“Congratulation! Ngayon ay isa ka ng Rank D Adventurer sa maikling oras!” Masayang sabi naman ng receptionist matapos nito ibinigay ang kard sa dalaga.
Sinulyapan niya iyon at nakita ang malaking pagbabago sa ranggo niya, mula sa Rank F ay ngayon ay naging Rank D.
Tumaas ng dalawang baitang ang ranggo niya at ngayon ay isang Rank D Adventure sa maikling oras ay sapat na para masiyahan siya. Ibig sabihin nito, she can take a commission with higher rewards than before!
Matapos i-report nila ng kanyang grupo tungkol sa high ranking demonic monster at bagong tuklas na dungeon ay nakatanggap sila ng malaking achievement points na sapat para umangat ang kanilang ranggo pero dahil si Meisha ang direktang nakapatay ng halimaw na iyon kaya mas malaki ang puntos ang nakuha niya kesa sa mga ito. Higit sa lahat may bonus pa silang natanggap!
Matapos ang kanilang trabaho ay dali-daling bumalik sila sa kabisera ng kaharian at tumungo sa adventurer’s guild para ireport nila ang pangyayari at kunin ang reward.
Dahil hati sila sa rewards, maliban sa bonus, mayroon silang tig-isang 16.67 SC at kung idagdag ang bonus naman ay mayroon siyang 20 SC! Hindi pa kasama do’n ang binenta niyang karne ng kabuteng halimaw na naghahalagang 323 silver coins at 76 copper coins!
Mas malaki pa ang pera na nakuha niya sa pagbenta ng karne ng Mushpunch kesa sa reward ng subjugation. Ganito kasi iyon, bawat isang kilo ng karne ng Mushpunch ay naghahalagang 1 silver coin at 52 copper coins.
Despite how big the Mushpunch looks like, but it’s actually weighs 1000.5 gram and worth only 2 silver coins and 76 copper coins. Meron siyang dalang isang daan apatnapu’t dalawang na patay na Mushpunch at binenta niya iyon sa merkado ng mahigit 323 silver coins at 76 copper coins.
2.28(1 ½ kilo of Mushpunch meat) * 142 (Number of Monsters) = 323.76 SC
Nakakahinayang nga lang, kung hindi lang required na magkaroon ng grupo para sa subjugation ay sana sa kanya na ang lahat ng rewards at bonus.
Ngayon tumaas ng dalawang baitang ang kanyang ranggo, kung noon ay bawal ang Rank F and E adventurer na pumasok sa loob ng dungeon, ngayon ay maari na. Isa iyon sa pribilehiyo ng Rank C adventure at paitaas na ranggo.
Nakasaad rin sa batas na kailangan din pumasok na may kasamang grupo para sa kaligtasan ng mga adventurer na nagbabalak na pumasok sa dungeon. Kung sino man ang lumabag sa batas ay pagmumultahin sila ng limang barya na ginto at paglilingkod din ng sa pamayanan ng limang buwan.
Wow, napakahigpit naman ng batas rito! Hindi kagaya sa dati niyang mundo, basta ba may pera ay maaring sulohin ang isang dungeon.
Binalik niya ang adventurer’s guidance book sa bag at agad na bumalik sa bahay. Dalawang araw din siya na hindi nakabalik sa bahay.
Ano kaya ang ginagawa ngayon ni Phyliss?
“Diyaryo kayo diyan! May bago akong balita dito! Bili na kayo!”
Napahinto sa paglalakad si Meisha at bumaling sa isang batang nagbebenta ng diyaryo sa gilid ng daan.
Napaisip siya saglit. Gayong uuwi naman siya sa bahay, mas makakabuti na bumili muna siya ng makakain at iba pang bagay. Tumungo siya sa direksyon ng bata na nagbebenta ng diyaryo.
“Magkano `to?”
“Limangpung barya na tanso lang.”
Matapos niyang bilhin `yon ay dumiretso muna siya sa sikat na kainan para um-order ng makakain. Ngayong may pera siya, hindi niya kailangan tipirin ang sarili at bumili siya ng kare kare, sisig, lumpia shanghai at higit sa lahat ay lechon kawali.
Napangiti sa saya si Meisha. Inilapit niya ang food packaging sa ilong at sinamyo. Amoy palang ay katakakam-takam na!
Bitbit ang brown paper food packaging na naglalaman ng tinake out niyang pagkain, agad na gumamit siya ng teleportation magic at tuluyan naglaho na parang bula sa kanyang kinatatayuan.
Sa isang kisapmata, lumitaw siya sa loob ng storage room ng ancestral hall. Inayos muna niya ang gusot ng kanyang damit bago naglakad patungo sa pintuan at napahinto siya sa pagpihit ng busol ng pintuan nang marinig niya ang usapan ng isang tao na nasa labas ng storage room dahil konektado lang itong silid sa ancestral hall.
“Inutusan ako ni madame na ipaalam sa`yo na bibigyan ka ng permiso na makalabas sa pagkakulong dito sa ancestral all ngayon at bukas. Kailangan mo daw maghanda at maging presentable para sa nalalapit na kaarawan ng arsobispo. Pero pagkatapos ng pagdiriwan ng kaarawan ay babalik karin dito sa loob ng ancenstral hall para ipagpatuloy ang parusa mo.”
Iyon lang ang sinabi nito at walang balak na magpatuloy pa.
Pinihit niya ang busol at marahang binuksan ang pintuan at nag-iwan lang ng maliit na siwang. Sumilip siya sa labas.
Nakita ni Meisa na umalis ito sa loob ng ancestral hall mula dito.
Nang masiguro na walang ibang tao maliban kay Phyliss at ang kanyang clone ay lumabas siya sa loob at nagtungo sa direksyon ng mga ito. Pumitik siya. Kasabay ng pagpitik niya ay naglaho ng parang bula ang kanyang clone.
Napalingon naman si Phyliss sa direksyon niya. Kumislap ang mukha nito ng makita ang dalaga.
Lumipad ito patungo sa kanya. “Master, maligayang pagbabalik—blop!”
Napangiti si Meisha sa magiliw nitong pagsalubong sa kanya. Itinaas niya ang dalang pagkain at sinabing, “May dala akong pagkain para sa atin dalawa. Sigurado ako na nagugutom ka rin dahil sa sobrang tagal magpadala ng makakain ang mga tao sa kusina.”
She waves her left hand, later, it was as if the table and two chairs has their own consciousness flew towards their direction and place itself neatly near them. Inilapag niya ang dalang pagkain at isa isang binuksan ang food packaging. Pagbukas palang niya sa mga iyon ay kumawala ang malakas na bango ng masasarap na pagkain.
Kumikislap ang mga mata nilang dalawa sa nakitang pagkain. Both of them were ready to fill their stomach when they found out that they lacking of cutlery to use.
“Naku, wala tayong kutsara at tinidor. Teka lang, kukuha ako sa kusina!” Mabilis na lumipad ito palabas ng bintana. Sa ilang araw na panatili rito, masasabing kabisado na ni Phyliss ang pasikot sikot dito lalo na patungo sa kusina.
Hindi nagtagal ay bumalik rin naman ito na may dalang dalawang pares ng kutsara at tinidor. Ipinasa niya ang isang kutsara at tinidor. Now’s everything is ready, they decided to this hot and steamy delicious food!
“Yes! Makakain na tayo! Wow, nandito rin `yong paborito kong sisig! Pero sayang walang mayonnaise, mas masarap kapag haluin itong sisig ng mayonnaise—blopppoo~!”
~**~
“Master, aalis ka parin ba para magtrabaho—blop?” Tanong ni Phyliss matapos nilang kumain.
Tumango si Meisha. Inilabas muna niya ang diyaryo na kakabili palang niya kanina bago nagsalita, “I’ll just grab some quick job and be back tonight. Kung hindi lang talaga kailangan dumalo sa kaarawan ng arsobispo, kukuha sana ako ng raiding sa loob ng dungeon.”
Balak kong ipagpaliban ang pagkuha ng commission ngayon dahil kailangan kong dumalo sa kaarawan ng arsobispo.”
“Ano ba ang meron sa arsobispo at gano’n na lang kahalagang idiraos ang kanyang kaarawan—blop? Puro iyon na lang ang naririnig ko sa mga customer ng tindahan ng mga alak—blop.”
Sumandig siya sa kanyang upuan at binuksan ang diyaryo. “Hindi makapagtaka iyon lalo na’t sa isang tao na marami ng naitulong sa mga mahihirap na tao. Maganda ang kanyang reputasyon.”
“Eh, mukhang mas sikat siya sa mamayan kesa sa mas nakakataas sa kanya ah.” Ipinatong nito ang ulo sa mesa matapos sabihin iyon.
Sikat? Napaisip ang dalaga nang marinig niya ang sinabi ni Phyliss.
Maliban sa arsobispo ay mayroon isang santo papa ang nakakataas nito, pero apat na taon ng patay ang santo papa at hangang ngayon ay wala parin napiling bagong santo papa. Bukod kay Arsobispo Samiel, may dalawa pang arsobispo na kandidato para maging santo papa ngunit kung ikompara ang kanilang reputasyon kesa kay Arsobispo Samiel ay medyo mahina iyon.
Mas pinili na lamang na manahimik si Meisha. It was none of her business whether that person is famous or not.
“Hm?” Tumikwas ang kanyang isang kilay nang mabasa niya ang headline ng diyaryo.
Ang headline ng diyaryo ngayon araw ay tungkol sa malakas na pagsabog sa bahay ng punong ministro. Ayon sa nakasulat ay may nagtangkang pumatay sa punong ministro. Naging mainit daw ang laban ng kalaban at ng nagproteka sa punong ministro na dahilan para masira ang bahay nito.
Siyempre hindi rin nagtagumpay ang mga ito sa balak at nahuli ng mga tauhan ng punong ministro. Ngayon ay nakakulong ang mga ito sa kulungan at interogahin.
“`Nga pala, master, gusto mo bang maghanda ng regalo para sa kaarawan ng arsobispo—blop?”
Binaba ni Meisa ang diyaryo at nilingon ito. Itinapon na lang niya sa isipan ang tungkol sa nabasang headline at nahulog sa malalim na pag-iisip.
Kailangan ko pa bang magbigay niyon? Mahinang tanong niya sa isipan.
“Balita ko grande daw `yong birthday niya at paniguradong grande din ang mga regalo ng mga taong dadalo. Anong gagawin natin—blop?”
“Hindi naman siguro kailangan material ang iregalo ko sa kanya.”
“Eh? Wala kang balak na magbigay ng regalo?”
Natatawang tiningnan niya ito. “Sinong nagsabi na wala akong ibibigay, ha? Ah, basta! Alam ko kung anong gagawin ko bukas.” Aniya saka tumayo sa kinauupuan at naglakad patungo sa pintuan.
“Master, saan ka pupunta?!—blop!”
“Lalabas. Hindi ba’t sinabi ng katulong kanina na maari akong lumabas ngayon? Halika na.”
“Wait—blop!”