Chapter 34 Hayop ka, Tao ako

2192 Words
Akala pa naman niya nakahanap ng magandang pagtataguan habang naghihintay sa punong ministro pero mukhang kailangan na niyang umalis rito sa butas ng punong ito. Paglabas niya ay tumalon siya mula sa puno at binuka ang braso para dumadausdos patungo sa ibang sangay ng puno. Nang napansin niya na nakabukas ang bintana ay hindi siya nagdalawang isip na pumasok ro’n. Bago pa siya nakapasok sa loob ng bahay ay narinig pa niya ang pagtawag ng ardilya sa kanya. Gayunman, hindi pinansin ni Meisha ito. Sorry buddy, we’re not meant for each other. Humanap ka na lang ng kalahi mo. Huminga siya ng maluwag ng makitang hindi ito sumunod ng makita nito na pumasok siya sa loob. Naglakad sa pasilyo at nang may narinig siyang yabag mula sa kabilang pasilyo. Napatingin siya kapaligiran at nang mahagip ng kanyang paningin ang balute ng kabalyero na nakatayo sa gilid ng pasilyo ay mabilis na gumapang siya at pumasok sa loob. Nakahinga siya ng maluwag nang makita niya ang dalawang katulong dinaanan lang ng mga ito ang balute kung saan siya nagtatago. Bago pa tuluyan na makalayo ang mga ito, bigla narinig niya ang usapan ng mga ito. “Pambihira naman, ba’t naman kasi kabalastugan ang babaeng iyon, ayan tuloy sinibak siya sa kanyang trabaho. Ngayon wala na siya, ako ngayon ang sumalo sa lahat ng trabaho niya habang naghahanap pa ang mayordomo na pamalit sa kanya.” “Desperada kasi.” “Oo nga, at boba rin. Pinagsabihan na huwag gawin dahil ang pinakaayaw pa naman ng amo natin ay ang mga ganyan klaseng babae. Akala ba niya na gano’n siya kaganda at malaki ang kumpiyansa na maakit nito ang amo natin? Hindi man lang niya tingnan ang sarili kung may capital siya na makuha ang atensyon ng punong ministro, kahit nga `yong mga babae na nagmula pa sa aristokrato at maharlikang pamilya ay tinanggihan ng punong ministro, ano pa kaya siya?” Sabi nito. “Oo na, tara nga. Tapos na natin ayusin iyong kwarto ni Ginoong Lansford at meron pa tayong naiwan na gamit sa silid labahan. Kapag nagtagal hindi pa natin makuha ay lagot tayo sa mayordomo.” Napapailing na lamang si Meisha nang marinig ang usapan ng mga ito. Kahit saan siya pumunta ang may mga ganito talagang mga tao. Pero teka, sinabi ba ng mga ito na inayos ng mga ito ang silid ng lalaking `yon? Biglang kumislap ang mga mata niya. Ibig bang sabihin niyon ay malapit lang rito ang kwarto nito? Tinaas ni Meisha ang takip ng salakot ng balute at lumabas mula roon. Tiningnan niya ang direksyon kung saan nanggaling kanina ang mga katulong. Tumakbo siya roon at lumiko sa kaliwang pasilyo. Masyadong mahaba ang pasilyo na ito at ilang silid na narito. Hindi niya alam kung alin sa mga ito ang kwarto ni Lansford kaya iniisa niya binuksan iyon hangang sa wakas nahanap na niya ang kwarto na ito. Pumasok siya at marahan na sinara ang pintuan at inilibot ang paningin sa paligid. Bahagyang kumunot ang noo niya. Simple man tingnan ang silid na ito, pero kung titingnan maigi ay makikita na ang mga kagamitan rito ay `di simple. Pero ang `di niya inaasahan na pinili nito ang maitim na tema para interior design ng kwarto nito. Malayo sa imahe na pinapakita nito. Gayunman, dapat inasahan na niya iyon lalo na’t batid na hindi ito simple kagaya ng pinapakita nito. Teka, ba’t tinitingnan niya ang kwarto nito? Hindi siya nandito para apresyahin ang silid nito kundi para kay Enmo! Pinilig niya ang kanyang ulo tas tumungo sa canopy bed. Dinaklot niya ang kurtina at umakyat patungo sa itaas ng canopy bed. Sa ngayon, mas makakabuti na panatilihin muna niya ang kanyang anyo. ~**~ “Kung tama ang report na natanggap natin mula sa adventurer’s guild. Kailangan natin kumilos at dakpin ang utak ng pagawaan ng timu.” “Wala parin bang balita mula sa departmento ng pagsisiyasat?” “Nagpadala na sila kaninang umaga patungo sa piitan ng whispering catacomb kung nasaan ang sinasabing pabrika, habang ang mga tao na sangkot sa insidente na ito ay kasalukuyang nasa interogasyon parin.” “Totoo ba talaga na mayroon masamang epekto kapag ginamit ang timu na ito. Paano kung hindi naman totoo itong report na ibigay ng isang rank d na adventurer?” “Siguro meron nga, tingnan mo nga ang nangyayari sa kaharian natin, parati na lang nagkakaroon ng sakuna at abnormalidad ng panahon. Baka `yong mga taong may pag-aari ng isang bukirin ginagamit iyon para sa pansariling interes!” “May pinaparinggan ka ba?” “Wala akong binanggit na pangalan. Ba’t apektado ka?” PANG! “Tumahimik!” Biglang nagsitahimik ang mga opisiyal at umayos sa pagkaupo ng marinig nila ang boses ng hari. “Ang ingay ninyo. Kung meron talaga masamang epekto ang timu na ito ayon sa ulat, malalaman natin iyan,” Luminga ito sa kaliwang bahagi bago binuka ang bibig, “Ministro ng Hustisya, ipagkakatiwala ko ang kaso na ito at sana huwag mo akong biguin.” Tumayo ang Ministro ng Hustisya at yumuko sa direksyon ng hari ng rethem, “Huwag po kayong mag-aalala, kamahalan, hindi ko kayo bibiguin.” “Kung gano’n, aasahan ko iyan,” Inalis nito ang tingin sa ibang ministro, “Hangang dito muna ang ating pagpupulong. Makakaalis na kayo.” Pagkatapos niyon ay tumayo na ito at iniwan sila sa silid. Nagsitayuan naman ang lahat at nagsialisan. ~**~ Nang makita ng Ministro ng Hustisya na nagsialisan na ang iba niyang kasama matapos ang kanilang pagpulong. Napabuga siya siya ng malalim na hininga. Makikita sa hitsura niya ang pagod. Marami na siyang nakatambak na trabaho tas dinagdagan pa ni Kamahalan. Simula ng nakatanggap sila ng ulat sa insidente tungkol sa pagawaan ng timu at tungkol sa masamang epekto kapag parating ginagamit, biglang naalarma ang mga nakakataas. Sa totoo lang, hindi sa wala silang nalalaman tungkol sa timu. Ang totoo niyan, sa mga nakakataas rito na may pag-aari ng bukirin, hindi ito sikreto. Hindi rin ito sana malaking issue kung hindi lang talaga insidente ngayon. Hindi ba’t isa lamang itong mahiwagang bagay na may kakayahan manipulahin ang panahon? Malaki ang maitutulong nito sa mga magsasaka lalo kapag panahon ng tag-araw. Kahit na minsan iba sa kanila ay napaisip kung pano ito ginawa at saan ang pagawaan nito ngunit hangang doon lang iyon. Para sa kanila, kahit na nababalot ng mysteryo ang aytem na ito, hindi ito malaking problema kung gagamitin. Subalit, iba ngayon, lalo na’t may isang adventurer na nakadiskubre sa pagawaan ng timu at ang nakakahindik na ginawa ng mga ito. Maliban do’n, nadiskubre rin ng taong iyon at ng kasama ang higit na isang daan katao na nakakulong at nasa kawawang kalagayan. Sa ngayon, maliban sa impormasyon na kinukunan ang biktima ng lakas hangang sa matuyo ang mga ito at kahit na hindi pa alam ng Ministro ng Hustisya kung bakit ginawa ng mga halang na kaluluwa ang gano’n, sigurado siya na hindi iyon maganda at may kinalaman iyon sa timu. Dahil narin sa insidente na ito, kinakailangan nila gumawa ng panukalang-batas sa insidente na ito. At sa lalong madaling panahon, kinakailangan mahanap ang utak na nasa likod ng pagawaan ng timu at mahuli ito upang hindi na mas malala ang pangyayari na ito. Napabuntong hininga siya. Inayos muna niya ang kanyang gamit bago tumayo at lumabas na nang silid. Pabalik ng opisina, napadaan siya sa harden kung saan konektado lang sa gusali kung saan siya nagtatrabaho. Bahagyang natigilan siya nang makita niya ang hari na nakatayo sa ilalim ng puno at sa harap nito. Nakatuon ang atensyon ng hari sa magandang babae na nasa harap nito. Saglit man niya nakita ang hitsura ng babae, agad din naman niya nakilala ang babaeng iyon. Ito lang naman ang pangalawang asawa ng hari, si reyna aria. Ina ito ng nag-iisang prinsesa ng kanilang kaharian. Base sa narinig niya sa usapan ng kanyang kasamahan, matindi daw ang tama nito sa babaeng ito at kahit nag-iisa lang ang anak nito at babae pa, nahuhumaling parin ang hari rito. Ito rin babae na ito ang dahilan kaya `di gaanong tumitingin ito sa iba. Ewan ba niya kung ba’t hangang ngayon sobrang kapit nito kay kamahalan. Napapailing na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Pagdating niya sa kanyang opisina, biglang lumapit sa kanya ang isang kawani. “Ano na?” “Tapos na namin magpadala ng imbestigador sa piitan ng whispering catacomb at sa bue field village na kung saan matatagpuan malapit sa piitan. Si Biskonde Mikael Yuen ang namumuno sa imbestigasyon doon.” Napatango siya, “Kung gano’n, mabuti. Oo nga pala, magpadala ka ng mensahe sa kanila na kailangan nilang magsiyat ng tahimik upang hind imaging alerto si Baron Sicat. Sa tingin ko, may kinalaman siya rito.” Biglang nagtaka ang binata sa sinabi ng ministro, “Pano mo naman nasabi iyan, Biskonde Macasaet?” “Narinig mo naman siguro na maraming mga tao na sumubok na magsumbong tungkol sa pamaraan ng pagpatakbo nito sa teritoryo na ito. Isa pa, nabalitaan ko noon na parati nakaranas ng abnormalidad sa lugar niya at sa lapit lang ng bayan na iyon sa piitan, hangal lang ang hindi makakaisip na wala itong koneksyon roon.” “Ahh,” Napatango ito sa narinig nitong sagot ng ministro at saka nagsalita, “Oo nga pala, Biskonde, `yong pinapagawa mo sa`kin na gusto mo makita `yong adventurer na nakadiskubre ng pabrika at sa mga biktima noon. Ikalulungkot ko sabihin na tumanggi ito.” “Huh?” Biglang napatigil sa pag-upo ang ministro sa narinig. “Ayon kasi ng resepsyonista roon, hindi nito gusto makipagkita tas kung may gusto daw tayo itanong rito o kailangan, maari daw na ang resepsyonista mula sa adventurer’s guild ang kausapin natin.” Napabuntong hininga siya sa narinig. Ano pa ba ang magagawa niya? Naputol ang kanilang pag-uusap ng marinig nilang may kumakatok sa pintuan. “Sino iyan?” “Biskonde Macasaet, nandito po si Punong Ministro para kausapin ka.” Biglang siyang natigalan nang marinig nito ang salitang ‘punong ministro’. Tinaas niya ang kanyang kamay ay sinimulan masahiin ang kanyang sentido bago pinapasok ang mga ito. “Ano na naman ang pinunta rito, Landsford!?” May bahid na inis sa boses niya ng hinarap niya ang lalaki na nakatayo lamang malapit sa pintuan. Isinawalang bahala niya ang kanyang ugali ng harapin niya ang punong ministro. Kaya malakas ang loob niya na gawin `to, hindi dahil sa mas bata ito sa kanya ng sampung taon kundi dahil matagal na sila magkakilala. Alam niya ang ugali nito. “Biskonde Macasaaeet! Mukhang hindi ka abala ngayon ah! Tamang tama, nandito na ang dokumento na pinapabigay sa`yo ni kamahalan!” Dumilim ang mukha niya ng marinig iyon, “Anong pinapabigay mula sa kamahalan! Baka gusto mong sabihin na gusto mo na naman ako tambakan ng trabaho! Naku, ibigay mo iyan sa iba at huwag sa akin!” “Ano ka ba, Biskonde Macasaet,” Isang kisapmata, lumitaw ito sa harap niya at naupo ito sa espasyo upuan na malapit rito, “Importante talaga ito kaya tingnan mo. Isa pa, tungkol ito sa nalalapit na paligsahan. Hindi ba’t isa ka sa sponsor nitong paligsahan? Ba’t hindi mo tingnan ang dokumento na na naglalaman ng listahan ng lumalahok nito? Baka may makita kang potensyal na kandidato para magtatrabho sa deparmento mo.” “Ito lang ba ang pinunta mo rito? Nakikita mo mayroon pa akong inaasikaso!” Kahit na naiinis siya sa ugalit nito, tinanggap parin niya ang dokumento at umatras palayo sa lalaki. “Inaasikaso? Alin?” Biglang pinakialaman nito ang dokumento sa mesa. “Timu? Whispering of Catacombs?” “Ang saya siguro ng walang ginagawa `no, punong ministro?” Kinuha ni Biskonde Macasaet ang dokumento na hawak nito. “Nasaan ka ba kanina? Kahit na walang sinabi si Kamahalan tungkol sa hindi mo pagdalo sa pulong kanina, `di ibig sabihin niyon na hindi nasisiyahan ito. “Huwag mo kailangan mag-alala, Biskonde, alam ko ang ginagawa ko. Isa pa, binigyan niya ako ng permiso na hindi pumasok sa trabaho ngayon araw.” “Kung gayun wala ka naman palang pasok, umalis ka na. Iniistorbo mo ako sa trabaho ko!” “Tsk, huminahon ka nga. Aalis na ako, masyadong ka naman mainitin ang ulo,” pagkuway ay tumayo na ito at naglakad patungo sa pintuan. “Oo nga pala, papagabi na, mas makakabuti na sumabay ka na lang sa akin na umuwi.” ~**~ Biglang dumilat si Meisha nang biglang narinig niya ang lagitik nang bumukas ang pintuan. May tao! Bigla siyang bumangon sa kinahigaan. Mabuti na lang at pinanatili niya ang pagbalat anyong ardilya dahil kung hindi ay baka mahuli siya. Nandito siya sa ibabaw ng canopy, kaya imposible na makikita siya maliban na lang masyadong matalas ang pakiramdam ng taong ito. Sumilip siya sa ibaba at nakita na ang taong pumasok sa silid ay si Lansford. “Dadalhin po ba rito ang pagkain mo, punong ministro?” “Oo.” Narinig pa niyang sagot ng binata sa matandang lalaki bago sinara ulit ang pintuan. Napakislot siya ng makitang bigla itong tumigil. Sa takot na makita siya, mabilis na umatras siya sa pinagtaguan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD