“Nando’n na ang lahat ng kinakailangan mo at magpapadala ako ng isang tao para magpadala ng makakain doon habang nanatili ka sa loob ng ancestral hall nang tatlong araw,” Sabi ng mayordomo sa kanya.
Humabol ang mayordomong ito kay Meisha nang hindi pa siya nakakalayo sa silid aralan. Inutusan siguro ito ng kanyang lolo para siguraduhin na susunod siya sa utos nito.
Sa hitsura palang ng mayordomong ito, alam niya na hindi siya nito gusto. Hindi kagaya ng ibang tao na natatakot sa kanya, ang matandang lalaking `to ay pinapakita ang disgusto sa kanya.
“Isa pa.” Huminto muna silang dalawa sa harap ng pintuan nang ancestral hall bago ito nagpatuloy sa pagsasalita. “Gusto lang kitang babalaan na huwag na huwag mong subukan na tumakas dito dahil kapag ginawa mo `yon, doble ang matatanggap mong parusa.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Hindi mo na kailangan sabihin `yan sa akin dahil alam ko `yon.”
“Mabuti’t alam mo. Pumasok ka na.” Binuksan nito ang pintuan at saka pinapasok siya.
Medyo nainis siya sa tono ng pananalita ng mayordomo ngunit pinili na lamang niya na hindi ito pansinin. Pumasok siya sa ancestral hall. Pagpasok palang ni Meisha ay eksaktong narinig niyang kumalatong. Napalingon siya sa direksyon ng pintuan at nakitang nakasaya `yon.
Gago talaga ang matandang `yon!, Inalis na lang niya ang paningin doon sa pintuan at ginala ang paningin sa paligid. Maluwang at kamangha-mangha ang disenyo ng dekorasyon at larawang inukit pa sa kahoy dito sa ancestral hall lalo na sa roon sa altar. Ang mga tablets na nandoon ay karaniwang isinaayos ayon sa katandaan nila. Nakasulat sa tablets ang mga pangalan nila at paglalarawan ng mga nagawa nila noong nabubuhay pa ang mga ito.
Kahit ayaw man aminin ni Meisha, inaamin niya na mayroon talagang maipagyabang ang kasalukuyan niyang pamilya. From ancestor to the current generation, all of them were excellent. It’s just that because of this, the arrogance and being cold blooded person embedded to their bones. Sumagi tuloy sa isipan niya ang nangyari kanina sa silid aralan.
That old man is really strong especially when it comes to physical combat. Despite being a high ranking magician, Meish chose not to underestimate her enemies. After all, even ants can kill animals.
Umupo siya sa malamig na sahig.
Pumitik siya at `yong usok ng insenso ay lumipad patungo kay Meisha at huminto sa gilid niya. Meisha lifted her right index finger and motion it right and left. As she made a motions, the smoke gathered to her index finger. Hinayaan niya muna niya doon ang usok. Saglit siya napaisip.
Maya’t maya nagsulat siya sa ere gamit ang mga usok na iyon. Nakasulat doon ang mga pangalan ng mga taong tanging kilala niya. Wala doon sa pangalan ang lahat na maganda ang tingin sa kanya at wala din siyang makakapagkatiwalaan. She clucked her tongued in vex.
Kung gusto niya magkaroon ng magandang buhay, mas makakabuti na umalis siya dito sa pamamahay na ito ngunit hindi ito ang tamang panahon. Eh ano naman kung anak siya ng maharlika? Titolo lang iyan.
Kahit saan ka man mapadpad, pera parin ang pinakaimportante ng tao.
Ang kailangan lang gawin ni Meisha ay mag-ipon ng pera at bilisan na pabalikin ang kanyang tunay na lakas. Higit sa lahat, ang kailangan niya ngayon ay kakampi din pero halata naman na di niya mapagkatiwalaan ang mga tao dito.
Sa ilang sandali pag-iisip ay biglang may sumagi sa isipan niya.
~**~
Malalim na ang gabi, halos lahat ng mga tao sa loob ng general manor ay tulog na. Sa kalagitnaan ng gabi, nakasindi ang lahat ng kandila sa loob ng ancestral hall.
A slender figure's holding a sharp object, hindi siya nangimi na sugatan ang palad.
Gamit ang sariwang dugo niya ay gumuhit siya ng arcane circle sa sahig. Sumunod niyon ay gumuhit siya sa loob ng bilog ng simbolong tubig, apoy, lupa, hangin, thunder, liwanag at dilim.
"I invoke by the power of the universe; let those celestial spirits who made an oath upon me heed my call."
Bigla na lang umihip ng malakas na hanging sa loob ng silid, at lahat ng nakasinding kandila ay namatay. Nagsimulang lumabas ng nakakasilaw na liwanag ang arcane circle na may kasamang malakas na kulog mula sa itim na kalangitan. Napatakip siya sa tainga dahil sa sobrang lakas niyon.
Hindi maiwasan na mag-alala ni Meisha. This strange phenomenom has never happened before when she summoned those spirit…so why now?
Subalit, bago pa siya tuluyan na mag-alala ay humina ang liwanag mula sa arcane at napansin ang tubig na tumagas mula do’n.
"Master...blop...blop...Master...blop...blop..." The water slowly risen from the ground and slowly form itseld into a ball of water.
"..."
"Ikaw ba iyan...master...blop...blop?"
"Ako nga." She stretches out her slender finger and poke at the water ball.
Wobble.
Wobble.
The water ball creature began to turned into a small human shape. Its round eyes stared at her unbelievably.
"Waa—Blop!" The little celestial water spirit cried. Lumipad ito sa kanya at niyakap ang leeg ni Meisha. Naging lumamlam ang mga mata ni Meisha, tinapik-tapik niya ang likod nito, gamit ang hintuturo niya. "Buhay k-ka...Master Micha...Mabuti naman, blop!" Umiiyak na sabi nito.
Matagal-tagal din bago huminahon na ang maliit na celestial water spirit. dumistansya ito sa kanya. Ang celestial water spirit na nasa harap ni Meisha ay si Phyliss, isa ito sa contractual spirit ni Meisha noong nabubuhay pa siya sa dati niyang buhay.
"I'm so glad...blop...blop...masaya akong Makita ka...master...blop!"
"Me too, I'm so glad we meet again. It's been 14 years since I last saw you."
"Blop?" The little celestial spirit tilted her small head and looks somehow look confused. Kahit si Meisha ay nagtaka nang makita ang ekspresyon ni Phyliss. Iyon ang pangalan ng maliit na nilalang na ito.
"Master, mahigit 50 years ka nang patay."
"F-fifty years?"
"Oo...blop...blop...sa tagal ng panahon ay lahat sila maliban sa akin...ay...bumalik sa aming mundo upang magpahinga, ako lang ang nanatiling bantayan ang libingan mo, Master...blop...blop...sa nakalipas na taon ay naniniwala parin ako na magbabalik ka.” Humagikgik ito. “Alam niyo po ba na napakasaya ko nang marinig ko ang boses mo ng tinawag mo ako, blop! Hindi ko akalain na...blop...nandito ka lang pala sa ibang mundo!" Masaya na lumipad ito paikot-ikot sa harap niya habang si Meisha naman ay gulat na gulat sa narinig mula rito.
Fifty...fifty years...grabe, ang tagal na pala nun!
Tinaas niya ang kamay at minamasahe ang sintido. Nahagip ng kanyang paningin sa arcane circle na ngayon ay tuluyan nang naglaho ang liwanag. Bahagyang nagkasalubong ang kilay niya pero kasunod niyon ay pagtataka. Bumaling siya kay Phyliss.
"Phyliss, nasaan na ang iba? Hindi ba nila narinig ang tawag ko?" Nagtatakang tanong niya kay Phyliss. Kahit na bumalik ang mga ito sa sariling mundo ay imposible na hindi nila maririnig ang tawag niya.
Napahinto naman si Phyliss sa kakaikot nang marinig nito ang tanong niya. Biglang nagbaba ang ulo nito sa lungkot.
"Narinig ka nila kaso…blop…” Hindi nito natuloy ang sasabihin at nagsimulang umiyak.
This is not good. Hindi iiyak ng ganito si Phyliss kung walang masamang nangyari sa kanila.
“Nang papunta na kami sa portal ay nagkataon na nagkaroon ng space storm na dahilan para masira ang portal pagitan sa mundo namin. Ako lang `yong nakapasok. Bago ako tuluyan na makapasok sa portal bago iyon tuluyang masira, nahagip ng paningin ko na tinangay sila ng malakas na hangin. Bawat isa sa kanila ay napadpad sa ibang warp hole—blop.” Paliwanag nito sa buong nangyari sa kanya.
Namutla ang buong mukha niya nang marinig niya ang sinabi ni Phyliss. Siyempre alam niya kung ano ang space story. Isa `yong pangunahing kaguluhan na mangyayari ng magnetosphere ng parallel world dahil palitan ng sobrang enerhiya sa pagitan ng dalawang mundo. Pero pano nangyari `yon?
Bakas sa namumutla niyang mukha ang pagtataka. Gayunman, wala siyang makuhang sagot sa katanungan na iyon.
Hindi rin niya maiwasan na mag-alala ni Meisha sa anim pa niyang kaibigan. Ang mga celestial elemental spirit niya ay hindi basta-basta contractual partner kundi kaibigan at pamilya din. Bata palang si Meisha ay kasama na niya ang mga ito simula ng mamatay ang buong pamilya niya. Ngayon nalaman niyang may nangyari sa ibang celestial elemental spirit ay lubos na nagsisi siya sa ginawa. Kung alam lang niya na magkakaroon ng space storm ay hindi na sana niya tinawag ang mga ito para pumunta dito.
Sa tension at guilt niya, hindi niya namalayan na kagat na kagat pala niya ang kanyang hintuturo. Isa sa iyon sa hobby niya kapag may hindi siya nalutas na problema. Napasin din naman iyon ni Phyliss at kahit na nag-alala din ito sa mga kaibigan nila ay pinasigla nito ang boses at sinabing,
“Pero, master! Hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa, blop blop! Maliban sa nakita ko sila na nilipad papasok ng warphole, kahit na saglit lang ay naramdaman ko na pareho lang ang enerhiya na nagmumula sa warphole dito. Ibig sabihin nandito lang sila dito sa mundo ng mortal, pero iyon nga lang hindi natin alam kung nasaan sila napadpad—blooppoo!”
Agad din umaliwalas ang mukha ni Meisha. Tama si Phyliss, hindi siya dapat na mawalan ng pag-asa. Ngayon lang niya naalala na nandito si Phyliss sa tabi niya. As a fellow celestial spirit, Phyliss has the ability to sense their presence.
"Tama ka, Phyliss,” she said softly and gently touch her wet head.
“Blop~”
~**~
Tinitigan ni Meisha ang buong paligid, maliban sa nakapatay ang lahat ng kandila at may mantsa ng dugo sa sahig ay wala naman siyang nakitang problema. Bahagyang nagkasalubong `yong kilay niya na makita `yong nakakalat.
Kinumpas niya ang daliri at kusang nagsimulang gumalaw `yong mga gamit na nakakalat sa sahig at inayos ang sarili sa kanilang lugar, at `yong mansa at dumi naman ay naglipon sa iisang lugar at matapos niyon maglipon ay naglaho iyon ng isang kisapmata.
Satisfied na malinis na ang kapaligiran, humarap siya ulit kay Phyliss.
"Master Micha—"
"Meisha. Meisha Yuen ang kasaluyan kong pangalan," pagtatama niya rito.
“Blop—Master Meisha, gusto mo bang irenew `yong contract natin?”
“Oo naman.”
“Yey!” Napalakpak si Phyliss ng marinig nito iyon. Lumipad ito sa kanya at hinalikan ang noo ni Meisha. Pagkatapos no’n, ginantihan naman ni Meisha nang halik sa noo ito.
Simple lang ang contract ng summoner at nang spirit, kailangan lang nila halikan ang noo sa isa’t isa bilang pumapayag sila sa kasunduan.
Matapos ang kanilang kasunduan, doon lang huminga ng maluwag si Phyliss at napansin ang buong paligid at kakaibang kasuotan ni Meisha.
“Master, anong silid `to—blop? Bakit ang `laki ng altar dito—blop?”
"Nasa ancestral hall tayo.”
"Huh? Eh, anong ginagawa niyo dito, blop?"
"Oh, tinatanong mo ako kung bakit?”
Phyliss suddenly begin to sweat profusely—though her actual form is water itself—when she saw her master’s smile became warmer as a sunlight. Alam ni Phyliss na hindi maganda ang ibig sabihin ng ngiti ni Meisha.
Nag-iwas ito ng tingin sa kanya at marahas na umiling, “At gusto ko rin malaman ang bago mong katauhan?”
Nang marinig `yon ni Meisha ay agad din naglaho `yong kakaibang ngiti niya at nagsimulang ikuwento rito ang tungkol nangyari sa kanya at kasama na do’n na hindi pa gaano katagal na nagbalik ang kanyang alaala sa dating buhay.
Nang marinig ni Phyliss ang sinapit niya ay bigla kumulo ang tubig katawan nito."Walanghiya sila! Paano nila nagawa ito sa inyo? Aba, aba, gusto ba nila tuyuin ko ang buong katawan nila, ah? Ang kapal ng mukha! Lalo na ang prinsipe na yun! Aba, ah! Teka, pupu—"
Hinila niya ito nang balak nitong lumipad palabas.
"Phyliss, huwag na."
"Huh? B-but!"
"They are not worth of your energy,” She said. “Isa pa, may gusto akong ipapagawa sayo."
“Bloopp!” Angal nito. How can those bastards do this to her great master? “Ano `yong gusto mong ipagawa sa akin, master?” Tanong nito sa kanya.
Mysteryosong ngumiti muna si Meisha bago siya nagsalita.