Ilang araw na ang nakalipas ng makarating sila sa wakas eastern border at sa lugar na dinadaanan nila patungo sa blue field village, mapapansin na ang mga puno’t halaman ay wala ng kabuhay-buhay at nalalanta na.
On their long journey, of course it was not as smooth as someone could imagine. Ikompara sa una niyang biyahe, mas mahaba ang biyahe niya ngayon patungo sa blue field village. Para sa isang tao na mas sanay sa modernong sasakyan ay ito na siguro ang pinakakainis sa lahat na biyahe na narasan niya sa tanang buhay, bakit?
Halos isang lingo na ang nakalipas, maliban sa kinakailangan nilang huminto para ipagpahinga ang kabayo at magkakamping sa gabi ay masiyadong mabato ang daan na dahilan para medyo kumalog sa loob ng karwahe at paminsan-minsan ay nakakaikuwentro sila ng halimaw. Medyo nakakapagod rin kahit na nakaupo lang siya sa buong araw sa loob ng karwahe.
Sinulyapan niya ang iba pa niyang kasama at nakitang masigla parin ang mga ito.
“…” Damn it. Ito ba ang pinagkaibahan ng salamangkera at sa mga taong melee type?
“Ilang kilometro na lang at makakarating na tayo sa ating destinasyon.” Nang marinig ni Meisha ang sinabi ng kutsero. Kahit na sinabi nito iyon, hindi parin nagawang huminga ng kaluwagan. Madali lang sabihin na malapit ngunit walang makakapagsabi kung kelan sila makakarating sa blue field village.
Binuksan niya ang bintana at sumilip sa labas. Napakunot ang noo niya ng mapansin niya ang mga puno’t halaman na malapit ng matuyo. Sa hitsura palang rito ay nakikinita na niya kung anong sitwasyon sa naturang bayan. Hindi niya maintindihan, ba’t ganito ang nangyari sa kanilang lugar eh hindi pa naman tag-init.
Inilabas niya ang kanyang ulo sa binatana, bahagyang napapikit siya ng malakas tumama sa kanyang mukha ang hangin. Ilang sandali ay natanaw na niya ang mga kabahayanan at bukirin. Makita palang niya ang kabahayanan roon ay masasabi niyang tumugma talaga ang pangalan ng bayan sa hitsura ng buong bayan. Puro blue kasi. Addict siguro sa asul ang kung sinuman bumuo ng bayan na ito.
Nang papalapit na sila sa bayan ay biglang nakaramdam ng init sa paligid si Meisha. Hindi lang siya ang naiinitan, pati narin ang iba niyang kasama sa loob.
Ipinasok ulit niya ang kanyang ulo sa loob. Sinulyapan niya ang bukirin na nadadaanan ng karwahe. Almost all the rice and other vegetable field were dried up and barely get anything from it. If this keep up, the people here will not able to have food for this upcoming winter.
Pero, biglang napaisip ang dalaga. Malapit na ang tag-lamig ngunit ba’t nagkaroon ng abnormalidad sa temperatura rito? Masoyadong mainit, pakiramdam tuloy niya ay tag-init ngayon. Nagsisisi tuloy siya kung bakit nagsuot pa siya ng makapal na damit.
“Sobrang init naman dito,” Usal na sabi ni Alice.
“Oo nga, hindi naman ganito ang lugar na ito noon.” Tugon naman ni Ezperanza.
“Hindi?” Binalingan niya si Ezperanza.
Marahang tumango ito sa kanya at nagbaba ng tingin, “Bago pa kasi nalugi `yong negosyo ng magulang ko at naging alipin ako. Minsan na akong nakapunta rito na kasama ang lolo ko at sa pagkatanda ko noong pumunta kami rito, hindi pa ganito kainit ang klima kapag papalapit na ang tag-sibol noong pumunta kami rito ng lolo ko upang kausapin ang baron na namamahala sa lugar na ito tungkol sa kanilang negosasyon para maging tagapagtustos ito ng gulay at prutas sa malaking tindahan na pinapatakbo ng pamilya ko. Ilang taon din ang nakalipas simula ng maging supplier ng gulay at prutas para sa aming tindahan. Subalit, apat na taon na ang nakalipas bago pa nalugi ang negosyo namin ay nagkaroon ng alitan ang lolo ko at baron na dahilan para putulin ng lolo ko ang kontrata nila at humanap ng ibang tagapagtustos ng gulay at prutas.”
“Lupain ito ng isang baron?” Hindi mapigilan itanong ni Meisha kay Ezperanza.
“Oo, sa pagkatanda ko ang pangalan niya ay Mannie Barto Sicat. Narinig ko pa nga noon, wala naman daw siyang dugong aristokrato at galing daw siya sa mayamang pamilya na mangangalakal at nagkataon na ang dating baron ay lubog sa utang at binenta ang sariling lupain at titolo niya.”
“Ahh, tas ano naman ang dahilan kaya hindi pinagpatuloy ng iyong lolo na gawin tagapagtustos ng inyong produkto itong si Baron Sicat?”
Nagkibit balikat si Ezperanza, “Ewan ko ba kung bakit ginawa iyon ni lolo, maganda naman ang kalidad ng produkto ng mga ito at parating nasa tamang oras dumarating ang order namin.”
“Hindi ba’t maganda naman ang takbo ng negosyo ng pamilya mo, ano nangyari at nalugi ang negosyo ng pamilya mo?” Nagtatakang tanong naman ni Alice rito.
“Simula ng mamatay ang lolo ko ay nagsimulang lumubog ang negosyo ng pamilya namin at idagdag pa na nahumaling sa sugal ang tatay ko na dahilan para malugi ang negosyo.” Naging malungkot ang boses nito.
Nagbaba naman ng ulo si Alice, “Pasensya ka na, hindi ko na dapat inungka—“
Marahang umiling si Ezperanza, “Hindi mo kailangang humingi ng tawad, matagal na rin naman nangyari ito.”
“Nandito na tayo.” Sabi ng kutsero na nasal abas ng karwahe, binuksan nito ang pintuan.
~**~
“Noong una ay hindi namin nahahalata pero nitong nakaraang buwan ay mas lalong lumala ang init ng klima namin. Kukunti na lang ang ani namin, nagiging tuyot ang mga panananim namin at ang tubig naman ay halos matuyo.” Kuwento ni Baron Sicat sa kanila habang inilibot sila sa lupain nito.
Bago pa nakarating si Meisha at ng kanyang kasama sa pasukan ng bayan ay napansin agad iyon ng mga taong taganayon at mabilis na pinaalam ang Baron. Nang malaman `yon ng Baron ay mabilis itong nagbihis ng maayos at maligayang sinalubong silang pito ng makarating sila dito sa bayan ng blue field village.
Nang makita ng dalaga ang baron ay medyo nakaramdam siya ng gulat. Pandak at mataba ito. Masiyadong magarbo ang damit nito at ang mas kapuna-puna rito ay nakasuot ito ng maraming mamahaling alahas.
“Sa tingin mo ba, Binibining Wistra, kaya mong isolba itong problema namin?” Maingat na tanong nito sa kanya tas sabay sulyap sa kasama niya. Pilit nitong tinatago ang kaba ng makita nito ang kasama ni Meisha. Sino naman hindi? Tanging makita lang nito ay itim at tila umuusok na katawan ng mga ito at kahit ang hitsura ng mga ito ay imposible rin makita na dahilan para mukhang nakakatakot ang mga ito.
“Mayroon bang kakaibang nangyari dito sa bayan bago nag-iba ang klima ng panahon rito?” Tanong niya rito at saka pinitas ang tuyong dahon ng nasa taniman ng palay.
Saglit na napatigil ito pero agad din naman umiling at sinabing, “Wala naman sa pagkakatanda ko. Bakit, may problema ba?” Nagtatakang tanong nito.
“Gayong kinuha ko itong trabaho mula sa adventurer’s guild, natural lang naman siguro na alamin ko ang mga bagay na dahilan kung bakit nagkaganito ang inyong lupain. Sa nakita ko, ang iyong lupain lang ang nakaranas ng abnomalidad na klima kahit na paparating na ang tag-lamig kaya hindi ko maiwasan na magtaka.”
Mahinang tumawa ito, “Gano’n ba, sa tono ng pananalita mo ay mukhang nakakasiguro ka na kaya mong solbahin ang problema namin rito.” Biglang kumislap ang mga mata nito sa tuwa at tinitigan siya nito ng maigi.
Pinagtaasan niya ito ng kilay, “Hindi ko kukunin ang trabaho na ito kung hindi ko kaya, subalit kinakailangan kong ipapaalala sa`yo na kahit na kaya kong solbahin ang ani niyo ngayon buwan.”
“Kung gano’n lubos akong magpapasalamat sa`yo kung matutulungan mo kami. Huwag ka rin mag-alala sa sahod mo, basta ba maayos trabaho mo ay hindi kita kukulangin sa sahod mo. So, kelan mo sisimulan ang trabaho mo?” Masayang tanong nito.
“Bukas ay pwede ko simulan.” Matapos niyang sabihin iyon ay huminto sila sa harap ng tarangkahan ng bahay ng Baron.
~**~
Nang sa wakas ay umalis na ang mga katulong sa kwarto kung saan silang apat na babae ang mananatili ng pansamantala ay biglang nagsalita si Wanwan, “Nagugutom na ako. Kelan ba tayo kakain?” Tumakbo ito patungo sa isang maliit na kama. Malaki ang kwarto na binigay ng Baron at tamang-tama lang sa kanilang apat na manatili rito dahil may apat na kama rito.
“Ikaw talaga Wanwan, puro pagkain na lang ang laman ng isipan mo.” Napapailing na tugon ni Ezperanza rito.
“Nagugutom na ako eh.”
“Maghintay ka na lang. Sabi naman ng mayordomo dito ay padadalhan lang daw tayo ng makakain dito sa kwarto natin.” Tugon naman ni Alice.
“Oo na, oo na, maghihintay na nga pero napansin niyo ba?” Biglang pag-iba ng topic ni Wanwan.
Napatitig naman ang dalawa rito.
“`Yong Baron. Napansin niyo ba?” Ulit nito.
Bigla naman tiningnan ng dalawa ng kakaiba si Wanwan.
“Naku, hindi ko alam na iyon pala ang tipo mong lalaki Wanwan.”
“Oo nga.” Segunda naman ni Ezperanza kay Alice.
Biglang tumuwid ang usong-tainga ni Wanwan ng marinig nito ang tugod ng dalawang kaibigan. “Saan ba lupalop napadpad `yang isipan ninyong dalawa, ha? Wala akong gusto sa kanya! Ang tanda na kaya niyon!” Nagpapadyak ito sa sahig dahil sa inis.
Tinawanan lang ito nina Alice at Ezperanza.
“Ibig kong sabihin, napansin niyo ba `yong kakaibang tingin ng Baron kay señorita?”
Doon lang bigla napasulyap si Meisha kay Wanwan. Hindi naman sa hindi niya napansin iyon pero mas pinili niyang balewalain ito.
Napapailing na lamang siya at hinayaan na lamang niyang mag-usap ang tatlo at nagtungo sa bintana at bahagyang binuksan ang kurtina at sumilip sa labas ng bintana.