Lagpas sa beinte minuto ang nakalipas, tahimik na nakasunod sa likod si Meisha. Kahit na maayos ang kanilang kasunduan kanina, hindi parin niya ang pagkaalerto niya sa binata. Sa mga oras na ito, dumaan sila sa secret passage patungo sa lihim na silid. Ganito ba talaga ang mayayaman lalo na sa mga sinaunang tao, mahilig sa maglagay ng lihim na silid? Napaisip si Meisha, pero di rin nagtagal iyon ng makarating na sila sa ibaba at nakita ang maraming kulungan. Okay, hindi simpleng lihim na silid ito kundi kulungan! Napabaling ang tingin niya sa binata. Hindi niya lugod na maisip na may ganitong klaseng silid ang binata. Pinagtaasan naman siya ng binata nang magtagpo ang kanilang mga mata. “Anong tinitingin mo?” “Hm? Wala. Huwag mo na akong intindihan at dalhin mo na ako sa kanya.”