Chapter 15 The Banquet (3)

1573 Words
Nakapaskil parin ang ngiti ni Meisha ng makalayo siya sa manor. Those petty scheme won't work on her, better try harder next time. Sa kabilang bahagi ng upuan sa loob ng karwahe ay hindi mapakali si Anton. Isa ito sa nangungunang healer-exorcist zoroastrian church at isa sa pinagkakatiwalaan ng Arsobispo Samiel. He had known the old priest for more than five years and trust all his decision, kaya hindi siya takot sa dalaga. Meanwhile, Meisha was currently contemplating. Sa dati niyang mundo, bihira lang na mayroong salamangkero o salamangkera na marunong ng healing magic dahil mas umaasa ang mga tao sa makabagong medisina at healing potions para gumaling. Wala din siyang tsansa noon na matutong gumamit ng healing magic dahil din do’n, isama na din `yong light celestial spirit niya na walang awa na sinabing sa kalmadong paraan na wala daw siyang talento sa light magic kaya kalimutan na lang daw niya mag-aral niyon! Tanging nagawa na lang niya noon ay umasa rito maliban sa healing potion at pills para gamutin ang sarili. Kahit na siguro may talento siya ngayon sa light magic, imposible parin na makapag-aral siya lalo na’t naalala niyang pinagtatawanan siya ng kanyang kapatid sa ama na hindi daw mag-aaksaya ang kanilang pamilya ng limang gintong barya para bilhan siya ng magic book noong bata pa siya. Limang gintong barya! Ang mahal naman para sa libro lang! "Balita namin ay nagkaroon ka ng sakit, mabuti na lang at magaling ka na. Gumana ba ang gamot na pinadala namin sa`yo?" Inalis ng dalaga ang tingin sa labas ng bintana at nagtatakang bumaling sa lalaki. “Gamot?” Nakangiti na napaisip siya, pero ang ngiting 'yon ay hindi abot sa tainga niya. Medyo matagal-tagal rin sumagot ang dalaga kaya sumikdo 'yong dibdib ni Anton at kung anu-ano na ang iniisip. `Di ba niya natangap ang pinadala nila? Imposible! "Yes, natangap ko po ang regalo niya." Maya’t maya ay sagot niya. Gamot? What the heck? Wala siyang natanggap noon at bakit naman nila padadalhan ang isang kagaya niya? Nakahinga naman ito nang maluwag ng marinig ang sagot ng dalaga. Hindi rin nagtagal ay nakarating sila sa wakas sa main gate ng bahay ng arsobispo. Paglabas nila mula sa karwahe ay kitang-kita niya ang maraming nakapilang karwahe. Nakasunod siya kay Anton habang lihim niyang sinulyapan ang mga karwahe, hindi nakaligtas sa kanya ang isang pamilyar na karwahe na nasa third row. Saan ba niya 'yon nakita? Nang maglakad sila patungo sa harden kung saan dinaraos ang piging ay lumantad sa paningin ng dalaga ang simple pero elegante ang disenyo at istilo ng piging na ito. Wala talaga siyang maipintas sa lugar na ito. "So pano, maiiwan muna kita dito. Kailangan ko pang puntahan ang arsobispo.” Matapos magpaalam ni Anton sa kanya ay iniwan siya nito ng mag-isa. Ngayon mag-isa na lang siya dito ay randam na ramdam ni Meisa ang panaka-nakang tingin ng mga tao sa kanya. “Siya ba `yon?” “Oo siya iyan. Narinig ko hindi matutuloy ang kasal nila ni Prinsipe Cleo.” “Mabuti naman `no. Baka malasin pa ang buong kaharian ng dahil sa kanya.” Inignora na lang iyon ng dalaga at inilibot ang tingin sa paligid para maghanap ng mauupuan. Napahinto ang kanyang paningin sa bakanteng mesa na nasa ilalim ng puno ng narra at dahil malayo iyon sa mga tao na narito, nagdesisyon siya na doon umupo. Naglakad siya patungo doon sa bakanteng mesa ay agad na sinalubong siya agad ng kaaya-aya na amoy na parang rosas ng makarating siya roon. Tahimik na umupo siya sa upuan. Kahit na nasa malayo siya ay hindi parin siya nilubayan ng mapangmatang tingin ng mga tao na nandito, ang iba naman ay medyo na natakot na baka malasin sila kaya hindi sila tumingin pero nagbulungan parin ang mga ito sa kasama. No matter how they discriminate her, still, her face expression remained unperturbed and none of those people who’s looking at her right now could guess what’s in her mind. “Grrr, ano ba iyan—blop! Sasapakin ko na—blop—sila—blop!” Hindi makatiis na sabi ni Phyliss at tuluyan sinira ang katahimikan kanina. Bahagyang napakunot ang noo ni Meisha. Tinaas niya ang kanyang isang kamay at hinihimas ng kanyang dalawang daliri ang kumikislap na hikaw, hugis dragon na yari sa ginto at magandang hiyas`yon at tila nakapulupot sa tainga niya. Hindi isang ordinaryong hikaw iyon kundi si Phyliss na nagbagong anyong hikaw para makasama sa kanya. By just mere look at this glittering silver dragon ear cuff, it looks like a high grade class jewelry na bumagay sa suot niya ngayon. “Huwag mo lakasan ang boses mo, nabibingi ako. Baka nakalimutan mo na malapit ka sa tainga ko.” Saway niya rito. “Ay sorry. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko eh.” “Huwag mo na aksayahin ang oras at enerhiya mo para makipag-away sa mga walang kwentang tao.” Alam niyang hindi siya welcome dito pero ano ba ang pakialam nila? Kung may abilidad sila na kontrahin ang arsobispo, ang celebrant ng piging na ito, eh di gawin nila! Sa oras na nakalipas, hindi maiwasan na nakaramdam ng pagkabagot si Meisha. Hindi mahilig sa mga party si Meisha, lalo na’t masiyadong malamyos `yong pinapatugtog nila. Sumandig siya sa upuan at sinipat ng tingin ang musikero na nasa entablado para aliwin na lang ang sarili. Iniwas niya ang tingin sa stage kung saan ang mga musician. Sa sobrang bagot niya ay tumayo at naglakad siya, palayo sa madaming tao. Hindi rin nagtagal ay nakaramdam siya ng matalim na tingin. Nang lumingon siya kung saan nangaling ang nakakamatay na tingin ng isang tao ay nakasalubong niya ang mata nito ngunit hindi nagtagal rin iyon nang may naramdaman ang dalaga ng isang matalas na tingin na nakatitig sa kanya. Tiningnan niya sa gilid ng kanyang mata kung sino ang nag-mamay-ari ng tingin na iyon. Ang taong iyon ay walang iba kundi ang kapatid sa ama niya na si Lavina. Makikita sa mga mata nito na hindi ito makapaghintay na pirapirasuhin siya nito, pero dahil nandito sila sa piging, sa harap ng maraming tao, pinipigilan nito ang sarili na hindi gawin ang gusto nito. Luminga siya rito at ininis niya ito ng isang tingin na para bang sinasabing; ‘What can you do to me? Maraming tao na nandito, gusto mo ipakita ang sarili kung gaano kasama ang ugali mo?’ Nangangalit si Lavina ng makita nito ang tingin ni Meisha habang ang ina na nasa tabi nito ay napakunot ang noo nang mapansin ang kilos ng kanyang anak. Sinundan nito ang tingin kung saan nakatingin ang anak ay mas lalong nagkasalubong ang kilay nito pero agad din naglaho iyon sa takot na baka may makapansin rito. Hinila ng Ginang ang anak patungo sa reception. As expected sa isang taong holier-than-thou. Ang bilis magbago ng ekspresyon nito! “Ang putiiii~” Natigilan si Meisha nang marinig niya ang isang magiliw na boses ng lalaki. Medyo dumilim rito sa kinauupuan niya nang huminto ang isang pigura na malapit sa kanya at humahadlang iyon sa ilaw dito. Nag-angat siya ng ulo upang tingnan kung sino `yong walang modo tao na nagsalita. Nakita niya ang isang matangkad at makisig na lalaki na nakatayo malapit sa kanya. Sinusuri siya nito mula paa hangang paitaas ngunit huminto ang paningin nito sa dibdib niya. Bahagyang kumikibot ang gilid ng labi niya nang makita ng dalaga ang asta ng lalaki. Gayunman, hindi parin makaligtas sa matalas niyang paningin ang mga mata nito. Kahit na nakatitig ito sa kanyang dibdib ay wala siyang nakitang pagnanasa sa mata nito. Pero kahit na nagpapanggap lang ito na bastos ay hindi ibig sabihin na hahayaan niya ito. Ginantihan rin niya ito ng tingin at sinuri simula sa mukha. Kasing itim ng uwak ang maikli at makintab nitong buhok na bumagay sa maputi nitong balat at wala rin makitang ni isang pores sa muka nito na paniguradong kakainggitan ng mga kababaihan, perpektong hugis ng kilay, itim na kaakit akit na mata, matangos ang ilong, natural na mapupula ang labi at prominent jawline—sa madaling salita, napakamakisig nito at ang lakas ng appeal. Mukha itong approachable dahil cheerful nitong appearance na pinapakita nito ngayon and at the same time, pamilyar ito sa kanya, pero saan ko naman ito nakita? Ilang sandali, napagtanto ng binata ang ginawa niyang pagsusuri sa kabuuan nito pero agad rin naman bumalik ang composure at nginitian siya nito. “Nasisiyahan kaba sa nakikita mo, Ginoo?” Kung sa ibang babae ito ngumiti ay sigurado siya na kikiligin ang mga ito dahil nakakasilaw nitong tingin, pero ibahin siya, she can appreciate good looking mean but it does not mean she’ll fall for this kind of man. Base na rin sa suot nitong mamahaling damit at aura, nakakasigurado siya na hindi ito isang ordinaryong tao lang. “Nasiyahan karin ba nakita mo, Binibini?” Ganti rin sa kanya. Medyo natameme si Meisha sa tugon nito. Niloloko ba siya nito? Hindi na lang niya pinansin ito. She rolled her eyes at him before she took a big steps and walk passed by him without even giving a single care. Even if he is a son of some high ranking family, who cares? Who told her for not having a good reputation? Narinig niyang tinawag siya nito, pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad at lumapit sa isang katulong para magtanong kung saan ang banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD