Chapter 17 The Banquet (5)

2904 Words
Unfortunately, the four of them didn’t have the chance to get close to the venerable arcbishop to give their gift. Nang makita nilang nagdala na ng makakain ang katulong ay nagsibalikan silang lahat sa upuan para kumain muna. Hindi bale, may pagkakataon din naman maibigay nila ang kanilang regalo sa arsobispo. Matapos ang kanilang pagkain ay sinimulan na ng organizer na aliwan. Sa sentro ay may mga mananayaw na masayang nagsasayawan pero matapos niyon ay isa-isang nagsilapit ang ibang bisita para ipresenta ang kanilang regalo sa arsobispo. "Ate, anong klaseng sopresa? Hindi mo ba talaga pwedeng sabihin sa akin na kapatid mo?" Isang sulok ng labi nito ay nakaangat. Pinili kasi nito ang mesa na malapit sa kanya para madali lang nito makausap si Meisha. Hindi talaga nito palalampasin kahit segundo na hindi siya nito inisin. Misha look at her indifferently. “Bakit ba ang kitid ng utak mo, kapatid ko? Sinabi ko naman sa`yo, `di ba, na malalaman mo rin. Huwag kang maging atat.” Lavina rosy cheeks twitches. Pigil parin na pumutok ito sa galit. Meisha's face remained impassive but there was a hint of joy in her eyes when she saw her about to explode in anger. “Hindi naman sa `atat ako, pero nag-aalala lang ako dahil wala ka kasing dalang regalo. Ayoko lang kasi na mapahiya ka dahil wala kang maiibigay na regalog.” Nangangalaiting sabi nito. Ayan tuloy, hindi niya maiwasan na tuksuhin ito. Mahinang bumuntong hininga siya at sinabi rito, “Interesado ka ba talaga na malaman ang regalo ko? Hindi ko alam na nag-aalala ka sa akin. Oh siya, bilang nakakatandang kapatid mo, dahil gusto mo talagang malaman ay sasabihin ko sa`yo.” Binuka niya ang braso na tila suko na rito. “Talaga?! Ano naman `yong regalo mo?” Sinulyapan niya ang mga kaibigan nito na nakikinig sa kanilang usapan bago binalik ang tingin kay Lavina. "Sa nakikita ninyo ay wala akong dala. Kaya halata naman na wala akong maibibigay na material na bagay para sa kanya..." Aniya sa tumawa ng mahina. Kahit na hindi tinuloy ni Meisha ang sasabihin ay nagsimula ng umandar sa sistema nila ang sinabi ng dalaga. They should have known! Sinabi na niya kanina na wala itong material na ibibigay sa celebrant! Halata naman talagang wala! Dalawa lang ang nasa isipan nila kung anong balak ng dalaga! Really? Did she really think the Venerable archbishop Samiel will surprise kung iyon ang gagawin niya? Some of the guest had already done it, so what make her think that he will be surprise? Nang ma-realize ni Lavina kung ano iyon ay mas lalong napangiti ito. "Sasayaw o Kakanta ka? Hindi ko yata alam na marunong ka niyon, Ate." "Pinag-aralan ko iyon ng mag-isa." Maikling sagot niya rito. Sa dati niyang buhay, ulilang lubos na siya ay kailangan niyang magbunot ng buto para makain at mapag-aral niya ang sarili at dahil minor de edad pa siya noon ay kunti lang ang kinikita niya. Para nay dagdag kita siya ay sumasali siya sa mga patimpalak kagaya ng pagsasayaw. "Nag-aral ka ng mag-isa? Malaki yata ang tiwala mo sa sarili, Binibining Meisha." Hindi mapigilan na magsalita si Lashaunda. She was not pleased to hear that this white hair girl has some guts to perform dancing or singing. Kilala si Lashaunda sa buong kaharian na isa sa pinakamagandang boses, she was planning to sing for the Venerable archbishop. Did this white hair girl really think she can compete with her? Tiningnan ni Meisha ang nagsalita. Mayroon talagang kasabihan na kung anong ka ay ganun din ang kaibigan mo. These bunch of girls were like dog-eat-dog, hindi titigil hangang wala sa isa sa kanila ang mananalo. "Binibining Dycus, hindi sa nagmamayabang ako sa aking abilidad. Tanging gusto ko lang ay ipresenta ang regalo ko sa harap ng arsobispo na tingin ko naman ay maganda. Wala naman sigurong masama do’n, di ba?” Without giving her a time to rebut, she stood up and leave them. Seeing this girl in green dress open-close her mouth ay palihim na napaisip ang dalaga bago nagsalita. "Ba’t hindi natin gawin ito, magpustahan tayo.” Kumunot ang noo nilang apat nang marinig nila iyon. "Pusta?” Sabay na usal ng apat. “Oo, kapag nagustuhan nila ang ginawa ko. Ako ang panalo pero kung hindi naman ay kayo ang panalo.” Napapailing na sabi ni Lavina bago magpatuloy. "Sigurado ka ba sa gagawin mo? Bilang kapatid mo, ay babalaan kita, si Lashaunda ay isa sa pinakamagandang boses dito sa kaharian ng rethem. Isa pa, saan ka naman kukuha ng pera para makipagpustahan?" Lihim na napangiti si Lavina. "Bakit, Lavina, nauubusan na ba ng pera ang Yuen Clan? Huwag na nga lang. Panigurado naman na hindi ako bibigyan." Sabi niya bago marahan kinumpas ang daliri sa ear cuff at earrings niya. "Nakita niyo ba ang hikaw na ito?” Tanong niya rito. Napadako naman ang tingin ng apat sa hikaw niya na ngayon lang nila napansin. Napakaganda niyon at mukhang rin mamahalin. Nagkasalubong naman ang kilay ni Lavina at makikita sa ekpresyon nito na tila nagtatanong; ‘Saan ka nakakuha ng pera para pambili sa mamahaling hikaw na iyan?!’ ‘Master—blop!’ Angal naman ni Phyliss. “Itong hikaw na ito ay pamana pa sa akin ng aking ina. Sa pagkakaalam ko ay naghahalaga itong higit pa sa isang puting gintong barya, kapag kayo ang manalo sa pustahan natin ay sa inyo ito.” “Higit pa sa isang puting gintong barya?!” All of them were from wealthy family but more than two white gold coins is very huge amount of money. Maliban sa mga alahas nila, hindi pa sila nakahawak ng gano’n kalaking pera! Hindi maiwasan na matukso ang apat sa sinabi niya nang makita nila ang silver glitter dragon ear cuff and earrings. There was an exquisite blue stone embed on its wings. Mahusay ang mga ito kumilatis kung totoo ba ang alahas at isang tingin palang nila sa hikaw ay nakakasiguro sila na totoong alahas iyon—higit sa lahat mukhang extraordinary ang hikaw na iyon. Nagkatinginan ang apat at marahan tumango. Nang marinig ni Phyliss iyon ay naramdaman ni Meisha na manginig ito. 'Wag po—blop! Wag po—Blop!' ‘Ano ka ba, Phyliss, sa tingin mo ba ibibigay kita sa mga babaeng ito kapag nanalo sila? Sa tingin mo ba na matatalo ako sa simpleng pusta na ito?’ ‘Peroooo~’ ‘Kahit na manalo sila, aalisin ko sa alaala nila an gaming pustahan kung mangyari iyon, kaya huwag kang mag-alala.’ Pagkatapos niyang aluin si Phyliss ay nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Oo, isusumpa ko pa nga sa ating maykapal na totoo ang sinasabi ko. Pero kailangan niyo rin pumusta na katumbas ng pinusta ko.” Biglang natigilan ang apat pero maya’t maya ay napatango rin. Ang unang nagsalita ay si Keturah. "Wala akong dalang gano’n kalaking pera, kaya..." Kinuha nito ang isa sa hair ornament at jade beads bracelet nito at pinakita sa kanya. "Ang hiyas at pulseras na ito ay naghahalagang limang daan gintong barya.” Matapos no’n ay isa-isang pinusta nila ang kanilang mga alahas maliban kay Lavina. "Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang tapang mo para pumusta. Pero gayong mapilit ka sa pusta na ito, oh sige, pero hindi alahas ang ipupusta ko kundi isang puting gintong barya!” Unlike those three girls, mas malaki ang allowance na natatanggap ni Lavina tagabuwan mula sa magulang nito at maliban doon ay may nakuha siyang premyo noong sumali siya sa paligsahan noong nakaraang taon kaya umabot ng isang puting gintong barya. Palihim na nangangalaiti siya ng maisip niyang may gano’n kamamahaling alahas si Meisha na naghahalagang higit pa sa isang puting gintong barya. Naalala tuloy niya ang ang kinuwento ng kayang yaya; noong nabubuhay pa raw ang ina ni Meisha ay matindi daw nahumaling ang kanilang ama sa ina ni Meisha at marami itong binigay na mga mamahaling damit at alahas para sa babae. Tila nagliliyab ang mga mata nito nang maalala niya iyon. Didn’t her mother take all that b***h possession?! Meisha's eyes shone upon hearing this fool betting her one white gold coins. Nagsimula ng kalkulahin sa isipan ang pera na kikitain niya ngayon. Nang marinig ng tatlong dalaga kung gaano kalaking pera ang pinusta ni Lavina ay hindi nila maiwasan na mainggit. Isang puting gintong barya iyon! Matapos nilang mag-usap ay lumapit sa kanila ang steward at maidservant para ipaalam na pwede na silang pumasok. Nauna na ang apat habang siya ay saglit na nagpaiwan. Sinulyapan niya ang pamilyar na katulong. "Ginawa mo ba ang pinag-utos ko sayo?" Medyo nanginig ito ng tinanong niya ito at mabilis na napatango ito. Pinasa nito ang isang mahabang puting shawl sa kanya. Tinangap naman niya iyon. Kanina kasi noong papunta siya ng banyo ay nakasalubong niya ito at naisipan rin niyang itanong kung maari bang humiram ng puting shawl at iba pang bagay na kinakailangan niya. "Siguraduhin mo lang na handa `yong iba dahil kung hindi ay alam mo naman kung anong mangyayari, hindi ba?" The maidservant trembles a bit before assuring her again that everything she asked are ready. Hinintay ni Meisha na matapos si Lavina at ng kaibigan nito. Nakatayo siya ng ilang metrong layo sa main seat kung saan nakaupo ang arsobispo kasama ang iba pang importanteng bisita. Sa kinatayuan niya, makikita niya ang buong hitsura ng arsobispo. Mukhang nasa mid-twenties ito, pero gayunman ay hindi niya ito pagbabasihan ang hitsura nito sa tunay nitong edad. Maganda ang mukha nito—oo, maganda talaga ang inilarawan ni Meisha sa hitsura ng arsobispo—kalmado, mahinahon at madaling lapitin sa mga tao ngunit napakamysteryoso rin. Hindi rin maiwasan na magduda ni Meisha nang makita niya ang hitsura nito. Sigurado siya na ito ang unang beses na nagkita sila, pero bakit inimbita siya sa kaarawan nito? Anong motibo nito? Naputol ang pag-iisip niya nang biglang magtagpo ang kanilang mga mata. Syet, nahuli siyang nakatitig rito! Subalit, kahit na nahuli siya nito ay kalmadong umakto siya na tumingin sa buong paligid. Nahagip rin ng paningin niya ang pamilyar na lalaki. Hindi ba’t ito iyong walang modong lalaki kanina?! Base sa kung saan ito nakaupo at kasama ang dati niyang fiancé, sigurado siya na hindi basta bastang ordinaryong tao. After awhile, marami na nagbigay ng mga regalo at iba naman gusto nilang mag-perform para pasayain ang celebrant kagaya ni Lashaunda. Kumanta ito. Matapos kumanta ni Lashaunda ay nahihiya na sinulyapan nito ang direksyon kung saan nakaupo ang prinsipe. Hindi alam ni Meisha kung sino ang sinulyapan nito. Pagkuway ay humarap ito sa kanya at nanghahamon. “…” Anong problema ng babaeng ito? Bago umalis ang babaeng iyon ay ibinigay muna nito ang regalo sa arsobispo. Inignora na lang niya ang nanghahamon na tingin nito at saka naglakad sa sentro at huminto sa harap ng arsobispo. “Maligayang kaarawan sa `yo, kagalang-galang na arsobispo. Ako po si Meisha Yuen.” Magalang na sabi niya. “Wala `yon. Mabuti naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko.” Banayad na ngumiti ito sa kanya. “Kay bilis talaga ng panahon, noon lang ay isang sanggol ka lang ng makita kita pero ngayon ay ang laki mo na.” Bahagyang nagkasalubong ang kanyang kilay. Ano daw sabi nito? Nagtataka man ay nagbaba ng ulo si Meisha. What can she say? Ngumiti na lang siya at hindi nagkomento tungkol doon sa sinabi niya. “Isang karangalan na makita kita kagalang-galang na arsobospo. Nagpapasalamat din ako sa`yo sa pag-imbita sa akin sa iyong kaarawan,” Magalang na sabi niya rito at saka nagpatuloy sa pagsalita, “Gusto ko rin sana Ihadog sa inyo ang isang sayaw at kanta bilang regalo sa kaarawan mo. Hindi ko alam kung magugustuhan ninyo.” Bago pa makapagsalita ang arsobispo ay may narinig silang mahinang tawa sa `di kalayuan. Lumingon siya sa direksyon kung saan nanggaling ang mahinang tawa. It was that guy again! What’s his problem?! “Ehem. Pasensya na, sumasakit kasi itong lalamunan ko. Huwag niyo na lang ako pansinin.” Umakto pa ito na tila sumasakit nga ang lalamunan kahit na halatang pinagtatawanan siya. Ah, now she gets it, this guy must have mocking her, right? Dahil kung hindi eh ano? Isa na lang at masasapak na talaga niya ang taong ito kahit na may mataas itong posisyon sa opisiyal sa pamahalaan. Saglit na tiningnan niya ito ng masama at saka tumungo sa entablado kung saan ang mga musikero. Inilabas niya sa manggas niya ang isang score sheet at ibinigay sa musikero. Nagtatakang tiningnan nito ang score sheet na binigay niya rito. “Maari ba tugtugin mo ito para sa akin?” Hindi siya ang gumawa ng score sheet na iyan, nagkataon lang na nando’n iyan sa interpatial storage space ni Phyliss at kinuha niya. Pabalik-balik ang tingin ng mga musician sa score sheet at kay Meisha. Ilang sandali ay napahinto ang mga ito at saglit na napatitig sa puting mata niya. Tila na hypnotismo ang mga ito ng makita ang mata nila. She had already known that it was impossible for them to play this music kaya ginamitan niya ang mga ito ng「Hypnotic Magic」upang hindi siya masablay. Maingat rin siya sa paggamit ng magic lalo na't alam niyang hindi ordinaryong mga tao ang mga panauhin ng archbishop, kaya gumamit siya ng「Concealment Magic」sa kanyang katawan upang itago ang lakas niya. "Yes..." "Many thanks." She gracefully leaves them at bumalik sa sentro. Sakto naman na pumasok ang mga maidservant na inutusan niya at bitbit ang mamahalin na basin na puno ng ink. Ang dalawa naman na nakasunod nito ay naglakad patungo sa bintana upang buksan. Nagtataka man ang mga tao sa loob ay nanatiling tikom ang mga bibig ng mga ito. Habang sina Lavina at kaibigan nito ay nang-uuyam na nakatingin sa kanya. Suminyas si Meisha na magsimula. When the music started, she slowly closes her eyes and opens her vermillion lips and let out her clear and beautiful voice. The song was heavenly and although most of them were prejudice against her ay buong tainga nilang pinakinggan ang mala-anghel niyang boses. Habang kumakanta ay binigyan niya iyon ng interprative dance, she graciously moves her slender body and hands sa bawat indayog. Sinadya niya na lumapit ng isang metro sa basin. Kasunod niyon, nagulantang na lang ang lahat ng biglang nagsipasukan ang mga kalapati, hindi rin nagtagal ay namamangha na nakatingin sila sa mga kalapati ng biglang kinuha ng mga ito ang puting tela mula sa katulong at inilapag sa harap ni Meisha. "Wow!" "Anong klaseng majika ang ginamit niya para utosan ang mga kalapati na iyan?" "Ouuuuhhhh!" "Anong gagawin niya sa tela at sa palanggana na laman ng itim na tinta? Inaaksaya lang nito ang mga `yon!" "Pffft! Baka naman maliligo siya sa tinta para umitim ang buhok niya?" Lahat sila ay may iba't ibang haka-haka. Habang si Crown prince Cleo naman ay hindi maalis ang tingin sa dalaga, gayundin ang Punong Ministro Lansford, maluwang ang ngiti nito. Bumaling ang punong ministro kay Cleo. “Base sa hitsura niya, siya siguro ang kasintahan mo, kamahalan?” “Hindi.” Maikling pagtanggi nito. “Kababalik mo lang kasi kaya hindi mo ang mga nangyayari dito, hiwalay na sila `no.” Imporma naman ng kapatid ni Cleo. Nang makita ng ibang babae ang dalawang gwapong lalaki na pinapanood si Meisha na sumasayaw ay hindi mapigilan ng mga ito na ngatngatin ang panyo at nanalangin na matisod si Meisha. She's a curse girl, so how come na nakukuha ng puting buhok na babae ang atensyon ng dalawang prinsipe nila?! As Meisha keep singing, she lifted her feet to dip her feet on the ink at saka walang tigil na sumayaw habang kumakanta habang marikit na inaapakan ang puting tela. Nang matapos iyon ay kinuha ng mga kalapati ang tela and spread it over her head. She throws the hem of her shawl against the ink at maalon-alon na iwinasiwas iyon sa ere. Nang matapos siya ay naghari ang katahimikan, ni isa sa mga tao rito ay hindi makapaniwala sa nangyari. Lalo na't kina Lavina at kaibigan nito. Self-study?! Self-study?! Paanong nagagawa ni Meisha utusan niya ang mga kalapati? Simula palang pagkabata ay tinuruan na sina Lavina at ng kaibigan nito ng isang kilalang dance instructor at malaki din ang kanilang confidence sa kanilang kakayahan sa pagsasayaw ngunit nang makita ng mga ito ang sayaw ni Meisha, hindi maiwasan ng apat na dalaga na nakaramdaman ng inis. Self-study? Kung gayun, ano itong nakikita ng mga ito? Imposible! Mas lalo pa napanganga ang apat nang makita ng mga ito ang tela na blanko noon ay ngayon ay mayroon ng napakagandang picturesque ng isang araw na nagbigay liwanag talon at kagubatan na may mga hayop pa doon na umiinom sa tubig sa na ginuhit niya. "Nakakahanga ang ginawa niya, hindi nasayang ang pagpunta ko rito. Ano sa tingin mo, Prinsipe Cleo?” Si Prime Minister Lansford ang unang bumasag sa katahimikan. His phoenix-like eyes form in cresent while his sexy, natural pinkish lips, smiled at her. Pigil na paikutan niya ito ng mata habang si Cleo naman ay matalim na tingin ang pinukol nito sa binata ngunit hindi ito binigyan pansin nito. Clap! Clap! Binaling na lamang niya ang tingin sa arsobispo na ngayon ay pumalakpak habang nakatayo. Upon seeing him, standing up, the four girls' blood stuck up from their throat and resisting to vomit blood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD