Chapter 35 Babaeng Ardilya Pala

2117 Words
“Hmm?” Biglang dumadagundong ang dibdib niya sa kaba. Masyadong matalas ang taong `to, kahit na sobrang ingat na niya kanina para hindi mapansin nito. Sana hindi siya nito mapansin. “Daga?” Nagkasalubong ang kilay niya ng marinig ang sinabi nito. Daga? Ikaw ang daga! Tao ako na nag-anyong ardilya! Siyempre, kahit na hindi niya nagustuhan ang tawag nito sa kanya, pansamantala na nanahimik siya. Hindi parin niya nakalimutan ang plano niya kanina. Pigil ang hininga niya ng mga oras na iyon at hindi siya gumalaw kahit na hindi naman siya nakikita rito sa ibabaw ng canopy. Maya’t maya ay may narinig ulit siya ng pagpihit ng pintuan at nang sumara iyon ay doon lang siya sumilip ulit sa baba. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang pumasok ito sa banyo. Medyo nababagot na rin siya rito kahihintay. Ilang oras na lang at malapit ng maghatinggabi. Sa mga ganitong oras, dapat tapos na kumain ang mga tao o kundi kaya’y tulog na. Habang nasa bayo si Lansford, bumalik ulit ang matandang katulong at may bitbit na makakain. Pinatong nito iyon sa mesa na malapit sa veranda. Umalis din agad ito matapos ihatid ang makakain. Sinundan niya ito ng tingin hangang sa makalabas ito ng kwarto at saka binalik ang tingin sa pagkain na nasa mesa. Mayroon takip iyon kaya `di niya alam kung anong laman. Kung pag-uusapan naman ng pagkain, hindi pa siya kumakain ng hapunan ngayon at medyo nakaramdam siya ng gutom. Click! Bigla napalingon siya ng marinig niya ang pagbukas ulit nang pintuan ng banyo. Lumabas roon si Lansford at tangin suot lang nito ay puting tuwalya na nakabalot sa ibabang bahagi nito. Marahan na tumaas ang isang kilay niya nang makita niya ang katawan nito. Kahit na medyo `di maganda ang impresyon niya sa binata, aaminin niya na humahanga siya nang makita niya ang magandang katawan. Hindi isang walang muwang na batang babae si Meisha, kahit na wala siyang karanasan sa opposite s*x at kapag nakakita ng isang lalaki na halos wala ng saplot ay bigla na lang mamula ang mukha at malilito. Marami na siyang nakikitang lalaki na nakahubad ang pang-itaas sa telebisyon o sa training camp. Masasabi niya na top class ang katawan ng binata. Maari itong maging sikat na modelo kung nasa dating mundo niya ito. Nang makita niya na akmang huhubarin narin nito ang maliit na saplot sa ibabang katawan para magpalit, mabilis na nag-iwas ng tingin si Meisha at umatras ulit. Hindi libangan ni Meisha na manood ng hubad na lalaki lalo na’t wala itong kamalay malay na may nakatingin rito habang nagpapalit ng damit. Kahit nga noong hinila siya at inanyayahan siya ng kanyang kasama sa trabaho na manood sila ng erotic movie, tumanggi siya. Dahil sa ginawa niya, bigla siya nito sinabihan na mamatay na lang daw siya na virgin parin. Nang marinig niya iyon, tinawanan na lang niya ito pero sinong mag-aakala na nagkakatotoo ang sinabi ng kasamahan niya? Oh well, kahit na nagkatotoo iyon, eh ano naman? Naipilig niya ang kanyang ulo. Sinulyapan ulit niya ito at biglang nahagip ng kanyang paningin nang makita niya ang itim na marka sa hita niya. Medyo natatakpan iyon ng tuwalya pero gayunman, nakakasiguro siya na marka iyon na iniwan ni Enmo! Hindi nga siya nagkakamali! Kumislap ang kanyang mga mata sa saya. “Squeek~” Biglang napapitlag si Meisha nang marinig niya iyon. Napalingon siya sa likod at nakita ang ardilya na naikwentro niya kanina. Umakyat ito sa itaas at tumakbo patungo. Teka, anong ginagawa ng ardilya na ito rito?! Hindi ba’t hindi ito sumunod sa kanya kanina?! Bahagyang napaatras siya at mabilis na umiwas ng akmang yayakapin siya nito. “Squeek!” dahil sa kilos niya, tanging hangin lang ang nayakap nito. Umiyak ito na para bang pinagkaitan ito ng kendi. “So isa pala ang nakapasok rito sa kwarto ko. Akala ko isang daga.” Bago pa magkaroon ng reaksyon si Meisha, sa isang kisapmata, biglang nagbago ang lugar na kinatayuan niya. “Hindi lang basta bastang ardilya kundi babae.” Napasinghap siya ng naramdaman niya na hinawakan nito ang buntot niya. Namula ang buong mukha niya, buti na lamang at nabalutan siya ng balahibo dahil kung hindi makikita ng lalaking ito ang pamumula ng mukha niya. Nakasuot siya ng damit ah! Itong balahibo na ito ay kanyang damit!!! Imposible makita mo iyon! Sa mga oras na iyon, sinikap niyang makawala mula sa kamay ng lalaking ito. Nang sa wakas na makawala siya, hindi parin humuhupa ang galit niya rito. Upang makaganti rito, tumalon siya sa mukha nito at kinagat ang pisngi. Ngayong nadiskubre siya nito, hindi na niya kailangan pang magtago. Iyon nga lang, dahil rin sa nangyari ngayon, imposible na magkatawan tao siya. Sa totoo lang, batid rin ni Meisha na pinagbigyan lang siya ng lalaking ito dahil kung gugustuhin nito, kaya naman nito iwasan ang atake niya. “Masungit pa! Maliit kong kaibigan, dinala mo ba ang asawa mo rito para ipakilala sa akin?” “Squueek!” Para naman naintindihan ng ardilya ang sinabi ng binata kaya tumugon ito. Naningkit ang kanyang mga mata ng marinig iyon. “Sinong asawa, ha? Tumahimik ka!” Biglang singhal niya rito. Biglang naghari ang katahimikan ng magsalita si Meisha. Palaging kalmado si Meisha noon, pero dahil sa insidente na ito, hindi siya makapagpigil at sininghalan ang lalaki. Mabilis na tumalon siya malayo rito at alistong tiningnan niya ito. Nakahinga siya ng maluwag ng mapansin niyang nakasuot na ito ng pantalon. Mas mabuti narin iyon, wala siyang hilig na makipag-usap sa taong nakahubad. Bahagyang natigilan ang lalaki, pero masyadong mabilis iyong kilos nito kaya `di niya napansin. Nanatili parin nakapaskil ang ngiti sa labi nito. “Oh? Hindi rin pala lumilipad na ardilya. Hindi ko akalain na mayroon palang salamangkera na naglakas loob na pumasok rito sa pamamahay ko para mambuso.” Sa sitwasyon ng ganito ay kalmado parin si Lansford. Ganito ba ito kalaking kumpiyansa nito sa sarili? Pinilit niyang pigilan ang sarili na atakehin ito. Hindi ito ang tamang panahon at isa pa, hindi pa niya nakakalimutan ang kanyang pakay rito. “Anong nambubuso? Hindi kita binubusuhan ah. Nandito ako sa bahay mo dahil may pakay ako sa`yo!” Hindi napansin ni Meisha na medyo nanlamig ang mga mata ng binata nang sabihin nito iyon, “Lalaki, sabihin mo sa`kin, nasaan na siya?!” Biglang pinagtaasan siya nito ng kilay, “Binibining ardilya, hindi ko naintindihan ang sinasabi mo. Sino ba ang tinutukoy mo?” “Huwag ka nang magmaangan sa akin. Alam ko na nasa iyo ang celestial spirit ko!” “Celestial spirit?” “Oo. Nasaan na siya?” “Hmmm…” Biglang napaisip ito. Tila ba na inaalala nito kung sino ang tinutukoy ko. “Ah!” Biglang nabuhayan ng ekspektasyon si Meisha pero kung gaano kabilis iyon, ganun din kabilis na naglaho nang marinig nito ang huling sinabi, “Bakit ko naman sasabihin sa`yo?” “Bakit naman hindi? Wala ka naman mapapala sa kanya ah.” “Wala nga,” Parang pinagulong muna nito ang salita ng magsalita ito, “Pero alam mo ba kung gaano kalaki ang ginawa ng celestial spirit na iyon sa`kin?” Biglang tinikom niya ang kanyang bibig at napakunot ang noo. Sa ugali ni Enmo, sigurado siya na lumikha ito ng gulo pero gayunman, paano niya pagkakatiwalaan ang lalaking `to? Nabasa siguro nito ang isipan niya kaya nagsalita ulit ito, “Halos kalahati ng bahay ko ang nasira niya no’ng nakaraang buwan.” Banggit nito. Mas lalo lumalim ang kunot ng noo niya sa narinig dahil minsan na niya nabasa sa diyaryo ang tungkol do’n So, mali pala ang balitang inuulat sa diyaryo? Walang assassination na naganap kundi kagagawan ito ni Enmo? “Imposible! Baka naman mayroon kang ginawa sa kanya na hindi nito nagustuhan.” Kahit na mahilig sa gulo si Enmo, di ito gagawa ng matinding pagsabog na dahilan na may madamay na inosenteng tao. Isa pa, sa tingin niya hindi rin naman inosente at makakapagtiwalaan ang lalaking `to. “Nasaan na siya? Ilabas mo siya, babayaran ko na lang `yong nasira niyang gamit.” “Imposible.” “Posible kung gugustuhin mo.” “Gano’n na nga, hindi ko gusto kaya imposible na ilabas ko siya.” “Pinagloloko mo ba ako?” “Pasensya na, sa hitsura mo palang ay hindi na kita maseryoso.” Biglang nagtaka naman si Meisha sa sinabi nito. Ano ba ang nasa sa hitsura niya? Wala siyang makita sa hitsura niya na maari nitong paglolokohin. Mariin na tiningnan niya si Lansford at kahit na mukha siya ngayon ardilya, mapapansin parin sa hitsura niya na hindi siya nakipaglokohan rito. Base sa nakuha niyang impormasyon sa usapan nila, napagkumpirma niya na nasa kamay nito si Enmo. “Hindi ako nakikipaglokohan sa`yo, lalaki. Kung maari lang, habang mahaba pa ang pasensya ko, ibigay mo sa akin siya,” “Kagaya ng sinabi ko, hindi ko magagawa iyan. May ginawang kasalanan kaya kailangan niyang manatiling nakakulong,” sabi naman nito. Sa totoo lang, wala talaga patutunguhan ang usapan na ito. Paulit-ulit na lang ang sinasabi nila at parati itong tumatanggi sa kanya. “Maliban sa sinira niya ang bahay mo, ano pa ba ang ginawa niya? O baka naman nagahanap ka lang ng dahilan para hindi mo siya ibigay.” “Hmm,” Napaisip ulit ito habang nagtungo sa kama at umupo roon. Wala itong pakialam kung wala itong suot na pang-itaas. “Mukhang desperada ka talaga na makuha itong alaga mo—“ “Hindi ko siya alaga, kaibigan ko siya.” “Oh siya, kaibigan na kung kaibigan,” Nagde-kwatro ito bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Kagaya ng sinabi ko, iyon lang ang kasalanan niya pero hindi ibig sabihin niyon na makakawala siya sa ginawa niya. Kahit na bayaran mo ang nasira niya, hindi nakakasiguro na kaya mo iyon bayaran pero…kung ganyan ka kapilit na makuha mo siya, hindi rin naman imposible pero bago ko sasabihin kung ano `yon, ba’t hindi ka magpakilala sa`kin? Hindi mo naman siguro gusto mong tawagin kitang ‘ikaw’ o ardilya `no?” Nagdalawang isip si Meisha nang marinig niya ang sinabi nito pero, gayunpaman, pinakilala parin niya ang sarili. Isa pa, kahit na handa siyang makipaglaban rito para lang makuha ang gusto niya, mas gugustuhin parin niya makipag-areglo sa maayos na paraan. “Ang pangalan ko, Meicha Wistra,” Pakilala niya rito. “Mika—“ “Meicha!” Pagtatama niya rito. Alam niya na sinusubukan siya nito kung nagsisinungaling siya sa pagpakilala rito, “Kung hindi ka naniniwala, hala, pumunta ka sa adventurer’s guild at sigurado ako na papatunayan nila na iyon talaga ang pangalan ko.” “Hindi lahat ng impormasyon doon ay may kredibilidad.” Saglit na tinirik niya ang kanyang mga mata tas tiningna ulit ito, “Bahala ka sa gusto mong isipin. Sabihin mo nga ang kondisyon mo para matapos na itong usapan natin,” “May dalawa akong kondisyon,” Imporma nito sa kanya. “Gagawin ko ang dalawang kondisyon mo pero paalalahanan kita, hindi ako gumagawa ng maruming trabaho,” “Huwag kang mag-alala, hindi naman ako gano’n klaseng tao,” Ngumisi ito sa kanya. Hindi ka gano’n klaseng tao? Hindi halata sa hitsura mo, gusto niyang sabihin iyon pero mas pinili na lang niya manahimik. “Una kong kondisyon, kailangan mong kumbinsihin siya na sumumpa,” “Ano naman sumpa iyon?” Nagsimula siyang magsuspetya rito. Siguro nga, ang panunumpa ng isang tao ay isang simpleng bagay lang na maari gawin at kahit na siguro hindi nila tuparin ay wala itong malaking epekto para sa kanila. Subalit, sa mga celestial spirit ay mahalaga iyon. Kapag sumumpa sila, kailangan nila tuparin iyon dahil kung hindi ay makakatanggap ito ng parusa mula sa Poong Maykapal. “Sekreto na namin iyon, alam na niya kung ano ang kailangan niyang gawin.” “Eh ang pangalawang kondisyon?” “Iyan…hindi ko pa alam, pero kapag naisipan ko kung ano iyon, sasabihin ko agad sa`yo.” “Kung gano’n, bilisan mo isipin kung ano iyon. Bago iyon, ipakita mo muna sa`kin si Enmo.” Madali lang naman pala makausap `to, pinapatagal pa niya. “Bago ko gawin iyon, ba’t hindi muna tayo kumain ng hapunan?” “Hindi pwede, kailangan kong makita siya.” Nagtitigan silang dalawa at nagpakawala ito ng hininga. “Oh siya, sige. Dadalhin kita sa kanya. Oo nga pala, wala ka bang balak na bumalik sa anyo mo?” Naging alerto ang kanyang mata na tiningnan ito, “Huwag mo sagarin ang pasensya ko ha. Ba’t gusto mo makita nga anyo ko?” “Nagkakamali ka ng iniisip. Pamilyar kasi ang boses—“ “Dadalhin mo ba ako o hindi?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD