Sa pagbalik ni Meisha ay nakita niyang hindi parin okupado ang mesa na ginamit niya kanina at wala narin `yong lalaki kanina. Siguro dahil kalat na ang balita na dumalo siya at diyan siya nakaupo kanina, sa takot na mamalasin sila ay hindi sila naglakas loob na umupo diyan.
Nagsimula narin pala ang piging. Balak sana niya bumalik sa upuan pero naisip niya gayong nagsimula na ang piging, ibig sabihin ay nandito na ang celebrant. Kahit na hindi niya kilala ang arsobispo o nakita ng personal at naweirduhan siya sa kilos nito sa kanya ay kailangan parin niya batiin ito.
Hinanap niya ito sa maraming tao, at napahinto sa isang mesa kung saan may mangilan-ngilan tao lumapit sa isang lalaki na nakasuot ng clergy white cassock at sa manggas niyon ay burda. Naiiba ito kesa sa ibang pari na nandito.
Siya ba ang celebrant dito? Sa isip-isipan ni Meisha. Base na rin sa pinapakitang respeto ng ibang tao na nasa harap nito, malaking tsansa na ito ang arsobispo. Hindi niya makita ang hitsura nito dahil nakatalikod ito, pero 80 percent sure siya na ito nga ang hinahanap niya.
Maglalakad na sana siya patungo roon pero napahinto siya sa kanyang balak ng marinig niyang may pamilyar na boses na tumawag sa kanya.
"Kapatid ko!” Medyo nangilabot siya sa nang tinawag siya ni Lavina na kapatid. Naku, sinapian ba ito ng masamang espiritu?
Nilingon niya ito at nakitang sa likod ni Lavina ay may ilang babae na nakasunod rito. Naglalakad ang mga ito patungo sa direksyon niya.
"Saan ka ba nanggaling kanina? Kanina pa kita hinahanap para ipakilala sa mga kaibigan ko." Matamis na nakangiti sa kanya si Lavina. Sinulyapan nito ang mga kaibigan sa likod at sunod-sunod na bumati kay Meisha. Subalit, kahit gaano pa sinikap na umaktong hindi takot ay hindi parin isang mahusay na actress ang mga ito. Batid parin ng dalaga na ayaw ng mga ito lumapit kay Meisha, pero sino bang nagsabi na kailangan nila maging malapit kay Lavina na lehitimong anak na babae ng pamilya ng Yuen. Isa-isang pinakilala nila ang sarili at kung aling pamilya sila nagmula.
A glint flash through Meisha eyes upon seeing them. Kahit na hindi man maikompara sa pamilya niya ang pamilya ng mga ito, pero masasabi parin kilala at respetado parin ang mga pamilya ng mga ito.
As expected sa kapatid niya sa ama, hindi ito basta-bastang nakikipaglapit sa mga tao. Marunong din palang pumili ng kakaibiganin ngunit anong binabalak ng bruhang `to?
Pagkatapos nilang bumati ay ginantihan niya ang mga ito ng bati rin. Syet, medyo nakakaasar narin ang ganitong bagay. After awhile, the three girls stilled for a moment and kept staring at her whole face. Indeed, this was not the first time they met her. Ilang beses na nila nakikita si Meisha sa malayuan kapag ng bumibisita sila sa bahay ni Lavina pero ito ang unang beses na makalapit sila ng husto. Medyo gulat silang tatlo dahil noong una pa nilang nakita si Meisha ay napakapayat at walang kabuhay-buhay ang hitsura ng dalaga, pero ngayon...ah basta...ewan.
"May kailangan ba kayo sa akin? Kung wala ay maiiwan ko muna kayo."
"Ano ba ang pinagsasabi mo, Ate? Aalis ka na agad na hindi pa nagpapakita kay Venerable archbishop Samiel?"
Umangat ang isang sulok ng labi niya. Sure enough, wala talagang magandang intension ang babaeng `to. "Hindi ko alam kung bakit mo naisip iyan, wala akong sinabing aalis ako dito kundi iiwan ko kayo rito dahil pupuntahan ko ang arsobispo para batiin siya sa kaarawan nito. Tut, kapatid ko, kailangan mo `atang linisin ang tainga mo para marinig mo ng malinaw ang sinasabi ko.”
Nang marinig ni Lavina iyon ay tila pinulikat ang ngiti nito ngunit agad rin ito bumalik sa dati ang ngiti nito at sinabing, "Since pupunta ka na rin lang naman sa kanya ba’t hindi ka sumama sa amin. Papunta din kasi kami sa kanya para ipresenta ang regalo namin sa kanya.” Alok nito sa kanya. Pinakitaan rin naman ng disgusto ng kasama nito ang narinig. “Ah, nabanggit ko rin naman ang regalog, ano nga pala ang inahanda mo para sa arsobispo, ate?” Inosenteng tanong nito sa kanya. Kumikinang ang mata nito sa galak habang nakatingin sa kanya dahil sa pag-aakalang wala siyang maipresentang regalog.
Ang tatlong kaibigan naman nito ay naging malikot ang mga mata, tila may hinahanap mula sa kanya. Biglang humagikgik ang tatlong kasama ni Lavina na para bang may nalaman ang mga ito na nakakatawa.
'Grrr! Blop!' Saglit lamang ay naramdaman na naman ni Meisha ang galit ni Phyliss. Para maibsan ang galit ni Phyliss ay marahan na minamasahe niya ang ear cuffs niya. 'Master! Bigyan mo na akong permiso na tuyuin ang dugo niya, blop! Agh! Grr! Hindi iyan titigil hangang hindi talaga nakakatikim ng martilyo—bloparay!'
Meisha mariin hinawakan niya si Phyliss na kasalukuyan nag-anyong hikaw. Kung hindi niya ito pipigilan ay baka magkaroon pa siya ng problema kapag nagkataon.
“Ano ka ba, aking kapatid, siyempre may hinanda ako. Hindi man kasing grande kagaya ng sa inyo pero hindi pinaghirapan ko parin iyon para ibigay sa kanya.”
Subalit hindi parin naniniwala si Lavina. “Oh, talaga? Ano naman iyon? Sigurado ako na hindi mo bibiguin ang arsobispo.”
“Malalaman rin ninyo mamaya.”
Medyo natigilan ito sa narinig. Batid rito na halos walang binigay na allowance si Meisha at kahit na may pera ito ay nakakasiguro siya na hindi sapat iyon para makabili ng magandang regalo at wala rin itong oras na makabili lalo na’t narinig niya pinarusahan ito na manatili sa loob ng ancestral hall ng ilang araw.
~**~
May mga tao na galing sa royal family at iba pang nakakataas na official ang nando’n, na nagsaya sa kaarawan ng archbishop; minsan nagkwentuhan ang mga ito at iba naman ay tahimik na nakikinig sa kanta ng minstrel.
"Narinig ko inimbitahan mo ang apo na babae ni Heneral Yuen?” Panimula ni Duke Samyl.
“Oh, alin naman sa apo na babae ni Heneral Yuen?” Tanong naman ng isa sa kanilang kasama.
“Ang apo na babae ni Heneral Yuen na may puting buhok na buhok at mata. Iyong sinumpang babae.” Nang marinig nila iyon ay biglang nanahimik ang mga ito.
“Masyado naman masama ang deskripsyon mo sa apo na babae ni Heneral Yuen.” Saway ni Samiel, ang arsobispo ng simbahan.
“Ano ba ang masama sa sinabi ko?” Aroganteng tanong ng duke. Isa siguro sa ilang tao na hindi takot sa arsobispo at hindi binigyan galang. “Huwag mong sabihin na naniniwala ka parin sa sinabi ng pekeng orakulo na iyon?” Natatawang turan nito sa arsobispo.
Nang inanunsyo ng orakulo ang tungkol sa propesiya na nakita nito sa hinaharap. Mula pa sa sinaunang panahon ay matindi na ang kanilang paniniwala sa poong maykapal at mapamahiin. Hindi nila pinagdududahan ang orakulo ngunit hindi nagbago iyon sa sandaling ipinanganak si Meisha ng kanyang ina ay may dumating na makalakas na bagyo sa kanilang kaharian. Ang bagyo na ito ay nagpakawala ng malakas na hangin at malakas na ulan na dahilan na pumatay na higit pa sa dozenang tao, sinira ng bagyong ito ang maraming bahay at pananim ng magsasaka na dahilan para magkaroon ng kakulangan sa pagkain.
At nang nalaman nila na puti ang buhok at mata ng sanggol ay hindi nila maiwasan na magduda. Bakit ganito ang hitsura ng sanggol? Sa mga oras na iyon ay hindi nila maiwasan na manghinala kung totoo ba ang sinabi ng orakulo. May isa sa kanila na kinopronta nito ang orakulo pero nang bumisita ito sa bahay ng orakulo ay nadatnan nilang nakalambitin na ito at wala ng buhay.
Sumunod na nangyari ay may kumalat na usap-usapan tungkol sa mala sang sanggol at hangang tumatagal ay naniwala sila na hindi ang sanggol na ito ang magdudulot ng kamalasan ng kanilang kaharian kesa umunlad. Anong mauunlad ang kanilang kaharian at binayayaan ito ng swerte ng diyos? Kabaliktaran lang `ata ng sinabi ng orakulo noon ang nangyari.
“Kung totoo man o hindi ang pamahiin tanging ang maykapal lang ang nakakaalam niyon. Isa pa, matagal na nangyari ang trahendyang iyon at isipin mo nga, maliban do’n sa nangyari, may sumunod bang trahedyang nangyari? Kung totoong malas o sinumpa man siya ba’t hangang ngayon ay buhay at maayos parin ang buhay ng Yuen?” Biglang nanahimik ito nang marinig nito ang turan ng arsobispo.
Gusto sana nitong tugunin ang sinabi ng arsobispo ngunit hindi natuloy nang may lumapit sa kanilang katulong at sinabing nandito raw ang punong ministro at ang dalawang prinsipe, isa na roon si prinsipe cleo.
Sa paglapit ng tatlong kilalang lalaki sa kaharian nila ay hindi maiwasan na maagaw ang atensyon ng mga kababaihan dito sa tatlong binata lalo na sa binate na itim ang buhok, nakapaskil sa guwapo nitong mukha ang ngiti na dahilan para mag-init ang mga mukha ng mga kababaihan lalo na sa hindi kasado. Habang ang dalawang prinsipe naman lalo na si Crown prince Cleo ay malamig na nakatingin sa bagong bisita.
Hinarap naman ni Samiel sa tatlong panauhin at binata. Iginiya nito ang tatlong importanteng panauhin sa upuan.
“Hindi ko akalain na dadalo ka pala sa piging na ito, Punong Ministro Lansford.” Casual na sabi ni Cleo rito nang makaupo silang tatlo sa upuan.
Tumawa ito ng mahina bago nagkibit balikat at sinabing, “Sa tingin mo kung hindi lang dahil kay `tanda, pupunta ako rito? Huwag mo sanang mamasamain, arsobispong samiel, ha? Alam mo naman ang trabaho ko, marami akong trabaho na kinakailangan kong gawin at minsan lang ako magkaroon ng oras para magpahinga.”
Gumanti lang ng isang ngiti si Samiel at hindi na lang tumugon rito. Bihira lang sila magkitang dalawa ngunit alam ni Samiel na isa ito sa uri na tao na kumikilos ng masaya at tila wala bang pakialam sa lahat ngunit ang totoo niyan ay animo isa itong tigre na naghihintay na maalwan ang biktima bago nito salakayin ang mga ito.
“Punong Ministro!” Saway ng ibang ministro na dumalo sa kaarawan ng arsobispo nang marinig nito ang walang galang na sabi ng binate.
“Ha! Abala sa trabaho? Baka naman abala ka sa pag-aayos ng bahay mo. Narinig ko na sumabog daw ang bahay mo?” May bahid na saya ang boses ng nakakabatang kapatid sa ama ni Cleo.
Palihim na binigyan ng matalim na tingin ni Cleo ang kapatid. Tanga ba ito?
Huwag titingnan na mukha maloko si Lansford, pero may dahilan kaya nakuha nito ang posisyon bilang punong ministro sa batang edad—hindi dahil may malaking pamilya na sumusuporta rito kundi dahil malakas na likas na matalino at talento ito. Minsan binalalaan si Cleo ng ama na mag-iingat ito sa punong ministro.
Kahit na hindi nito alam kung bakit nasabi iyon ng amang hari ay sinunod na lang ang sinabi nito.
Tawa lang ang tugon ni Punong Ministro Lansford sa pangalawang prinsipe.
"Tumahimik ka, Neo. Huli ka na nga pumunta rito tas ganito pa ang kilos mo." Saway ni Cleo sa kapatid. Napansin naman iyon ng kapatid ni Cleo kaya biglang tinikom nito ang bibig.
Maya’t maya nagpatuloy na silang nag-usap at ilang sandali rin ay dinala ng mga katulong ang kanilang pagkain.
Habang kumakain sila ay patuloy rin sa pagpatugtog ang musikero at pagsayaw sa entablado ang mananayaw.