"Uwah....blop...blop...kailangan ko ba talagang gawin ito?"
Sinuri ni Meisha mula ulo hangang paa si Phyliss na ngayon ay nagkatawan tao. Kahit saan angulo niya ito tingnan ay perpekto talaga ang pangagaya nito sa mukha niya. Tumikwas ang kilay ng dalaga. Kanina lang ay willing itong sundin ang utos niya, tas ngayon ay parang nagdalawang isip na.
“Yes! Kailangan mong gawin ito. Alam mo naman na pinarusahan ako na manatili dito ng tatlong araw,” sabi niya. “May mga taong mga taong pupunta dito para siguraduhin na sumunod ako s autos ng matandang `yon.”
“Hindi mo naman talaga kailangan gawin `to—blop,” Turan nito. Yumuko ito at gumuhit sa sahig ng bilog gamit ang hintuturo. “Akala ko pa naman kung anong ipapagawa mo sa`kin—blop—blop, tas ito lang pala at gusto mo ako manatili dito sa loob—blop.”
Ngumisi si Meisha at tinapik ang balikat nito. "Ano ka ba, hindi rin naman ako magtatagal sa labas eh. Kailangan ko lang humanap ng paraan para makaipon ako ng pera." Walang natatanggap na allowance si Meisha mula sa kanyang pamilya. Madame Julia, the legal wife of her father, is a manipulative and vicious woman. Mahusay din itong magtago sa totoo nitong kulay. Parati itong nagpapanggap na mabait at maunawain pero para sa ibang tao lang. Kapag siya kasi ang kaharap nito, masama ang trato sa kanya.
Siyempre, kahit na gusto niyang manlaban pero no’ng oras na iyon, wala siyang magagawa. Tanging magawa lang niya ay indahin ang sarili sa pang-aabuso nito. May mangilan-ngilan din tao ang nakapansin niyon pero mas pinili nila mag bulag-bulagan.
“Wala ba tayong pera—blop?” Namilog ang mga mata nito at hindi makapaniwala na tinitigan siya.
“Tange, kung meron ba akong pera, sa tingin mo kailangan ko maghanap ng trabaho para magkapera ako?” Malapit na rin ang panahon ng taglamig kaya kailangan niyang maghanda.
“Oh.” Nagbaba siya ng tingin at saka binuksan nito ang spatial storage space. Ang kalahati ng katawan nito ay ipinasok sa loob at nagsimulang maghalungkat. Dalawang oras ang nakalipas bago umalis ito sa loob ng spatial storage space at masayang ibinigay nito ang isang daan peso. “Master, heto, heto! May pera pa akong natira—blop!” Masiglang sabi nito sa kanya. “Sayo na iya—“
Hindi natuloy ang sasabihin nito dahil bigla humagalpak sa tawa si Meisha.
“Eh?” Biglang nagtaka si Phyliss nang makitang tumatawa siya. “Master~ anong nakakatawa—blop?”
Hindi siya nagsalita. Kinalma muna niya ang sarili bago niya ipaliwanag dito ang tungkol sa local currency dito sa serranean continent.
Ang ginagamit nilang pera dito ay copper, silver, gold at white gold. If she has to convert their currency to her country in her previous world, these are the following;
1 Copper coin = ₱10
1 Silver coin (100 copper coins) = ₱1,000(100CC*₱10)
1 Gold coin (500 silver coins) = ₱500,000(500SC*₱1000)
1 White gold coin (1,000 gold coins) = ₱500, 000,000(1000GC*₱500000)
"Naintindihan mo na?"
Tumango ito. “Oo—blop.”
"Good. Tandaan mo rin, huwag na huwag mong bibigkasin ang 'blop' na iyan. Baka magtaka ang mga iyon."
Phyliss stilled for a second before she nodded her head once more.
Matapos niya itong bigyan ng reminders ay inayos na niya ang talukbong ng kanyang roba para hindi makita ang kanyang buong mukha. Everything is ready. Nagsimula siyang bumulong ng orasyon at saka lang lumitaw ang dalawang magical arcane circle na kulay lila; ang isa ay nasa ibabaw ng ulo niya at ang pangalawa ay nasa paanan niya. Umiiikot iyon ng pakaliwa at pakanan habang naglalabas ng mga maliit na liwanag na para bang isa itong alitaptap.
Ang magic spell na ginamit niya ngayon ay isang teleportation magic. It allows the caster to transfer herself or other medium to a place where the caster want to go. However, the farther place and amount of people will bring, the larger amount of magical power will it consumes.
Nang inactivate niya ang spell ay bigla na lang naglaho sa kinatatayuan si Meisha at sa isang kisapmata ay nakita ang sarili na nasa maliit na eskinita na malapit lang sa bahay. Oo, sa labas talaga ng bahay. Isa sa limitasyon ng teleportation magic; kailangan niyang mag-iwan ng land mark sa lugar na gusto niyang puntahan dahil kung hindi, mapapadpad ka kung saan-saan.
It was not that long when Meisha’s memories came back and she was only able to put a land mark here.
Walang tao dito sa kinaroroonan niya kaya naman mabilis na naglakad siya palayo sa naturang lugar. Mahirap na at madiskubre pa siya.
“So ano na, inom tayo mamaya `pag tapos ng trabaho natin?”
“Naku, sa susunod na lang, pre. Pupunta pa kasi ako sa adventurer’s guild pagktapos ng shift ko para sumideline.” Bumuntong hininga ito at saka nagpatuloy na nagsalita. “Kailangan ko ngayon mag-ipon ng pera para makapaghanda ako ngayon paparating na taglamig. Tumaas na naman ang presyo ng bilihin ngayon...”
Napakislot siya nang makita niya ang dalawang bantay sa labas ng bahay na nag-uusap. Huminga siya ng malalim. Gumamit siya ng salamangka para maging invisible siya.
“Hm? Ano `yon?” Sabi ng isang bantay.
“Ang alin?” Tanong naman ng kasama nito.
“May napansin kasi ako kanina—ah, di bale na nga. Baka guni-guni ko lang `yon,” Sabi nito. Nakahinga naman ng malugaw si Meisha. Mahihinang yapak, nilagpasan niya ang dalawang bantay. Saglit lang siya napahinto nang maalala niya ang narinig niya kanina mula sa dalawang bantay.
Adventurer’s Guild huh, banggit niya sa kanyang isipan. That’s it! Umaliwalas ang mukha niya ng magkaroon siya ng ideya. Masayang pinagsiklop niya ang dalawang kamay sa likod niya habang naglalakad.
Adventurer’s Guild. Isa itong organisadong kompanya kung saan nagnegsyo ang mga ito ng armory, supplies, beast extermination and etc for missions. Pupunta doon ang mga kliyente at tatanggapin nila ang mission kapalit na pera. Parang working agency lang `to.
~**~
Lagpas isang oras na nang makarating si Meisha sa town’s square. Pagdating niya roon ay may mga mangilan-ngilan tao na nagsimula ng magbukas ng kanilang paninda.
Makita palang niya ang isang kainan ay biglang lumikha ng tunog ang tiyan niya. Napahawak siya sa kanyang tiyan at napabuntong hininga. Nagugutom na siya. Hindi pa nga kasi siya kumakain simula kagabi dahil ang lintik na matandang mayordomo na `yon ay hindi siya dinalhan ng makakain!
Napalabi siya. Inilabas niya ang kanyang pitaka mula sa bulsa—and want to have a look inside to check how much money she has right now. Toinks. Meron lang pala siyang isang barya na pilak at tatlong daang barya na tanso.
Dismayado na binalik niya ulit sa bulsa ang pitaka.
Nagugutom na siya at gusto na niyang kumain pero mas pinili niyang tiisin ang gutom. Kapag gagastusin niya ang pera, ano na lang ang gagawin niya kapag na kulangan siya ng pera na ipambayad sa registration fee?
~**~
Nagtanong-tanong lang si Meisha sa mga taong nadaanan niya kung saang direksyon ang adventurer’s guild. Huminto ang dalaga sa harap ng two storey building na gawa sa bato, sinulyapan niya ang karatula at nakitang nasa tamang lugar siya.
Nagtungo siya sa pintuan at pumasok sa loob. Inilibot niya ang paningin sa paligid, the place was clean and organize. Sa kaliwang bahagi ay nandoon ang commission board at sa hindi kayulan do’n ay mayroong hagdan patungo sa second floor. Sa kanan naman ay isang malaking kainan pero kasalukuyan hindi pa `yon bukas. Hays...gutom na talaga ako, usal niya sa kanyang isipan at tumungo sa reception desk.
"Magandang umaga, binibini. Ano po ang maipaglilingkod ko sa`yo?"
Huminto sa paglilinis ng mesa ang matandang lalaki at humarap ito kay Meisha.
"Gusto ko sanang mag-register bilang isang adventurer, meron ba itong registration fee?”
Kakaiba ang tingin nito sa kanya. Anong tinitingin nito? May kakaiba bas a hitsura niya?
Nang isipin niya `yon, bigla lang niya napagtanto ang kanyang kasuotan.
Upang hindi na ito mag-suspitya sa kanya ay inalis niya ang kanyang talukbong, exposing her charming and delicate face along with her black hair. Her deep blue eyes appeared to be normal.
"Naku, hija, gusto mong maging isang adventurer?”
"Oo naman, pumunta pa talaga ako rito para maging isang adventurer 'no."
“Napakabata mo pa para maging isang adventurer. Alam ba ito ng magulang mo?”
Pigil na itirik ni Meisha ang kanyang mga mata. Ang tanong kasi nito ay kagaya nang nasa dati pa siyang mundo. Daig pa nito ang isang bouncer na nabisto ang mga high schooler na gumagamit ng fake ids para lang makapasok sa loob ng club.
Sa mga oras na `yon, nakalimutan ni Meisha na 14 years old lang siya ngayon.
“Ulila na ako.” Buhay nga ang ama pero parang patay din dahil wala itong pakialam sa kanya.
Nang marinig ng matanda ang sagot niya ay napabuntong hininga na lang ito at tumigil sa pagsubok na pigilan siya na maging adventurer. Tinitigan niya ito.
“Walang bayad ang registration, pero may bayad ang pagpa ng id. Anim na raan at limampung barya na tanso lang. Pero bago `yan, kailangan mong kumuha ng aptitude test.” Inilabas nito ang isang crystal ball.
“Ano `to?” Meisha looked at it and asked with interest.
“Hawakan mo lang `yan. Ipapakita diyan sa bolang kristal kung ano ang aptitude mo. Isa ito sa requirement para malaman namin kung ano ang abilidad mo.” Tiningnan siya nito ng kakaiba. “Taga-saan ka ba at kahit ito ay hindi mo alam?”
Natulala at hindi makapagsalita si Meisha nang marinig niya ito. It was not as if she’s a dumb person but before she reincarnated in this world, she has live in modern society. Mas advance ang tiknolohiya sa dati niyang mundo at nakagawian na nila gumamit ng nanobots. Ang kanilang ginagamit para sa aptitude test ay isang cabin machine; papasok ang isang tao at may ikakabit ang isang tagasuri sa katawan nila bago magsimula ang kanilang aptitude test—kasama rin pala nila susukatin ang nagsusulit upang matukoy nila kung gaano kalakas sila at bibigyan ng ranggo ang mga ito.
“Iba kasi ang ginagamit namin para magsagawa ng aptitude test.” Pagdadahilan niya.
Napapailing na lang si Meisha sa naisip. Nang mahawakan niya ang crystal ball ay may naramdaman siyang kakaibang enerhiya na nagmumula doon at unti-unting naglabas ng liwanag. Kakaiba pero wala siyang naramdaman na panganib.
“Salamangkera ka pala. Kaya pala ang lakas ng loob mo na pumunta dito para maging adventurer,” Sabi nito at may bahid na pagkamangha sa boses. May sinulat ito sa form bago ipinasa sa kanya. “Punan mo itong form.”
Ang bilis.
Tiningnan niya muna ito bago tinanggap ang paper form at saka sinimulan magsulat. Pangalan niya sa dating buhay ang ginamit niya kesa ang kasalukuyan niyang pangalan. After she fill up the form, she handed it over to the old man, kasama na rin ang p*****t niya.
Tsineck muna ng matanda 'yun para makasigurong walang mali sa sinulat niya. Kumunot ang noo nito. Hey, hey old man, if you have something to say then say it!
“Teka lang ha, Gagawan lang kita ng guild ID member.” Binuksan nito ang desk at kinuha ang blankong card at tinabi sa paper form. Nagsimulang lumiwanag ang mga letra mula sa paper form at ang blankong card. Sa isang kisapmata, napatanto na lang ni Meisha na hindi na blanko ang card at meron na `yon nakasulat.
“Heto, tapos na,” Sabi nito at saka ibinigay sa kanya ang card at may kasamang maliit na guideline book para sa baguhang adventurer.
Ang bilis. Akala niya ay kailangan pa niyang maghintay ng ilang araw para makuha niya ang ID.
Tinanggap ni Meisha `yon at tinitigan ang freshly made guild ID member card. Mayroon din ranking system dito, sa ngayon, dahil baguhan palang si Meisha ay nasa Rank F pa siya.
She can only take commission according to her rank. Also, in order for her to raise her rank she needs enough achievement points to upgrade her rank.
"Kung mayroon kang hindi naintindihan sa guideline booklet na `yan ay huwag kang mahiyang magtanong sa akin, Binibining Micha."
Tumango si Meisha bago nagtungo sa quest board upang kumuha ng commission.
"Let see...reward for collecting each 10 pcs. of red, blue and yellow herbs is 50 copper coins. Find a lost puppy, reward: 5 copper coins. As for the tavern who's looking for waitress reward: 2 silver coins a month...darn it, wala bang mas malaki pa dito?" Kinuha niya ang huling poster tas bumalik na sa counter.
Mabilis lang ang proseso, pagkatapos siya nito binigyan ng commission ticket at tinuro ang address ng naturang tavern ay umalis na siya.
At last, tapos na! Makakain na rin!