Chapter 14 The Banquet (2)

1100 Words
"Ina, isasama ba talaga natin ang babaeng 'yon?" Naningkit ang mga mga mata ni Lavina na tinanong niya ang kanyang ina ng makapasok siya sa loob ng kwarto nito. Nadatnan niya ang kanyang ina na abala sa paglagay ng kolorete sa mukha habang ang katulong nito ay inaayos ang hair ornament sa buhok. Isinawalang bahala ng dalaga ang tutunin ng magandang asal, tanging nangingibabaw sa kanya ngayon ay ang isipin na sasama sa kanila si Meisha. Sa totoo lang, wala sa plano nila na dalhin ito sa kanila para dumalo sa piging pero nasira `yong plano nila ng dahil sa kanyang Tita at Lolo! Maintindihan sana niya kung si Tita Solidad lang, dahil alam niyang gusto nito sirain ang araw nila pero ba’t pinayagan iyon ni Lolo?! Nakakahiya kayang isama ang babaeng `yon! Ano na lang ang iisipin ng kanyang mga kaibigan at ibang tao? What in the world was her grandfather's thinking? Ni wala nga itong pakialam kay Meisha noon but out of the blue ay bigla na lamang gusto nitong padaluhin ang babaeng 'yon? "Pag-uusapan na naman ba natin iyan, Lavina?" Mahinahon na tanong ni Madam Ivina. "Oo, ina! Ayoko talagang makasama siya sa pagdalo ng piging na ito! Pano na lang kung hindi ako pansinin ng Crown Prince dahil sa kanya?!" Nangangalaiting tanong niya rito. Ibinaba ng ginang ang lipstick brush at sinulyapan ang anak mula sa salamin bago nagsalita. "Huminahon ka nga, nak. Alam mo naman na ang salita ng Lolo mo ang parating masusunod, wala tayong magagawa diyan kundi sumunod sa kanya.” "Pero!” Pumadyak siya sa inis. Marahang tumayo si Madam Julia at humarap kay Lavina. Inagapayan ito ng katulong na maglakad patungo sa kanya. Hinawakan nito ng marahan ang namumulang pisngi niya bago ngumiti. "Anak, hindi mo kailangan mag-alala sa walang kwentang bagay na ito. Kapag parati kang galit, sige ka papanget ka niyan. Hayaan mo, sinisiguro ko sa`yo na hindi siya dadalo sa piging na `to ngayon gabi.” "Huh? Pero sabi mo…” "Sinabi ko lang na kailangan natin sundin ang lolo mo pero wala akong sinabi na walang paraan para hindi siya makama sa`tin." Kasalukuyan silang dalawa na nag-uusap nang dumating ang isang katulong para ipaalam kay Madam Julia na nagpalada ng tauhan ang arsobispo para sunduin sila. Napakunot ang noo nilang dalawa. As someone like them from a big family, they certainly do not need to hire someone else carriage since they could own one, but why would even the venerable archbishop go so far to send someone here unless...Ah hindi ito maari. Nagmadali lumabas silang dalawa sa kwarto kasama ang mga katulong papunta pavillion kung saan naghihintay ang kinatawan ni Arsobispo Samiel. Nang makarating sila doon sa pavillion ay namataan nila ang lalaki na nakasuot ng cleric clothes, at hindi lang ito nag-iisa doon. Namilog ang mata ni Lavina ng makita si Meisha na nakipag-usap sa lalaking nakasuot na cleric. "Meisha! Anong ginagawa mo rito ah!?" Hindi mapigilan sita niya rito. ~*~ "Meisha! Anong ginagawa mo rito ah!?" "Magandang hapon sa inyong dalawa." Bati niya ng makita niya ang mag-ina na papalapit sa direksyon niya. Nakita niya na naningkit ang mga mata ni Lavina at tila ba gusto siya nito lamunin sa galit. Nang tininong siya nito, hindi siya nagmadaling saguting ito, "Anong klaseng tanong iyan, kapatid ko? Saan na ang magandang asal na tinuro sayo ng ina mo? Wala sana problema kung tayo lang ang narito pero pati ba naman sa harap ng bisita natin?" Her voice was light as a feather but it was as if she gave Lavina a big slap upon hearing Meisha's repremanded her. Namula ang mukha nito at nagsimulang nanginginig ang mga kamay nito. "I-ikaw!” "Lavina!" Sita ni Madam Ivina sa anak bago humarap sa kanilang dalawa. "Mahiya ka naman, hindi kita pinalaki na maging walang modo sa harap ng mga tao. Pagpaumanhin na ninyo si Lavina, medyo pasaway kasi ang batang ito." Palihim na kinuyom ni Lavina ang kamao sa loob ng manggas. Hindi na lamang nagsalita si Meisha rito, pero `yong kasama niya ang nagsalita, "Ah, wala 'yon." Tugon naman ni Anton sa ginang. Ang lalaking ito ay ang taong pinadala ng arsobispo. Nagkataon kasi na nakasalubong niya ang lalaki ng naglalakad siya rito. Medyo namumula ang pisngi ni Anton ng masilayan nito ang dalawang magagandang babae. Nanatili parin ang ngiti sa labi ni Meisha habang kaharap silang lahat. "Si Ginoong Anton pala ang taong sinabi ng katulong na bumisita rito. Hindi na sana kayo nag-abala pa na pumunta rito, maari naman kami na lang ang pumunta doon.” "Ah hindi naman po ito nakakaabala. Isa pa, nandito po ako dahil inutusan ako ni Arsobispo Samiel na sunduin si Binibining Meisha dito." Parang nanigas ang ngiti sa mapupulang labi ni Madam Ivina ng marinig 'yun. Sinipat ng ginang ang suot ni Meisha at mas lalo pang nanigas ang labi nito. Palihim na napangiti si Meisha sa nakitang reaksyon nito. Akala ba nito na gano’n siya kadaling maiisahan? Nang buksan kasi ni Phyliss ang box ay sirang-sira na ang bagong damit niya. Buti na lamang at may restoration magic siya kaya naibalik niya sa dati ang damit. Mula't sapul palang ay wala talaga itong balak na isama siya! Sa saya niya ay hindi niya narinig `yong sinabi ng binate dahil nakatuon ang atensyon niya sa reason ng Ginang nang makita nito ang suot niya. Naintindihan ni Meisha kung bakit hindi siya magustuhan ni Madam Ivina sa simula palang. Sino naman babae na maging magiliw sa anak ng asawa sa ibang babae? Pero sumusobra kasi ito! Hindi rin siya umaasa na magugustuhan ng ginang dahil pareho lang din sila ng naramdaman. Sa ginawa nito noon, paano ba niya magugustuhan ang ugali nito? “Anong sinabi mo?” Ulit na tanong ng Ginang rito. “Sabi ko, inutusan ako ng Arsobispo na sunduin si Binibining Meisha.” Natigilan si Meisha nang marinig ang sinabi ng lalaki. Ano daw, inutusan itong sunduin siya? Bakit? Nagtataka man si Meisha ay mas pinili parin niyang manahimik. "Naku, hindi na sana niya ginawa ito, nandito naman kaming pamilya para samahan siya sa piging." Nakangiti sabi ng ginang bago humarap kay Meisha. "Di ba, Meisha?" She asked her wit meaningful look. Ginantihan naman ng ngiti ni Meisha, inignora ang makahulugan nitong salita. "Oo naman." "Meisha!" Nanlilisik ang mata ni Lavina na tinitigan ang dalaga. "Yes, dear sister?" Inosenteng tiningnan niya ito, pigil na matawa siya sa mga reaksyon ng mga ito. "Kung wala ka naman sasabihin ay aalis na ako.” Naguguluhan man ang lalaki sa nangyayari ay nagpaalam ito sa mag-ina at sumunod kay Meisha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD