Hindi sila mananatili rito ng matagal, matapos ni Meisha at ng kasama niya sugpuin ang skeleton monster at nakitang wala ng gaanong halimaw na bumabalakid sa kanilang dinadaanan ay nagpatuloy sila sa paglalakad. Ang kanilang layunin ngayon ay hanapin ang anak ng kliyente at ang kasama nito at hindi subjugation sa mga halimaw at kumolekta ng gamit rito sa loob ng dungeon.
Kapag pumasok ang isang tao sa dungeon ay kinakailangan maging maingat at alisto sa paligid. Hindi rin naman mahirap sa kanila na malaman kung saan ang mga ito dumaan lalo na’t, kahit na mahigit dalawang buwan na ang nakalipas, may makikita parin silang trace kung saan ang mga ito tumungo.
Hindi kagaya no’ng kakapasok palang nila sa entrance tunnel ng dungeon na walang halimaw na nakasagupa, nang makakaalis sila sa lugar kung saan pinamugaran ng skeleton monster ay paminsan-minsan na nakasagupa sila ng paniki. Hindi iyon isang ordinaryong paniki lang, ang buong kaanyuan niyon ay puro buto at mas malaki pa ito ng tatlong beses kesa sa ordinaryong paniki.
Ngunit kahit na mas malaki pa itong bone bat, hindi parin nito matatalo ang beteranong sundalo kagaya nina Richie, Vito at Barette. Dahil dalawang lang naman ito at kaya naman ng tatlong lalaki na kalabanin ang dalawang bone bat, hindi na nag-abala ang iba pa na sumali. Matapos sugpuin ang dalawang bone bat ay agad naman mabilis na mag-disassemble ng mga ito ang halimaw tas kinuha lang ang pinaka-importanteng parte na maari ibenta sa malaking halaga.
Para hindi makasagabal sa kanila ang gamit ay ipinasok ni Meisha iyon sa kanyang interpatial storage bag. Pagkatapos niyon ay nagpatuloy sila sa paglalakad.
~**~
For the past few hours, it was not a smooth journey for them as they walked to the deepest of the dungeon. Ang mga halimaw ay mas malakas kesa sa mga nakasagupa nila.
Mabuti na lamang at `yong tinatahak nilang daan ay may nakita silang kwarto at nang makasiguro siya na walang nilalang na naninirahan dito sa loob ay nagdesisyon siya na dito muna sila magpahinga. Ngayon nasa pinakamalalim na silang parte ng dungeon at imposible na makahanap ng tuyong kahoy para gamitin para magsindi ng apoy ay pinanatili parin ni Ezperanza ang maliit na light bulb na para isang kusilap na nagbigay ng ilaw sa loob ng kwarto. Habang abala sila sa paghanda ng makakain. Inutusan ni Meisha si Reichi at Wanwan na lumabas para tingnan maigi ang paligid kung may mahahanap ba silang marka na iniwan ng kasama ng anak ng kliyente nila.
“Kung hindi lang sila nagmamarunong na pumunta sa pinakalaliman ng dungeon, siguro hindi ito mangyayari sa kanila.” Pabulong na reklamo ni Barette pero dahil narin siguro maliit lang ang lugar na ito at tahimik ang buong paligid kaya kahit na pabulong lang ang sinabi nito ay narinig parin iyon ni Meisha at ng iba. “Ba’t kailangan ko gawin ito, sundalo ako at hindi isang utusan.” Patuloy nito.
Heto na naman, umandar na naman ang pagiging reklamador nito.
“Haha! Mabuti at alam mo na isa kang utusan—blop!” Biglang lumitaw sa tabi nito si Phyliss.
“Anong sinabi mo?!” Nainis naman si Barette sa narinig at bigla hinarap ang nagmay-ari ng boses. Naningkit ang mata nito at nakatitig kay Phyliss. Sa isang kisapmata ay mabilis na dinaklot niya ang maliit na katawan ni Phyliss. “Anong nilalang `to?!”
“Anong nilalang ika mo?! Bitiwan mo ako malaking matsing—blop!” Para makawala sa kamay ni Barette ay naging likido at nalusutan ito.
“Matsing?!”
“Bleh! Ikaw, sino pa ba—blop?!” Mabilis na lumayo si Phyliss rito nang makitang susunggaban ito ni Barette.
“Halika kayo rito, pinasukan tayo ng maliit na halimaw rito!” Tawag ni Barette. Bigla naman naging alerto ang iba ng marinig nila ang boses habang si Meisha naman na nakasandal sa malamig na dingding na nakapikit ang mga mata ay ngayon ay napalingon sa direksyon kung saan hinahabol ni Barette si Phyliss.
Makita palang niya ang eksena na iyon ay hindi mapigilan na mapabuntong hininga si Phyliss.
“Phyliss, anong ginagawa mo at lumabas ka?” Tanong niya rito. Hindi sa hindi niya ito hinayaan na lumitaw sa harap ng mga tao ngayon nakaalis na sila sa bahay at hindi na kailangan pa magtago. Ngunit hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan nito at hindi man lang ito lumitaw at tahimik lang na nagbalatkayo bilang hikaw niya. Lumilitaw lang ito kapag sila lang dalawa. Pero ngayon…ano ito?
Nang magsalita si Meisha ay doon lang napabaling ang mga ito sa kanya.
“Master~” Lumipad si Phyliss patungo sa kanya at nagtago sa likod niya. “Nababagot na ako eh, kaya naman nandito ako ngayon—blop!”
“Kilala mo itong pusit na ito?” Nang makalapit si Barette ay agad itong nagtanong sa kanya.
“Master! Papatayin ako ng matsing na `yan!” Wika ni Phyliss at saka sumilip mula sa balikat niya.
Bago pa tuluyan makalapit si Barette rito ay eksato naman dumating si Richie at Wanwan. Pag-apak palang sa loob ni Wanwan ay nahagip ng paningin nito si Phyliss.
“A-ang cute!”
Mabilis na lumapit ito sa kanya at kumikinang ang mga mag ni Wanwan na nakatitig kay Phyliss na nasa likod ni Meisha.
“Siya si Phyliss. Contractual Spirit ko.”
“Contractual spirit, ano iyon?”
Nang banggitin ni Meisha ang contractual spirit ay parang nanghaba ang tainga ni Ezperanza at kumikinang ang mga mata nito na nakatitig sa kanya at tila sabik na sabik na malaman nito ang tungkol sa contractual spirit. Bilang isang salamangkera, uhaw na uhaw ito sa kaalaman tungkol sa salamangkera, kung hindi lang nalugi ang negosyo ng pamilya nito at mayroon walang pusong magulang ay hindi sana ito maging alipin ang kahahantungan nito.
“Ang contractual spirit ay isang mahiwagang nilalang na nagmula pa sa ibang mundo. Makakapunta sila sa ating mundo sa pamamagitan ng salamangkera kapag tinawag sila ng mga ito at maari ka nilang tulungan sa kahit anong bagay lalo na’t sa pakikipaglaban ka sa kaaway. Pero magawa mo iyon ay kinakailangan gumawa kayo ng kontrata,” Sabi naman ni Vito, “Bihira lang ang mga salamangkera na may kakayahan na tumawag ng celestial spirit dito sa ating kontinente dahil ang lugar natin ay hindi binigyan ng basbas ng Great Spirit King. At hindi ko inaasahan na makakita ng celestial spirit ulit dito,” Pagkatapos nitong sabihin iyon ay saka sinulyapan nito si Phyliss na katabi lang ni Meisha.
Nang napansin naman ni Phyliss na nakatingin si Vito rito ay nginisihan lang nito ang binata.
“Talaga? Saan naman lugar ang tinutukoy mo na may basbas ng Great Spirit King.”
“Nas’Neren. Isa sa pinakamalaking kontitente dito sa ating mundo.”
Ngayong binanggit ni Vito ang tungkol dito, napabaling ang kanyang interes sa kanilang topic. Minsan may nabasa siyang tungkol dito sa isang libro ngunit kunti lang ang nakasulat tungkol sa celestial spirit doon. “Dahil narin siguro na binigyan sila ng basbas ng Great Spirit King at maganda ang relasyon sa pagitan ng celestial spirit at mga tao roon ay binigyan ang mga celestial spirit ng permiso mula sa kanilang hari para makihalobilo sa mga tao pero panandalian lang dahil kung gusto nilang manatili sa mundo ng mortal ay kinakailangan nila ng medium para mapanatili sila rito.”
“Wow, ang dami mo naman alam tungkol dito, Vito.” Papuri ni Ezperanza.
“Hindi naman. Noong bata kasi ako, may kaibigan kasing isang salamangkero `yong magulang ko at nakita ko siya tumawag ng celestial spirit at dahilan rin para gusto ko maging katulad niya.”
“Pero ba’t hindi ka naging salamangkero kung gano’n?”
Inayos muna ni Vito ang salamin bago sinagot ang tanong ni Ezperanza, “Wala daw akong talento para maging isang salamangkero.”
“Kahit na maging salamangkero ka ngunit hindi ibig sabihin niyon na maari kang makatawag ng celestial spirit. Kinakailangan sa isang salamangkera ay mayroon siyang affinity sa mga celestial spirit at higit sa lahat ay kung sasagutin nila ang tawag mo—blop!” Hindi mapigilan sumabat si Phyliss.
“Ang cute naman niya!”
Habang nag-uusap sila ay inalis na ni Meisha ang tingin sa kanila at napaisip. Iniisip niya kung may posibilidad ba na nando’n ang iba niyang celestial spirit. After all, Nas’Neren is a land where the Great Spirit King blessed. The possibility one of them might end up in that place.
Later, Wanwan and Richie finally came back and report about their exploration outside. Wala silang gaanong nalikom na impormasyon na nakuha maliban lang sa masyadong maraming halimaw at pinamunuan ng ilang high class demon. Kahit na kunti lang ang inireport nila ay sapat na ito para seryosohin nila `yon lalo na’t hindi magkatugma ang impormasyon na nakuha nila mula sa adventurer guild.
Ibig sabihin nito ay may kakaibang nangyari rito.
“Pagkatapos nating kumain rito ay mayroon pa tayong ilang oras para magpahinga at maghanda para sugurin sila.” There was no choice but to fight those monsters, kung gusto nila makapunta sa pinakailaliman ng kweba na ito para hanapin ang isang tao, iisa lang ang kinakailangan nila kundi dumaan sa lagusan kung saan maraming halimaw.
Tumango naman sila matapos marinig ang sinabi niya.
~**~
Kagaya ng inaasahan, hindi gano’n kadali sugpuin ang mga halimaw, hindi rin naman sobrang katagal kahit na mayroon dalawa sa grupo nila ay walang gaanong karanasan na makipaglaban.
Mabuti narin na kahit na walang gaanong karanasan sina Ezperanza at Alice ay hindi rin naman naging pabigat ang mga ito.
Matapos ng kanilang laban, napapalibutan na sila ng maraming patay na katawan ng halimaw. Nakakahinayang naman kung iiwan na lang nila ang mga ito ng basta-basta, kaya naman ay pinasok agad ni Meisha ang mga bangkay sa kanyang storage space at saka nagpatuloy sa kanilang paglalakad.
Masyadong malaki ang dungeon na ito, kahit na magmadali sila ay imposible na makakarating sa pinakailaliman niyon lalo na’t kailangan pa nilang halughugin ang buong lugar para lang mahanap ang isang tao.
Kahit kalansay man lang ng tao ay wala silang makita at dahil rin rito ay wala silang magawa kundi magpatuloy sa kanilang galugarin ang lugar hangang sa makarating sila sa huling destinasyon, ang kuta kung saan nanatili ang boss, ang pinakamalakas na halimaw rito sa dungeon.
Base sa hitsura ng buong lugar, kahit na lagpas isang buwan na ang nakalipas ay makikita parin ang bakas ng matinding laban rito.
Tahimik na nagtago sila sa likod ng malaking stalagmites.
Sumilip si Meisha mula sa stalagmites at tiningnan ang higanteng kalansay. Ang pagkakaibahan lang nito sa ordinaryong kalansay na nakita—maliban sa higante ito—may dalawa itong ulo at tig-isang mahaba at matulis na sungay.
Isang tingin alang makikita na iba ito sa high class demon na naikwentro niya kanina at dahil din do’n ay biglang pumasok sa isipan niya ang salitang final boss.
This giant two headed skeleton is also guarded by high class demon. None of them were to underestimate. Isipin palang niya iyon ay napasulyap siya sa kasama niya.
“Hala, paano iyan? May mga high class demon na nakapalibot sa kanya.” Biglang natakot si Alice ng makita niya ang mga naglalakihan halimaw na iyon. Sure, they fought some high class demon along the way here, but this was totally different especially there’s their big leader in their side!
“Ano ka ba, Alice, ngayon ka pa ba maduduwag?” Wanwan rolled her eyes.
“Eh sino bang hindi? Tingnan mo nga ang mga halimaw na iyon, sa tingin mo ba gano’n kadaling sugpuin ang mga ito lalo na’t nandiyan ang pinuno nila?” Tugon ni Alice rito.
“Oh siya, magsitahimik kayong dalawa diyan. Lakasan ninyo ang loob ninyo. Ngayon nandito na tayo ay kailangan natin mag-isip ng paraan para sugpuin sila. Sigurado ako na nandito lang an gating hinahanap,” Sabi naman ni Meisha.
“Tama si señorita, wala tayong mapapala kung tutunganga lang tayo rito,” Segunda naman ni Richie. “Kung paraan lang naman, hindi naman ito ang unang beses kami nina Vito at Barrette na makaikwentro ng ganitong sitwasyon, di ba pare?” Baleng nito kina Vito at Barrette. Umingos lang si Barrette at hindi pinansin si Richie kaya naman si Vito na lang ang sumagot rito.
Tumango ito at saka nagsalita, “Kailangan natin hatiin sa apat na pangkat, bawat isa sa atin ay nakatalagang tungkulin.”
Napatango naman si Meisha sa sinabi ni Vito.
“Tama. Napalibutan ng apat na tagabantay ang pinuno kaya naman kinakailangan na maihiwalay natin sila mula sa isa’t isa. Kayong anim ang bahala sa tatlong tagabantay habang si Phyliss naman ang bahala sa isa at ako naman ang bahala sa pinuno nila.”
“Ano?!” It took Barrette a lot of effort to restrained his voice from shouting, “Nahihibang ka na ba, nene? Inaamin ko na para sa edad mong iyan ay napakalakas mong salamangkera pero kalabanin moa ng pinuno ng mga high class demon na iyan?”
“Kaya ko ang sarili ko.”
“Hindi—“ Hindi natuloy ang sasabihin ni Barrette ng biglang sumabat si Phyliss.
“Hoy, malaking matsing! Tumahimik ka nga! Minamaliit mo ba ang master ko—blop?”
“Aba’t sinong matsing ang tinutukos mo, ha, ikaw na maliit na langgam?”
“Ikaw ang tinutukoy ko at hindi rin ako maliit na langgam.”
Hindi pa titigil ang dalawa sa pagbabangayan ng biglang sinenyasan niya ang mga ito na tumahimik.
“Sundin niyo nalang ang utos. Ikaw naman Ezperanza, sa likod ka lang nila at dapat maging alisto. Kapag nakita mo na may isa sa kanila ay nagkaroon ng malubhang sugat ay agad mo gamitin ang healing magic mo at huwag mo rin kalimutan ang potions sa bag.”
Bago sila gumawa ng aksyon ay binigyan niya ang mga ito ng buffs at matapos niyon ay mabilis na umaksyon ang kasama niya. Maya’t maya ay naagaw na nila ang atensyon ng tagabantay.
Sa ginawa ng kasama niya ay agad niyang napagtanto na aksidenteng naagaw ng isa sa kasama niya ang atensyon ng pinuno ng halimaw at nagsimulang lumapit rito.
Mabilis naman kumilos si Meisha at mabilis na aktibahin ang kanyang mahika. Biglang lumitaw ang ilang black hole at pinapalibutan niyon ang pinuno ng mga halimaw. Hinihigop ng black holes na ito ang bilis ng halimaw.
Nainis siguro ito sa pagsulpot ng black hole, kaya naman marahas nitong iwinasiwas ang kamay nito at nagpakawala ng alulong,
Katatapos lang nito umalulong ay bigla nalang sumabog ang lahat ng black holes.
Boom!
Sobrang tibay siguro ng buto nito kaya naman kahit na nasabugan ito ng ilang beses ay hindi man lang nagpipiraso ang kalansay nitong katawan pero gayunman ay napansin ni Meisha na may ilang basag ito sa katawan.
Dahil sa natamo nito ay mas lalo itong nagalit na dahilan para maglabas ito ng asul na apoy sa paligid nito. Sa `di kalayuan ay medyo napuruhan si Wanwan.
Nang makita ni Meisha na aatake ulit ito ay hindi siya nagpatumpik-tumpik pa si Meisha at nagsimula ulit siyang atakihin ito. Mabilis aktibihan niya ang gravity crush magic spell. Isa itong uri ng salamangka na may kakayahan na durugin ang kalaban sa pamamagitan ng malakas na puwersa ng gravity.
Pagtama palang ng malakas na puwersa ng gravity ay lumikha ng malakas ‘boogsh’ ng madurog niya ito sa lupa. Maliban sa malakas na ingay na nilikha ng pangyayari na iyon ay medyo lumikha iyon ng lindol na dahilan para mahulog ang ilang stalactites sa kisame ng yungib.
Subalit kahit na nadurog na niya ito ay bigla nagsimula na naman bumuo ang pipirasong butong katawan nito.
Alam ni Meisha na hindi ito basta basta lang na mamatay. Biglang kumislap ang mata niya ng mahagip niya ang malaking orb sa sentro ng dibdib nito. Hindi ito ang unang beses na umatake ng skeleton monster and she knew what that crystal orb represent to.
Taking advantage that it still recovering, she cast an ice blade and aim at the center of its chest. Of course, she was fully aware that its defends is sturdier so their battle took less than twenty minutes to defeat including the other guards.
~**~
Sa liblib ng kagubatan, may dalawang lalaki na nagpahinga sa ilalim ng malaking puno. Nakaupo silang dalawa sa harap ng siga habang hawak nila ang karne na nakatuhog sa barbeque stick para lutuin.
“Pinsan, sigurado ka ba sa gagawin natin?” Bakas sa pagod nitong mukha ang pag-alala ng tanungin ng lalaki ang pinsan.
Bahagyang nagkasalubong ang makapal na kilay ng lalaki. Bago ito nagsalita ay inilapit muna nito ang barbeque sa apoy, “Ito lang ang paraan natin mabuhay, Helio.”
“Pero pinsan, alam mo naman kapag nalaman ng taong `yon na nawawala tayo ay paniguradong mayayari tayo!”
“Tumahimik ka na nga lang! Kahit na hindi natin ito gagawin mamatay parin tayo. Nakita mo naman na kagaya rin siya ng kanyang ama, sobrang ganid. Wala nga silang pakialam sa kapakanan ng mahihirap at tanging nasa isipan ng mga ito ay salapi! Nakita mo naman ang nangyayari sa lugar natin `di ba? Nagpapakita na ng sinyales na palapit na ang sakuna!”
“Hindi ba’t nabigyan naman ng solusyon iyon?”
“Sa ngayon oo, pero sa susunod?” Bigla na lamang tumahimik si Helio. Tama naman ito. Kung hindi hinsi aaksyon ngayon, kelan?
“Isa pa,” Patuloy naman ng pinsan ni Helio. “Hindi naman tayo direktang pupunta sa tanggapan ng pang-administratibo o sa palasyo.”
“Anong ibig mong sabihin? Kung hindi tayo eh di sino? Teka, ang lugar na pupuntahan natin…ay p*tang ina!” Napamura si Helio at hindi makapaniwala na tiningnan niya ang pinsan, “Nababaliw ka na ba?! Kaya pala, pakiramdam ko ay hindi ito tamang daan na tinatahak natin! Naku! Alam mo naman na ang lugar na iyon ay pinapamugaran ng halimaw at hindi rin tayo sigurado kung makakalabas sila sa loob ng dungeon ng buhay!”