Chapter 10 Berlyx Village (2)

1122 Words
Isang halimaw lang na Mushpunch ang lumitaw kaya kahit pa gaano pa kalakas ito kesa dati ay madali parin sugpuin ito. Gabi na nang makarating sila sa kanilang destinasyon. Tahimik ang buong kapaligiran at walang pigura ng mga tao makikita sa labas. Makikita din na masyadong maigpit ang pagkasara ng mga pintuan at bintana sa takot na baka mapasukan sila. “Simula nang atakehin kami ng mga halimaw na iyon ay pinagbawalan na kami ng pinuno ng nayon na lumabas ng aming bahay lalo na’t sa gabi. Lalabas lang kami kapag kinakailangan,” Paliwanag ng kutsero nang mapansin nito ang pagtataka nila. “Hintayin niyo muna ako at tatawagin ko lang si Ginoong Yanga.” Binanggit nito ang kanilang pinuno ng nayon. “Whoa. Tingnan niyo, `di ko inaasahan na ganito pala kalala ang sitwasyon nila.” Napalingon si Meisha sa direksyon tinuro ni Vino. Nakita ng dalaga ang nasirang pananim na paniguradong walang aanihin ang mga tao dito ngayon buwan. Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik iyong kutsero at nakasunod sa likod nito ang pinuno ng kanilang nayon. Mukha nasa setenta años na ito at may dalang sungkod. Binati silang anim nito, “Maligayang pagdating ninyong anim sa aming bayan. Kayo siguro ang pinadala ng adventurer’s guild para lutasin ang problema namin.” “Ah oo, kami nga, ako pala si James at ang tao nasa likod ko ay ang grupo ko.” Meisha pressed her lips into thin line to prevent herself from yawning and look away from the two men exchanging pleasantries. “Siguro pagod kayong lahat mula sa mahabang biyahe, ba’t hindi muna kayo magpahinga. Gabi na at kailangan ninyo ng lakas para isagawa ang inyong trabaho. Sundan niyo ako at ihahatid ko kayo sa bahay kung saan kayo magpapahinga ngayon gabi.” Yes. Maliban sa pagod ay nagugutom narin siya ngayon. Nang makarating sila sa bahay kung saan sila itinalaga ng pinuno ng nayon ay mabilis sila pumasok. Mayroon dalawang kwarto sa bahay na ito kaya ang isang kwarto ay para sa tatlong babae at ang isa naman ay para sa mga lalaki. Si Kali ang nagpresenta na magluto ng makakain nila. Habang silang lima naman ay nagpupulong dito sa maliit na mesa upang gumawa ng plano para bukas. Iniligay ni James ang mapa sa ibabaw ng mesa at tinuro nito ang pinakaliblib na parte ng kagubatan na hindi kalayuan mula sa bayan. “Mas gustong tumira sa madalim, malamig at mahalumigmig na kapaligiran ang mga Mushpunch. Si Deli at Kali ang mauuna pupunta doon para manmanan ang lugar na iyon bago tayo pumunta. Josephine, itsek mo maigi ngayon ang supplies natin bago tayo pupunta doon at ikaw naman Vino ang gumawa ng report kapag natapos na natin ang trabahong ito.” Tahimik lang din na nakikinig si Meisha sa usapan. “Ikaw, Binibining Wistra, manatili ka dito para bantayan ang mga tao dito kung sakali na may sasalakay sa kanilang halimaw habang kami naman lima ang pupunta sa gubat para hanapin ang kanilang tirahan at patayin ang mga ito.” “Bakit kailangan ako pa ang manatili dito?” Sa kauna-unahan nakasama niya ang mga ito ay ngayon lang siya nagpahayag ng pagtutol. Kahit na wala rin naman problema na manatili siya dito, pero wala parin siyang kumpiyansa na hindi nila gagawin itong dahilan para bawasan ang sahod niya. “Isa pa, ayon nga sa impormasyon na narinig ko ay mas marami ang kanilang populasyon at lumakas sila kesa sa dati—hindi sa minamaliit ko kayo pero may kasabihan nga na kahit ang langgam ay kayang patayin ang isang elepante.” It means they could have outnumbered them. “Sabi mo nga, gusto manatili sa madilim at mahalumigmig na kapaligiran ang mga ito. Pero ba’t bigla na lang sila lumabas ng gubat na hindi naman nangyayari noon pa man? Siyempre, naintindihan ko naman ang gusto mong gawin pero kinakailangan parin ng isang tao parin madagdagan ang pwersa natin.” Bumalik siya sa pagiging mahinahon para naman hindi nila isipin na masyado siyang nagmamarunong. Mabuti na lang at nakinig si James sa kanyang sinabi. “Alam ko kung anong gusto mong sasabihin pero alam mo naman ang sitwasyon ngayon, kailangan parin may magbabantay rito kung sakaling may halimaw na sasalakay dito sa bayan.” “Naintindihan ko. Kaya nga gumawa ako ng isa pang paraan na hindi ko kailangan manatili rito para magbantay. May alam akong salamangka na maaring lumikha ng harang sa buong bayan at walang halimaw na maaring makapasok, pero epektibo lang ito sa loob ng sampung oras.” “Anong sinabi mo, kaya mong gumawa ng harang?” Hindi makapaniwalang tanong ni James. “Hindi ba’t mataas na ranggo na salamangkero o salamangkera ang makakagawa niyon lalo na’t kaya niyang patagalin sa loob ng sampung oras ang harang?” Turan naman ni Vino. “Nakakahinayang talaga at hindi ka naging lalaki, paniguradong mangunguna ka sa klase nila sa paaralan—hindi, mas pagkakaguluhan ka ng militanteng grupo para sumama ka sa kanila.” Hindi nagkomento si Meisha tungkol sa sinabi ni Josephine. Wala siyang interes na sumalis sa military at lalong wala siyang balak na pagsilbihan ang mga maharlikang pamilya at makatrabaho ang pamilya niya na nagtatrabaho rin sa military. Tanging gusto lang niya kumita ng pera at umalis ng bahay at magpakalayo. Kailangan din niyang hanapin ang mga kaibigan niya `no kaya mas lalong wala siyang panahon para do’n. Sa huli, nagawa rin niyang baguhin ang isipan ng kanilang grupo. Matapos ang kanilang diskusyon ay eksanto din na lumabas sa kusina si Kali at tinawag sila para tulungan ito na ihanda ang hapagkainan sa mesa. Simple lang ang niluto nito pero gayunman, para sa taong walang disenteng pagkain kinain kanina ay masarap na para sa kanila ang piniritong itlog, kanin at ginataang gulay na may kasamang kabute. Kabute ang tawag pero ang totoo niyan ay karne ito ng Mushpunch na napatay nila kanina. Ligtas itong kainin dahil wala itong lason at ang lasa din ay mas masarap pa sa kabute na nakain niya sa dati niyang buhay. Matapos nilang kumain ay agad na natulog ang ibang kasama ni Meisha habang siya naman ay lumabas ng bahay para lagyan ng rune mark ang buong lugar na nasasakupan ng bayan. It took her an hour to finished placing the rune mark before she went back to the house to take a sleep. Paghiga palang niya sa kama at diretsong nakatulog siya sa kama dahil sa sobrang pagod. Masiyadong tahimik angn gabing iyon at tanging kuliglig ng kulisap ang maririnig. Sa liblib ng kagubatan, walang ni isang maliit na hayop ang makikita at kahit kuliglig man lang ng insekto ay wala rin pero kung titingnan maigi ang kapaligiran, mamapansin na medyo yumanig `yong mga halaman…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD