Nasiyahan si Meisha na lumabas ng Crystal Fable matapos niyang kumain. Kagaya ng inaasahan niya. Masarap nga ang kanilang pagkain rito lalo na ang blossoming onion na pinagsama ang natunaw na keso, tinadtad na bacon at maang na sarsa. Nang pinagsabay niyang kainin iyon ay mahihirapan pigilan ang sarili na kumain ulit dahil sa sobrang sarap, iyon nga lang masyadong mahal. Hindi makakaya ng isang ordinaryong tao kumain rito dahil sa sobrang mahal.
Kung hindi dahil sa sinangla niya ang napalunan alahas mula pustahan niya kay Lavina at ng alipores nito, tiyak na paghuhugas ng pinggan o makukulong siya sa kulungan. Akalain mo fifty silver coins at 350 copper coins ang bayad niya sa lahat ng kinain niya roon.
Gayunman, hindi siya nakaramdam ng galit ng singilin siya ng serbidor. Simula na maisipan niya pumunta rito, inaasahan na niya na mahal talaga rito lalo na’t puro kilalang tao o mayaman lang ang kumakain rito. Hindi rin siya kuripot at sobrang kapit ng pera para `di bayaran ang kinain.
Ngayon busog na siya, naisipan niyang maglakad muna para matunaw ang maraming kinain niya kanina.
“Bilisan ninyo, ito na ang huling araw ng pagpaparehistro para sa engrandeng paligsahan! Alam mo naman na isang beses lang sa isang tatlong taon lang ito mangyayari sa lugar natin!”
Bahagyang napahinto sa paglalakad si Meisha sa narinig at bumaling sa dalawang tao na tumatakbo patungo sa kanyang direksyon nang hindi man lang tumitingin sa dinaraanan nila, kung hindi pa siya mabilis na nakaiwas ay baka mabungo siya ng mga ito.
“Ano ba, hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!” Huminto pa ito para lang singhalan siya.
Masamang tiningnan niya ito. Nang nakita nito ang masamang tingin na pinukol niya rito ay bumuka ang bibig niyo, balak yata siya nito pagalitan ulit pero bago matuloy ang balak nito ay bigla itong hinila ng kasama.
“Ano ba, halika na!”
Pero hahayaan ba niya ang lalaki na `to na basta na lang siya singhalan?
Siyempre hindi, pero gayunman, lihim na ginamitan ito ng salamangka upang madapa ito. Dahil do’n, malakas na sumalampak ito sa lupa.
Thud!
Nasiyahan sa ginawa niyang pagganti at iniwan ito na nakasalampak parin sa lupa. Iyan ang nararapat sa mga ganitong klaseng tao.
Pero bago pa siya umalis sa lugar na iyon ay biglang naalala niya ang paligsahan. Tama, sinabi ba ng kasama ng walang modo ng lalaking iyon na huling araw na para magparehistro para sa paligsahan?
Naku, kung gayun kailangan rin pala niyang magparehistro para makasali sa paligsahan. Isipin palang niya na isa ito sa paraan para maging kilala siya rito at malaman ng kanyang munting kaibigan ang tungkol sa kanya. Lihim na napatango siya sa kanyang plano.
Para hindi masayang ang oras, walang alinlangan na palihim na sinundan niya ang dalawang lalaki na tumatakbo patungo sa tanggapan ng pagrerehistro. Siste, hindi niya alam kung saan ang tanggapan ng pagrerehistro `no.
Hindi naman masyado malayo ang opisina kaya nang makarating siya roon ay nagulantang siya ng makitang napakahaba linya ng mga tao na nagpaparehistro para sumali sa paligsahan.
“Grabe! Ang sobrang haba naman ng linya! Mukhang madami ang gustong lumahok ngayon taon ah.” Reklamo ng isang babaeng salamangkera. Kung bakit alam niya na salamangkera ito, maliban sa suot nito na napaka halata ay maroon itong mahabang magic wand.
“Mas marami salamangkera sa ibang bansa na pumunta rito para sumali sa paligsahan.”
“Malamang. Narinig mo ba kung ano ang premyo ngayon sa kung sino man manalo sa paligsahan?”
“Ano?”
“Maliban sa sampung puting ginto ng barya, narinig ko na isa pang premyo ay isang mahiwagang itlog ng isang hindi kilalang nilalang.”
Mahiwagang itlog? Biglang tumikwas ang kilay niya sa narinig. Hindi sa mahilig siyang makinig sa usapan ng ibang tao ngunit nagkataon lang na malapit lang ang mga ito sa kanya kaya di niya maiwasan na marinig ang kanilang usapan.
“Ngek. Mahiwagang itlog lang? Ano bang espesyal sa itlog?”
“Anong ba yang tono ng pananalita mo? Hindi man nila alam kung anong klaseng hayop ang laman ng itlog na iyan pero narinig ko kasi na nakuha pa nila ito mula sa ika-tatlong daang palapag sa tore ng babylon! Kung nanggaling ito mula sa pinakamataas na palapag ng tore, siguradong hindi ordinaryong nilalang ang lalabas diyan sa itlog!”
Napasinghap naman ang dalawang kasama nito nang marinig nila iyon. Napapailing na lang siya sa usapan ng mga ito at itinuon ang kanyang tingin sa ibang direksyon. Mahigit isang oras din ang nakalipas at kahit paano ay nabasawan rin ng kalahati ang mga tao na nakalinya rito. Pigil na humikab siya nang nakaramdam siya ng inip rito. Ito ang problema kapag nasa sinaunang panahon, walang gaanong aliwan rito.
Para mawala ang inip, kinuha niya mula sa kanyang bag ang isang makapal na libro tungkol sa kasaysayan para magbasa. Epektibo rin naman dahil naaliw siya sa pagbabasa at tuluyan na naglaho ang inip niya. Kahit na abala siya sa pagbabasa, alerto parin siya sa kanyang paligid.
Bahagyang napahinto siya sa pagbabasa ng biglang tumahimik ang tatlong babae na nag-uusap kanina lang at hindi rin nakaligtas sa kanyang pandinig ang pagsinghap ng isa sa kanila.
Anong problema nila? Bago pa siya mag-angat ng ulo, bigla nanigas ang kanyang kamay nang naramdaman niya ang pamilyar na awra. Napakanipis na awra na iyon at kung hindi naging matalas ang pakiramdam niya, baka hindi niya mapapansin iyon.
Ramdam na ramdam niya ang lamig at puno ng karimlan sa awra na iyon. Pamilyar siya sa awra na ito, dahil si Emnos, ang celestial spirit of darkness ang tanging celestial spirit niya ang walang habas na magbigay ng sumpa sa taong `di nito gusto o kaaway.
Biglang bumilis ang t***k niya sa saya.
Nandito siya?
Agad na tumingin siya sa kapaligiran at biglang napahinto ang kanyang paningin sa isang matangkad at pamilyar na pigura.
Biglang nagkasalubong ang kanyang kilay sa nakita. Ang tao kasi na ito ay masyadong nakaagaw pansin kahit na nakatalikod ito kay Meisha at `di nakita ang mukha. Hindi lang kasi sa kasuotan nito kundi pati narin tindig nito, kaya hindi ito makapagtaka sa kanya kung maraming tao ang mapapatingin rito. Abala ito na nakikipag-usap sa matandang lalaki at base sa pananamit ng matandang lalaki ay sigurado siya na mataas ang posisyon nito dito sa tanggapan ng pagrerehistro.
Mabilis na ipinilig niya ang kanyang ulo. Eh ano naman kung nakaagaw ito ng pansin ng mga tao rito? Hindi ito ang dapat niyang pagtuonan ng pansin kundi bakit naramdaman niya ang awra ni Enmos?
Hindi siya nagkakamali. Ang awra ni Enmos ay nakadikit sa katawan ng lalaking iyon.
Hindi siya nagkakamali. Ang awra ni Enmos ay nakadikit sa katawan ng lalaking iyon.
Sa totoo lang, gusto niyang lapitan ito nang direkta at tanungin kung nasaan si Enmo ngunit bigla siyang nagdalawang isip nang maalala niya na pinapalibutan ito ng itim na awra ni Enmo. Base sa nipis ng awra na ito, nakakasiguro siya na hindi ito mataas na uri na sumpang ginamit ni Enmo. At best, kinagat lang ni Enmo ang taong ito sa inis. Tama, hindi ordinary ang kagat ni Enmo. Kung sino man ang nakatanggap ng kagat nito ay mamalasin,er, depende sa lalim ng sumpa binigay nito.
Isipin palang niya iyon ay bigla nanlamig siya. Nasubukan na kasi siya nito kinagat noong una pa niya itong tinawag at hindi rin kadali na makumbinsi ito na bumuo ng kontrata sa kanya noon. Ito rin ang dahilan kaya pamilyar sa kanya ang awra na nakapalibot sa lalaki na ito. At tungkol naman sa lalaking ito, kailangan niyang maging maingat at imbestigahin.
Sa ilang sandali, hindi alam ni Meisha kung masyado bang mainit ang titig niya rito kesa sa ibang tao dahil bigla na lang luminga ito sa likod at nagtagpo ang kanilang mga mata.
Biglang sumikdo ang dibdib niya at nanlaki ang kanyang mga mata na makita ang hitsura ng lalaki. Sa takot, mabilis na nagbaba siya ng tingin. Anak ng tokwa `to, kaya pala pakiramdam ko pamilyar siya sa akin eh! Anong ginagawa ng punong ministro dito!?
Makita palang niya ang hitsura nito, bigla siyang nakaramdam ng pagkataranta. Hindi dahil kagaya ng ibang babae na nakakita ng crush niya dahil sa pagkabigla.
Sa kabila ng inilalarawan ito ng mga tao bilang henyo, makapangyarihan at maimpluwensiya—higit sa lahat maganda pakikisama. Gayunpaman, kung ikaw mismo ang makaharap nito ng personal, siguradong hindi iyon ang unang lalabas sa isipan kundi mapanlinlang lalo na’t ang ngiti nito.
Naku, nakilala ba niya ako? Lihim na kinagat niya ang kanyang ibabang labi nang isipin niya iyon. Ayan tuloy bigla siyang nakaramdam ng pagsisi. Dapat sana binago na lang niya ang kanyang hitsura bago lumabas mula sa bahay-panuluyan.
Kung noon, wala siyang pakialam na makita siya ni Lavina dahil malakas ang kumpiyansa niya na mauuto niya ito, pero sa taong kagaya ni Lansford. Biglang nag-alinlangan siya. Iba si Lansford kay Lavina.
Matalinong tao ito, dahil kung hindi ba’t naging punong ministro ito sa batang edad?
Isa pa, kahit na hindi siya takot sa taong ito, meron parin parin maliit na boses sa isipan niya na sinasabing hindi ito simple. Kahit na sumagi sa isipan niya iyon ngayon, di parin maiiwasan na makakaharap niya ito lalo na’t mukhang nasa kamay nito si Enmo.
Ngayong may clue na siya kung nasan si Enmo, medyo gumaan ang loob niya.
Magaling, makikita ko ulit si Enmo! Sana walang masamang mangyari sa kanya dahil kung hindi—Biglang dumilim ang mukha ng isipin iyon.
Medyo matagal tagal rin bago nag-angat ng ulo si Meisha dahil naramdaman parin kasi niya nakatuon sa kanya ang titig nito.
“Inday, nakita mo ba ang nakikita ko?” Biglang nagsalita ang babae na katabi niya.
“OMG, ang gwapo talaga ng lalaking iyan. Isang tingin palang hulog na ang panty—este puso ko sa kanya. Ako ba ang tinitingnan niya?”
“Hindi ah, malamang ako. Ako lang naman ang maganda kesa sa atin tatlo `no!”
“Awww…umalis na siya. Sino kaya siya?”
“Naku, hindi siguro kayo tagarito `no?” Biglang sumabat ang isang lalaki s ausapan ng tatlong babae kanina…
Napabuga siya ng hininga. Do’n lang din siya sa mga oras na iyon nag-angat ng ulo nang marinig niyang umalis na ito. Nakita niya ang papalayong likod nito. Sa ngayon, hindi siya nagmamadali na hanapin si Enmo ngayong alam niya kung sino ang susi para magkita ulit sila ng kanyang celestial spirit. Maaring puntahan niya ito mismo sa bahay para kausapin ng masinsinan.
~**~
Gabi na niyon nang makarating siya sa bahay ng punong ministro. Pagkatapos kasi niya magprehistro kaninang hapon, hindi siya dumiretso pumunta sa bahay nito. Isa pa, tiyak na hindi pa ito umuuwi sa bahay dahil meron pa itong inaasikasong trabaho lalo na’t narinig usapan ng mga kawani sa tanggapan ng pagrerehistro. Ayon sa narinig ni Meisha, isa daw sa pinakamalaking sponsor itong si Lansford.
Hinintay niya na maghatinggabi upang isagawa ang balak niya. Huwag ng tanungin kung bakita kailangan sa hatinggabi pa dahil gusto niya ang oras na iyon para kausapin ito.
Isa pa, halos tulog na ang lahat ng mga tao sa mga oras na iyon.
Habang naghihintay sa lalaki, nagkubli lang siya sa malaking puno na nasa harap ng malaking mansyon ng punong ministro at hindi niya kinalimutan na magbalatkayo para `di makita ng mga tao.
