Chapter 29.2: Secret Underground (2)

2172 Words
Isa rin ito sa dahilan kaya kunti lang ang nakakaalam ng ganitong salamangka. Para matutunan niyon, nakadepende rin sa talento. “…Do’n sa ibang mundo, pinagbawal ang ganitong mahiwagang bagay na ito lalo na’t sa nakikita ko ay hindi ito kompleto at kapag parati ito gamitin ay paniguradong mas malala ang mas malala ang kahinatnan na nahaharap ng mga tao—blop. Pero hindi ko akalain na makakita ulit ako ng ganito rito sa mundo niyo—blop.” Biglang namutla ang mukha ni Wanwan ng marinig ang sinabi ni Phyliss. “Sa nakikita natin, ang dahilan kaya nasa tagong lugar na ito ay batid ng mga ito na hindi ito magandang produkto,” wika ni Vito. “Alam ba ng opiysal ang tungkol dito?” Nagkibit balikat si Vito sa tanong ni Alice. “Alam man nila o hindi, sa ngayon ay hindi iyon ang prayoridad natin. Sa tingin ko, ngayon may nakita tayong bakas sa taong hinahanap natin. Sigurado ako na pumunta ang taong hinahanap natin rito sa lugar na ito.” Maya’t maya ay tahimik na lumabas silang grupo at inisa-isa gulugarin ang lugar at hindi na siya na sopresa ng makita ang mga ilang ilegal na gamit sa bawat silid na napuntahan nila. Ilang sandali, wala parin silang makita at sa nakita niya ay mas lalong matatagal sila mahanap ang taong pinapahanap ng kanilang kliyente ay huling paraan na lamang nilang ay dakpin ang dalawang tauhan na narito. Sa sobrang dami ng silid ay medyo natagalan sila sa paghahanap ng dalawang tauhan na iyon dito at nang makita nila ang mga ito na kasalukuyan na nag-empake ay palihim na lumapit si Richie at Barrette sa dalawa. Maliksi ang kilos ng dalawa. Hindi nila binigyan ng pagkakataon na makaganti ang dalawa. Balak ni Meisha na interogahin ang dalawang lalaki ngunit masyadong mabilis ang kilos nina Richie at Barrette at binigyan ng karate chop sa likod ng leeg, hindi man lang binigyan pagkakataon na makapagreact ang dalawa. Nang mawalan ng mala yang dalawang lalaki ay tuluyan lumagapak ang mga ito sa lupa. “…” “Ano?” Pinagtaasan lang siya ni Barrette ng mapansin nito na nakatitig siya rito. “Ano ba ang ginawa ninyo? Sinabi ko na dakpin sila para interogahin, hindi himatayin ang mga ito!” “Iyon lang ba?” Tinali muna nito ang dalawa at saka naglakad patungo sa mesa na nasa `di kalayuan ng mga ito. Kinuha nito ang isang malaking pitsel na puno ng tubig at binuhos ang buong tubig sa mukha ng dalawang lalaki na nahimatay. “Fuwaah!” Sabay na napabalikwas ang mga ito at marahas na pinilig ang ulo. “P*tang ina! Sino kayo?! Anong ginagawa ninyo dito, ha?!” Tanong ng isa sa dalawang lalaki na nakatali, tinangka pa nitong kalagin ang lubid na nakatali rito ngunit mas lalo pa iyon humigpit. “Anong kailangan ninyo sa amin, ha?!” “Maawa na po kayo sa amin. Normal na trabahador lang kami rito at wala po kaming masamang ginagawa,” pagmamakaawa naman ng isa. “Huwag kayong mag-alala, hindi kayo namin sasaktan o papatayin basta ba sagutin ninyo ang tanon namin.” Biglang sumikdo ang dibdib ng lalaki na nasa limampung taong gulang. Napalunok muna ito bago nagsalita, “A-ano naman `yon? Isa lamang akong ordinaryong manggagawa dito! Wala akong alam!” Lumapit si Meisha rito at sinabing, “Mukhang kailangan kong palitan ang sinabi ko para maintindihan niyo. Nasa amin ang buhay ninyo. Nakadepende rin ang buhay ninyo sa sagot na itatanong namin.” “Ano ba ang gusto ninyong malaman?” “May isang adventurer na nagngangalan Benjamin Tuffin na napadpad rito. Gusto namin malaman kung nasaan na siya.” Inalabas ni Meisha ang nag-iisang litrato ni Benjamin. Ibinigay iyon sa kanya ng receptionist para kung agad na makilala niya ito. Nagkatinginan ang dalawang manggagawa sa isa’t isa bago ang isa sa kanila ang nagsalita, “Wala kaming kilalang Benjamin Tuffin. Isa pa, ano naman gagawin ng isang adventurer dito?” “Pinagloloko mo ba kami—blop?!” “Ah!” Palahaw nito nang sinabuyan ito ng waterball ni Phyliss. “Mukhang hindi kayo magsasalita ng tapat sa amin,” Sabi niya, “Phyliss, gamitin mo ang asido.” “Yes~bloopppoo~” Kumislap ang mata nito at kasabay din niyon ay unti-unting nagbago ang kulay ng asul na katawan nito at naging light purple. Nang makita ng dalawang manggagawa rito ang isang maliit na nilalang na lumapit sa kanila. Parang bumagal ang oras ng makita ng mga ito na may tumulong tubig mula tubig katawan nito at tumama sa lupa. Mataas ang concentration niyon kaya nag-iwan ng butas sa lupa. Napalunok silang dalawa. “Magsasalita ba kayo o gusto niyo maligo sa asid—blop?” Pananakot ni Phyliss sa dalawa. Lumikha ito ng likidong asido na hugis bilog at inilapit sa mukha ng mga ito. Ilang hibla na lang ang layo niyon sa mukha nila. Sa sobrang lapit ay medyo naramdaman ng dalawang manggagawa na tila nasusunod ang kanilang mukha. Namutla ang mukha ng mga ito. Sa takot ay humiyaw ang isa sa dalawang manggagawa, “Sasabihin ko na! Sasabihin ko na!” Pilit na inalayo nito ang sariling mukha sa asido, “Totoo na hindi ko kilala ang isang taong nagngangalan Benjamin Tuffin pero isang buwan na ang nakalipas ay may napadpad na isang lalaking adventurer rito at dinakip ng amo namin at ng iba!” “Ano pa?” “Kagaya ng sinabi ko dinakip siya ng amo at ng ibang tauhan nito, at tungkol sa kung saan siya dinala ay hindi ko alam. Malamang pinatay siya ng mga ito dahil ang lugar na ito ay bawal ang mga dayuhan rito. Kamatayan lang ang kahinatnan kung sino man magtangka pumunta rito,” Nakahinga ito ng maluwag ng biglang maglaho ang asidong bola sa mukha. Bumaling naman si Meisha sa kasama nito, “Ikaw?” Bahagyang napaigtad ang lalaki. Ngayong nakita nito ang kasama na nagtapat sa mga taong ito ay wala siyang mapagpilian kundi magtapat narin. Siste, mas mahala sa kanya ang buhay niya ngayon lalo na’t nakikita niyang hindi nagbibiro ang taong ito na nasa harap nito. Napalunok ito bago nagsalita, “Wala ako ng araw na iyon nang may nakapasok na ibang taro rito pero alam ko kung saan dinadala ng amo namin ang mga tao na pumasok rito na walang pahintulot.” Bahagyang nagkasalubong ang kilay niya. Nang mapansin naman ng lalaki ang pagdududa niya, kaya naman mabilis naman itong nagsalita, “Ang totoo niyan, may tsansa na buhay pa ang taong hinahanap niyo,” sinulyapan nito ang litrato na hawak ni Meisha bago nagpatuloy, “Narinig ko kasi sa sabi-sabi na mahilig daw sa magagandang lalaki ang amo namin—“ “Pinagloloko mo ba kami?!” Putol ni Barrette. Hindi maiwasan nito mangilabot nang marinig nito ang sinabi. Biglang nangatog sa takot ang lalaki habang iba naman ay nagtataka na tiningnan si Barrette. “Señorita, huwag mo ng pansinin si Barrette, kaya malaki ang reaksyon niyan dahil minsan kasi nagka-interes sa kanya ang dati niyang among lalaki.” “Ah.” Tugod niya rito at saka binalik ang atensyon sa manggagawa, “Ipagpatuloy,” Udyok niya sa manggagawa. Napatango ito at saka nagpatuloy sa pagsasalita, “Iyon nga, kapag natipuhan ito ng amo lalo na’t bilanggo ito ay hindi agad ito pinapatay. Mayroong isang beses na may nakadiskubre sa lugar na ito at kinulong, ilang taon narin ang nakalipas ng mangyari iyon, akala ko noon papatayin agad ng amo namin ang taong iyon matapos itong madakip pero ng minsan inatasan ako ng tagapamahala sa grupo naming manggagawa na dalhin ang isang dokumento sa ikatlong palapag kung saan ang opisina ng amo namin. Eksakto rin naman ng pagkadating ko sa harap ng pintuan ng opisina niya ay inilabas ng tauhan nito ang lalaki na napadpad sa lugar namin,” Sa totoo lang, walang interes na pakinggan ni Meisha ang sinabi nito kaya naman bahagyang iwinasiwas niya ang kamay at nagsalita, “Kung sa tingin mo ay buhay pa ang taong hinahanap namin, sabihin mo sa amin kung saan namin siya mahahanap.” “Nasa ika-apat na palapag, ang huling palapag. Hindi pa ako nakapunta doon dahil tanging awtorisadong tao lang ang maari pumunta roon pero sa narinig ko na doon tinatapon ang mga taong nakadiskubre sa lugar na ito o ang mga traydor.” “Dalhin mo kami doon.” Mabilis na umiling ito. “Ayoko! Nahihibang ba kayo?! Mas mahigpit na binabantayan ng mga bantay ang lugar na iyon! Isa pa, ayoko pang mamatay!” “Ayaw mo?” Masamang tiningnan niya ito. Napahiyaw ito nang biglang naramdaman nito ang sakit sa braso na para bang nasusunog ng dumaiti sa balat nito ang isang maliit na butil ng asido. “Hindi sa ayaw ko pero kasalukuyan na binabantayan kasi ng isang 8th rank necromancer ang lugar na iyon! Kahit na umalis ang amo namin at isinama ang iba pang bantay upang ipadala ang kargamento sa kliyente namin.” “Ibig mong sabihin ay maliban sa kanya, wala doon ang iba pang tagabantay?” “Huwag mo maliitin siya, isa siyang 8th rank! Ang kasama naman nito ngayon, hindi man kasing lakas niya at ng iba pa ay hindi rin maaring maliitin! Hindi isang tao na maari talunin ng isang rank c adventurer na kagaya niyo!” Ang dungeon na nasa ibabaw ng secret underground nila ay hindi man mataas na uring dungeon pero hindi rin naman `to mababang uri. Ang mga tao lalo na’t adventurer ang makapasok sa dungeon na ito ay nasa pagitan ng rank b at c. Base na rin sa pang-unawa nito sa mga ito ay sigurado ito na hindi nila kaya talunin ang 8th rank necromance! Kamatayan lang ang kanilang kahinatnan! “Alam ko huwag mo ng ulitin.” Sinenyasan ni Meisha si Phyliss na alisin ang asidong bola na malapit sa mukha nito. Napabuga ito ng hininga bago tiningnan nito ng maigi si Phyliss bago inilipat ang tingin kay Meisha, “Tayo na.” “Hindi niyo ba aalisin itong pagkatali sa amin?” Mahinang sabi nito sa kanila. “Hindi. Hala, bilisan mo. Wala tayong dapat na aksayahin na oras.” ~**~ Para sa lugar kung saan gumagawa ng ilegal na bagay ay hindi maiwasan ni Meisha na mapaisip kung tanga ba ang mga tao rito o sadya lang malakas ang kumpiyansa sa sarili na walang taong makakadiskubre sa kanila at kahit meron man ay madali lang ng mga ito dakpin at patayin? Napapailing na lamang si Meisha. Ang tanging trabaho niya ngayon ay hanapin ang isang tao, pero sinong mag-aakala na dadalhin sila ng misyon na ito sa delikadong lugar. Hindi bale, `pag natapos na nila ang kanilang misyon ay irereport na lang niya ang tungkol sa timu at ang orginasisayon na ito sa awtoridad. Masyadong malaki ang lugar na ito kaya matagal rin na makarating sila sa ikatatlong palapag. Sa mga oras na paglalakad ay patago silang pumunta patungo sa ika-apat na palapag ngunit hindi natuloy ang pagpunta nila sa ika-apat na palapag ng napansin nila ang ilang tao na nagbabantay lalo na’t sa hagdan patungo sa baba. Upang makababa sa hagdan, walang mapagpilian ang grupo ni Meisha kundi may apat sa kanila na manatili rito sa ikatatlong palapag at ang apat na iyon ay sina Barrette, Vito, Phyliss at Ezperanza habang sina Meisha at ang iba naman ang pupunta sa baba para hanapin si Benjamin. Bago pa maisagawa nila ang kanilang balak ay biglang sumigaw `yong kasama ng manggagawa na nagdala sa kanila. “Saklolo! Tulungan niyo ako! May taong nakapasok rito!” Ang malakas na sigaw nito ang dahilan para maalerto ang anim na tao na nagbabantay. “P*tangina! May nakapasok!” “Paksyet! Sabi ko naman sa inyo na huwag na natin dalhin `tong isa na ito eh!” Walang anuman na sinuntok ni Barette sa tiyan ang taong nag-alerto sa mga ito. Napaungol ito sa sakit at dahil narin siguro sa sobrang lakas ng suntok sa tiyan ay nawalan ito ng malay. “N-naku p-po! Ayoko pang mamatay! Ahh!” Napaluhod ang manggagawa ng makita ang paparating na bantay. Naging mas alerto si Meisha. Mabilis na ginamit niya ang windfield magic spell at kasabay niyon ay nagsimulang nakaramdam ang mga tao rito ng panlalamig at nagkaroon ng hamog. Bago pa makabalik sila sa kanilang huwisyo ay mabilis na tumakbo sila Meisha patungo sa hagdan habang sina Barette at kasama nitong maiiwan rito ay nagsimulang atakehin ang mga ito. “Ipaalam kay Ginoong Afe na may nakap—agh!” “May nakatakas! Huliin sila!” “Saan niyo gusto pumunta, ha?” Kasunod niyon ay narinig na lamang ni Meisha ang kalansing ng pagtama ng dalawang espada at iba pa. She didn’t bother to look back; she knew they could handle them. Mabilis na bumaba sila sa mahabang spiral staircase at nang makarating sila ay tumambad sa paningin niya ang isang napakalaking pintuan. Sa harap ng pintuan ay mapapansin may isang pigura na nakatayo roon. Clap!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD