Pagkatapos nilang mag-usap ay dumiretso lumabas ng adventurer’s guild si Meisha at tumungo sa bahay-panuluyan kung saan siya kasalukuyan tumutuloy.
Maasyadong marami ang nangyari ngayon araw na `to at ngayon tapos na ang kanyang trabaho, tanging gusto lang niya sa mga oras na iyon ay maligo, kumain ng masarap na pagkain at higit sa lahat ay makapagpahinga.
Habang naglalakad sa gilid ng kalsada, bahagyang tinaas niya ang kanyang isang kamay at sinubukan ulit ibuka at isara ang kamay, medyo nakaramdaman parin siya ng pamamanhid ng kanyang kamay at maliban do’n hindi naman iyon nakakaapekto sa kanyang kilos.
Hindi naman malayo ang bahay-panuluyan sa guild kaya naman mabilis na dumating siya sa naturang lugar. Pagpasok palang niya sa kanyang silid ay nadatnan niyang si Ezperanza na abala sa pagbuhos ng mainit na tubig sa banyera na may laman ng malamig na tubig. Pagkatapos nitong ibuhos ang mainit na tubig ay tiningnan nito iyon kung tama lang ba ang temperature ng tubig na nasa banyera.
Napahinto ito sa ginagawa ng makita siya na nakatayo malapit sa pintuan, “Nandito na po pala kayo, tamang-tama at nakahanda na po ang pampaligo mo, señorita.”
Bago pa ito mag-excuse na umalis ng silid para bumalik sa sariling kwarto ay hindi nito kinalimutan na kunin sa mesa ang isang basket na puno ng talulot ng bulaklak at itapon iyon sa loob ng banyera.
Nang tuluyan na itong nakaalis ay sinigurado muna niya nakakandado ang pintuan at bintana ay sinimulan na niyang hubarin ang kanyang damit.
Splash
Mapanghinglay na inilubog ang sarili sa maaligamgam na tubig. Ipinatong niya ang dalawang braso sa gilid ng banyera at saka tumingala sa kisame.
~**~
Tingggg!
Bigla siyang nagising mula sa mahimbing niyang tulog nang marinig niya ang matinis na tunog. Hindi ito ang unang beses na marinig niya ang tunog na iyon, kagaya no’ng nasa pamamahay ng yuen ay nadudulot ng sakit ng ulo kapag narinig niya ang tunog na iyon.
“Aghhh…omfh---*splash*” Nakalimutan niya na nakatulog pala siya sa banyera at dahil sa pagkabigla niya ay hindi siya nakakapit ng mabuti sa gilid ng banyera at nadulas na dahilan para lumubog siya sa tubig.
Iwinagayway niya ang kanyang kamay, kahit na pilit niyang indahin ang sakit ay sinikap niyang hawakan ang gilid ng banyera upang magbigay sa kanya ng suporta na umahon mula sa tubig.
Pasalampak siya sa sahig at tinakpan ang kanyang tainga ngunit kagaya ng dati ay wala parin silbi. Sa mga oras na iyon, nakatuon parin ang atensyon sa pag-iisip kung pano patigilin ang ingay na `yon para maglaho ang pananakit ng kanyang ulo.
Hindi nagtagal ay may napansin siya sa tunog na iyon, napagtanto kasi niya na hindi lang iisa ang tunog na iyon. Kung hindi niya pakikinggan ng mabuti ay hindi niya mapapansin ang pangalawan tunog na humalo sa una.
At ang ingay na iyon ay tila ba tumutugon sa unang tunog kanina. Hindi niya alam kung ano `to pero nakakasiguro siya na ang pangalawang tunog ay nagmula sa loob ng katawan niya! Posible kaya nasa utak niya?
Isipin palang niya iyon ay namutla siya. Kung nasa katawan niya ito, ibig sabihin ay para itong isang parasite, isang parasite na inalagaan ng isang tao bago ipadala sa loob ng katawan ng biktima at may kakayahan ito na unti-unting patayin ang host nito kapag inutusan ito ng amo.
No, hindi siya pwedeng mamatay ulit.
Nanginginig man ang kanyang kamay ay sinikap niyang gumuhit ng magic circle sa sahig gamit ang basang daliri niya at nagsimulang kumanta ng orasyon.
Kung tama ang hinala niya, ang parasito na ito ay kasalukuyan sumusunod sa utos mula sa may-ari nito. Sa ngayon, hindi niya mapupuksa ang parasito na ito pero gayunman, posible parin naman na pahintuin ito sa pag-atake sa kanya.
Matapos ang orasyon niya ay nagsimulang nagliwanag ang magic circle na ginuhit niya kanina at ang liwanag na iyon ay nagsimulang balutin ang buong katawan niya.
Huminga ng maluwag si Meisha nang tuluyan ng naglaho ang ingay at humupa narin ang naramdaman niyang sakit sa ulo. Tama nga ang hinala niya, ang parasito na ito ay magsisimula lang umatake sa kanya kapag nakatanggap ito ng tawag sa may-ari na ito.
Gusto niyang sabihin na mahusay ang plano ng nasa likod ng parasito na ito kung gugustuhin nitong pumatay ng isang tao ng tahimik at walang ebidensya maiiwan ngunit mayroon isang aberya lang kapag ginamit niya ang ganitong bagay kapag pumaslang ng isang tao.
Kailangan walang deperensya sa pandinig ang taong papasukan ng parasito na ito, dahil ito lang ang paraan para maihatid ng amo ang utos nito dahil konektado ito sa host.
Mag-isa man sa loob ng kwarto si Meisha ay tahimik lang siya napamura sa inis. Sino ba ang taong iyon? Gusto ba nito patayin siya? Kung gano’n, ba’t hindi nito ginawa noon pa?
Marahan na tumayo siya mula sa pagkahiga sa sahig at tumungo sa mesa para kunin ang tuwalya.
Habang pinupunasan niya ang kanyang basang katawan ay hinalungkat niya sa isipan kung nangyari na ba ito sa kanya noon bago pa bumalik ang kanyang alaala sa kanyang nakaraang buhay ngunit bigo siya. Ibig sabihin, ngayon lang naging aktibo ang may-ari ng parasito na ito.
Pasalampak na humiga siya sa malambot na kama matapos niyang magsuot ng pampatulog na damit at mabilis ulit na nakatulog kahit na basa pa ang kanyang buhok. Pagod na pagod siya ngayon araw lalo na’t katatapos lang ng kanyang trabaho tas isama pa ang nangyari sa kanina kaya hindi masisi si Meisha kung mabilis itong nakatulog ngayon.
Pero bago pa siya tuluyan hilain ng antok ay sumagi sa isipan niya na kailangan niyang puksain ang parasito na nasa loob ng katawan niya ora mismo.
~**~
“Punyeta!” Biglang inihagis niya ang fluta at tumama sa salamin. Lumikha iyon ng malakas na ingay ng mabiyak ang salamin.
Crack!
Ting, ting, ting!
Hindi pa siya nakuntinto, itinapon pa niya ang kolorete na nakapatong sa mesa sa sobrang inis. Ba’t wala na naman koneksyon?!
Naiirita na nga siya noon nang nalaman niyang tumakas ang laruan niya sa bahay nito na dahilan para walang silbi na gamitin niya ang fluta na ito dahil nasa labas na ito ng kanyang nasasakupan at imposible na maabot ang tawag niya sa kanyang alaga.
Kung hindi lang dahil sa sinabi ng taong iyon na huwag siyang gumawa ng anumang kilos na maaring makaagaw atensyon sa mga taong palihim na nagmamasid sa kanya na dahilan para maghinala ang mga ito.
“Uno!” Tawag niya sa kanyang tagabantay. Lumitaw din naman ito agad ng marinig ang boses ng amo.
“Ano po ang maipaglilingkod ko sa`yo, kamahalan?”
“Iligpit mo si Natasha. Wala na siyang silbi sa`kin.” Ano pa ba ang silbi ng babaeng iyon? Binigyan niya ito ng pagkakataon na magkaroon ng magandang buhay at kapalit niyon ay susundin nito ang pinag-uutos niya. Naging masunurin naman ito. Pinahirapan muna nito ang babaeng iyon mula pagkabata hangang sa makaramdam ito ng kawalan ng pag-asa at mas gugustuhin pa nito na mamatay—subalit, sino ang mag-aakala na masisira ang kanyang pinaghirapan niyang plano?!
“Masusunod, kamahalan,” Hindi man lang ito nagdalawang isip na sundin ang utos niya.
Muling naghari ang katahimikan rito sa loob ng kwarto niya.
Tinaas niya ang isang kamay at kinagat ang mahaba niyang kuko ng kanyang hinlalaki. Dapat patay na siya ng gabing iyon, ba’t buhay parin siya at mukhang mas masigla kesa noon na parang wala lang nito no’ng ikansela ng kasintahan nito ang kasal nila? Bakit, may mali?
Bigla na naman siya nahulog sa malalim na pag-iisip. Sigurado siya kanina na naramdaman niya na bumalik ulit ang babaeng iyon rito at imposible na makakaalis ito ng gano’n kalayo para maputol ang koneksyon niya sa alaga. Hindi kaya…alam nito?