Chapter 25 Leaving

2851 Words
Matapos niyang ipasok ang lahat ng mga gamit sa kanyang interpatial storage bay ay gumamit agad ng teleportation magic si Meisha upang makarating agad sa town square kasama ang kanyang tauhan. Nang lumitaw sila sa maliit na eskina ay nahihilong napasandal ang mga ito sa pader habang si Barette naman ay sumuka. “Eww…lumayo ka nga sa akin, Barette!” Sa totoo lang, nabigla si Meisha ng makita ang matinding reaksyon ng mga ito matapos niyang gumamit ng teleportation magic. Bakas sa mukha niya ang pagtataka, bakit ba nakaranas ang mga ito ng motion sickness? However, it didn’t take long for her to realize that this was their first time using teleportation magic. Teleportation magic here is rare and not anyone who can use it so it was normal for these people to feel motion sickness. “Amfuta. Ayoko ng teleportation magic!” “Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam kapag gumamit tayo ng teleportation magic.” Isa-isa komento ng mga ito. Napapailing na lamang si Meisha sa mga ito bago kinausap ang mga ito na lumakad na sila papunta ng adventurer’s guild. Hindi umabot sa sampung minuto ng makarating sila sa harap ng adventurer's guild. Pagpasok nilang pito sa loob ay sinalubong sila nang madaming tao at nagsatsatan sa isa't isa. "Nitong mga nakaraang araw ay may nagaganap na pagbabago sa loob nang 「Elderguard Dungeon」, may mga bagong demonic beast at spiritual herbs sa loob nang dungeon. Base sa narinig ko ay ang 「Desert Wind Group」ang unang naka-diskubre sa golden vine! Kaya ngayon ay madaming grupo o tao mula sa sector ang pumupunta doon para kumolekta lamang nun!" "Anak ng tokwa! Sino ba ang mga baguhan grupo na ito at ang bilis nila umangat ng antas, ah? Aba, hindi pa nga umabot sa isang buwan ay dalawang beses na silang tumalon sa isa pang antas, ah!" Blah. Blah. Sa dami nilang nag-iingay ay naririndi ang tainga niya. "Anong meron dito?" Hindi makatiis na tanong niya sa kasama. "Sa pagkakaalam ko po ay mayroon isang high level adventurer na nakatangap nang A Rank Commission at ngayon ay kasalukuyan naghahanap ng maraming tao para bumuo nang malaking grupo para salakayin ang [Dungeon of the Granite Jungle] dahil breeding season ngayon para sa Kabolds at Goblins." Sagot naman ng isang lalaki ng marinig nito ang tanong ni Meisha ngunit hindi man ito nag-abalang lumingon sa kanya. Kumunot ang noo niya ng marinig iyon at sinuri ang buong paligid, hindi umabot sa sampu ang magician na narito. “Ang ingay naman rito, ano baa ng meron sa golden vine at pinagkaguluhan nila iyon.” "Ang tanda mo na pero hindi mo alam kung anong golden vine?" Kutya ni Wanwan kay Barette. "Aba't! Gusto mo bang hilain ko 'yang bilog mong tainga?" Naningkit ang mga mata ni Barette nang binantaan nito si Wanwan. The petite bear beastkin stuck out her red tongue. "Agh! Ano ba ang meron sa mga beastkin at ang hilig ninyo akong kutyain? Anong ginawa ko sa inyo, ah?! Pareho lang kayo ni Richie!" "Wala ka kasing modo." Napapailing na naglakad si Meisha. Dahil sa sobrang lakas nang boses ni Barette ay marami-rami itong nakuhang atensyon. Mapang-usisa na tinignan sila nang mga tao na nandito. "What the, ba't itim?" "Itim...itim...?" "Ba't puro itim ang nakikita ko sa kasama nang taong `yon?” “Nakita mo ba ang babaeng iyon na nasa unahan ng mga ito?” “Iyong babae na kasama ng mga taong nakaitim?” “Oo, narinig mo ba ang balita mula kay James at ng grupo niya?” “Diretsuhin mo na nga ako, alam mo naman na parati ako nagpag-iwanan ng balita” “Narinig ko mula sa kanila ang tungkol sa subjugation nila sa mushpang. Ang salamangkera nilang kasama noon ay napakalakas daw at kaya nitong patayin ang isang high ranking demonic beast ng mag-isa. Base sa description nila; bata pa raw `yong salamangkera, maganda, itim ang buhok at asul ang mga mata. Nakakasigurado ako na siya iyan. Narinig ko rin sa kanila na Rank F lang siya noon pero dahil sa nangyari sa subjugation ay mabilis umangat ang ranggo niya. Rank C na siya ngayon.” “Ang bilis naman.” Hindi na nagkaabalang tumingin si Meisha sa mga taong nagsalita kanina. “Tayo ba ang sinasabi nilang itim?” Nagtatakang tanong ni Ezperanza. “I’m using a concealment magic para `di kayo makita ng mga ito.” That’s right, before they leave the house, she cast a magic on them to conceal their looks for safety. Bahagyang napatango si Ezperanza ng makuha nito ang sagot at hindi nagpatuloy na magtanong kung bakit ginawa niya iyon. Tumungo si Meisha sa commission board at nang makarating siya sa harap ng commission board ay nakita niya kadalasan na naroon ay escort para sa mga mangangalakal na papunta sa malayong lugar at kinakailangan nila ng may magprotekta sa kanila. Ngunit kesa piliin niya ang pinakamalaking reward na meron sa mga iyon ay mas pinili niya ang nag-iisang request sa raiding ng 「Whispering of Catacombs Dungeon」. Pagkatapos niyang kunin iyon ay lumapit siya sa counter. Nang makalapit siya sa counter ay napaangat ng ulo ang receptionist. Umaliwalas ang mukha nito ng makita siya. "Mabuti naman at nandito ka na, Binibining Wistra. Mayroon sana akong nais na itanong sa`yo. Nagtaka naman siya. “Ano naman?” "Heto kasi iyon, meron kasi akong natanggap na commission ng kliyente at naghahanap ang mga ito ng salamangkera pero kinakailangan na may alam ang mga ito ng「Art of Flora」and 「Rain Hymn」spell." Noong una nitong nakita si Meisha ay hindi nito gaanong binigyan ng atensyon kahit na salamangkera ang dalaga, hindi dahil sa minamaliit ng receptionist ang dalaga kundi naisip nito na baka katuwaan lang ng dalaga na maging adventurer na kagaya na nakasalamuha niyang kaedad ni Meisha. Isa pa, hindi ordinaryong salamangka ang binanggit nito, isa iyon mataas na antas ng salamangka at hindi lahat salamangkero o salamangkera ang nakakaalam niyon. However, a few days ago, she didn’t expect that this young magician can actually defeat a high level demonic beast! Kaya naman ngayon ay nagbabakasakali ang receptionist na alam ng dalaga ang salamangkang iyon. Nakahinga ng mabuti ang receptionist at mabuti na lamang at hindi nito na-offend ang dalaga. "Nagkaroon ng problema ang Blue Field Village, sa hindi malaman ay lahat ng pananim nila ay namamatay at sa panahon ito, kapag hindi magawan ng paraan ito ay baka walang makakain ngayon tag-sibol ang mga taong-nayon doon. Huwag ka rin mag-alala sa bayad dahil napakalaki ng binigay nila basta lang matulungan mo sila sa kanilang problema." Kinuha ng receptionist ang isang papel mula sa drawer nito at ipinasa kay Meisha. Sa totoo lang, medyo nalito si Meisha sa sinabi nito. May alam siyang salamangka na makatulong sa pananim pero iba kasi ang tawag ng salamangka na ito dito sa oestrell kaya medyo mabagal ang sagot niya rito. Nagpatuloy ulit ito sa pagsasalita, "Matatagpuan ang bayan sa eastern border at aabutin ka nang tatlo o apat na araw kung sasakay ka ng karwahe papunta doon." “Eastern border? Hindi ba’t doon din matatagpuan ang 「Whispering of Catacombs Dungeon」?” Napasulyap siya sa hawak na commission paper na kinuha niya mula sa bulletin board. Napatango naman ang receptionist. “Oo. Interesado ka ba kunin itong commission? Kailangan lang kasi masolusyunan itong problema ng blue field village.” “Pwede ko naman kunin itong commission na ito. Isasabay ko narin pala ito.” Pinasa niya ang commission paper na kinuha niya mula sa commission board. “Ah itong「Whispering of Catacombs Dungeon. Mayroon ka na bang taong makakasama rito?” Tumango si Meisha. “Oo, meron akong battle slaves na kasama para pumasok sa loob ng dungeon, wala naman sigurong masama kung sila lang ang kasama ko di ba?” Tinuro niya ang mga kasama niya. “Wala naman problema, pero kinakailangan mong ipakita sa akin ang dokumento nila na nagpapatunay na alipin mo nga sila.” Inalabas naman niya mula sa bag niya ang dokumento nila tas sinimulan naman ng receptionist na iproseso ang lahat bago binigyan nito ng stamp ang commission paper at binalik sa kanya. Pagkatapos niyon ay ay lumabas na si Meisha at ng kasama niya , sakto naman nakasalubong nila ang pamilyar na grupo ng mga tao. At the same time, nagawi ang paningin ng isang lalaki sa kanya at naningkit. "Ikaw!" ~**~ The man in mid-twenties'face turned ugly when he saw Meisha. Week had passed, he had been living restless and it was entire fault of this wretch! Pigil na paikutin ni Meisha ang kanyang mga mata ng makita ang lalaki na naikwentro niya noon. Ano nga ang pangalan nito? Hindi niya matandaan. "Siya ba ang tinutukoy mo, Gordon?" Tanong ng lalaking kasama ni Gordon sa malamig na boses. "Siya nga!" "Peacock-man, malalim ba ang natamo mong sugat kaya'y nagdala ka ng kasamahan mo upang gantihan ako?" Sabi niya rito, may bahid na katamaran sa boses niya. Really, bakit ba hangang ngayon ay lapitin parin siya ng gulo? Napapatingin naman ang mga tao na nando’n sa kanilang direksyon. Ilang sandali, nahagip ng mga mata niya ang mga daliri nito na ngayon ay buo parin. Her willow-like brows move upward, her eyes aimed at his intact fingers. “Mukhang magaling na ang daliri mo.” Namula sa galit si Gordon nang marinig ang sinabi niya rito. "Thanks to you! Kailangan ko pang bumili ng 「Elixir of Flesh Restoration」! Alam mo ba kung gaano kamahal 'yun? P*ta, pano mo ako mababayaran, ah?!" Tumikwas ang kilay niya bahang nakatingin sa hangal na lalaking 'to. "Itikom mo `yang bibig mo, ha! Baka gusto mo ay ang dila mo naman ang puputulin ko? Kung meron ka man sisihin rito ay sisihin mo ang sarili mo.” "Sumusobra ka na yata, Binibini. Ang kaibigan na nga namin ang dihado rito tas napakaarogante mo." Isang malamig na boses ang sumabat sa kanilang dalawa. Her eyes shifted towards the owner of that voice. May hitsura naman ang lalaking ito, malaki ang pangangatawan nito. Nakasuot ito ng balute at sa likod nito ay may malaking espada. "Anong siya ang dihado? Ba’t hindi mo tanungin ang kaibigan mo kung anong ginawa niya. Ha, ano pa ba ang aasahan ko sa ibon na parehong balahibo ay parating magkasama?” Nang-uuyam na sabi niya rito. Ginalaw niya ang isang kamay at sinimulan nilalaro ang dulo ng itim niyang buhok. This man slightly perplexes, tila hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Pero gayunman ay pinanatili parin ang composure nito sa sarili. While on the otherhand, Gordon's face turned crimson from anger, he unsheathed his sword and lunch an attack on her. Subalit sinangga ni Vito ang atake nito habang si Meisha naman ay nanatili parin nakatayo sa kinatatayuan niya. Habang si Wanwan naman ay mabilis na kumilos at sinipa sa gilid si Gordon. Tumilapon ito ng ilang metro malayo sa kanila. "Lapastangan ka talaga! Ang lakas ng loob mo na atakehin ang amo namin!” Umawang ang bibig niya nang makita iyon. Mukhang may itinatago pa palang lakas ang bear beastkin na ito na hindi alam ng slave dealer. Napalabi si Meisha at bumaling siya sa lalaking nakasuot ng itim na balute at sa ibang kasama nito. Base sa obserbasyon niya sa mga ito ay mas mataas ang ranggo ng mga ito kesa kay Gordon. Sa grupo nila, mayroon lang sila; mage, hunter, priest at tatlong swordman, pawang malalakas rin ang mga ito. Minamasahe niya ang kanyang sintido ng nakaramdam siya ng sakit. Wala talaga siya sa mood na makipag-away. Gusto na niyang umalis rito at pumunta sa destinasyon na pupuntahan niya para tapusin ang kanyang trabaho pero pinapaaksaya `ata talaga ng lalaking na nagngangalang Gordon ang oras niya! "Fucker!" "Gordon!" Malakas na tawag ng lalaking nakasuot ng itim na balute. "Huwag mo akong pigilan, Lamont! Papatayin ko sila!" Tumayo ito sa kinatayuan at akmang susugod uli, subalit humarang sa harap nito ang isang babaeng na nakasuot ng mage clothes. "Huminahon ka, Gordon. Hindi tayo naparito para lumikha ng gulo, tandaan mo may trabaho pa tayo na kailangan tapusin. Isa pa, base sa narinig ko mukhang ikaw naman ay may kasalanan rito kaya wala kang karapatan na magalit sa kanya. Kung gusto mo talagang makagante ay may paraan pa naman para gawin mo iyon.” Sabi ng salamangkera at saka sabay sulyap sa kanya. Ang sulyap na iyon ay para bang tingin nito kay Meisha. Makikita sa mata nito ang interes kay Meisha. She had heard about her from Gordon on how this young mage use her magic beat him up and his men. Matapos siya nitong suriin ay nagsalita ulit ito. "Sa susunod na buwan, magkakaroon ng paligsahan para sa mga adventurer.” "Gusto mo akong sumali sa paligsahan?” “Parang gano’n na nga.” Kalmadong sagot naman nito. “Sa tingin mo ay sasali ako sa paligsahan?” “Kung hindi ka sasali sa paligsahan ay hahanapin ka namin.” Sumabat naman itong si Gordon dahil sa inis. “Naku, takot naman ako sa banta mo.” Mahinang tumawa siya rito ngunit binigyan niya ang mga ito ng malamig na tingin. Hindi niya tinugunan ang sinabi ng mga ito at iniwan na lamang ang mga ito. Sinenyasan ang mga kasama niya na umalis na dito. Kahit na tinawag siya ng peacock-man na 'yon ay hindi niya ito pinakingan. Before they leave the city, Meisha and her group bought some supplies for their journey. ~**~ Sa kabilang panig naman, nang makarating ang binata sa kanyang bahay ay agad siyang sinalubong ng mayordomo. “Maligayang pagbabalik, master.” “May nangyari ba rito sa bahay habang wala ako?” Nang marinig naman iyon ng matanda ay tila nagdalawang isip ito ngunit pinili parin nitong magsalita, “Wala naman, master, maliban sa nagpalada ng liham ang pamilya mo. Gusto mo bang basahin iyon, master?” Naging malamig ang mga mata ng binata ng sinulyapan niya ang liham na nasa kamay nito. “Itapon mo iyan. Kapag nagpadala na naman sila ng liham sa`kin, itapon mo.” Tinanggal niya ang puting guwantes at pinasa sa matandang mayordomo. “Masusunod, master.” Tinanggap naman nito iyon at pinasa sa kasamang katulong. Sinimulan narin nito inutusan ang mga ito na ihanda ang pampaligo niya. Iniwan na niya ang mga ito at dumiretso tumungo ang binata sa kanyang kwarto, bago pa ito makarating sa kanyang kwarto ay sinalubong agad siya ng isa sa pinagkakatiwalaang katulong at may binulong ito sa kanya. Nagkasalubong ang kilay niya sa narinig. Sinenyasan niya ang ibang tauhan maliban sa pinagkakatiwalaan niya na huwag sumunod sa kanya. Kaysa tumungo sa daan patungo sa kanyang kwarto ay dumiretsong tumungo siya sa basement. Pagdating niya sa basement ay hindi parin siya huminto sa paglalakad at tumungo sa pader. Kung titingnan ay wala naman gaanong kakaiba roon maliban sa may nakalambitin na lumang kuwadro at sa tabi niyon ay may nakalambitin na sulo. Pero sinong mag-aakala na isa iyong pintuan papasok sa secret room. Pinaikot ng binata ang sulo at nang ginawa niya iyon ay lumikha iyon ng napakahinang langitngit ng bumukas iyon ng patagilid at lumantad sa kanyang paningin ang makitid na hagdanan. Humakbang siya papasok at nang ginawa niya iyon ay kusang sumara ang pintuan. Mabilis naman nagsindi ng ilaw ang kasama niyang katulong at nagsimula silang bumaba. Ilang minuto ay nakarating din sila sa baba. Tanging meron lang rito ay malaking kulungan at isa pang kwarto. Nagtungo sila sa kaliwang bahagi ng kulungan at sa loob niyon ay may makikitang maliit na pigura na pinaliligiran ng maliit na bolang crystal. “Kahit ano pa ang gawin mo para makatakas rito ay imposible lalo na’t napapalibutan ka ng nullifying magic. Walang silbi ang kapangyarihan mo. Mas makakabuti pa na sumuko ka na lang.” Kiniskis niya ang hinlalaki sa gintong singsing na may itim na onyx sa sentro. Matalim naman tiningnan siya ng maliit na nilalang ngunit nanatili parin malamig ang ekspresyon niya rito. “Pakawalan mo ako rito—nar! Wala kayong karapatan para ikulong ang isang kagaya ko—nar! Humanda kayo kapag nalaman ng master ko itong ginawa ninyo sa`kin—nar!” “Master?” Biglang kumislap ang mata niya ng marinig niyon. Sa totoo lang, sa ilang araw na nakalipas matapos itong mahuli niya ay ngayon lang ito nagsalita ng mahaba. To know, he had been busy these past few days and he haven’t fully interrogated this little guy. Maari naman niya ipagawa ang interogasyon sa tauhan niya pero “Ba’t hindi mo sabihin sa akin kung sino ang master mo?” Biglang napaatras ito at mas lalong naging alerto sa kanya, “Ba’t ko naman sasabihin sa`yo—nar? Isa kang nilalang na walang karapatan na malaman ang napakaganda, napakatalino, napaka…” Blah, blah, blah. Halos sambahin nito ang amo. “Hindi mo alam kung gaano siya kagaling—nar!” Biglang nagpakawala ito ng itim na usok sa katawan ng sabihin nito iyon. “…” Hangal ba ang maliit na nilalang na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD