Clap!
Nagkasalubong ang kilay niya ng makitang pumalakpak ito ng mahina bago nagsalita, “Magaling! Magaling! Sa wakas nandito na kayo!”
Hindi siya nagsalita at mas lalo siyang naging alerto lalo na’t sa kilos nito na para bang inaasahan talaga sila na pumunta rito, “Ikaw siguro ang sinasabi nilang necromancer.” Determinadong sabi niya rito. Hindi narin niya kailangan hulaan kung sino ang taong `to na nakasuot ng roba at natatabunan ang kalatahing mukha nito sa talukbong.
Tumawa lang ito ng mahina. Base sa kilos nito, determinado si Meisha sa kanyang hinala na sa simula palang at umpisa ay batid na nito kung anong nangyayari sa itaas. Oo nga naman, paano magkaroon ng kumpiyansa ang amo ng mga ito na iwan rito ang pagbabantay sa kanilang pabrika? Pero ang `laking pagtataka niya, ba’t hinayaan lang sila nito makapasok rito?
“Tama ako nga,” Kumpirma nito sa kanya, “siguro nagtataka kayo kung ba’t hinayaan ko kayo na makapunta rito `no?”
“Hindi ko gusto ang gusto ang lalaking `to,” Pabulong na sabi ni Wanwan.
“—simple! Nababagot na ako rito! Hindi niyo alam kung gaano ako kabagot rito. Alam ba ninyo na mahigit sampung taon na ako rito sa loob at mababaliw na ako rito kapag wala akong gagawin!”
“Ano, sampung taon?! Bobo ka ba? Kung nababagot ka ba’t hindi mo subukan lumabas para masikatan ka ng araw?” Pakli naman ni Wanwan ng marinig nito ang sinabi. Palihim naman na binigyan ni Meisha ng thumbs up si Wanwan sa sinabi.
“Lumabas? Ano naman maganda sa labas, ha?! Isa pa, maliban sa mga bangkay, tanging pakikipaglaban lang ang maaring magpapasaya sa akin at kayo, lalo na ikaw salamangkera, mataas ang ekspektasyon ko sa`yo.”
“…” Bobo talaga ng necromancer na ito…
“Hindi ko alam kung bakit kailangan pa rito itayo ang pabrika sa lugar na ito. Ba’t hindi nila naisipan na doon sa mataas na uri ng dungeon? Ba’t dito pa, kunti lang mga adventurer na pumapasok rito at hindi sapat para ibsan ang uhaw sa dugo ang mga alaga ko!” Aniya biglang gumamit ito ng mahika at hindi man ito bumikas ng orasyon.
Biglang lumitaw ang napakalaking blackholes at mula roon ay nagsilabasan ang ilang halimaw. Isang tingin palang ay alam na ni Meisha na hindi basta basta ang mga halimaw na ito. Ang lakas ng limang higanteng halimaw na ito ay maihahalintulad sa pinuno ng mga halimaw na nakalaban niya.
“Kailangan niyo akong talunin para makapasok rito—iyon ay kung kaya ninyo! Sugod mga alagad ko!” Utos nito sa mga halimaw na kakalabas lang sa blackhole. Sinunod naman ng mga halimaw ang utos ng kanilang master. Subalit bago pa makalapit ang mga ito ay mabilis na ginamitan niya ang mga ito ng void blast. Isang kisapmata, ang atake niyang iyon ay sumabog na parang alon ng mahiwagang inerhiya na dahilan para tumilapon ang limang halimaw sa kung saan saan. Matinding sugat na natamo ng isa sa limang halimaw habang ang iba naman ay maliban sa meron din kunting sugat ay nahihilo ang mga ito sa nangyari.
Sinamantala naman iyon ng iba niyang kasama para atakehin ang mga halimaw habang nanghihina pa ang mga ito.
Clang!
Bogsh!
Batid ni Meisha na mahihirapan ang kasama niya sa laban na ito. To ease the preasure to them, she attacked the three giant monsters with ice spike. Lumitaw ang malaking asul na magic circle sa paanan ng mga `to at lumabas roon ang matulis at mahabang yelo sa paanan nila at direktang tumusok sa kanilang katawan. Tanging nagawa na lang ng tatlong halimaw ay sumigaw sa sakit hangang sa namatay ang mga ito.
Nang makita ng necromancer ang eksenang `to ay bumilis ang pintig ng puso nito at namumula ang maputlang mukha nito. Tinaas nito ang kamay at naglabas ito ng itim na apoy at walang anuman na atakehin si Meisha.
Kung hindi pa nakatalon kaagad sa kaliwang bahagi si Meisha nang makita niya ang papalapit na itim na apoy ay baka maging abo na siya kagaya ng bato na tinamaan ng itim na apoy.
Matalas ang tingin na tiningnan niya ang taong umatake sa kanya. Ginantihan din niya ito ng wind blade. Inaasahan `ata nito ang atake niya kaya naka-set up na ito ng mahiwagang pangga na dahilan para walang bisa ang atake ni Meisha. Nag-iwan lang `yon ng malaking crack sa mahiwagang panangga.
Tumawa ito ng malakas at halatang nasisiyahan ito sa kanilang laban, “Magaling, magaling! Hindi ko lubos akalain na kaya mo palang sugpuin ang tatlo kong alaga sa isang atake. Kelan pa nagkaroon ng henyo ngayong henerasyon? Hmm—syet!” Despite their exchanging blow, this man in a black robe still mentain his carefree manner. Gayunman, hindi niya ito tinigilan sa pag-atake. Sa tuwing nagpapalitan sila ng atake, lumikha ng malakas na pagsabog ng tumama sa isa’t isa ang kanilang mahika at lumindol ang kapaligiran. Isama pa ang laban ng iba pa niyang kasama, kung meron lang ibang tao rito na pinapanood ang kanilang laban ay paniguradong mangangatog ang kanilang binti sa takot.
Mahigit sampung minuto na ang nakalipas, wala parin senyales na susuko ito. This man in a black robe really live up with his title. His strength and vitality is really tenacious! Sa oras na ito, tapos na resolbahin nina Phyliss at ang iba pa ang mga tao sa ikatlong palapag at agad tumungo rito.
Eksakto naman na pagdating nila at nang madatnan nila na nagsimula nap ala ang laban rito ay hindi sila nagdalawang isip na tumulong.
Subalit, masyadong abala si Meisha sa pakikipaglaban sa Necromance para mapansin `yon. Nang makahanap siya ng tamang tiyempo, mabilis niyang ginamit ang chilling mist na may kakayahan pabagalin ang kilos ng kalaban at kasunod niyon ay ice blade.
~**~
Napamura si Afe, ang necromancer, ng napansin niya na hindi maganda ang kanyang sitwasyon. Nang tumama sa braso niya ang ice blade ay napaungol siya sa sakit. Lumagapak ng mahulog ang braso niya matapos maputol `yon ng ice blade. Nagsimula narin humihingal siya.
Tuluyan na naglaho ang masaya niyang asal na pinapakita niya kanina at napalitan ng inis. Hindi siya makapaniwala na ang isang batang salamangkera nasa harap niya ay may kakayahan na makipagtunggali sa kanya—hindi, batid niya na hindi isang simpleng salamangkera ang taong nasa harap niya simula nung unang pumasok ito sa piitan kasama ang grupo nito pero isinawalang bahala niya iyon dahil masyado itong kakaiba sa puntong sumasakit ang ulo niya sa kakaisip.
Alam niyo kasi, meron siyang kakaibang abilidad. Ang abilidad na `to ang dahilan kaya nag-aral siya ng itim na salamangka.
Nang madiskubre ng magulang ni Afe ang kakaibang abilidad niya, sa halip na maging masaya ang mga ito na meron siyang potensyal na maging salamangkero ay kinalibutan ang mga ito sa abilidad niya.
Ang abilidad nito ay makakita kung kelan mamatay ay may kinalaman sa itim na salamangka. Kahit na bumuti ang relasyon ng itim na salamangkero sa mga tao matapos ang digmaan sa kanila ng mga tao dahil hindi naman lahat ng salamangkero na nag-aaral ng itim na salamangka ay masama, pero gayunman ay hindi parin maialis ang takot ng ordinaryong tao rito. Ganun din ang nangyari sa magulang nito.
Sinubukan ng magulang niya na patayin siya. Makita palang niya ang sariling magulang na pinagtangkaan siyang patayin ay nakaramdam siya ng lungkot, sama ng loob at galit.
Bata man siya nang panahon na iyon ay alam niya na hindi siya maaring manatili sa magulang niya dahil kung hindi, papatayin ulit siya ng mga ito. Kaya naman tumakas siya sa kalagitnaan ng gabi at `di na bumalik.
Simula nang tumakas siya sa magulang, pagala-gala na lang siya sa lansangan. Para lang may makakain ay nanlilimos na ito. Kapag minamalas ay ninanakawan siya ng iba pang pulubi ng pagkain. Sa mga oras na iyon ay hindi pa siya kumakain ng buong araw. Nanghihina sa sobrang gutom. Noong una, akala niya iyon na ang katapusan niya pero nang makilala niya ang taong `yon ay tila nagkaroon siya ng pag-asa.
Kinupkop siya ng taong `yon. Binigyan ng pagkain at damit. Nang oras na `yon, kahit na may maliit na pag-asa siya rito, hindi niya mapigilan na subukan ito. Inamin niya rito ang kanyang kakaibang abilidad, akala niya ang magiging kagaya ito ng kanyang magulang lalo na’t sa propesyon nito pero sa halip na mangyari `yong inaasahan ni Afe ay malugod na tinanggap nito ang abilidad niya.
Sabi nito; Ang abilidad na `to ay grasyang ibigay sa iyo ng Poong maykapal, dapat mong tanggapin ang biyaya na ito. Simula niyon nag-aral siya ng mabuti
Bumalik tayo sa kasalukuyan, iyon nga, ang kanyang abilidad ay may kakayahan na makilala ang pagkakaiba ng malapit ng mamatay. Nahahati `to sa apat na kulay ng aura na pumapalibot sa katawan ng isang tao; puti, kulay-aboy, itim at pula.
Puting aura ay kumakatawan sa mahabang buhay at natural ang kamatayan nito. Kulay abo na aura, mamatay ito sa isang aksidente sa hinaharap. Itim na aura ay ibig sabihin nito ay malapit na itong mamatay at ang pinakahuling kulay ng aura ay kulay pula na kapag mas malalim ang pula, ganun din katindi ang peligro sa buhay nito.
Kaya naman noong unang beses palang niya nakita si Meisha ay naguguluhan siya sa aura na nakapalibot rito. Mayroon itong tatlong kulay ng aura ang nakapalibot rito at iyon ay itim, pula at higit sa lahat ay malalim na kulay ng lila!
Ang aura na ito ay hindi niya isanama sa apat dahil wala naman itong kinalaman sa mga buhay. Pumapalibot lang ang kulay lila na aura sa isang patay na kagaya ng mga kalansay na halimaw na patay na nga pero buhay parin!
Ngayon ba’t ang aura na `to ay lumitaw sa isang salamangkera?