~*~
Mas maganda sa hatinggabi niya gawin ang kanyang balak. Isa pa, hindi niya, alam kung ano ang reaksyon ng lalaking iyon kapag tinanong niya tungkol sa celestial spirit.
Base na rin sa intuwisyon ni Meisha, those two were not in good relations if Enmo bit that guy. Kaya mas makakabuti na ganitong oras niya kausapin ito dahil halos tulog lahat ang mga tao.
Mukhang matagal-tagal pa ang uwi nito, kung pumasok kaya siya sa bahay muna at do’n na lang maghintay?
Kumapit siya sa sangay at sinulyapan ang malaking mansyon. Walang anuman na hinimulmulan niya ang ilang dahon sa puno at hinipan iyon. Hinayaan niyang liparin ang mga dahon patungo sa malaking bahay ngunit bago pa iyon lumagpas sa bakod ay biglang nasunog iyon at tuluyan na naging abo.
As expected, mayroon itong harang na nakapalibot sa bahay.
Biglang nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Gayunman, hindi naman iyon hadlang para makapasok sa loob.
Ilang sandali, nag-anyo siyang lumilipad na ardilya. Bago tumungo sa loob, hindi niya nakalimutan na gumamit ng salamangka. Mayroon kakayahan ang salamangka na ito na tumagos sa harang na hindi ma-alarma ang mga tao rito.
Pagkatapos niyon, palihim na lumipad siya patungo sa loob ng hindi man lang napapansin ng mga tagabantay sa paligid. Nang sa wakas nakapasok siya ay mabilis tumungo sa malaking puno at nang may nakita siyang maliit na butas roon ay doon muna siya nagtago at naghintay na sumapit ng gabi.
Ipinikit muna niya ang kanyang mga mata para umidlip lang sandali.
Maya’t maya, di pa nga siya gano’n katagal na nakatulog ay biglang napaigik siya bigla ng may kung anong bagay na tumama sa kanyang mukha.
“Squiickk!”
Oomph!
Aray. Biglang dumilat siya at matalim na tiningnan niya ang direksyon kung saan nanggaling ang ingay. Bago pa niya matingnan ng maigi kung anong nilalang bumato sa kanya, natamaan na naman siya nito. Nang sinulyapan niya ang bagay na tumama kay Meisha ay bigla namilog ang kanyang mga mata ng makita isa pala iyon acor at nang ilipat niya ang paningin roon sa nilalang na bumato, doon lang niya napagtanto na isa pala iyon ardilya.
Hindi siguro ito nasiyahan na makita siya sa bahay nito. Naintindihan niya ang naramdaman nito, sino ba naman gustong makita ang isang estranghero na bigla na lang pumasok sa bahay na walang permiso?
Gayunman, kahit na naintindihan niya iyon, hindi parin nagustuhan ni Meisha ang ginawa nito kaya naman bilang ganti ay binato niya ito ng acorn ng ilang beses.
Lahat ng nahahawakan niya ay binato niya iyon rito.
“Squickckk!” Daing nito.
“Sa susunod na batuhin mo ako, hindi lang iyan ang matitikman mo. Wala akong balak na nakawin ang bahay at pagkain mo.”
Hindi niya alam kung naintindihan ba nito `yong sinabi ni Meisha o natakot dahil bigla na lang ito nanahimik.
Tiningnan niya ito ng maigi, baka kasi aatakehin na naman siya. Nang makasiguro na wala na itong balak na atakehin siya, pinikit muna niya ang kanyang mga mata.
Subalit, bago pa niya magawa iyon bigla na lang ulit ito kumilos at lumapit sa kanya.
Biglang naging alerto siya. Masyado mabilis ang nangyari kaya bago pa siya makakilos ulit ay bigla na lang siya nito niyakap at kiniskis ang katawan sa kanya.
Anong problema ng ardilya na ito?!
Medyo naguguluhan siya at hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan nito. Pagkatapos siya nito niyakap, nilikom nito ang lahat ng acorn na pinitas nito noon at saka ibinigay sa kanya at saka kiniskis nito ang katawan ulit sa kanya.
Hindi niya ikakaila na cute ito pero sa mga oras na iyon ay biglang dumilim ang kanyang mukha ng makita ang kilos nito.
Hindi man siya eksperto sa mga hayop pero alam niya kung anong ginagawa nito.
Akala ba nito na nakahanap na ito ng magiging kabiyak?!
Hindi siya totoong ardilya kaya hindi niya matatanggap ang panliligaw nito sa kanya!
“Squeeck~"