Chapter 31.1 Mana Extraction (1)

2660 Words
Bang! Boom! Sa ilang minuto na ang nakalipas ay mas tumindi ang kanilang laban. Gayunman, nakatadhana parin ang laban na ito na magkaroon ng panalo. Lihim na napabuga siya ng hangin nang makita niya ang necromancer na nakahandusay sa sahig at duguan. Matagal narin no’ng huling lumaban siya ng ganitong katindi. Sa kabila na bumalik `yong kapangyarihan niya, hindi parin kaya ng kanyang katawan ngayon ang ganitong laban. Nagbaba siya ng ulo at tiningnan ang nanginginig niyang kamay. Bumuntong hininga siya. Inaasahan na niya na mangyayari ito. Ipinanganak siyang mahina ang katawan. Isa ito sa dahilan kaya walang pigil na tumagas ang kanyang mana sa katawan. Kahit na inalagaan niya ang kanyang katawan nitong nakaraang buwan, hindi parin iyon sapat para maabot niya ang kanyang perpektong malusog na katawan. Kinakailangan parin niya ng oras at karanasan para umangkop itong bagong katawan iya sa laban dahil kapag hindi siya mag-iingat sa paggamit ng kanyang lakas, panigurado na makakaranas siya ng side effect. Kagaya ngayon, sa pagkakataong ito ay side effect lang niya ay paninigas ng kanyang kamay, sa susunod ay baka mas matindi pa ang side effect ang mararanasan niya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago naglakad patungo sa nakahandusay na katawan ng necromancer. Huminto siya katabi lang rito at tinulak ito para tumihaya gamit ang kanyang paa. Biglang nagsalita ito sa mahina at paos nitong boses ng makita si Meisha, “Ba’t hindi mo na ako tapusin ngayon mismo?” “Buhay ka pa pala,” Hindi niya pinagkaabalahan na sagutin ito. Matapos niyang sabihin iyon ay bumaling siya kay Phyliss na lumipad patungo sa kanya. “Phyliss, ikaw na ang bahala rito. Itali mo ang taong `to at siguraduhin mong hindi ito mamatay ng basta basta lang. Isusuko natin iyan sa awtoridad.” Pagkuway ay iniwan na niya ang nakahandusay na necromancer at naglakad patungo sa malaking pintuan. Akmang bubuksan niya iyon ngunit hindi natuloy ng nakaramdam na naman siya ng pagkamanhid sa kamay at braso niya. Pagatapos ng iba niyang kasama na resolbahin ang mga halimaw kanina ay tumungo sila sa direksyon ni Meisha. Hinayaan niya na buksan nina Vito at Barrette ang malaking pintuan na walang kahirap-hirap. Kasabay ng pagbuksan nila ay awtomatikong sumindi ang ilaw sa loob at lumantad sa kanila ang maraming kulungan at maririnig pa nila ang ungol na nagmumula pa sa loob niyon at ang iba naman ay mahinang humihingi ng saklolo. “Huwag na kayong mag-aksaya ng oras at hanapin na natin si Benjamin rito,” Sabi niya. Tumango naman ang iba at dahil masyadong malaki ang lugar rito ay naghiwalay sila sa paghahanap. Nagsimulang naglakad si Meisha at bigla siyang napahinto sa harap ng unang silda nang may narinig siyang ungol at inabot niya ang sulo na nakakabit sa gilid. Kailangan pa niyang higpitan ang pagkahawak ng sulo sapagkat namamanhid parin `yong kamay at ayaw niyang mahulog iyon. Tinuon niya sa loob ng silda ang sulo at nang magkaroon ng liwanag sa loob ng silda ay lumantad sa paningin niya ang isang tao na parang kalansay dahil sa sobrang payat. Mayroon nakakabit sa katawan nito na parang tubo. Hindi nagdalawang isip si Meisha na buksan ang pintuan ng silda sa pamamagitan ng mahika dahil sa kuryusidad. Halata na nahihirapan na ito ngunit hindi siya padalus-dalos na alisin ang mga tubo na nakakabit sa katawan nito. Sinuri muna niya ito at `laking sopresa niya nang nalaman niya na ang silbi ng tubo na nasa katawan ng taong `to. Kinukuha ng mga ito ang lakas ng isang tao! Pigil na mapamura si Meisha sa nadiskubre. Hindi pa nakuntinto ang mga ito na gumawa ng bagay na makakasira sa kalikasan, pati ba naman mga tao ay hindi nila pinakawalan! Hindi niya alam kung gaano karami ng tao ang namatay sa kamay ng mga ito pero ito lang ang tanging alam niya, kailangan na magtigil ang kanilang kasamaan. Kaya naisip ni Meisha `to, hindi dahil mabuting samaritano siya kundi dahil kinamumuhian niya ang mga ganitong mga tao. Para lang sa pang sariling kita ay hindi sila mangimi na pumatay ng tao. Isipin palang niya ang mga ito ay biglang gunitain niya ang ilang eksena ng dati niyang buhay. ‘Diyan ka sa loob at magpakabait! Hindi ka kakain hanga’t hindi ka magpapakatino! Ang lakas ng loob mo na itulak si Miss Maria sa hagdan!’ ‘Kung hindi lang para kay Miss Maria ay baka mananatili ka parin sa bahay ampunan!’ ‘Pasalamat ka at malaki ang silbi mo sa kapatid ko dahil papatayin talaga kita!’ Matapos siyang ibalik sa ampunan ng unang umampon sa kanya ay meron na naman isang babae na nagka-interes na ampunin siya. Nagmula ito sa isang mayaman at makapangyarihan angkan sa kanilang bansa. Wala itong problema sa matris nito, ang totoo niyan mayroon itong tatlong anak. May dalawang nakakatandang lalaking anak at nag-iisang anak na babae. Masakitin ang anak nitong babae at dahil hindi ito madalas na lumalabas ng bahay dahil sa sakit nito ay naisipan ng ginang na umampon ng kaedad lang ng anak nito para may makasama at makalaro ang anak na kaedad lang nito. Siyempre, hindi na umasa si Meisha dahil narin siguro niyang naranasan mula sa unang umampon sa kanya, pero gayunman hindi iyon hadlang para sa kanyang ambisyon na makaalis sa ampunan na ito at makapag-aral. Kung kinakailangan niyang maging kalaro ng anak ng Ginang para lang makamit iyon ay gagawin niya. Subalit, hindi rin gano’n kasimple ang lahat dahil hindi lang pala basta bastang kalaro ang gusto nito para sa kanyang anak, Ang totoong pakay nito ay katawan na maaring gamitin para sa anak nito. Mahigit isang taon rin ang nakalipas ng madiskubre niya ang pagsaggawa ng mga ito ng itim na pinagbawal na salamangka. Gunitain palang niya ang nakaraan bago pa siya makaalis sa pamamahay na iyon ay hindi niya mapigilan manginig sa galit. Kung hindi siya siguro nag-aral ng mabuti sa salamangka ng mga oras na nanatili siya roon ay sigurado siya na hindi siya makaalis ng ligtas sa pamilyang iyon. “Señorita! Nakita ko na si Benjamin! Buhay pa siya pero kritikal ang buhay niya!” The sudden voice snapped her out of her thoughts. Nang siguraduhin niyang hindi masasaktan kapag inalis niya ang tubo na nakakabit sa katawan nito ay hindi siya nagdalawang isip na tanggalin iyon mula sa katawan nito. Kapag hindi kasi ito aalisin ay patuloy parin ng tubong `to katasin ang lakas ng taong `to na nasa harap niya hangang sa wala na itong buhay. Iniwan muna niya ito at lumabas ng silda para tumungo sa direksyon kung saan nanggaling ang boses ni Richie. Hindi naman malayo angn kinaroroonan ni Richie kaya madali lang ito mahanap. Pumasok siya sa maliit na silda kung nasaan ngayon si Richie at nakita ito na sinimulan na nito alisin ang tubo sa katawan nito. “Seryoso ang sitwasyon na `to. Kailangan natin ipaalam ang tungkol dito sa awtoridad sa madaling panahon.” ~**~ “Mauna na kayo ni Barrette na pumasok sa teleportation magic circle para masubaybayan ninyo ang mga taong `to, siguraduhin niyo lang na mahigpit ang pagkatali nila, baka makawala pa iyan. Ipaalam mo na rin doon sa guild na tapos na ang trabaho natin.” Sabi niya kay Ezperanza. Tumango ito bago pumasok sa loob ng teleportation magic circle. Dadalhin sila ng teleportation magic circle na sa harap ng adventurer’s guild doon sa kabisera. Ito lang kasi ang madaling paraan para maipadala nila ang ganitong karaming biktima sa kabisera para ipagamot dahil kung hindi ay panigurado na mahihirapan sila gamutin `to. Dalawa lang ang salamangkera sa kanilang grupo pero imposible na magamot nila ito lalo na’t hindi mahusay sa healing magic si Meisha at dahil katatapos rin ng kanilang laban ay naubos ang lahat ng enerhiya ni Ezperanza para gamutin ang mga ito. Isa pa, hindi nito kaya gumamot ng isang daan tao! Kaya naman makabubuti na dalhin ang mga ito sa kabisera dahil may malaking ospital roon. “Señorita,” Inalis niya ang tingin sa mga taong iniisa pinapasok ng kasama niya at bumaling kay Alice. “Ano?” “May itatanong lang sana ako at sana po hindi ikakasama ang loob na itanong ko ito sa inyo,” Tila nagdalawang isip parin ito sa itatanong sa kanya. “Ano ba `yon?” “Hindi naman sa minamasama ko ang desisyon niyo po, pero makakabuti po ba talaga na dalhin natin sila doon at ipaalam sa awtoridad ang tungkol dito? Isa pa, baka dahil sa ginawa natin ay baka magdudulot ito ng malaking problema sa`yo lalo na’t hindi pa nahuhuli ang taong nasa likod ng pabrika na `to.” “Alice, anong gusto mong gawin ko? Hindi ipaalam sa kanila ang tungkol rito? Alam mo naman kapag magpatuloy `to, hindi lang ang kalikasan ang maapiktuhan kapag hahayaan lang natin sila na patakbuhin ang ganitong pabrika pati narin ang buhay ng mga tao,” bago siya nagpatuloy sa pagsasalita ay tumungo sa malaking bariles at umupo doon, “Huwag mong kalimutan na ang trabaho natin ay hanapin si Benjamin at nagkataon na nahulog siya sa mga kamay ng mga ito…,” Sinimulan niyang iugoy ang bariles ng pabalik-balik, “Gayung hindi maiwasan natin na maging kalaban sila, ba’t hindi natin guluhin ang kanilang negosyo?” “Pero—“ “Hindi ako takot sa kanila kaya huwag ka ng mag-alala sa`kin kung maghihiganti sila sa ginawa ko,” Matapos ugayin ang bariles na kinaupuan ay tumalon siya palayo roon. “Eh anong gagawin natin sa ibang biktima nila?” Bumaling siya rito at tinaas ang kamay. Pinitik niya ang noo ni Alie na ikinabigla nito. “Sigurado ako na ang awtoridad na ang bahala sa kanila lalo na’t isa silang testigo sa pangyayari dito,” Anong gagawin niya sa mga `to? Bahala na ang gobyerno sa kanila. Sapat na sa kanya na tinulungan ang mga ito. Hay naku, hindi siya superman na kahit anumang oras ay tutulungan nito ang mga taong nangangailangan. Isa pa, may importante pa siyang gagawin ha! Hindi pa nga niya nahahanap `yong kanyang ibang celestial spirit, kahit isang clue man lang ay wala! Wait, teka, hindi naman siguro imposible… Ngayong involve siya sa kaso na`to, possible kaya na bibigyan siya ng reward? Sa ngayon ay hindi siya kapos ng pera, mas makakabuti kung may kakayahan sila ikalat ang pangalan Meisha Wistra para sa gayon marinig iyon ng kanyang celestial spirit! “Hindi magandang balita!” Biglang naputol ang pag-iisip niya ng marinig niya ang boses ni Wanwan. Tumakbo ito patungo sa kanilang direksyon kasama si Phyliss. “Anong hindi magandang balita, Wanwan?” Tanong ni Alice rito. “Haa…haa,” Humihingal ito, “Hindi magandang balita! Nakatakas `yong necromancer!” “Ba’t nangyari `yon? Hindi ba’t tinali niyo ang taong `yon?!” Hindi makapaniwala na sabi ni Alice. Habang si Meisha ay kalmado lang na nakatingin sa dalawa na natataranta sa nangyari. “Anong gagawin natin?!” “Ano ba ang pinag-aalala ninyo?” Itinirik ni Phyliss ang mga mata nito. “Paanong hindi? Nakatakas ang necromancer! Kailangan natin siya para matukoy natin kung sino ang mga taong sangkot rito! Ba’t ikaw wala kang pakialam?” “Wanwan, huminahon ka, ito nga ang gusto ni Master eh.” “Ha?” Siyempre, batid ni Meisha na hindi kayang pigilan ang necromancer na iyon sa simpleng tali lang. Isa ito sa plano niya na patakasin ito upang masundan nila kung sino ang tao na nasa likod ng pagawaan ng timu. Kahit na dalhin pa ito sa awtoridad para interugain ay hindi ito aamin, kaya naman mas makakabuti na pakawalan ito dahil sigurado siya na pupuntahan nito ang amo para ipaalam ang nangyari. Kapag nangyari iyon ay susundan nila ito, mabuti na lamang at binigyan ito ng marka ni Phyliss para madali nila matunton ito. “Phyliss, ikaw na ang bahala na sundan ito. Isama mo narin sina Wanwan, Richie at Alice.” “Masusunod, Master—bloppooo~!” Pagkuway ay nagtungo siya sa teleportation magic circle nang makita na naipadala na ang lahat ng biktima sa kabisera. Bago pa siya tuluyan umalis ay binigyan muna niya ang mga ito ng sapat na supply at pera sa kanilang paglalakbay. Bahala na si Phyliss at ng grupo nito na subaybayan ang taong iyon dahil may importante pa siyang gagawin. Naalala rin kasi niya ang sinabi ng babae na kasama ni Gordon noon tungkol sa tournament. Kung nais niyang ipakalat ang kanyang pangalan sa buong kaharian o labas pa ng kaharian nito, isa lang ang bagay na maari niyang gawin at iyon ay maging sikat. Isa sa paraan para mangyari iyon ay kailangan niya sumali sa tournament. ~**~ Nang araw na iyon, dumagsa ng maraming pasyente sa isang malaking ospital ngunit dahil `di sapat ang pasilidad at tauhan kaya naman dinala ang ibag pasyente sa ibang malapit na ospital. Siyempre ang malaking kilos ng mga `to ay hindi nakaligtas sa atensyon ng mga mamamahayag. Kinunan niya ng litrato ang mga tao na abala sa pagpasok sa mga pasyente. “Anong nangyari? Ba’t ang dami `atang pasyente ngayon araw na `to?” Hindi tanong ng isang mamamahayag sa katabi nitong manonood sa eksena. Hindi naman nasiyahan ang taong ito nang inistorbo ito sa panonood, pero gayunman ay sinagot parin nito ang tanong ng lalaki na hindi man lang pinagkaabalahan na tingnan, “Naku, wala akong alam tungkol dito maliban lang na narinig ko mula sa iba na lumitaw ang mga ito sa harap ng guild,” Sabi nito, pagkuway ay sinulyapan siya nito at nang mapansin nito ang pananamit niya ay bigla nagbago ang ekspresyon nito at tono ng pananalita, “Kung nais mong malaman kung ano talaga ang nangyari ay iminumungkahi kong pumunta ka sa adventurer’s guild dahil mas alam nila ang pangyayari.” Pagkuway ay mabilis na umalis. Kumislap ang mga niya ng marinig iyon. Bago pa siya umalis sa kinatayuan niya ay kinunan muna niya ng litrato ulit ang ospital at saka tumakbo patungo sa adventurer’s guild. ~**~ “Isa itong malaking kontribusyon ang ginawa mo, sigurado ka na ayaw mong harapin ang opisyal? Gusto pa naman niya na makausap ka ng harap harapan.” Tanong ng receptionist kay Meisha. Ipinatong nito ang supot na laman ng pera sa lamesa na nasa harap niya bago umupo sa sofa. Nasa loob sila ng pibradong silid para mag-usap tungkol sa nadiskubre niya ng kanyang kasama sa loob ng dungeon of whispering of catacombs at posibilidad na malaking organisasyon sa likod ng pagawaan ng timu. “Hindi na kailangan,” Naalala niya na may pamilya siya na nagtatrabaho sa ministry of justice at sa ganitong kalaking kaso na nadiskubre ay paniguradong maabot sa taong iyon ang balita, kapag nangyari iyon mamukhaan siya nito kung sakaling magkita sila at iyon ang iniiwasan niya. Ayaw niya magkaroon ng koneksyon kahit isa sa pamilyang iyon. “Pero malaki ang gantimpala ang ibibigay nila sa`yo at gusto nila personal na ibigay iyon sa`yo lalo na’t napakahalaga ng impormasyon na ibinigay mo sa kanila. Malban sa malaking gantimpala ay pagkakataon mo na rin ito para magkaroon ng koneksyon sa opisyal at may posibilidad na maari kang magtrabaho para sa kanila,” Umiling parin siya sa panghimok nito, “Hindi ko kailangan ng pera, kung gusto talaga nilang magpasalamat sa akin, mas makakabuti na ikalat nila ang pangalan ko—mas maganda kung maging headline ang insidente na ito at isama ang pangalan ko roon.” Biglang natameme sa narinig ang receptionist sa kanya, “G-gusto mong sumikat…?” “Parang gano’n na nga”, aniya. Kinuha niya ang supot na nasa lamesa at saka pinasok iyon sa kanyang bag. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya at naglakad patungo sa pintuan at bago pa niya buksan ang pintuan ay luminga ulit siya rito at nagsalita, “Ang opisyal ba ang sasagot sa bayarin ng ospital para sa mga biktima?” “Ha? Ah, Oo, sila na ang bahala sa bayarin.” “Mabuti naman,” aniya at saka tuluyan ng lumabas sa silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD