Nagising ng madaling araw si Meisha. Bumangon siya mula sa kinahigaan at sinulyapan ang kanyang tatlong katulong na babae na mahimbing na natutulog. Inayos niya ang suot na damit na pampatulog bago maingat na lumabas siya sa kwarto. Hindi siya nag-abalang nagsuot ng jacket dahil hindi naman gano’n kalamig.
Madilim ang pasilyo at tanging nagbibigay lang ng liwanag ay ang sinag ng buwan na tumagos mula sa glass window. Nagsimula siyang naglakad sa pasilyo at lumabas ng mansion patungo sa harden para magpahangin.
Nang makarating siya sa harden ay nanatili siya do’n para tumambay. Tumungo siya sa sentro kung saan makikita ang fountain, pagdating niya roon ay lumitaw sa tabi niya si Phyliss.
“Master, ba’t maaga kang nagising—blop?” Tanong nito sa kanya.
“Medyo naalinsangan ako kaya lumabas ako rito at nagpapahangin. Oo nga pala, napansin mo ba ang kakaibang klima dito sa lugar na ito?”
Gusto na niyang itanong ang tungkol do’n ngunit hindi makahanap ng tiyempo kanina si Meisha no’ng makarating sila dito sa bayan.
Biglang napaisip si Phyliss matapos nitong marinig ang tanong ni Meisha.
“Oo, napansin ko. Bakit mo naman naitanong iyan, master—blop?”
Subalit bago pa magsalita si Meisha, bigla naramdaman niya ang presensya ng isang tao. Kasabay niyon ay biglang nag-anyong hikaw na naman si Phyliss. Hindi naman sa gusto niyang itago si Phyliss o ano pa man lalo na’t umalis na sila sa pamamahay ng Yuen pero nakasanayan na kasi na gawin ang ganitong bagay ni Phyliss.
“Sino ka? Anong ginagawa mo rito?”
Lumingon si Meisha sa nagmamay-ari ng boses. Isang lalaki na nasa mid-forties `ata ang nakatayo sa `di kalayuan at may kasama itong dalawang iba pang lalaki at may bitbit ang mga ito ng malaking sako.
“Meicha Wistra ang pangalan ko. Ako `yong tumanggap ng commission mula kay Baron Sicat,” Pakilala niya rito.
“Ikaw ang salamangkera na tumanggap ng commission kay Baron Sicat?” Bahagyang nagkasalubong ang makapal na kilay nito, “Kay daling araw pa ah, anong ginagawa mo rito sa harden?”
“Hindi ako makatulog dahil masiyado maalinsangan ang pakiramdam ko kanina kaya pumunta ako rito para magpahangin,” Wika niya.
“Gano’n ba? Pero hindi ka dapat pumunta rito ng ganitong oras. Hindi ba sinabi iyon ni Baron Sicat o ang mga katulong man lang dito sa mansion?”
Tumikwas ang isang sulok ng kilay niya.
“Bakit naman? Wala naman akong makitang masama kung pumunta ako rito para magpahangin.”
“Kahit na. Mas makakabuti rin na tapusin mo ang trabaho mo bukas at umalis na dito.” Giit parin nito habang napapailing ang ulo at saka tinalikuran siya. “Tara na, pre. Kailangan pa natin itong dalhin sa warehouse.”
Nanatili nakatatak sa isipan ni Meisha ang sinabi ng lalaki sa kanya. Ano ba ang ibig nitong sabihin? Napapailing na lamang siya ng ulo at saka bumalik sa kwarto.
~**~
Nang tuluyan ng sumikat ang araw ay nagsigisingan silang pito. Maliban kay Meisha na abala sa daily ritual niya sa umaga, ang iba naman ay inaasikaso nila ang mga supply na gagamitin nila papunta sa Whispering of Catacombs Dungeon.
Matapos niyon ay agad na lumabas siya sa banyo.
“Señorita,” Tawag sakanya ni Ezperanza.
“Hm?”
“Dumating dito kanina ang isang mayordoma at sinabi niya na pinapunta daw tayo sa hapag kainan.” Wika nito sa kanya.
“Oh siya, pumunta na tayo do’n.”
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating din sila sa hapag kainan. Pagdating nilang pito ay nadatnan nilang masaya na nakipag-usap si Baron Sicat sa isang matandang babae. Kahit na nasa malayo siya ay medyo naririnig parin niya ang boses ng mga ito. Base sa narinig niya, ang matandang babae na kasama ng Baron Sicat ay ang ina nito.
Nahagip ng kanyang paningin ang mayordoma na lumapit sa Baron at inimporma nito ang pagdating nila. Doon lamang ito lumingon sa kanilang pito.
“Oh, nandito nap ala kayo, halika kayo rito. Magsiupo kayo at kumain muna bago isagawa ninyo ang inyong trabaho.”
Pinaunlakan naman niya ito nang inimbita sila ng Baron para kumain. Sinenyasan niya ang kasama niya na umupo narin. Mabilis naman nagsikilos ang ibang katulong at hinanda ng mga ito ang masarap na almusal para sa kanila. Sa harap niya ay nakahanda ang masaganang pagkain.
Sa tingin niya ay mas masarap ang pagkain ngayon. Ang almusal kasi niya ngayon ay baked pork and beans, sunny side-up, tatlong piraso ng malaking bacon, baked tomato, corns at ang pinakahuli ay toasted bread kung ikompara sa hapunan nila kagabi na sopas, green beans, beef steak at pork sausage.
Masaya naman na kumakain ang iba niyang kasama sa kanilang almusal ngayon. Siyempre libre eh tas binigyan pa silang anim na permiso na kumain rito kaya hindi nila iyon sasayangin ang oportudinan lalo na’t pagkatapos ng commissioned na kinuha ng kanilang amo ay papasok sila sa dungeon at hindi pa nila alam kung gaano sila katagal doon sa loob.
Pagkatapos nilang kumain ay agad na nagpaalam si Meisha sa Baron upang gawin ang kanyang trabaho ngunit sa hindi niya inaasahan ay sumama itong Baron sa kanila papunta sa taniman.
Masyadong malawak ang taniman kaya mas makakabuti na sumakay na lang sila ng karwahe. Iyon ang suhestyon ng Baron sa kanila. Hindi naman tumanggi si Meisha sapagkat mas mapapabilis ang kanyang trabaho kapag ginawa niya iyon. Nang makarating sila sa taniman ay lumabas siya mula sa loob ng karwahe.
“Mabilis lang ba itong gagawin mo, Binibining Wistra?” Tanong ng Baron na kalalabas lang din sa karwahe.
Nilibot niya ang paningin sa buong taniman at napabuntong hininga siya. Kung kahapon ay meron pa siyang nakikitang kulay berdeng tanim sa pananim ay ngayon naman ay tuluyan ng patay ang halaman rito.
Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay at pinagsiklop ang mga iyon.
“Oh Almighty God, you are the source of our life. O blessed Lord, the plants are dying and people are struggles to live, oh please hear our plea and bring the rain down giving life onto the ground and bring life to us—Rain of Life.”
Matapos ang kanyang incantation ay inihiwalay ni Meisha ang nagkalapat na palad at kasabay niyon ay lumitaw ang isang magic circle na naglalabas ng liwanag na kulay berde. Ilang sandali ay mas lalong lumawak ang berdeng magic circle, sa sobrang laki ay sapat na iyon para takpan ang buong bukirin ng pananim ng bayan.
Noong una ay hindi nila ramdam pero ilang sandali ay biglang dumilim ang kalangitan at umihip ng malakas na hangin.
Sumunod niyon ay ang pagpatak ng ulan hangang sa lumakas iyon. Sa bawat patak ng ulan na tumama sa pananim ay nagbibigay iyon ng panibagong buhay sa mga namatay na pananim. Kung noon ay walang buhay na ang pananim at kulay brown o dilaw na, ngayon naman ay unti-unting nagkaroon ng buhay ang mga halaman at nagsimula narin nagsitayo at tuluyan ng bumalik sa dati.
Nang masaksihan ng mga taong taganayon ang nangyari ay hindi nila mapigilan na maging masaya.
Nang magsimula kanina ang malakas na ulan ay mabilis na bumalik sa loob ng karwahe si Meisha upang hindi mabasa ng ulan. Pagkaupo niya ay napasandal siya sa backrest ng upuan niya.
“Ayos ka lang ba, Señorita?”
“Huwag kang mag-alala. Ayos lang ako.” Kahit na gaano pa siya kalakas, hindi parin maikakaila ni Meisha na masyado rin malaking enerhiya ang nagamit niya nang gamitin niya ang salamangka na iyon. Masiyadong malawak na lugar ang pinaggamitan niya ng salamangka kaya naman ay hindi rin naman makapagtaka na kinakailangan niya ng malaking enerhiya para magamit niya ang salamangkang tinatawag na ‘Rain of Life’.
Ang salamangka na ito ay hindi isang simpleng salamangka na magtawag ng ulan kundi may kakayahan rin ito na bigyan buhay ang anumang uri ng halaman. Ang salamangka na ito ay tatagal ng isang buwan. Sa buwan na ito ay uulan pero hindi kasing lakas ng kagaya ng una pero gayunman epektibo parin ito kung magtatanim sila ng halaman ngayon.
Siyempre hindi nakalimutan na sabihin iyon kay Baron Sicat nang mapansin niyang lumapit ito sa karwahe kung saan siya nanatili.
“I-isang buwan?!” Hindi makapaniwala na bulalas nito nang marinig. “Kaya mo gawin `yon?! Anong klaseng salamangka ang ginamit mo? Ba’t iba `ata ang salamangka na ginamit mo sa ibang salamangkero na narinig ko?”
“Iba ako at iba sila. Iyon lang ang masasagot ko.” Maliban sa karaniwang salamangka, kadalasan ay mas gusto ng mga salamangkero o salamangkera na hindi ipagsabi sa ibang tao ang nalalaman nilang high class magic lalo na kung kakaiba iyon sa karaniwang salamangka.
Akala niya na ma-offended ito sa sinabi niya ngunit sa hindi niya inaasahan ay biglang pumasok ito sa loob ng karwahe at umupo sa bakanteng upuan na nasa katapat lang niya. Biglang dinakma nito ang kanyang dalawang kamay at sinabing, “Binibining Wistra, pakasalan mo ako!”
“Haaa?!” Biglang napabulalas sina Wanwan at Alice habang si Ezperanza naman ay napatuptop ng bibig.
“Ayoko!” Bigla pumiksi siya sa pagkahawak nito sa kamay niya at sumama ang kanyang loob. Syet. Maluwag ba ang turnilyo sa utak nito? Siya, pakakasal rito? Hindi na kailangan pang banggitin na hindi niya ito gusto, isipin pa nga lang niya ang malaking agwat nilang dalawa ay nandidiri siya. Ano ba ang pumasok sa isipan ng lalaking ito at bigla na lang siya nito inalok ng kasal? Kahit na mayaman ang lalaking ito ay hindi parin siya papayag. She’s only forteen nearly fifteen years old this year at napakalaking agwat ng kanilang edad nilang dalawa. Kung nasa dati niyang mundo ito ay baka matagal na niya itong ireport.
Jusko, hindi niya bukod akalain na makakaikwento siya ng matandang kalabaw na gustong kumain ng batang damo!
Napakunot ng noo si Baron Sicat.
“Bakit ayaw mo? Ano ba ang kulang sa akin at ayaw mo?”
Dumilim `yong mukha ni Meisha ng marinig niya ang sinabi ng Baron. Sa inis niya, bigla niya kinuha mula sa interspatial storage bag ang commission paper at pinasa rito `yong papel.
“Wala akong interes sa`yo. Iyon lang. Pirmahan mo na lang `yan commission paper at aalis na kami ora mismo dito sa bayan.”
“Wala kang interes?” Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Baron Sicat. Gayunman, hindi parin ito sumusuko, “Kaya kung ibigay ang lahat ng gusto mo.” Sabi nito at makikita sa hitsura nito ang determinasyon.
Medyo naiinip na tiningnan niya ito, “Pirmahan mo na lang ito at huwag ka ng magsalita pa dahil kahit ano pa ang sabihin mo ay ‘hindi’ parin ang sagot ko.”
“P—“
“Baron Sicat, mas makakabuti na gawin mo na lang ang sinabi ng Señorita namin.” Wika ni Alice ng hindi ito makatiis.
Doon lang `ata napagtanto ng Baron na meron pa palang ibang tao rito sa loob.
“Oo nga. Pirmahan mo na iyan.” Segunda naman ni Ezperanza.
“Huwag mo ng isipin na abutin ang isang bagay na hindi mo maabot.” Wika naman ni Wawan rito.
Biglang namula ang mukha ng Baron Sicat.
“I-ikaw! Para sa ikakabuti mo rin itong ginawa ko!”
“Pirma.” Mariin na sabi niya.
Ayaw pa sana nito pirmahan ang papeles ngunit nang mapansin nito na nakatingin ang mga kasama ni Meisha rito ay wala itong magawa kundi sundin ang gusto niya. Makikita parin sa hitsura nito na nagdadalawang isip ito na pirmahan ang papel.
Pinatunog tunog naman ni Wanwan ang kamao nito para takutin ang Baron at epektibo rin naman ang ginawa ng dalaga dahil mabilis na pumirma ang Baron at ibinalik ng lalaki sa kanya ang commission paper.
Pagkatapos niyon ay lumabas ito sa karwahe pero bago pa ito umalis ng tuluyan ay lumingon ito sa kanya at galit na nagsalita ito sa kanya, “Isang malaking kahangalan ang pagtanggi mo sa alok ko!” Pagkuway ay tuluyan na itong umalis kasama ang iba pa nitong tauhan.
“Hindi naman siguro nito maalala na paalisin tayo sa karwahe, ano sa tingin ninyo?” Biglang tanong ni Wanwan sa kanila habang nakatingin sa papalayong pigura ng Baron.
“Kahit na paalisin niya tayo rito ay wala itong magagawa kung gugustuhin natin na hindi umalis.” Tugon ni Alice rito.
Napapailing na lamang siya sa narinig mula sa dalawang dalaga. Matapos ng maliit na eksena na iyon ay sinabihan niya ang kutsero na dalhin sila malapit sa labas ng bayan.
Ngayon matapos na ang kanyang trabaho rito. Hindi na niya kailangan pa na manatili rito ng matagal lalo na’t baka balikan pa sila ng Baron na may sayad sa utak `ata.
Isipin pa nga lang niya ang alok nitong kasal ay bigla tuloy nangilabot siya.
Mahigit kalahating oras ang nakalipas ay sa wakas nakarating sila sa labasan ng bayan. Huminto ang dalawang karwahe at nagsilabasan silang lahat mula sa karwahe.
Nang makalabas sina Vito, Barette at Richie ay nag-inat ang mga ito ng katawan.