Namutla ang mukha nito at napahigpit ang pagkakahawak nito sa magic staff nito. Habang ang iba ay nakaramdam ng kaba sa dibdib ng makita ang high ranking monster, si Meisha naman ay biglang kuminang ang kanyang mga mata sa nakita. High Ranking Demon! Corellian stone! To think na makakaikwentro siya ng isang high ranking demon dito! Despite the fact that she has a limited knowledge about this world, but she still knew one thing about demonic monster! Iba ito kesa sa nakalaban nilang halimaw kanina. Itong higanteng halimaw na nasa harap niya ay mas mabangis at uhaw na uhaw sa dugo. Wala silang pinipiling aatekihin Higit sa lahat mayroon itong demon core pero mas kilala ito sa pangalang Corellian Stone dito sa Oestrell. Corellian stone is a shard that be found in demonic monster’s body. This shard has an astronomical value; it can be used to make a strong weapons or magical items. Hindi niya alam kung magkano ang halaga kapag maibenta niya iyon pero base sa narinig niya sa usapan ng ama at ng tito niya noong bata pa siya, kapag maganda ang kalidad ng corellian stone ay may posibilidad na kikita siya ng higit na isang ginto! “Umatras kayo! Isa itong high ranking demonic monster na nakalabas mula sa dungeon! Panigurado na ito puno’t dulo sa nangyayari ngayon dito! Kailangan natin ipaalam sa nakakataas na may lumitaw na dungeon dito!” High ranking demonic monster. It was impossible for his group to handle it. Hindi alam ni Meisha kung sino sa kasama niya ang nagsabi niyon. Nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa higanteng halimaw. “Roaarrr!!!!” Pagkuway ay tumakbo ito ng kay bilis patungo sa kanilang direksyon. Tinaas nito ang isang kamao upaat pinuntirya si Kali. Maliksing umiwas si Kali sa malaking kamao nito ngunit nagalusan parin ang hita at braso nito. Nagsimulang mamintig ang braso at hita nito sa sobrang sakit. Boom! “Kali!” Tumakbo si Deli patungo kay Kali at inakay palayo sa kinaruonan nila. Ang aksyon ng dalawa ay mas lalong ikinagalit ng halimaw. Inatake na naman nito ang dalawa. Makita ni Meisha ang pag-aamok ng halimaw at walang tigil na pinuntirya ang dalawa. Mabilis na gumamit siya ng wind shield at sobrang lakas ng pagtama ng malaking kamao sa harang ay lumikha iyon ng tunog dahil sa sobrang lakas nang banggaan ng kamao ng halimaw at ng harang. Dagli-dagling minamanipula ang magaspang at makapal na ugat mula sa malaking puno gamit ang mahika at pinalupot iyon sa buong katawan ng higanteng halimaw upang pigilan ito sa kilos. Marahas na nagpumiglas ito para makalaya at nagpawala ng nakakabinging ungol sa galit. Kinuyom niya ng mahigpit ang kanyang nagliliwanag na kamay na nagpapahiwatig upang higpitan ang pagkapapulupot ng ugat sa buong katawan ng kalaban at mas lalong ginamitan ng malakas na puwersa para itumba ito. Namula ang buong katawan nito sa sobrang higpit ng pagkatali sa buong katawan. Ang ugat na iyon ay tila isang matulis na bagay na sa sobrang tulis ay tuluyan naging gutay gutay ang katawan ng halimaw. Tumalsik pa ang gugo sa buong paligid, at ang lugar kung saan ang dalaga nakatayo ay natalsikan din na dahilan para magkaroon ng mantsa ng dugo ang kanyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD