"Sigurado ka na libre na itong lahat?"
After that incident happened, for some reasons, most of the people here furtively glancing at her while whispering about how incredible she was.
"Oo naman! Bilang pasasalamat ko na ito sa pagtulong mo sa akin kanina. Pero...magiging okay ka lang ba talaga? Panigurado ako na hindi ka tantanan ng gagong iyon,” Nag-aalalang sabi ni Tanya. Ito `yong babae na tinulungan ni Meisha kanina.
"Huwag kang mag-alala, kaya ko naman sila," Meisha said before she took a bite of the bread with cheese in it. Kahit na medyo matigas `yong tinapay ay masarap parin. Yum.
"Kunsabagay, ang husay mo nga kanina! Pero anong mahika ang ginamit mo kanina upang bumalik sa dati ang lahat ng nakakalat dito?” Kumikinang ang mata ni Tanya habang nakatitig sa kanya ng admiration. “Siguro nasa 5th or 6th rank na magician ka `no?” Patuloy na tanong nito. Iba ito sa ranking system ng adventurer guild. Tinutukoy ng babae ay ang antas ng lakas niya bilang isang salamangkera.
“Parang gano’n na nga.” No, pero mas makakabuti narin na iyon ang iisipin nito.
“Wow, ang lakas mo pala! Hindi makapagtaka na matatalo mo ang kagaya ni Gordon na isang Rank B adventurer at iba nitong kasama.”
Inubos muna ni Meisha ang huling piraso ng pianono bago nagsalita.
“Hindi naman nakabase sa ranggo bilang adventurer ang lakas ng isang tao.” Pagtatama niya rito. “Oo nga pala, nasaan ang may-ari ng kainan na `to?”
"Hm? Wala pa siya rito eh, mamaya pa ang balik niya galing commercial district. Bakit?”
“Wala lang. Nagtataka lang kasi ako kung bakit wala `yong amo mo kahit na nagkakagulo na dito.”
“Ay iyon ba? Hindi naman parati ganito ang kainan namin eh. Nagkataon lang na wala dito iyong amo ko tas samahan pang dumating dito ang mga gago dito.”
“Binibini, gusto kong um-order!”
Napalingon si Tanya sa kabilang panig bago tumugon. “Naku, pasensya ka, ha? Aasikasuhin ko muna itong customer.”
“Okay lang, tapos rin naman akong kumain dito at kailangan ko na rin umalis.”
~**~
Honey Bear Tavern
Wanted: Need a part-time waitress only for a week.
Reward: 2SC
Ibinalik niya sa kanyang bulsa ang commission paper. Isa iyon sa kinuha niyang commission mula sa adventurer guild. Magtatrabaho lang siya bilang waitress sa tavern dalawang pilak na barya ay napakalaking pera, hindi pa kasama do’n ang tip at bonus kung maganda ang performance niya. Sapat na `yong pera sa dalawang linggo para sa panggastos sa bahay ng isang pamilya.
Maingay, malakas na tawanan at isama na din ang pagpapatugtog ng musika ang dalawang musikero. Naghahalo ang ingay. Kahit dalawang oras palang siya nagtatrabaho dito, sumasakit na ang kanyang ulo sa ingay.
Sa gabi lang bukas itong tavern at magsasara sa madaling araw. Magtatrabaho sa gabi ay masiyadong nakakapagd lalo na’t kailangan niyang harapin ang mga lasing.
Siyempre, kahit na naiingayan siya sa mga ito ay maasikaso parin siya sa pagtanggap ng mga order nila at paminsan-minsan ay makinig sa mga usapan nila at nagbabakasakali na may makuha siyang kapaki-pakinabang na impormasyon.
One of them talked about a noble man’s third leg was cut off by his own wife because he was caught on spot in bed with his mistress. Iba naman ay pinag-uusapan nila ang matagumpay nilang mission at balita tungkol kay punong ministro at kung pano nito sinibak ang isa sa gabinete dahil sa nagawa nitong krimen.
Sikat na tindahan ng alak ang Honey Bear tavern kaya hindi makapagtaka na maraming mga tao na nandito, sa sobrang dami ng tao ay halos wala siyang pahinga hangang sa umabot ng madaling araw nang sa wakas ay nagsiuwian na ang lahat ng customer.
Tapos narin siya sa kanyang trabaho at lumapit sa may-ari ng tavern na tapos na siya sa kanyang trabaho at uuwi na.
Bago siya umalis, binigyan muna siya nito ng stamp at pirma sa kanyang timecard at dahil maganda din ang performance niya sa unang araw ay binigyan siya nito ng tatlumpu barya na tanso. Isama na ang tip na nakuha niya muna sa customer, mayroon na siyang higit pa sa isang daan barya na tanso.
Bago siya umuwi sa bahay, dumaan muna siya sa kakahuyan upang mangolekta ng halamang gamot. Hindi madaling mahanap ang mga halaman gamot na hinahanap niya. Mabuti na lamang at napagtanong niya kanina kung saan tumutubo ang mga iyon.
Kalahating oras din sa wakas nahanap niya ang tatlong klase ng halamang gamot. Subalit kulang parin iyon. Kinakailangan niya ng tig-sampung piraso nitong tatlong halamang gamot. Para mas mapabilis ang kanyang trabaho ay gumamit siya ng salamangka na magpadami niyon. Voila! Tapos na!
Paniguradong mayroon na naman siyang isang daan at limampu barya na tanso!
Maliit na barya man pero okay na din iyon. Masaya na bumalik siya sa guild. Pagdating niya doon ay lumapit agad siya sa receptionist. Hindi na ang matandang lalaki na nakausap niya kahapon ang nandun kundi isang babae.
Binigay ng dalaga ang kanyang tatlong commission ticket sa receptionist, nang tiningnan nito 'yun ay biglang napatikwas ang kilay nito. In-adjust nito ang salamin at saka tumingin sa kanya.
"Ikaw siguro ang tinutukoy ni Ginoong Richard na bagong adventurer.”
Richard? Iyon ba ang pangalan ng matandang lalaki?
Tumango na lamang siya rito. Binalik ulit ng receptionist ang atensyon sa tatlong commission ticket na pinasa niya rito. “Tig-sampung piraso ng Allofranil, Xallavati at Trazipian. Limampu barya ng tanso sa bawat isa ng commission. Isang daan at limampu barya ng tanso ang lahat.” Kalkula nito. “Ah, ibigay mo muna sa`kin ang ID mo.”
Sinunod din naman niya ang sinabi nito. “Salamat,” Sabi nito at saka kinuha ang ID. Kinuha nito ang cylindrical crystal tube at tinuon ang dulo niyon sa ID card niya tas may isinulat ito doon. Matapos niyon ay ibinalik niya ang kanyang ID.
Name: Meicha Wistra
Profession: Magician
ID# *********
Birthdate: Junho 35, 023B
Rank: F
Achievement Points: 12/100
Dumako ang mga mata ng dalaga sa ibabang bahagi ng card, at do’n lang niya naintindihan kung anong ginawa ng receptionist kanina. Binigyan pala siya nito ng puntos dahil may natapos siyang tatlong commission.
Pagkatapos din niyang makuha ang p*****t para sa halamang gamot ay nagtungo siya sa commission bulletin board para sa F rank. Tatlo na lang ang natirang trabaho doon.
1. CLEANING THE PUBLIC AREA.
Reward: 150CC/Day
Achievement Points: 10PTS
Note: Please ask the staff for more inquiries
2. [URGENT!!!] SUBJUGATION OF MUSHPUNCH
Requirement: NEED TO FORM A TEAM!!!
Reward: 50SC
Achievement Points: 50PTS
Note: Please ask the staff for more inquiries.
3. RED/YELLOW/BLUE FLOWER MEDICINAL HERBS
Reward: 25CC/Single flower of any of this flower herbs.
Location: Central Business District, Trinity Drugstore
Achievement Points: 5PTS
Notes: Please ask the staff for more inquiries.
Maliban sa ‘Cleaning The Public Area’ Commission ay kinuha niya ang dalawang commission paper tas bumalik sa desk counter. Inilagay niya sa mesa ang dalawang papel. “Kukunin ko itong commission ng red, yellow and blue flower herbs at itong isa naman, itatanong ko lang kung may kumuha na ba nitong trabaho na ito at kung sakalu man na oo, mayroon ba silang bakante. Gusto ko rin sumali subjugation ng mushpunch.”
Mushpunch. Hindi niya alam kung anong klaseng halimaw iyon pero base na nasa rank F ito, nakakasiguro siya na hindi iyon gano’n kadelikadong halimaw.
Bahagyang nagkasalubong ang kilay ng receptionist. Mabilis na kumilis ito at kinuha ang isang files sa rack na malapit sa kanya at tiningnan iyon.
“May limang sumali sa subjugation ng mushpunch at mayroon pang isang bakante. Pero base sa impormasyon na nakuha ko sa`yo, mayroon ka pang nakapending na trabaho, binibini.”
“Panggabi naman iyon. Sa pagkakaalam ko ay maari kumuha ng tatlong commission sa isang araw. Kaya kong isingit itong dalawang trabaho sa umaga.”
“Oo, maaring kumuha kayo ng tatlo o apat na commission sa isang araw pero nakadepende parin iyon sa kung anong klaseng commission po iyon. Kagaya na lang nitong pagkuha ng halamang gamot, ito pwedeng pwede mong kunin kasi hindi `yan babangga sa schedule ng trabaho mo sa honey bear tavern dahil wala itong time limit kung kelan mo pwedeng ibigay sa customer.” Umiiling ang ulo nito matapos ipaliwanag sa kanya.
Biting behind her cheeks whilst in contemplation. Isang daang pilak na barya iyon. Sayang. Ba’t ba kasi ngayon lang nila pinost ito? Medyo nainis siya ng isipin iyon. Pero maya’t maya ay bigla may naisip siyang ideya.
“Kung sakali na mayroon akong paraan upang hindi ako magkaroon ng problema sa isa ko pang trabaho, pwede ba akong sumali sa subjugation?” Tanong niya rito. Bigla napaisip ang receptionist.
“Depende iyan. Pero pinapaalalahanan kita na gayong tinanggap mo `yong trabaho, kailangan tapusin mo iyon at bawal na humingi ka ng tulong sa ibang tao para palitan ka sa trabaho mo. Nasa rules and violation ng guideline book ito.”
Napalabi siya bago nagsalita, “Huwag kang mag-alala, hindi ko naman gagawin iyon.” Kahit na gawin iyon, hinding-hindi niya ipapaalam dito. “Isa akong salamangkera at may kakayahan ako na gumawa ng sarili kong clone. Sa tingin mo ay hindi ito labag sa patakaran.” She quickly used a clone magic. It is useful magic, but Meisha didn’t really plan to use this kind of magic for labor at all who knows she might encounter some strong people and her clone might not able to handle it.
She plans to let Phyliss disguised as her to take over the job whilst her clone stays at home. Sarap sapakin ng ulo niya, ba’t ba ngayon lang niya naisip iyon?
Sa huli, napapayag din naman niya ito. Kaya rin siguro pumayag na lang ito dahil urgent ito at walang gaanong pumapansin nitong commission sa tatlong dahilan; Isa, kunti lang ang mga adventurer na pumunta ngayon at walang lakas na loo bang ibang Rank F Adventurer. Pangalawa, May mga adventurer na mataas ang tingin ang sarili at hindi nila gustong kunin itong commission. At ang huli naman, hindi ito maisingit sa kanilang schedule dahil may hindi pa ito tapos sa kanilang trabaho. Nahulog sa pangatlong kategorya si Meisha.
Before Meisha came, there are only five people who participate this subjugation, however, they are still lack of one person—particularly a magician.
“Oh siya, sige, bibigyan kita ng tsansa dahil kinakailangan talaga sugpuin `yong mga mushpunch. Bumalik ka dito, six hours later para magkita kayo ng iba pang sumali sa subjugation nito.” Sabi nito at saka binigyan ng stamp ang dalawang papel bago ibinigay sa kanya.
“Okay.” Masaya na bumalik siya sa bahay.
~*~
Inside the ancestral hall, the smoke from the incense stick and candle lights permeate in the air. There are two figures sitting on the chair. One figure that has a size of a hand was crying while stuffing some food on her mouth.
"Sniff...waaablop...waablop...shumu shalaha nhila..."
"Gee, lunukin mo muna iyan kinakain mo bago ka magsalita."
Ang dalawang ito ay walang iba kundi si Meisha at Phyliss. Pagbalik ng dalaga rito sa bahay ay sinalubong agad siya ng palahaw ng kanyang celestial spirit na si Phyliss. Ayon rito, hindi na naman ito dinalhan ng makakain ng mga katulong na nagtatrabaho sa kusina.
Sinunod naman ni Phyliss ang sinabi ni Meisha. Lumingon ulit ito sa kanya, her monochrome, limpid water-eyes were glistening with tears (?) looking at her Master.
Meisha glance at her forehead, although Phyliss body's made of water, ay visible sa paningin niya ang bukol nito sa noo. She flinched a bit and felt guilty at that sight.
“Pano ka nagkaroon ng bukol?” Nagtatakang tanong niya rito. Sinuri niya ang namamagang bukol.
Dumistansya ito sa kanya at umiling. “Wala `to. Nabagok lang `tong noo ko no’ng altar—blop—pero ang sama...blop...blop... talaga nila! Ganito ba talaga...blop...ang trato nila sayo...blop...Master? Ang sama-sama talaga! Papatayin ka talaga nila sa gutom...wuwuuwu...blop...Master....kung lumayas na lang kaya tayo rito?"
Kinuha ni Meisha ang panyo at pinasa rito bago magsalita. "Magtiis muna tayo.”
"Blop?! Bakit ba?!" Tanong nito habang nginangatngat ang cake na binili niya kanina noong papunta palang siya dito.
Napapailing na nagsalita siya rito.
"Phyliss...Phyliss...why would I let those pretentious holier-than-thou and lower than a snake's belly lives happily?" Her smile was warmth as sunshine while her pure as snow white eyes flashes red. Ano pa ba ang inaasahan niya sa kanila? As of now, kunti lang ang pera niya. This is not enough for them to live especially she also needs a big amount of money to travel to look for her friends.
Medyo `di naintindihan ni Phyliss ang amo dahil sa masyadong makata, pero gano’n pa man ay naintindihan ng celestial water spirit kung anong gusto nitong ipahiwatig. Biglang nabuhayan ito ng loob at saka sumilay ang isang pilyang ngiti bago ito nagsalita. “Magsisi sila sa kanilang ginawa—blop!”
"Pagkatapos mong kainin `yang cake na iyan ay may ipapagawa ako sayo."
Parang nabulanan si Phyliss sa sinabi ng amo. Three imaginary lines appeared on her forehead.