Chapter 9 Berlyx Village (1)

1402 Words
Limang oras lang ang tulog ni Meisha. Pagkagising niya ay mabilis na inayos niya ang sarili. Sinabihan na ng dalaga si Phyliss na ito ang papalit sa kanya sa trabaho doon sa honey bear tavern at mag-iiwan lang siya ng isang clone dito sa ancestral hall upang walang makakaalam na lumabas pala siya dito. Bago siya umalis, binigyan muna ng dalaga nang pera si Phyliss. “Noong una ay nagkamali ako. Hindi dapat ako umasa na magdadala sila ng makakain dito. Kunin mo itong isandaan barya na tanso para may maibili kang makakain na gusto mo. Huwag mo din kalimutan na ikaw ang papalit sa trabaho ko doon sa honey bear tavern.” Kuminang ang mga mata ni Phyliss ng makatanggap ito ng pera. “Talaga? Pwede akong bumili kahit anong gusto ko nitong pera—blop?” Natigilan si Meisha sa narinig niya. Isandaan barya na tanso ay malaking halaga iyon. Sa takot na baka ubusin nito iyon ay agad siyang nagsalita, “Yes, pero kapag nalaman ko na ginastos mo ang pera sa walang kwentang bagay. Mamanagot ka sa akin!” Pagkatapos no’n ay gumamit siya ng teleportation magic at saka sa isang kisapmata, nasa harap na siya nang naturang gusali ng adventurer guild. Pagbukas niya, lumikha iyon ng langitngit na dahilan para ang ibang tao nasa loob ay napalingon sa kanyang direksyon. Kunti lang ang mga tao doon, gayunman ay kapansin pansin parin ang anim na tao na nasa lounge, isa na doon ang receptionist na nakausap niya kaninang madaling araw. Naglakad siya patungo sa direksyon. Napansin din naman siya ng babae at kumaway sa kanya. “Oh nandito na pala siya. Siya ang tinutukoy ko sa inyo na isang salamangkera. Ang pangalan niya ay Micha Wistra.” Maikling pakilala nito sa kanya. Sinulyapan naman niya ang limang tao na nasa harap niya. Nagpakilala din naman ang limang tao. Ang kanilang pinuno ay si James, isa itong swordman. Ang spearman naman ay si Vino. Si Deli naman ang archer at ang dalawang babae naman na kasama nila ay si Kali na isang crossbow user at si Josephine, ang kanilang cleric o healer. Maliban kay Meisha na isang Rank F, ang limang ito ay Rank E. Pagktapos ng maikling pagpakilala sa isa’t isa. Nagpatuloy sa pagsasalita ang receptionist. “Ayon sa ating kliyente, sa hindi malaman ay mas dumarami daw ang mushpunch ngayon buwan at mas lalong naging agresibo. Sinasalakay nila ang mga tagabaryo ng Berxley na nasa kanluran at sinisira ang mga pananim. Kaya nakiusap sila sa atin na sugpuin ang mga halimaw na iyon…” ~**~ Dalawang oras narin ang nakalipas nang matapos ang kanilang maikling pagpupulong. Nakasakay sa malaking karomata ang grupo ni Meisha, hinihila iyon ng dalawang kalabaw na patungo sa direksyon ng Berxly. Ang tatlong babae ay nakaupo sa likod ng karomata at dahil maliit lang ang espasyo sa likod. Tanging magagawa lang nilang tatlo ay umupo ng maigi habang ang kanilang paa ay nakabitin sa labas. Sa likod nilang tatlo ay may malaking dayami sa loob ng karomota. Ito ang unang beses na nakasakay ng karomata si Meisha at sa totoo lang hindi ito magandang karanasan niya. Maliban kasi na aabutan sila ng apat na oras upang makarating sa kanilang destinasyon, expose sila sa mainit na sinag ng araw dahil walang bubong itong karomata at higit sa lahat sumasakit narin ang pwet niya sa kakaupo dito sa matigas na upuan! “Boss, bakit ba ito pa ang pinili mo sasakyan natin papuntang bayan ng berxly. Wala bang karwahe man lang?” Reklamo ni Deli. “Haa! Ang init! Baka ma-heatstroke tayo nito eh!” Pinapayan nito ang sarili gamit ang isang kamay. Nakahiga ito sa dayami kasama si Vino. “Akala mo ikaw lang ang naiinitan dito? Kung meron lang sanang karwahe papunta doon, eh di sana karwahe ang sakay natin,” Sabi naman ni James, nakaupo ito sa harapan at katabi nito ang kutsero. “Deli, parang hindi ka na nasanay sa ganitong bagay. Dapat alam mo na wala talagang dadaan na karwahe patungo sa berxly dahil sa sitwasyon nila ngayon. Sa tuwing may dadaan na karwahe ay inaatake sila ng mga mushpunch.” Turan naman ni Vino. “Pasalamat na lang tayo at nagkataon na nakita natin si Manong na pabalik ng berxly at pinasakay tayo.” Patuloy nito. … “Ang ingay talaga ng mga taong ito. Daig mo pa ang babae kung magreklamo ka, Deli!” Kantiyaw ni Kali rito. Dahil narin siguro sa boredom kaya dinaan na lang nila sa biruan at masayang usapan para pampalipas oras. “Ang tahimik mo `ata, Binibining Wistra.” Naputol ang pagmumuni ni Meisha nang biglang kinausap siya ni Josephine. Lumingon si Meisha rito. Base sa pananamit nito at kilos, sigurado siya na hindi ito simpleng adventurer. Kahit na simple lang ang disenyo ng damit nito pero sa taong may matalas na paningin, madali lang makikita na maganda ang kalidad at mamahalin ang tela ang ginamit nito. “Oo nga, ang tahimik mo. Huwag kang maiilang sa amin, hindi naman kami nangangagat,” Sabat naman ni Kali at tumawa ng mahina. Napapailing na lang siya rito. “Salamat. May iniisip lang kasi ako kanina.” Pagdadahilan niya sa dalawa. “Narinig ko na isa kang Salamangkera. Sa batang edad mo, siguro napakahusay mong gumamit ng mahika para payagan ka ng magulang mo para kunin mo itong trabaho na ito,” Sabi ni Josephine. “Hindi naman. Ulilang lubos na ako at kinakailangan kong kumita ng pera para may gastusin ako pang-araw-araw.” “Naku.” Napatuptop ito sa bibig nito bago nagsalita ulit, “Pasensya ka na hindi ko alam. Wala kasi sa hitsura mo.” “Hm? Ano ba sa tingin mo kung ano ako?” “Galing sa mayamang pamilya at umalis ng bahay para makaranas ng excitement o ano p—aray.” “Sus, Josephine, huwag mo nga ikompara ang sarili mong sitwasyon sa kanya. Alam mo kasi, hindi gano’n kadami ang salamangkera dito sa kontinente natin. Maliban sa kinakailangan ng kwalipikasyon para makapag-aral ng salamangka, kinakailangan din nang…” Kali lifted her right hand and rubbed her thumb and index finger before she continued, “Pera. Kaya kadalasan na naging salamangkera o salamangkero lalo na’t sa babae ay puro galing sa aristokratong pamilya o mayamang pamilya. Kadalasan sa mga aristokratong pamilya ay naghahanap ng mga bata na may talento sa mahika at binibigyan nila ang mga ito ng sponsorship para makapag-aral. Siguro isa ka na do’n `no?” Umiling si Meisha. “Hindi. Sinuwerte lang ako. Nagkataon kasi noong bata ako ay may natulungan kasi akong sugatan na salamangkero noon at bilang kapalit ay tinuruan niya ako na matutong gumamit ng mahika.” “Ah, ang swerte mo naman. Sana nangyari sa`kin din iyon!” “Tumahimik ka na nga, Kali, ang daldal mo talaga.” Saway ni Deli kay Kali. “Aba, kung isa akong madaldal, eh, ano ka naman?” Nagposing pa si Deli bago nagsalita, “Hindi pa ba obviou—whoa!” Hindi natuloy ang sasabihin nito sa biglang pagtigil ng karomata. Muntikan na nga sila ito humagis palabas kung hindi pa ito nakakapit. “Manong naman! Ba’t bigla kang huminto?” “P-pero may bigla kasing sumulpot na halimaw at nakaharang ngayon sa daan!” May bahid na takot sa boses ng kutsero. “Halimaw?” Sabay na sabi ng tatlong dalaga. Napatingin sa harap ng daan si Meisha. Sa harap ng kanilang daan ay may nakatayong halimaw na kahawig na isang mushroom. Lagpas kalahating metro ang laki nito, may matalas na mata, mahaba ang braso at ang kamay nito ay kasing laki ng basketball. “Mushpunch!” Mushroom+Malaking kamao at tiyak na malakas itong sumuntok=Mushpunch. Syet. Iyon ba ang tinutukoy nilang Mushpunch? Sino baa ng nagbigay ng pangalan sa halimaw na ito? Ang baduy talaga. Akala pa naman ni Meisha na nakakatakot ito, pero hindi pala. Ang cute. Gayunman, kahit na nakyut-an siya sa halimaw na ito ay hindi parin niya minamaliit ito. May kasabihan nga na; Don’t judge the book by its cover. “Naku, umabot rin pala sila dito!” “Ano baa ng tinatakot mo, manong? Isa lang naman iyan.” Napapailing na sabi ni Deli. Bigla itong tumindig at tinaas ang pana at palaso. Mahigpit na pagkakahawak niya sa pana at hinila ang lubid. Mabilis rin naman nito pinakawalan ang palaso at lumikha iyon ng sagitsit na tunog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD