Masyado pang maaga na bumalik sa bahay-panuluyan kaya naman nadesisyon siya na mamasiyal muna. Tamang-tama rin naman na medyo nagugutom siya. Masyado siyang abala nitong nakaraang lingo sa kanyang misyon, kadalasan na kinakain niya ay pinatuyong karne o simpleng sopas lang at matagal narin `di siya nakakain ng masarap ng pagkain rito.
Hay naku, gayung kakasimula palang niya isagawa ang kanyang plano na maging kilalang adventurer upang mahanap ang kanyang celestial spirit at katatapos lang din ng kanyang trabaho, siguro naman nararapat lang sa kanyan na magsaya ngayon lalo na’t hindi na niya kailangan mag-alala ngayong hindi siya si Meisha Yuen ngayon kundi Meicha Wistra.
Huminto siya sa harap ng pinaka-kilalang kainan rito sa lungsod ng imperyal. Nagkataon kasi na narinig niya ang usapan ng mga adventurer doon sa guild tungkol dito. Kahit na mahal ang pagkain rito, sulit daw dahil masarap ang hinahain nilang pagkain at maganda din ang serbisyo. Narinig din niya na marami daw kilalang tao na pabalik-balik rito para kumain dahil sa masarap na pagkain.
Whatever.
“Maligayang pagdating, Binibini, kakain po ba kayo rito?”
Masayang salubong sa kanya ng tagapagsilbi rito sa crystal fable. Tumango siya rito. Pagkuway ay dinala siya sa pribadong silid sa ikalawang palapag. Subalit, masiyado yata makitid ang daan at sa pag-akyat palang niya sa hagdan ay nakasalubong niya si Lavina at ang alipores nito.
“Ikaw!” Biglang bulalas nito ng makita siya. Biglang umangat ang isang kilay niya sa reaksyon nito. Hindi pinagkaabalahan ni Meisha na palitan ang kanyang anyo kaya naman normal lang ang reaksyon nito ng makita ang kanyang mukha.
Gayunman, hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad at nilagpasan ang mga ito. Subalit, bago pa siya makalayo rito ay biglang hinaklit nito ang kanyang braso.
“Anong ginagawa mo rito, Meisha?!”
Nagkasalubong ang kanyang kilay ng naramdaman niya nang mas lalong humigpit ang pagkahawak nito sa kanyang braso.
“Meisha? Nagkakamali ka, Binibini, hindi Meisha ang pangalan ko. Kaya kung maari lang bitiwan mo ako?”
“Imposible! Baguhin mo man ang kulay ng buhok mo para itago mo ang iyong puting buhok at mata ay hindi mo ako maloloko! Saan ka galing, ha?” Galit na tanong nito sa kanya. Due to the humiliation and suffered a few times in the hands of Meisha
~**~
Masama parin ang loob ni Lavina hangang ngayon dahil sa pagkatalo sa pustahan niya kay Meisha. Kelan ba siya nakaranas ng kahihiyan lalo na’t mula sa kamay ng babaeng kinamumuhian niya?
Ang malas pa, ilang araw ang nakalipas matapos ang kanilang pustahan. Nalaman ito ng kanyang ina lalo na ang pinusta niya ang kanyang paboritong alahas. Ang mas malala pa niyon sinabi sa kanya ng kanyang ina na nakatanggap ito ng balita mula sa pawnshop na ang kanyang alahas na pinusta ay sinangla ni Meisha do’n!
Hindi na makapagtaka na galit na galit ang kanyang ina, kahit siya nang malaman ang tungkol do’n ay biglang sumiklab ang galit niya rito. Gusto niya komprontahin si Meisha ngunit pinigilan siya ng kanyang ina. Tinanong niya ito kung bakit pero ang sagot? Huwag daw siya lumikha ng ingay. Kapag daw nalaman ito ng kanyang ama at lolo ay siguradong magagalit ang mga ito at `yon ang kinatatakutan ng kanyang ina. Ayaw kasi nito na masira ang magandang imahe nito sa harap ni ama at ni lolo.
No’ng una akala niya ito sermon lang ang matatanggap niya mula sa ina. Subalit, bigla na lang siya nito pinatawan ng parusa na kinakailangan manatili sa kanyang silid at hindi siya maaring lumabas ng isang linggo.
Nung una ay gusto niyang tumutol sa desisyon nito, ngunit nang makita niya ang ekspresyon ng kanyang ina ay biglang itinikom ang bibig niya sa takot na baka mas malala pa ang parusa ang matatanggap niya.
Isang linggo na ang nakalipas, nang makalabas na siya sa kanyang silid ay ang una niyang ginawa ay sugurin si Meisha para ibuntong ang inis at galit niya rito. Ngunit nakita niyang wala ito sa loob.
Wala! Nasaan na?! Mas lalong sumama ang loob niya.
Gusto niya magtanong sa katulong kung nasaan ito ngunit bigla niyang naalala na wala palang katulong na nagsisilbi rito. Gayunman, hindi parin imposible na wala siyang mapagtanungan. Tumungo siya sa pangunahing kusina. Sigurado siya na may alam ito lalo na’t may magdadala ng pagkain sa babaeng iyon.
Subalit, bigo parin siya. Kahit ang mga katulong rito sa kusina ay hindi rin alam ng mga ito kung saan si Meisha!
Napupuyos na bumalik ulit siya sa silid ni Meisha. Kung wala ito, paano niya kukunin ang pera na nakuha nito sa pagsangla ng alahas niya?
Patuloy lang siyang palakad-lakad sa loob ng silid hangang sa napahinto siya nang biglang may napansin siya rito.
Masiyadong maamog rito lalo na’t ang kama na para bang matagal ng hindi ito natutulugan. Biglang nagsimulang kutuban si Lavina. Para makasiguro na tama ang kutob niya, natungo siya sa aparador at nakita nando’n parin naman ang lumang damit nito. Huwag ng itanong kung bakit sigurado siya na walang nabawasan dahil bihira lang ito magkaroon ng damit at puro luma pa.
Nakahinga siya ng maluwag. Mali pala ang hinala niya kanina. Imposible na lilisanin nito ang bahay dahil kapag nangyari iyon eh di sana ginawa na nito iyon noon pa man. Subalit bigla siyang huminto sa pagsara ng aparador ng napansin niya ang maliit na altar na medyo nakabukas.
Lumapit siya roon at nakitang wala do’n ang garapon na naglalaman ng abo na ng namayapang ina ni Meisha.
Doon lang na kumpirma na tama talaga ang kutob niya kanina!
Umalis ito!
Oo nga naman, siyempre lalayas ito ngayong meron na itong pera! Kaya pala sinangla nito ang alahas niya at ng kanyang kaibigan ay para may mapaggamitan ito sa pag-alis nito sa bahay!
Gayunman, isang ngiti ang sumilay sa namumula niyang labi. Asar man siya na hindi niya makuha ang pera rito pero natutuwa siya na umalis na ito sa bahay at sana hindi na ito babalik pa. Sa wakas, wala na ang kasumpa-sumpang babae na iyon! Hindi na niya makikita ang taong nagbigay sa kanya at ng kanyang pamilya ng kahihiyan. Dapat ginawa na niya ito simula palang! Siyempre, wala siyang balak na ipaalam sa kanyang magulang ang tungkol sa paglayas ni Meisha.
Ngayong wala na ito, nararapat lang na ipagdiwang niya iyon. Kaya naman kinabukasan, inimbitahan niya ang kanyang kaibigan na kumain sa Crystal Fable para kumain. Matagal narin hindi niya nakikita ang mga ito.
Ang araw na ito ay dapat masayang araw sa kanya ngunit sino mag-aakala na makakasalubong niya si Meisha rito?
“Imposible!” Sigaw niya.
“Binibini,” Marahas na pumiksi ito bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Paano aging imposible? Walang imposible sa mundong ito, Binibini, sa dami ng tao sa mundong ito, sigurado ka na wala ni isa sa kanila ang magkahawig? Tingnan mo nga ako ng mabuti, ako ba talaga ang tao na kilala mo?”
Nainis man si Lavina ay ginawa parin naman niya ang sinabi nito. Tinitigan niya ito pero napansin na maliban sa kamukha nito si Meisha pero iba ang kulay ng mata nito. Siguro nga sa panahon ngayon ay maaring baguhin ang kulay ng buhok pero ang mata ay imposible—maliban na lang kung gumamit ito ng mahika pero sa pagkaalam niya ay imposible na magawa iyon ni Meisha dahil hindi ito marunong ng salamangka!
Bahagyang nakakunot ang noo niya sa pagtataka. Posible kaya na mali siya?
~**~
Pagkatapos niyon, nasiyahan si Meisha na iniwan na nahulog sa malalim na pag-iisip si Lavina. Pagpasok niya sa loob ng pribadong silid ay inabot niya ang talaan ng putahe mula sa serbidor nang ibigay nito iyon sa kanya.
Bago niya tingnan ang talaan ay tinanong muna niya kung ano ang signature dish nila at iyon na lang ang in-order niyang pagkain.