Chapter 18 Slave Market (1)

3280 Words
"Hohoho, blop! Mayaman na tayo, blop!" Phyliss exhilarated upon seeing those expensive accessories and one white gold coins on top of the table. "Are we going to sell these things—blop?" Matapos kasi ang pustahan nilang lima ay agad na naningil si Meisha sa kanyang napalanunan mula sa apat na dalaga. Kahit na labag sa kalooban, ibinigay parin ng mga ito ang pinustang alahas at pera sa kanya. "Naturally." Isipin palang ni Meisha ang hitsura ni Lavina ng ibinigay nito ang isang puting gintong barya sa kanya ay hindi niya maiwasan matuwa. Isang puting gintong barya ay hindi gano’n kaliit na halaga, sigurado si Meisha na dumurugo ang puso nito sa mga oras ngayon. Ni minsan sa bagong buhay niya ay hindi pa siya nakahawak ng gano’n kalaking pera kaya gano’n na lang ang tuwa niya ng manalo siya. “Sayang rin ang mga ito, hindi isang ordinaryong mga alahas ito kundi isa itong magical item.” "Hindi ko kailangan ang mga bagay na ito lalo na’t ginamit pa ng ibang tao ito, so ano ba ang silbi ng alahas na ito dito? Ibebenta natin ang mga ito sa pawnshop,” Sabi niya rito habang nilalaro ang isang puting gintong barya sa dalawang daliri niya. “Kapag nalaman nila ang ginawa ko, ano kaya ang nararamdaman nila?” Tumawa ito nang maisip nito ang hitsura ng mga bruhang babaeng iyon. “Paniguradong luluha ang mga ito ng dugo kapag nakita nila ang kanilang alahas sa pawnshop! Buti nga sa kanila—blop!” “Tumpak!” Aniya saka inihagis niya ang isang puting gintong barya kay Phyliss. Sinalo rin naman nito iyon. Nagtataka na tiningnan siya nito. “Sa`yo iyan.” “Yeesss!” Masyang usal nito. Napapailing na lang siya sa nakitang kilos nito. Pagkain na naman siguro ang laman ng isipan nito. Habang nagsasaya ito sa natanggap nap era ay abala si Meisha sa paglagay ng mga alahas sa bag. Sinukbit niya ang bag sa balikat at binalingan si Phyliss. “Dito ka muna sa ancestral hall, aalis muna ako para ibenta itong alahas. Huwag mo rin kalimutan na pumasok ng maaga sa tavern.” Mabilis na tumango ito sa kanya. Pagkatapos niyang makasiguro na ready na ang lahat ay umalis na siya rito at iniwan si Phyliss at ang clone niya. It was easy for her to get over to the town square since she had leave some mark for her to teleport there. Nang nasa town square na siya ay ang unang pinuntahan niya ay ang Exquisite Jewelries Pawnshop, isa ito sa pinakamalaking pawnshop dito sa kabisera at inirerekomenda pa ng royal family ang tindahan na ito. Doon niya napagdesisyunan na isangla ang mga alahas and earned for about thousands of gold coins. En, she's very satisfied of what she earned today and have no regret. For just one day, naging instant mayaman siya! Umangat ang isang sulok ng kanyang labi lalo na’t maalala niya ang ekspresyon ng apat na dalaga na pumusta sa kanya kahapon. Ngayong may malaking pera na siya, kinakailangan niyang bumili nang makapal na damit ngayon. Pambihira naman kasi, kung nasa dati pa siyang mundo, eh `di hindi niya kailangan mag-alala na maninigas siya sa sobrang ginaw dahil nasa tropical country siya nakatira. Matapos ng transaction niya sa pawnshop ay dumiretso siya tumungo sa downtown areas para bumili ng mga gamit na kinakailangan niya. Nang makarating siya sa downtown areas ay nahagip ng kanyang paningin ang isang tindahan na nagbebenta ng magic item. Tumungo siya roon at pumasok sa loob. Pagpasok palang niya ay lumikha ng tunog ang chime ng pintuan. “Maligayang pagdating sa aming tindahan, anong maipaglilingkod ko sa`yo, binibini?” Sinulyapan niya ang salesman. Agh, sa lahat ng ayaw talaga niya ay `yong tinatanong siya ng mga tindiro kung anong bibilhin niya. “May binebenta ba kayong interspatial storage ring?” “Interspatial storage ring? Naku, binibini, wala kaming binebentang gano’n dito sa tindahan namin. Napaka-rare ng magic item na iyan at kadalasan makikita mo iyan sa auction house. Pero mayroon kaming interspatial storage travel sling bag na 36-40 square feet, hindi man ito kasing laki ng interspatial storage ring pero matibay ang durability ng interspation storage travel sling bag.” The salesman leads the way at huminto sila sa harap ng rack kung saan nakalagay ang bag na tinutukoy nito. Isang tingin palang ay makikita na matibay ang bag na ito at yari pa sa balat ng isang hayop at maganda ang kalidad. “Limited edition ito ng marigold brand at naghahalaga ng mahigit dalawampu gintong barya!” “Dalawampu gintong barya?” Bahagyang nagkasalubong ang kilay niya. Ang mahal ah. “Oo, dalawampu lang. Mas mura pa ito kesa sa storage ring na hinahanap mo. Base sa narinig ko mula sa aking kaibigan na minsan pumunta sa auction house, nagkataon na may binenta silang storage ring. Alam mo ba kung magkano ang binayad ng last bidder? Mahigit pa limang puting gintong barya at dalawampung libong barya na pilak!” Nang marinig niya ang presyo ay biglang sumakit ang sentido niya. Mahigit pa sa dalawang bilyon peso ito kung nasa kanyang dating mundo! “Hindi ako nagsisinungaling sa`yo ah, pwede mo rin pumuntahan ang starex auction house para kompirmahin kung totoo ang sinabi ko o hindi. Alam mo naman na bihira lang na magkaroon ng interpatial storage ring. Sa pagkakaalam ko ay may kakayahan daw itong mag-imbak ng mahigit pa sa isang daan libong higanteng halimaw!” Sa huli binili na lang niya ang bag na ito. Gusto sana niya ng interpatial storage ring dahil mas convenient iyon dalhin kesa sa bag at mas malaki ang space ngunit isipin palang niya ang halaga ng interpatial storage ring dito sa mundo ay bigla nagbago ang kanyang isipan. Masyadong mahal tas balak lang niya lagyan ng mga bagay na kinakailangan niya para sa paglalakbay niya sa iba’t ibang lugar. Iyon lang ang binili niya tas umalis na agad siya sa naturang tindahan. Hindi pa nga siya nakakalayo ay napahinto siya sa isang maliit na poster na nasa poste na nakadikit. Tinanggal niya iyon at binasa. Nakasulat doon ang tungkol sa slave market tas may kasama pang maliit na mapa. Nahagip ng paningin niya na may binebenta din silang battle slaves. Iba ito sa ordinaryong alipin. Sa salita palang battle slave ay ibig sabihin niyon may alam ito sa pakikipaglaban. Nahulog sa mahabang isipan si Meisha. Right now, she was in need of manpower. Even if she can fight alone with monsters, however, her movement still restricted by law. Kailangan parin niyang may kasama para pumasok sa dungeon o mag-subjugate ng monster kagaya noon. Kahit na hindi komportable si Meisha tungkol sa slavery ngunit determinado siya na kinakailangan parin niya ng taong nasasakupan. ~**~ Hindi rin siya nahirapan na hanapin ang slaves market. The place is located in the eastern part of the capital, nang makarating siya rito ay nanatili parin nakapaskil sa hitsura niya ang disgusto ng makitang open lang sa mga tao rito ang pagbebenta ng mga tao. Sa kaliwang bahagi, sa hindi kalayuan ng kinatayuan niya, ay may kulungan na naglalaman ng ilang mga tao na nakasuot ng nanlilimahid na damit at kwelyo na yari sa kana sa leeg. Sa kabilang panig naman ay may isang malaking tindahan ng alipin. Doon siya pumunta, pagpasok pa lamang niya sa loob ng tindahan ay binati siya ng isang wolf-type beastkin, showing his professional smile. Binaba niya ang hoody ng robe niya. Biglang kuminang ang mga mata niya ng makita niya ito. Beastkin! Ngayon lang siya nakakita ng buhay beastkin! Sa dati kasi niyang mundo, matagal ng extinct at tanging sa historical book na lang nila mababasa ang tungkol sa kanila. Hindi siya makapaniwala na makakita siya ng totoo at buhay na buhay na beastkin! Napapatitig siya rito ng matagal. "Maligayang pagdating dito sa aming Skyfire Slaves Store. Anong maipaglilingkod ko sa`yo, Binibini?” Hindi agad nakasagot si Meisha dahil sa excitement niya. Ilang segundo din ang nakalipas bago bumalik sa huwisyo si Meisha. “Ehem. Paumanhin, ngayon lang kasi ako nakakita ng beastkin,” Sabi niya rito. Ngumiti ulit ito sa kanya. “Hindi mo kailangan humingi ng paumanhin. Normal lang naman iyon lalo na’t kunti lang ang mga beastkin na pumunta rito sa lugar ng mga tao para magtrabaho.” “Ah, kaya pala.” Tugon niya rito. Gusto sana niyang magtanong tungkol pa sa lahi nito ngunit kung iisipin masyado `atang impertinente ang tanong niya gayong ngayon lang sila nagkita. Bahagyang ipinilig niya ang ulo bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Gusto kong bumili ng alipin, magkano ba?” "Depende po kung anong klaseng alipin ang hinahanap mo, kung hinahanap mo ay katulong ay mahigit 5 silver coin at kung gusto mo ay may kaalaman ito ay mayroon iyon additional 3 silver coin.” “Hindi ordinaryong alipin ang hinahanap ko.” Nagliwanag ang mata nito ng sinabi niya iyon. Hindi siguro nito inaasahan na battle slave ang hinahanap niya lalo na’t sa suot niyang mumurahin. Bago pa ito nagsalita ay nagpatuloy ulit si Meisha sa pagsasalita, "Anim na battle slave. Wala akong gaanong required sa edad nila basta ba malusog ang pangangatawan nila. Mas makakabuti kung tig-isa sa kanila ay may iba’t ibang propesyon. Isa na rin kung may alam silang healing magic.” The slave dealer's violet eyes lit up. Mas lalo pa itong ngumiti sa kanya at lumitaw ang matulis nitong pangil, kitang-kita rin ang buntot nito na nasisiyahan ito dahil malaki ang maibenta nito ngayong araw. “Huwag ka pong mag-alala, meron po kami niyon maliban nga lang sa cleric na gusto mo. Nasa ilalim kasi sila sa pangangalaga ng simbahan. Alam mo naman, bihira lang sa isang tao na may kakayahan na gumamot." Imporma nito sa kanya. "Gano’n? Oh siya sige, gayong wala naman cleric, iyon na lang ibang binanggit ko sayo ang bibilhin ko pero kailangan ko pa silang tingnan” "Okay. Anong gusto niyo po, beastkin o tao?" “Beastkin?” Napansin siguro nito ang pagtataka niya kaya nagsalita ito. “Garantisado na hindi labag sa kanilang kalooban na maging alipin at kahit na labag pa iyon sa kalooban nila ay wala silang magagawa dahil kadalasang beastkin na naging alipin ay dahil baon sila sa kanilang utang kaya binenta sila o kundi naman may mga kasalanan silang ginawa kaya naging alipin sila. Walang sapilitan rito. Sumusunod parin kami sa protocol dito sa bansang ito na tratuhin ng maayos ang alipin pero kapag naibenta na sila sa kliyente ay hindi na hawak namin ang buhay nila.” Bahagyang napatango bilang pag-intindi sa sinabi nito. Akala pa naman niya ay kung ano na. “Ah, okay. Wala akong required sa lahi nila.” "Kung wala na po kayong ibang katanungan ay sumunod na po kayo sa akin." Dinala siya nito sa VIP room at pinaghintay dahil personal na dadalhin nito ang mga alipin doon sa loob ng silid. Hinandaan pa siya ng mga empleado rito ng snacks at tsaa habang naghihintay. Hindi nagtagal ay bumalik rito ang slave trader at dala na nito ang anim na alipin; tatlong babae at tatlong lalaki. Wala siyang gaanong maipintas sa hitsura nila, the six of them were good looking. Pinasa ng slave dealer ang biodata ng anim sa kanya. "Maari ba na iwan mo muna kami kahit ilang sandali lang? Gusto ko muna silang makipanayam." "Oo naman!” Nang makalabas ang slave dealer ay agad na gumamit ng 「Silent Magic」para hindi marinig sa labas ang usapan nila. She flips her lustrous black hair over her shoulder before reading their biodata. Sumimsim muna siya ng tsaa bago binaba ang biodata sa mesa at nagsalita. "Una sa lahat, gusto ko munang ipakilala sa inyo na ako si Meicha Wistra. Simple lang naman ang gusto ko; isang masunurin at tapat sa akin. Ang ayoko sa lahat ay isang traydor, at sa mga taong tumraidor sa akin ay kamatayan ang kahinatnan nila mula sa akin.” Nang binitiwan niya ang salitang iyon ay nakatanggap siya ng matalim na tingin sa isa sa tatlong lalaki habang ang iba naman ay nakikinig lang sa sinabi niya. One of the three girls tense up when she heard her mention death. Normal lang naman na ganun ang reaksyon ng mga ito, isang banta ng batang babae? Patawa lang! "Jusko, kung nandito ka lang para bumili ng magiging muchaha ay huwag ako ang piliin mo. Isa akong magiting na mandirigma mula sa kaharian ng aquillina at hindi isang yaya mo.” May pagkabruskong sabi ng lalaki na nasa early thirties sa kanya, kahit na medyo mahaba ang bigote nito ay mababanaag parin ang kakisigan nito. "Wala akong pakialam basta ba ganito naman kaganda ang magiging amo ko ay wala na akong reklamo." Salungat naman ng isang black rabbit na beastkin na lalaki at saka kinindatan siya nito. "Hindi ba, ganda? Kaano-ano mo ba ang pamilyang yuen?” Doon lang nilingon ni Meisha ang lalaking black rabbit beastkin. “Oh? Pano mo naman nasabi iyan?” Pag-usisa niya. “Ha! Hindi ba’t obvious?! Eh di sa mata mo. Sa una, parang ordinaryong asul lang pero kapag titingnan mo maigi, mapapansin mo na kahawig ng mata ng…hmm…paano ko nga ito ilalarawan—ah, ahas!” “Richie, tumahimik ka na nga. Gutom lang siguro iyan kaya nakakita ka ng kung ano. Anong mukhang mata ng ahas. Wala akong nakita sa mga mata niya.” Bigla itong sinapak ng kasama niyo na nakasuot ng salamin. “Wala ng gano’n klaseng mata ang mga Yuen.” This male beastkin is really extraordinary for being able to noticed it. “Hindi rin naman siya mali.” She interrupted them. The two men’s ear perks up after they heard her answer. Tumawa ng malakas ang black rabbit beastkin ng marinig nito iyon bago nagsalita, “Oh ha? Sinabi ko na ba eh! Hindi ka kasi naniniwala, Vito sa`kin! Alam mo naman magaling `to at hindi nagkakamali.” “Tsk. Tumahimik ka na nga ang ingay mo.” The man who’s wearing an eyeglass called Vito rolled his eyes at him. In-adjust nito ang salamin bago bumaling ulit kay Meisha. “Ginamit mo ang pekeng pangalan para magpakilala sa amin, ibig sabihin no’n tinatago mo ang totoo mong katauhan at walang nakakaalam kahit sino man kung ano ang katauhan mo. Hindi ka ba natatakot na sasabihin namin ito?” “Hindi, dahil kahit na gusto ninyo ipaalam sa ibang tao iyon ay may paraan ako upang tuluyan isara ang inyong mga bibig para hindi iyon mangyari.” “Ha! Tinatakot mo ba kami?” Naiinis na tanong ng lalaki na nagmula pa sa kaharian ng aquilllina. He walked in front of her and look at her seemingly sizing her up. “Ano ba magagawa ng isang bubwit na kagaya mo?” Inignora niya ito at nakatuon ang pansin sa limang tao na nasa harap niya. “Ba’t hindi ninyo ipakilala ang sarili sa akin?” “Uy, nakikinig ka ba sa akin?!” Ngunit wala parin pumapansin rito at nagpatuloy parin si Meisha sa pakikipagpanayam sa ibang alipin na narito. “Richie Gilreath ang pangalan ko bago ako napadpad rito sa tindahan ng alipin.” Mukhang hindi nila mapapanitili ang kanilang pangalan pagkatapos nilang maibenta sa kliyente at depende lang sa kliyente kung gusto nitong baguhin ang pangalan nila. "Okay. Huwag din kayo mag-alala dahil wala akong balak na baguhin ang pangalan ninyo." She once again picks up the papers. Ang hirap talaga kapag walang pictures. "Uulitin ko ang sasabihin ko. Ipakilala niyo sa akin ang sarili ninyo at ba’t kayo naging alipin.” "Kailangan ba talaga namin gawin iyan? Anong silbi ng biodata na hawak mo, dekorasyon?" Turan naman ng lalaki na nasa early thirties. "Meron ngang biodata pero wala naman picture para makilala ko kung sino kayo." She retorted. "Tumahimik ka na nga lang, Barrette. Kaya parati ka binabalik rito ng mga tao na bumili sa`yo dahil sa panget mong ugali.” Kalmadong sabi ni Vito. Kung ikompara niya ito sa dati niyang buhay, para itong isang financial advisor. "Keh." Umismid si Barette. "Um, ako si Alice Grandy, isang taong-pusa. Maliban sa marunong ako sa gawaing bahay ay marunong ako ng martial arts—nya. Namatay ang magulang ko at naiwang baon pala sila sa utang kaya nandito ako.” Nahihiyang sabi ni Alice habang nanatiling nakatiklop ang pusang-tainga nito. "Oh! Oh! Wanwan Wilderman, isang taong-uso, kung kaya mo akong pakainin three times a day then wala akong problema. Marunong din ako ng martial arts. Binenta ko ang sarili ko dito dahil libre ang pagkain rito!" Ang kaninang tahimik na babae ay nagsimula na din nagsalita. Pigil na mapanganga si Meisha sa narinig mula rito. Binenta niya ang sarili dito para may makain?! Baliw ba ang babaeng ito? "Ako naman si Ezperanza Sepeda. Marunong akong gumamit ng kunting mahika pero mahusay akong gumamit ng palaso. Kung sa gawaing bahay naman ay marunong akong magluto at mag-burda. Nalugi kasi ang negosyo ng magulang ko, para may maibayad sila sa kanilang utang at maipag-aral ang nakakabatang kapatid ko na lalaki ay nagdesisyon silang ibenta ako dito.” Sa tatlong babae ay ito yata ang mahusay magsalita. Matapos nilang magpakilala sa sarili ang tatlong babae ay sumunod naman ang mga lalaki. Ang lalaki na mukhang financial advisor ay Vito Maddux. The three men were comrades, matapos nilang matalo mula sa digmaan ay naging bihag sila ng kalaban at binenta dito sa slave market. "Huwag mo akong bilhin." Ulit parin ni Barrette. “Nag-aksaya ka lang ng oras at pera!” Kanina pa itong lalaki ha. Nang iinis na iwinasiwas ni Meisha ang biodata sa harap nito. “Sa sitwasyon mo ngayon, wala kang karapatan para magpsiya kung anong gagawin ko. Nasa akin parin ang desisyon kung bibilhin kita o hindi. Base sa nakasulat rito sa biodata mo ay mahusay ka raw sa paggamit ng espada. Sa tingin ko naman ay may silbi ka para sa akin. Kahit na siguro hindi kita bilhin ay mayroon parin bibili sa`yo—at mas malala pa niyon baka makaikwentro ka ng masamang amo.” Pagbanggit niya sa huli ay biglang nanginig ito na tila ba may naalala ito na hindi kanais-nais at saka nanahimik. Tumayo siya at naglakad palabas ng VIP room. Mabilis naman lumapit sa kanya ang slave dealer at tila gustong alamin kung nagustuhan ba niya ang pinili para sa kanya. Nakita naman niyang disente ang mga ito at wala siyang nakitang mali maliban kay Barette pero nagdesisyon parin siyang bilhin. Pero bago iyan, sinikap muna niya babaan ang presyo ni Barette. The huge sum of money she will spend to buy them is really no joke so she tried to haggle them for a lower price. “300 silver coin ang lahat? Hindi ba pwedeng 250 na lang? Narinig ko na isinauli itong si Barette dahil sa mainitin nitong ulo.” Napakamot sa tainga ang slave dealer, tila naghahanap ng rason sa sinabi niya. "Hindi sa nag-alinlangan akong bilhin ang mga ito sa tamang presyo kaso gusto ng alipin na napakamasunurin para hindi ko na kailangan pang sanayin sila. Maliban kay Barette, itong itim na kunehong tao ay medyo may pagkabastos ah.” "..." "Those three female slave lacks of etiquette despite has an excellent skill." "..." She looks at the slave dealer and unhurriedly said, "Hindi ba’t mas makakabuti na bigyan mo ako ng discount rito?” "2 percent discount?" "25 percent" "10" "30" "20" "Deal." Nakahinga naman ang slave dealer ng sa wakas ay tapos na ang makipagtawaran sa dalaga. "Bibigyan kita ng twenty percent discount pero may kondisyon ako." "Okay..." "Huwag mo ng ibalik sa akin ang sakit na ulong lalaking iyon." "..." Sinong tinutukoy nito? Si Barette?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD