Tinggg!
"Maligayang pagdating!”
Bati ng isang magandang babae nang makapasok sa loob ng kainan si Meisha. Sinuri niya ang paligid, at ang una niyang napansin ay masiyadong marami ang mga lalaking customer na nandito. Most of them furtively glance at the waitress.
This woman is really pretty and has a sexy body, especially those breast tho. No wonder there’s a lot of ‘bees’ hovering around here. Ang tindi talaga ng mga lalaki dito, parang ngayon lang sila nakakita ng maganda at sexy na babae! Kainan ba talaga ang lugar na ito?
Saglit lang na natulala siya sa naisip pero agad din niya ipinilig ang ulo para alisin ang katawa-tawang isipan na iyon. Tinanggal niya ang talukab ng roba niya at saka tumungo sa bakanteng mesa. Kinuha niya ang menu na nakatapong sa mesa tas pumili ng makakain.
Habang pumipili ng makakain ay biglang napansin niya na nagkaroon ng gulo sa `di kalayuan ng kinauupuan niya.
"Magandang binibini, wala ka naman ginagawa ngayon, ba’t hindi mo kami samahan dito na kumain?”
“Pagpaumanhin niyo po sir, walang pong protocol dito sa amin na tumeybol ng customer. Kainan po ang lugar na ito at hindi isang bahay-aliwan.”
“Eh ano naman kung hindi? Hindi ba’t motto niyo dito na customer is always right, `di ba? Kapag sinabi ko na bahay-aliwan ito, eh bahay-aliwan talaga. Nagpapakipot ka lang eh, sabihin mo nga sa`kin kung magkano ka?”
“Bastos!” Kasunod niyon ay isang malutong na tunog ang narinig nilang lahat dito sa loob ng kainan. “Hindi ako bayarang babae! Hindi porque customer ka namin ay pwede mo na gawin ang gusto mo!”
Binaba ni Meisha ang menu tas bumaling sa direksyon kung saan ang gulo.
"Tsk. Sa lahat ba naman na nandito ay si Gordon pa talaga!"
"Gordon?"
"Hindi mo siya kilala? Siya si Gordon. Isang Rank B Adventurer at siga `yan dito.”
“Ano ba bitiwan mo nga ako!”
“Nagpapakipot ka pa talaga eh, alam ko naman ang style niyong mga babae!”
Nagkasalubong ang mga kilay niya nang makita niya sapilitan itong pinaupo sa tabi ng lalaki na parang pabo dahil sa suot nitong damit. Ano ba ang problema ng mga tao dito at hindi man nila tinulungan ang babaeng `yon?
“Hay, may mga tao talaga na napakaantipatiko. Walang modo at walang galang sa iisang babae. Hay naku, ba’t ba nabubuhay ang ganitong basura?” Sinadya niyang nilakasan ang boses.
Huminto ang bulungan ng ibang tao nang marinig nila `yong sinabi niya. Mistulang hindi nito narinig ang kanyang sinabi at patuloy lang ito sa pakikipag-usap sa kasama nito habang nakaakbay sa babae. Namumula ang buong mukha nito sa kahihiyan.
Groowlll~
Tinapik-tapik niya ang mga daliri sa mesa sa iritasyon at nauubusan na ng pasensya. Naging hindi maganda ang mood niya ngayon lalo na’t nagugutom na siya.
Maya’t maya ay tumayo siya sa kinaupuan at naglakad patungo sa mesa ng lalaki. Napahinto ang mga ito sa pag-uusap at napatingin sa kanya.
“Hindi mo ba nakita na ayaw ng babae sa`yo?”
“Teka, sino ka ba at bakit ka nangingialam?”
“Isang customer na nagugutom kaya bitiwan mo ang iyan na `yan at huwag mo siyang istobohin. Nakakapuwesyo ka ng tao. `Kita mo na maraming customer dito na naghihintay na makuha ang pagkain na in-order nila.” Sabi niya rito.
Humagalpak na tumawa ito at ang iba pa nitong kasama. “Narinig niyo `yon, pre? Epal talaga ng babaeng `to! Hoy babae, kilala mo ba ako? Ako lang naman si Gordon, Rank B Adventurer!” Pagmamayabang nito.
Saglit na itinirik niya ang kanyang mga mata bago kinuha ang baso na may laman tubig tas binuhos ang laman ng baso sa mukha nito nang luminga ito sa kanya.
Marahas na napatayo si Gordon at napamura, sinamantala naman ng magandang serbidora na lumayo rito.
"Okay ka lang, boss?!" Tanong ng kasama ni Gordon rito.
"f**k! Gusto mo bang mamatay, ha?!" Matalim na tiningnan siya ng lalaki. Mabilis na lumayo si Meisha ng balak nitong hablutin ang kwelyo niya. Hindi rin nakaligtas sa matalas na pandinig ni Meisha ang pagsinghap ng ibang tao sa loob ng kainan.
"Patay!"
"Hangal ba ang babaeng iyan?"
"Hindi niya alam kung sino ang binanga niya!"
"I'm in love, pre..."
Lihim na napapailing na lamang siya sa mga ito. Humarap siya sa serbidora. "Miss, gusto ko ng sinabawang gulay, dalawang tinapay na may cheese, tatlong pirasong pianono at lemon juice."
"Ha?" Napatunganga ito at bakas sa mukha ang pagkalito.
“At pwede ba na pakibilisan mo? Nagugutom na ako eh.”
"P-pero..."
"Huwag ka ng mag-alala. Kaya ko na ito." Nag-aalinlangan parin umalis na umalis ang serbidora.
"Pota ka talagang babae ka! Huwag mo akong ignorahin!" Biglang hinawakan nito ang braso ni Meisha.
"Bitiwan mo ako.” Tinitigan lang siya nito ng ilang saglit. Naramdaman ni Meisha na pinisil nito ang balikat niya. Dumilim `yong mukha niya.
"Ngayong tiningnan kita ng mabuti, mas mukha kang maganda kesa sa potang babaeng `yon. Ba’t hindi mo ako samahan ngayon gabi at kakalimutan ko ang atraso mo sa`kin?”
"Hindi mo talaga tatangalin ang kamay mo?" Nandidiri na tiningnan niya ito.
"Hin—agh!!!!!!" He suddenly screams and staggering backward away from her. Napahawak ito sa kaliwang kamay na may tatlong daliri na lamang.
Nanunuya na tiningnan niya ito at saka itinapon niya ang dalawang naputol na daliri sa mismong harap nito. Ginamit niya ang kanyang mahika upang gawing matulis na parang patalim ang kanyang mga daliri. Kasalukuyan na nabahiran `yon ng dugo.
“Sinabihan na kita na bitiwan mo ako pero ayaw mong makinig. Sa ayaw ko sa lahat ay `yong hinahawakan ako lalo na’t sa maruming mga kamay,” Sabi niya rito. Kinuha niya ang panyo at pinunasan ang mantsa ng dugo sa kamay niya.
Kahit na namimilipit ito sa sakit, nakuha parin nito utusan ang mga kasama nito. “Ano ba ang tinutunganga ninyo diyan? Atakehin niyo siya—agh!”
Sinunod din naman ng kasama ang utos nito. Inilabas ng mga ito ang sandata at sumugod sa kanya.
Mabilis na ginalaw niya ang kanyang mga kamay at gumamit ng wind barrier magic para itaboy ang kanilang mga pag-atake. Dahil sa kanilang laban, mas lalong naging magulo ang buong paligid. Ang ibang mga tao na customer ay nagsilabasan ng naturang lugar upang hindi madamay. May mangilan-ngilan din naman na nanatili para manood.
"M-Mahika?!"
"Pero wala akong narinig na bumigkas siya ni isang orasyon, pero pano?!”
Pigil na itirik niya ang kanyang mga mata nang marinig niya ang isa sa kanila na nagsalita. Sa totoo lang, in her previous world, any high ranking magician can cast a spell without speaking the incantation. Walang hassle `yon lalo na’t kapag nasa makikipaglaban sila sa kanilang kaaway.
"Oh dear lord of the wind, hear my plea, grant me yer power to defeat my enemy, Tornado Gaoithe!" Lumitaw ang isang maliit na magic arcane circle sa palad niya at lumabas ang malakas na hangin patungo sa kalaban niya. Tumama `yong malakas na hangin sa lima at tumilapon palabas ng bintana.
"Agh!"
"Ang daliri ko!"
"Babalikan ka namin! Humanda ka sa`min!"
Pinagkrus niya ang dalawang kamay at saka tumungo sa sirang binatana para tingnan sila. "Looks like hindi pa talaga kayo nadala sa ginawa ko. Gusto niyo bang gawin ko kayong eunuch?” Nilakasan niya ang boses para marinig ng limang gagong lalaki. Bigla rin naman tumahimik ang lima ng marinig nila ang banta ni Meisha.
Tinakasan silang apat ng dugo at dali-daling tumayo. Napahawak ang mga ito sa kanilang pundya at kumirapas ang mga ito palayo na tila ba wala silang iniindang sakit.
"Magtutuos pa uli tayo, b***h!"
"Byeee~!" While waving at them, in the corner of her eyes, nakita niya ang isang magarang karwahe na may apat na itim na kabayo. Base sa anyo ng karwahe at dami ng kabayo nito ay nakakasiguro siya na hindi ordinaryong tao ang nakasakay sa karwahe.
Dumaan iyon sa harap niya at eksakto din naman na medyo lumakas ang ihip ng hangin na dahilan para tumaas ng kunti `yong kurtina ng bintana sa karwahe, tila naging slow motion iyon sa paningin niya nang tumaas ng kunti ang kurtina at saglit na nasilayan niya sa loob ang kalahating mukha ng lalaki na nakaside-view. Matangos ang ilong, natural na namumula ang labi and with a strong and sexy jawline.
Hindi alam ng dalaga na masiyadong mainit pala ang mga titig niya at napalingon ang lalaki sa kanya. Biglang sumikdo ang dibdib at pigil ang hininga niya. Mabuti na lang at bumilis `yong takbo ng karwahe at tuluyan lumabas dito.
Nakahinga siya ng maluwag nang makitang malayo na ang karwahe dito. Umalis siya sa bintana at marahan tinapik-tapik ang kaliwang pisngi ng nakaramdam siya ng hiya. Grabe, ano ba ang pumasok sa isip niya at sinipolan pa talaga niya ang lalaki?
Mabuti na lang at `di nito nakita ang hitsura niya!
Tumikhim muna siya at saka inilibot ang paningin niya sa buong paligid. Masyadong magulo dito!
Bumuntong hininga si Meisha at saka iwinasiwas ang kamay. Nagsimulang gumalaw `yong mga gamit at nagsibalikan sa tamang position at `yong mga nabasag naman ay ginamitan niya ng reversal magic upang bumalik ito sa dati.
Sa kabilang panig naman, may isang lalaki na nakasuot ng itim na damit na nakaupo sa loob ng karwahe. Sinara niya ang bintana at binalik ang tingin sa maliit na kulungan na gawa sa ginto.
“—narrr!”