After the slave dealer and Meisha finished the procedure, sumunod niyon ay lalagyan nito ng tattoo ang mga nabili niyang slaves. Subalit pinigilan niya ito.
"Hindi na kailangan."
"Pero, Binibini, ito ang nagsilbing patunay na alipin sila maliban na lang kung gusto mo ng collar para sa alipin? Kung wala sila ng ganitong tattoo o collar ay paniguradong hindi sila susunod sa mga utos mo at ang mas malala pa niyon ay tatakas sila.”
"Bwahaha! Iniisip siguro ng batang babae na iyan na susunod kami sa kanya kunsakaling hindi kami nakasuot niyan, such a naïve girl!" Tumawa ng malakas si Barette, but abruptly stops when a luminous whip hit his back ngunit, kahit na tumama `yong latigo sa likod nito ay hindi ito umungo sa sakit.
Kahit na medyo naiinis siya kay Barette dahil parati siya nito iniinis, pero ni minsan hindi sumagi sa isipan niya na latiguhin ito. Patuloy na nilatigo ng slave dealer si Barette hangang sa dumugo na ang likod nito. Lalatiguhin ulit sana ito ng slave dealer pero bago iyon tumama sa likod ni Barette ay pumitik siya at biglang tumigil sa ere `yong latigo.
“Ha?”
“Tama na. Ano ba ang ginagawa mo at sinaktan mo ang alipin ko?” Medyo nainis si Meisa, hindi siya sanay na gumamit ng alipin pero ano ba ang magagawa niya?
“Pero ginagawa ko lang ito para turuan siyang rumespeto sa`yo, binibini!”
“Hindi ko kailangan ng ibang tao para turuan ang sarili kong alipin.” Pagkuway lumapit siya kay Barette at pinahid niya ang kanyang isang hintuturo sa dumudugo nitong sugat sa likod. Sumunod niyon, nagsimula siyang magsulat ng sinaunang letra sa ere at bumigkas ng incantation.
"Oh Lord of darkness, I beseech thee, I decipher the 10th law of hell, let owner of tis blood be my slave." The bloody ancient character in the air illuminated, lumipad iyon patungo sa noo ni Barrette, ang letra kanina na nasa noo nito ay naging anyong itim na apoy.
"Ano ito?! Agh! Eh? Eh? Hindi masakit?" Nagtataka na tiningnan nito
"Siyempre hindi iyan masakit. Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko?”
Namimilog ang mata ni Barrette at hindi makapaniwala na tinaas nito ang nanginginig na daliri at saka dinuro siya. "Anong ginawa mo sa akin?!"
"Hindi ko alam na isa ka palang salamangkera, master." Anang ni Richie sa kanya. Habang namamangha na nakatingin ito sa kanya.
"Ang ginawa ko kanina ay「Enslavement Magic」." She pointed her slender finger at Barrette's forehead. "Nakita mo iyang itim na apoy na nasa noo mo? Palatandaan iyan na alipin kita. Iba ang paraan na ito sa ginagamit ng mga slave dealer. Hindi kagaya ng kanilang paraan, madali lang sa akin na tanggalin itong kontrata kung gugustuhin ko. Hindi na kailangan maghintay na mamatay ang may-ari o dumaan sa masakit na proseso para lang matanggal ang marka ng alipin. Kaya kung ako sayo, Barrette, magpakabait na ako. Mabait akong tao sa mga taong mababait. Bibigyan ko pa nga kayo ng dalawang pagpilian upang maibalik ang kalayaan ninyo. Una, bilhin ninyo ang eksaktong laki ng binayad ko sa slave contract ninyo. Ang pangalawa ang pinakamadali sa lahat, kapag nagustuan ko ang performance ninyo ay papalayain ko kayo at kung gusto niyo parin magtrabaho sa akin, maari ko kayong maging empleyado ko at may sahod pa.”
The ink that the slave dealer uses has a blood essence of wild wolf and khalitzburg which the enslavement is stronger and unable to break their freedon unless their master dies. She had seen this kind of magical item in her previous world, noong manloob siya sa headquarters ng isang malaking sindikato. With this strong odor, there's no doubt that her speculation is right.
Gulat na gulat silang lahat ng marinig ang sinabi niya lalo na’t si Barette. He had been sold twice and he knew exactly how painful it is to remove te slave mark was. "Enslavement Magic? Ngayon ko lang yata narinig iyan." Namamanghang sabi ni Barrette. Kahit na hindi nagsasalita ang slave dealer ay gano’n din ang iniisip nito kaya napatango-tango lang ito.
“Hindi ko rin narinig ang ganitong mahika.” Sang-ayon din naman ng slave dealer.
Napalabi siya at hindi sinagot ang mga ito. She learned it from the forbidden magic book in her previous life, normal lang na hindi nila alam iyon `no. Maya’t maya ay ginamitan din niya ang iba ng enslavement magic.
Matapos niyang magbayad ay tuluyan na silang umalis sa slave market. Bumalik ulit sila sa downtown area para bumili ulit ng gamit na kinakailangan nila.
"Anong ginagawa natin dito?" Nanghihimutok na tanong ni Barrette. Ngayon lang ulit ito nagsalita simula ng umalis sila sa slave market.
"Naku, ano pa ba ang gagawin dito, eh di kundi bumili! Naku, itong si Barette talaga, wala ka talagang utak!” Richie rebukes him.
"Anong sinabi mo?!"
"Walang utak! Walang utak!" He jeers at Barrette.
"Halika nga rito!" Akmang sasakmalin ni Barette ito, subalit sadyang kay bilis ni Richie at nakaiwas ito kay Barette.
"Ayusin niyo nga ang sarili, nakakahiya kay Master ang pinaggagawa ninyo." Seryosong saway ni Ezperanza sa dalawa. "Higit sa lahat, pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito!"
"Oo nga!" sang-ayon naman ni Alice kay Ezperanza.
"Tche."Inignora na lamang niya ang mga ito, at tinuon ang atensyon sa paninda. Pumasok siya sa loob ng textile shop at bumili ng higit pa sa bolt ng tela at sutla. Since malapit na rin ang tag-sibol ay sinama na rin niya ang balat ng hayop and to let Alice and Ezperanza make a coat and clothes for them. Hm, medyo nakakailang iyong mga suot nila kaya bumili na rin siya ng tig-dalawang pares na damit para sa kanila.
Dalawang oras din sila doon at sa dami ng binili niya ay bawat sa anim na slave ay mayroon bitbit na gamit. Nakakahinayang nga lang at hindi siya nakabili ng storage ring, maliban kasi na mas convenient iyon dalhin, mas malaki ang space niyon kesa sa interspatial storage bag. Sa ilang oras din nakalipas, walang oras na hindi nagreklamo si Barette.
Hindi parin pinansin ni Meisha si Barrette at tila malalim ang iniisip. "Ano na lang ba ang kulang? Done buying portable cooking utensils device, paint, silk, conton, sewing kit and er..." Napasulyap uli siya sa tatlong lalaki. "Tsk, pano ko ba nakalimutan? Tsk, dumaan muna tayo sa weaponry shop para bumili ng magiging sandata ninyo.”
Nagkatinginan naman silang lahat.
“Teka, bakit kailangan natin bumili ng sandata?” Tanong ni Alice sa kanya.
“Hindi ko kailangan ng ordinaryong alipin dahil wala akong mapaggagamitan sa kanila. Alam naman siguro ninyo na kailangan bumuo ng grupo para makapasok sa loob ng dungeon?” Tumango ang mga ito habang nakikinig. “Simple lang naman ang dahilan kaya ko kayo binili. Kailangan ko lang ng isang grupo para makapasok doon.”
“Gumastos ka pa ng pera para lang makapasok sa loob ng dungeon?!” Bulalas na tanong ni Barette.
“Tahimik.” Pwersahan na tumikom ang bibig ni Barette ng bigkasin niya ang isang salita. Isa iyon sa function ng enslavement magic. Ang slave tattoo or slave collar kasi ng slave ay walang ganitong function, tanging ginagawa lang niyon kapag ginalit o nilabag nila ang gusto ng amo nito ay makakatanggap ng malakas na boltahe.
“May dalawang dahilan ako kung bakit ko ginawa ito. Isa, matatagalan ang paghahanap ng miyembro ng grupo at ang huli naman ay hati sila sa reward.”
“Iyon lang?!”
“Oo, isa pa, sinabi ko narin kapag kasi kumuha ako ng subjugation at dungeon commission ay matatagalan sa paghahanap ng tao na maari sumali sa grupo. Ayokong maghintay ng matagal.” Well, technically speaking, it was for the sake not to split the rewards for the completion of commission but then again, she also thought that it’s cumbersome to recruit people.
“Ah, pagkatapos nga pala natin bumili ng sandata ninyo ay pumunta tayo sa kainan para kumain. Nang banggitin niya ang salitang 'yon ay sakto na may narinig siyang malakas na 'growl'. Napansin niyang namula ang mukha ni Barrette at nag-iwas ito ng tingin.
"Hindi sa akin iyon ah!” Mariin tanggi nito matapos makalaya mula sa spell niya.
Biglang kumibot ang isang sulok ng kanyang labi ng marinig ito.
"May sinabi ba ako?” Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Gayong maganda ang mood ko ngayon, kumain muna tayo bago pumunta sa tindahan para bumili ng sandata.”
Supplementary Bunos Chapter 1
"Boss, sinauli na naman ni Mr. Gold si Barette dahil hindi daw niya makayanan ang ugali nito.”
“Hindi ba nito kayang paamuhin gamit ang slave tattoo?”
“Hindi talaga, Boss! Ayaw niya, muntik na nga raw siya mamatay dahil sa kanya at pinapasabi rin daw na gusto niyang ibalik ang pera niya.”
Nakaramdam ng pitik sa sintido si Lito ng marinig ang report ng tauhan niya. Sa lahat na mga alipin na naibenta niya ay itong si Barette talaga ang nagpapasakit sa ulo niya. Hindi ito ang unang beses na binenta niya ito sa kanyang kliyente ngunit hindi pa nga nagtatagal ng isang buwan ay binabalik ito dahil sa ugali nito.
Kapag nagpatuloy ito ay paniguradong sasamantalahin ito ng kakompetinsya niya at sirain ang reputasyon ng kanyang tindahan!
Ngayon?! Heto na naman! Ang tibay talaga ng katawan ng lalaking iyon at kahit ilang nakakamatay na boltahe na natamo dahil sa pagsuway nito sa amo ay buhay parin! Naku naman, anong gagawin niya sa taong `yon?
Isipin palang niya ito ay malaki na ang lugi niya sa taong ito! Ngayon ay kailangan pa niyang maghanap ng tamang kliyente na bibili sa taong yun. Agh! Kaya ayaw niya sa mga tao eh, sobrang arogante at mapagtaas sa sarili!
Nang makaalis na ang tauhan niya ay marahang hinilot niya ang kanyang sintido. Napahinto lamang siya sa kanyang ginagawa ng may naamoy siyang mahalimuyak na rosas. Napasulyap siya sa pintuan at saktong nakita ang isang babae na kakapasok lang sa tindahan niya, nakasuot ito ng itim na robang may talukbong.
"Maligayang pagdating dito sa aming Skyfire Slaves Store. Anong maipaglilingkod ko sa`yo, Binibini?”
Propesyonal na nginitian niya ang kadarating na tao. Kahit na hindi pa niya nakita ang hitsura nito ay alam niya na babae ito. At nang binaba nito ang talukbong ay bahagyang natigilan si Lito ng lumantad sa paningin niya ang magandang hitsura ng babae.
Kahit na minsan lang siya makakita ng magagandang babae lalo na't mukhang galing sa aristokrata na pamilya ay masasabi niyang ito ang una niyang makita ang pambihirang at sariwang ganda nito. Hindi nalalayo sa katorse o kinse ang edad nito. Kung tumanda pa ito ng ilang taon, ano pa kaya ang hitsura nito? Naipilig na lamang ang ulo niya ng isipin na iyon. Kahit na maganda pa ang babae na nasa harap ay hindi maikakaila na tao ito. Ang kinaiinisan niya.
Nang makita siya nito. Napansin niyang biglang nakatitig ito sa kanya. Medyo nagtataka siya. Hindi karaniwan na makikita dito sa kaharian ng rethem ang mga beastkin gayunman hindi rin naman imposible na makikita ang mga ito rito lalo na’t nasa siyudad sila.
Ilang sandali ay tinanong siya nito sa presyo ng slaves. Sinabi nito kung anong katangian ng anim na alipin na gusto nitong bilhin. Hindi rin nagpatumpik pa si Lito na dalhin ito sa VIP room at panandilian na iniwan ito doon.
Nang makalabas siya doon sa silid ay inutusan niya ang mga tauhan na tratuhin ng maayos ang kliyente nila bago tuluyan umalis. Nagmamadali na bumaba siya sa pangalawang palapag ng underground upang pumili ng magandang kalidad na alipin.
Hindi man niya alam kung kaninong pamilya ang batang babaeng ` yon ay hindi niya ito dapat maliitin. Therefore, he chose the best slaves he has, in terms of looks and skills. Wala naman sinabi ang kliyente niya dapat walang abilidad sa gawaing bahay. Kung isama pa niya `yong alipin na may maraming alam ay dagdag kita na rin iyon 'no.
"Boss..."
Tawag ng kaibigan and at the same time ay tauhan niya na si Ria.
"Ba't hindi natin isama si Barrette at Wanwan?" Kumunot ang noo niya. Bahagyang kumilos siya na ibig sabihin magpatuloy.
"Hindi ba't sinabi ng bagong kliyente natin na gusto nito ng battle slaves. Makakapasa si Barette sa pangangailangan nito. Si Wanwan naman, kahit na wala tayong gaanong impormasyon sa kanya ay mahusay naman siya sa gawain bahay at masunurin rin basta ba may pagkain."
Hindi maipinta ang hitsura ni Lito ng marinig `yon. Wala siyang problema kay Wanwan pero si Barette? Napapailing na lamang siya. Pero dahil kailangan talaga nilang maibinta si Barette at hindi na ibalik rito sa tindahan niya para wala ng purwesyo!
Kung iisipin rin naman, sa lahat ng naging kliyente niyang bumili kay Barette ay puro lalaki, baka itong bagong kliyente niya ay may kakayahang paamuhin itong si Barette. Napabuga siya ng buntong hininga. Huli na ito, kapag hindi parin maging epektibo ay ililipat niya ito sa ibang branch ng kanyang tindahan na nasa kalapit na kaharian.
"Oh siya, sige. Ilabas mo na ang dalawang `yon sa kulungan. Ah, bakit nga pala iminungkahi mo si Wanwan?" Kahit na hindi nito imungkahi si Wanwan ay balak rin niyang isama ito dahil hindi naman gano’n kadami ang babaeng battle slave rito.
Naningkit ang mata ni Ria bago sinagot ang tanong niya, "Nakalimutan mo ba, boss, na ibinalik rin siya sa ng dati niyang amo noon?”
“Ha?”
“Boss, natandaan mo ba ang grupo ng mersenaryo na tinatawag na thunderbirds na pumunta sa black labyrinth?”
Napaisip siya at nang natandaan niya na mayroon ngang isang grupong mersenaryo na tinatawag na thunderbirds na pumunta rito sa tindahan niya para bumili ng alipin ay napatango siya sa kasama niya. “Ahh, natandaan ko na sila. Si Wanwan ba `yong binili nilang alipin?”
“Oo, siya nga! Naku, Boss! Nakalimutan mo na talaga! Alam mo ba kung bakit binalik nila si Wanwan at walang sinuman ang nagtangkang bumili sa kanya?”
“Wala ako dito ng mangyari iyon. Huwag ka na ngang magpatumpiktumpik diyan, diretsahin mo na nga ako.”
“Ay oo nga `no?” Napakamot ito bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Iyon nga. Binalik siya ng kanyang amo rito dahil masyado daw itong matigas ang ulo at hindi sumusunod s autos ng kanyang amo tas ginulpi pa niya kahit na nasasaktan na ito ng boltahe mula sa slave mark. Nagkataon rin naman na may dumaan na isang periyodista at sinulat ang nangyari sa kanila sa diyaryo.”
Nagkasalubong ang kilay niya ng marinig iyon. “So kaya walang nagtangkang bumili sa kanya dahil do’n?”
“Tumpak ka, Boss!” Tumatango na sabi nito sa kanya. “Halos magpitong buwan na ang nakalipas ng mangyari iyon at alam mo naman kung gaano katakaw ang babaeng iyon kapag hindi natin binigyan ng makakain ay magwawala siya ng walang tigil. Kaya nga minungkahi ko sa`yo na isama siya at nagbakasakaling pipiliin siya!”