Chapter 29.1: Secret Underground (1)

1879 Words
“Nahanap niyo ba?” Tanong ni Meisha kina Alice at Richie nang makabalik sila. Umiling ang dalawa sa kanya. “May nahanap kaming ilang bangkay ng mga tao pero hindi magkatugma ang suot nila sa description. Bahagyang nagkasalubong ang kilay ni Meisha. Mukhang mahihirapan sila sa paghahanap ng nawawalang tao. Napuntahan na nila ang buong lugar ng dungeon na ito pero wala parin silang mahanap kahit isang bakas man lang. Napabuntong hininga si Meisha. Tinaas niya ang isang kamay at nagsimulang masahiin ang sentido niya. Ilanga raw din sila na nandito at medyo nakaramdam din siya ng pagod lalo na’t katatapos lang ng labanan nila sa mga halimaw at ngayon naman hindi parin nila mahanap kahit kalansay man lang. “Ipagpatuloy niyo parin ang paghahanap.” Halos mag-isang oras sa paghahanap ay wala parin nakuhang magandang resulta. “Hoy, kayo diyan, halika kayo rito! May nakita ako dito!” Napabaling ang atensyon niya sa boses ni Barrette. Mabilis naman nagsilapitan ang lahat sa kanya at tiningnan ang tinuro nito ang isang malaking crater sa lupa at sa sentro na iyon ay isang malaking butas. “Oh anong meron naman dito?” Humalukipkip si Wanwan. “Oo nga, ano bang meron, wala naman akong nakitang gaanong espesyal dito sa crater na ito ah maliban sa butas na nasa sentro ng crater na ito!” Segunda naman ni Ezperanza. “Bloopppoo~” “Tsk! Tingnan niyo nga ng maigi! May isang bagay na kumikinang malapit sa butas!” Sa inis ay inipit nito pisngi ni Phyliss at saka sapilitan na ibaling sa direksyon kung saan ang butas sa lupa. “Anoo baa blop! Bitiwan mo nga ako blop!” Ginantihan naman ni Phyliss ito at kinagan ang daliri. Lumipad ito patungo sa butas sa ilalim ng crater ng lupa at iniwan si Barrette. Nang makita ni Phyliss ang bagay na tinutukoy ni Barrette ay pinulot nito iyon at mabilis na bumalik sa grupo. Ibinigay nito iyon kay Meisha. Tinangggap naman iyon ni Meisha at tiningnan maigip. Biglang nagliwanag ang kanyang mga mata ng makita ang metal na ito. Wala naman espesyal sa metal na ito. Isa lamang itong metal na karaniwan ginagamit para gawin sandata pero gayunman, mayroon itong marka na nagsisilbing palatandaan sa pagmamay-ari. Ang marka na ito ay kahawig nang nasa description na binigay ng kliyente nila. Ibig sabihin ay nasa tamang daan sila! Alam siguro nito na walang pag-asa na masugpo nito at ng kasama nito ang halimaw kaya tumakas sila. Iyon nga lang, dahil siguro gipit siya at ng kasama nito ay wala itong mapagpilian kundi tumalon rito! Kaya siguro napakalaki ng crater na nandito. Tinangka siguro ng malaking halimaw na habulin ito ngunit bigo ito kaya siguro nagkaroon ng isang malaking crater dito. Marahan na bumaba sila sa baba at naglakad patungo sa direksyon kung saan ang butas na pinamumunuan ni Meisha. Tiningnan niya mabuti ang butas, masyadong madilim pero gayunman nakakasiguro siya na napakalalim niyon at para makasiguro siya ay pumulot siya ng malaking bato at tinapon iyon doon sa butas. Kung mahuhulog ang isang tao rito ay paniguradong—hindi man siguro mamatay—mababalian naman ng buto. She sighed before she retracted her gace from the bottom of the holes and face her companions and said, “We’re going down.” “Haa?” Biglang nag-react itong si Barrette na parang ayaw nito. “Ang layunin natin dito ay hanapin ang anak ng kliyente natin, buhay man o hindi ay kinakailangan parin natin siya dalhin sa magulang nito,” Matapos sabihin iyon ni Meisha ay saka lang binigyan ang mga ito ng levitation magic spell para naman makababa sila patungo sa ilalim ng butas na ito. Pagkatapos niyang gawin iyon ay tumalon siya sa loob ng butas. Hindi mabilis ang paglutang niya pababa at habang bumaba siya ay hindi niya mapigilan na obserbahan ang paligid. Habang ginagawa niya iyon, napansin niya ang isang mahabang biyak at halatang gawa iyon ng isang bagay na ginamit ng isang tao. Probably the person who fell from this hole tried to prevent himself from falling. Ilang minute ang nakalipas ay sa wakas ay nakababa sila at `laking gulat niya ng makita niya ang sarili sa isang malaking silid. Secret underground? Napakunot noo si Meisha. Paano magkaroon ng secret underground dito sa isang low class dungeon? Imposible. Hinawakan niya ang dingding at wala siyang makitang espesyal sa ladrilyo na ito at makikita rin na gawa ito ng isang tao. Nang sumagi sa isipan niya iyon ay bigla siyang natameme. Base narin sa hitsura ng lugar na ito ay sigurado siya na matagal na itong lugar na ito dito. Ang dungeon dito sa mundo at sa dati niyang mundo ay pareho lang. Hindi kagaya ng mataas na uri ng dungeon, itong dungeon na pinasukan nila ngayon ay maituturing na mababang uri ng dungeon, wala itong kakayahan na bumuo ng istraktura kagaya ng babel tower. Isa pa, ang materyales na ito ay ordinary lang at walang kakaibang enerhiya rito. Ibig sabihin na may mga tao na pumunta rito sa dungeon at nadiskubre ang lugar na ito at ginawang secret underground pero para saan? Nagtataka man si Meisha ay hindi iyon sagabal para magpatuloy siya at ng kanyang kasama sa paghahanap ng anak ng kanilang kliyente. Nakitang nakababa na ang lahat ay sinenyasan niya ang mga ito na magpatuloy sila sa paglalakad. Nagtataka man sila sa kapaligiran ay sumunod parin sila kay Meisha. Pagbukas palang ni Meisha ay nakita niya ang napakahabang lagusan. Bawat panig ng dingding ng lagusan ay may sulo at sa tuwing nadadaanan nila iyon ay awtomatikong sumindi iyon para bigyan liwanag ang kapaligiran. Masiyadong mahaba ang lagusan na ito at maliban sa sulo ay wala silang makitang kakaiba rito. Ngunit hindi rin nagtagal ay may namataan siyang ilang pintuan sa bawat panig ng lagusan sa `di kalayuan. Binilisan niya ang paglalakad at saka huminto sa harap ng isa sa pintuan. Bago pa niya buksan iyon, siniguro muna niya na walang trap rito o anuman nilalang na nasa loob. “Ano ba ang lugar na ito?” Richie asked with his hand in the pocket, “Walang halimaw rito at base sa istraktura ng lugar na ito ay imposible na parte ito ng dungeon.” Lumikha ng ingay ang pintuan ng pinihit niya iyon. Bago pa niya mabuksan ng tuluyan ang pintuan ay bigla rin siya nakarinig ng ingay sa `di kalayuan at dahil din do’n ay agad siyang pumasok sa loob kasama ang iba pa at mabilis na sinara `yon. Mabuti na lamang at hindi `yon lumikha ng malakas na tunog dahil kung hindi ay baka madiskubre sila rito. “Ano iyon? May narinig ka ba, pre?” Biglang nakarinig si Meisha ng boses mula sa labas. “Haa? Ano naman?” “Parang may narinig kasi ako eh.” “Wala naman ah. Baka guni-guni mo lang iyon. Wala naman tao rito, maliban sa atin. Isa pa, imposible na pasukin tayo ng mga halimaw rito. Halika na nga, marami pa tayong babalutin na timung pulbos. Ngayon pa naman darating si boss at kapag nalaman niya na hindi pa natin natapos ang kota ngayon ay mayayari talaga tayo sa kanya.” Napakamot na lamang ang lalaki at sumunod na lamang sa kasama. Nang marinig ni Meisha ang papalayong yabag nila ay nakahinga siya ng maluwag, pero nanatili parin na maging maingat sila. Base sa obserbasyon niya sa lugar na ito at sa narinig, sigurado siya na hindi mabuting tao ang mga ito at ang ginagawa ng mga ito ay illegal. “Señorita, tingnan mo itong nakita ko!” Naputol ang pag-iisip niya ng biglang narinig niya ang boses ni Alice. Nang lumingon siya rito ay nakita niyang nakatayo ito sa harap ng ilang malalaking barrel. Tinanggal nito ang panakip at lumantad sa kanilang paningin ay asul na pulbos. “Ano `to?” Naglimas ng pulbos si Barrette sa kanyang kamay at tiningnan ng maigi. “Bawal na gamot?” Inamoy pa nito iyon na umani naman ng isang dagok sa ulo mula kay Vito. “Huwag mo `yan amuyin!” Sita nito kay Barrette. Ibinalik naman ni Barrette ang asul na pulbos sa bariles at isang kamay naman niya ay hinihimas ang nasaktan ulo. “Ano ba ang problema mo? Hindi naman ito bawal na gamot! Iba ang amoy na ito!” “Tanga. Paano mo naman naisipan na hindi at hindi isang bagong produkto ng pinagbabawal na gamot!” “Hinaan niyo nga ang boses ninyo, baka bumalik `yong mga taong iyon at madiskubre tayo rito!” Sabi naman ni Wanwan, “At Vito, huwag kang mag-alala. Hindi naman iyan isang pinagbawal na gamot.” Patuloy nito. Doon lang nagkatinginan ang dalawa rito. “Ba’t mo naman nasabi iyan? Alam mo ba kung ano ito?” Tanong ni Meisha kay Wanwan. Nang marinig ni Wanwan ang tanong ni Meisha ay nag-alangan itong tumango. “Oo, hindi ito pinagbawal na gamot. Hindi ito ordinaryong pulbos lang kundi isa itong mahiwagang pulbos na may kakayahan na tumawag ng ulan. Noong bata pa ako noon ay nagkaroon ng tagtuyot sa lugar namin na dahilan para wala kaming maaning pananim at makakain. Bata man o matanda, maraming namamatay sa gutom. Noon akala namin na tuluyan na kaming mamatay pero isang araw na iyon ay may isang dayo na aksidenteng napadpad sa lugar namin. Nang makita nito ang sitwasyon ng lugar namin ay ipinakilala nito sa amin ang asul na pulbos na tinatawag na timu. Ibig sabihin ng timu ay ulan. Sa pangalan palang ay alam na ninyo kung ano paggagamitan nito. Ang asul na pulbos na ito ay may kakayahan na tumawag ng ulan kagaya ng ginamit ng mahikang ginamit ni señorita. Minsan lang namin iyon ginamit “Ah, kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko ng makita ko iyan—blop.” Lumipad si Phyliss patungo sa bariles at hindi maganda ang ekspresyon na ito. “Phyliss?” “Master!” Bumaling si Phyliss kay Meisha, “Hindi magandang produktong ito—blop!” Makikita sa asul na mata nito ang disgust ng tiningnan nito ang pulbos. “Anong ibig mong sabihin, Phyliss?” Nagtatakang tanong ni Meisha. “Isa itong depektibong bagay at hindi ito maaring gamitin para tumawag ng ulan—blop.” Isang water celestial spirit si Phyliss at nauugnay sa tubig at matagal na itong nabubuhay sa mundo kaya alam niya ang ganitong bagay. Humans thirst for knowledge and likes to invent knew things to improve their lives. Siyempre, hindi naman gano’n kasama katangian iyon ngunit hindi ito nangangahulugan na walang tao na gagamitin iyon sa kasamaan, kagaya na lang nitong timu. Nilikha ng Diyos at Diyosa ang langit at lupa, kasunod niyon ay tubig, liwanag, puno at etcetera. Nandito na ang lahat na kinakailangan ng mga tao at iba pang nilalang at sila na ang bahala. Ngunit hindi ibig sabihin niyon na maari sirain ng mga ito ang takbo ng panahon o sirain ang kaliksan nang hindi nahaharap sa mga kahinatnan. Iba naman ang salamangka na ginamit ni Meisha noon kung ikompara sa timu. Ang klase ng salamangka na ito ang natatanging eksepsyon at binigyan permiso ng Poong maykapal na maaring gamitin ngunit sa dalawang kondisyon at ang dalawang kondisyon na iyon ay; Gamitin ito kapag kinakailangan at pangalawa naman ay hindi maari gamitin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD