Hangang dito lang sa labasan ng bayan maaring ihatid sila ng karwahe sa takot ng kutsero na makaikwentro ito ng mabangis na hayop o halimaw kapag mag-isa lang ito na bumalik sa bayan.
Masiyadong malayo ang ‘Whisper of Catacombs Dungeon’ rito at aabutin ng dalawang araw na makarating sila sa dungeon kung babagtasin lang nila roon.
Luckily they’d prepared in advance or else they will run out of supplies. Para hindi rin madaling maubos ang kanilang supply at hindi magkaroon ng problema kapag pumasok na sila sa dungeon ay nangaso ang tatlong lalaki ng mabangis na hayop rito.
“Kung maaga tayo aalis bukas ay makakarating din tayo sa destinasyon natin. Iyon ay kung tama ang ating dadaanan.” Wika ni Vito. Hawak nito ang mapa at compass. Sa kanilang pito ay ito kasi ang marunong magbasa ng mapa at gumamit ng compass.
Nang gabing iyon ay kasalukuyan silang nagkasama-sama malapit sa bonfire at nag-uusap tungkol sa plano nila kapag nakarating na sila sa ‘Whispering of Catacombs Dungeon’.
Ang kliyente na nagbigay ng commission na ito ay ang magulang ng isang adventurer. Base sa impormasyon na nakuha niya. Ang anak ng mga ito at ang koponan nito ay nagdesisyon na pumasok sa ‘Whispering of Catacombs Dungeon’ at ang pakay ng mga ito ay patayin ang kalberith at kunin ang sungay nito. Isa kasi sa sangkap na gagamitin ng isang panday para gumawa ng mahigawang sibat. Ngunit isa’t kalahating buwan na ang nakalipas pero wala parin silang nababalitaan mula sa anak ng mga ito at dahil sa sobrang pag-alala ay nagdesisyon na pumunta sa adventurer’s guild at nagbabakasakaling may makuha ang mag-asawa ng balita sa anak.
Subalit nabigo sila, kaya naman naisipan ng mga ito na maglathala ng commission doon sa adventurer’s guild. Ang commission nito ay kinakailangan nilang ibalik ang anak ng mga ito—buhay man o hindi.
“Anong ibig mong sabihin na kung tama ang dadaanan natin?” Tanong ni Barette. Nakakunot ang noo nito na bumaling kay Vito.
“Kinakalawang ka na ba, Vito?” Nang iinis na tanong naman ni Richie rito.
In-adjust nito ang suot na salamin at saka binaba ang hawak na mapa.
“Sinabi ko lang ‘kung’ mga loko-loko.”
“Mamaya na natin pag-usapan iyan at kumain muna tayo.” Putol naman ni Alice sa tatlong binata. Inuna nito ipasa kay Meisha ang isang malaking piraso na inihaw na karne at nilagang gulay. Tinanggap naman iyon ng dalaga at sinimulan kainin.
~**~
Maaga nga nagising si Meisha at ang iba para magpatuloy sa kanilang paglalakbay patungo sa dungeon. Sa ilang oras na pumapatak, mapapansin na habang papalapit sila sa kanilang destinasyon ay kumakapal ang hamog at ang mga puno na nadadaanan nila ay wala ng buhay.
Hindi makatiis si Meisha. Ginamitan niya ang buong paligid ng salamangka para panandalian na alisin ang hamog para makita ng malinaw ang dinadaanan nila.
Hindi rin nagtagal ay natanaw na ni Meisha ang isang malaking kweba na hugis na kagaya ng bungo ng isang tao. Sa bibig niyon ay ang bunganga ng kweba. Sa pangalan palang ng dungeon at anyo ng pasukan ng dungeon ay hindi na makapagtaka na talagang ang dungeon na ito ay puro undead ang naninirahan sa loob ng ‘Whispering of Catacombs Dungeon’.
“Ito ba ang ‘Whispering of Catacombs Dungeon’?” Pabulong na tanong ni Ezperanza. Hindi nito maiwasan na nakaramdam ng kaba. Sino naman hindi? Ito ang unang beses na makakapasok ito sa isang dungeon!
“Tayo na.” There was no need to waste time, now that they are here, it is better to quickly move.
Si Meisha ang unang humakbang patungo sa pasukan ng dungeon. Nang makalapit siya ay nakita niya ang warphole na naglalabas ng mahinang ilaw na kulay lila at asul.
Hindi na nagdalawang isip na pumasok siya roon. Pagpasok palang niya warphole ay medyo nakaramdam siya ng hilo pero agad din naman naglaho iyon ng biglang nakita niya ang sarili na nasa loob ng dungeon.
Medyo madilim rito at tanging nagbibigay lang ng liwanag ay nagmumula sa kakaibang kabute na kulay lilac.
Sunod-sunod naman ang pagpasok ng anim niyang kasama at nilibot nila ang kanilang paningin sa paligid.
Mabilis naman kumilos si Ezperanza. Marunong gumamit ito ng salamangka at naglabas ng ilaw. Lumulutang iyon at tila isang alitaptap iyon na pumapalibot sa kanila.
Tahimik sila nagsimulang maglakad. Kahit na wala silang nakitang halimaw sa paligid ay hindi nila binaba ang kanilang kalistuhan. Mahirap na at baka may halimaw na nagtatago lang sa paligid at anumang oras ay sasalakayin sila.
Isa lang naman ang daan rito kaya naman diretso lang sila sa paglalakad. Habang papunta sila sa kinailaliman ng dungeon ay mas lalong bumababa ang temperatura. Mabuti na lamang at makapal ang suot nilang damit at hindi sila nakaramdam ng panlalamig.
“Clack. Clack.”
Nang makarating sila sa malaking open space sa loob ng dungeon at unang lumantad sa paningin ni Meisha ay maraming skeleton na gumagala sa paligid. Kahawig ang mga ito sa tao pero kapag matalas ang paningin ang isang tao ay madali lang mapapansin ang kaibahan ng mga skeleton na nandito sa loob ng dungeon.
Ang buto ng mga ito ay mas matibay pa kesa sa normal na buto ng tao. Ang mga daliri at ngipin ng mga ito ay kasing tulis ng kutsilyo. Sa loob naman ng ribcage na malapit sa sternum ay may pula at malaking bolang crystal na nagbibigay ng mahinang liwanag.
Hindi alam ni Meisha kung anong tawag do’n dito sa mundo pero sa dati niyang mundo ay tinatawag itong Haur. This item is useful to enhance magic attack for magician. However, this is only implacable to low level magician but this is still worth of money to sell.
“Humanda kayo na salakayin ang mga ito.” Utos niya sa anim.
Pagbigkas palang niya ng salita ay inilabas na ng mga ito ang kanilang mga sandata. Dahil puro close combat ang mga ito maliban kay Ezperanza at may karanasan sa pakikipaglaban ay hindi nagdalawang isip ang mga ito na atakehin ang skeleton monster.
Kahit na marami ang mga skeleton monster, pero hindi parin maikakaila na mahina parin ang mga ito at nasa pinakababang antas kung ilalagay ito sa sistema ng kasta.