After the king of rethrem, agreed to break her and the crown prince's engagement, ay agad na nagpaalam siya at umalis dito sa palasyo.
Napabuntong hininga si Meisha nang tuluyang makalabas siya sa palasyo. Makikita sa mukha niya ang saya. Ngayon single na ulit siya; hindi na niya kailangan mag-alala sa mga secret admirers ng crown prince na mangugulo sa kanya.
Isa pa, sa isang tao na nakatanggap ng modernong edukasyon, hinding-hindi matatanggap ni Meisha na i-share ang sariling asawa sa ibang babae. Mas gugustuhin pa niyang maging matandang dalaga `no! Isipin mo nga, normal lang dito na magkaroon ng tatlong asawa at apat na babae ang lalaki dito. Paano pa kaya kung isang crown prince na magmamana sa trono?
Aba, madaming babae na magkukumahog para lang maging babae ng crown prince. Naku, isipin palang niya iyon, kahit na hindi na puputi itong puting buhok niya, mamamatay naman siya sa perwisyo dahil sa galit.
Habang hindi pa huli ang lahat, mas makakabuti na hiwalayan na ito at magpakalayolayo para wala ng gulo.
Maraming tao nag-aagawan para maging crown princess kaya naman gagawin nila ang lahat para lang magtagumpay, kasama na do’n kung kinakailangan nilang pumatay.
Isipin palang ni Meisha `yon, dumilim ang mukha niya.
Sumagi din sa isipan niya noong nagkasakit siya. Hindi sana lumala `yong sakit niya kung tumawag ang mga taong `yon ng doktor para gamutin siya. Kung hindi pa siya sinwerte ay baka patay na siya.
Pero simple lang ba talagang sakit `to? Hindi niya alam. Tanging alam lang niya kapag namatay siya, paniguradong ikagagalak `yon ng mga taong umaasa na mawala siya sa mundong `to.
If her intuition is correct, she will definitely not plan to let go of those cheap people. She's a reasonable person, if they let her down in the dumps; don’t expect she stand still. She will let them know she, Meisha, no longer easily be bullied by them.
~**~
Huminto sa pabilyon si Meisha. Malapit lang `yon sa man-made pond; maganda tingnan ang lawa lalo na't may namumulaklak na lotus doon. If it was her previous life, she’ll definitely have no time to leisure. Bilang triple S magician, maraming trabaho ang nakatambak sa kanya. Isali pa, simula nang magkaroon siya ng lubhang karamdaman, itinuon na niya ang sarili sa pagsaliksik ng gamot. Wala na siyang oras para maglibang na isa din sa pinagsisihan niya.
Bata pa siya at marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Subalit pinagkaitan siya ng Diyos na magawa `yon nang magkasakit siya.
Swerte na lang talaga at may natuklasan siyang salamangka na ibalik `yong alaala niya. Iyon nga lang, hindi niya inaasahan na dito siya sa mundo ng Oestrell mapapadpad.
Walang computer. Walang TV at iba pang teknolohiya na maaring gamitin!
Napabuntong hininga siya. Nakakabagot talaga dito.
Dahil sa sobrang bagot, hininto muna niya ang pag-ehersisyo at namasyal dito.
Bitbit ang tira-tirang tinapay. Pini-pinipiraso piraso niya `yon at pinakain sa isda na nasa pong. Pinagpiyestahan din naman `yon ng mga isda. Nang maubos nila `yong pagkain ay hindi parin ito nagsialisin. Nagkumpulan ang mga ito at ang bilog na mga mata ay nakatitig sa kanya.
Hindi maiwasan na masiyahan si Meisha. Pakiramdam niya ay espirituwal ang mga ito. Hindi niya alam kung dahil ba nababagot siya o hindi, pero sa mga oras na `yon gusto niyang kumanta.
Her rosy lips form a warm smiled, closing her eyes and she started to sing her one of her favorite lullaby song, The Voice by Celtic Woman.
'I hear your voice on the wind...'
Her voice was beautiful, the way she sang, it can make ones feel calm, alive and most of all freedom.
'...am the voice, I will rema—'
Napatigil siya sa pagkanta ng naramdaman niya na may papalapit sa kanya. Lumingon siya at nakita niya ang kanyang pangawalang nakakatandang kapatid na lalaki, Millard Yuen.
Base sa hitsura nito ay alam na niya kung anong pakay nito.
"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap! Ano ba ang pumasok sa isipan mo at nagawa mo `yon ha?!”
"Ang alin?” Napatikwas siya ng kilay dito.
"Tinatanong mo pa? Ang lakas ng loob mo na pumunta sa palasyo na hindi nagpapaalam sa amin at ipahiya ang pamilya natin! Halika, pinapatawag ka ni lolo!" Inis na sabi nito sa kanya.
If it was before, panigurado na manginginig si Meisha kapag kaharap niya ito pero ngayon hindi na. Among her half-siblings, Milliard was the weakest than them. Kapag hindi ito masiyahan sa magagaling na kapatid ay binubuntong nito ang galit sa mas mahina sa kanya at isa na siya doon.
Ang una at legal na asawa ng kanyang ama ay hindi siya pinayan na matutong mag-aral ng mahika o kahit ano pa man maliban sa pagbasa at pasulat.
Naalala tuloy niya `yong sinabi nito sa kanya.
“Sa tingin mo ang isang kagaya mong halimaw ay hahayaan namin matutong mag-aral ng mahika? Hindi mangyayari `yon. Pasamalat ka na lang at binuhay ka pa namin!”
Wala siyang nagawa noon dahil bata palang siya at wala taong masasandalan at tutulong sa kanya.
Dahil hindi siya umiimik, lumapit sa kanya si Millard at akmang
Naiinis na lumapit si Millard kay Meisha at akmang hahawakan ang braso para kaladkarin siya.
Pak!
Gulat na gulat na napahawak si Millard sa namumulang kamay.
"Ikaw! Lumalaban ka na ngayon?!"
"Hindi mo na ako kailangan kaladkarin para puntahan si lolo. Humph!"
"I-ikaw!" Namumula na ito sa galit, inignora na lamang ni Meisha ito at iniwan itong napupuyos sa galit.
Galit na galit and at the same time ay hindi makapaniwala na nakasunod ang tingin nito sa papalayong pigura ng dalaga. Did this loathsome girl eat lion and bear's gall?
~*~
Mabilis na naglakas si Meisha at tuluyan ng makalayo kay Millard.
Nang makarating siya sa harap nang pintuan ng silid aralan, kumatok muna siya bago pumasok.
“Pasok.”
Pumasok naman si Meisha nang marinig niya boses ng matanda.
Pagpasok palang niya ay nakita niya ang matangkad at malaking pangagatawan na lalaki. Nag-uumapaw ito ng aura at kung sino man ang makikita nito ay di mapigilan matakot.
Mukha itong nasa treinta anyos ito. Sa mga taong hindi kilala ito, iisipin nila na isa itong binata. Kilala ni Meisha ang taong `to. Ito lang naman ang kanyang lolo, ang pinuno ng kanilang angkan at isa sa napakahalagang ministro ng hari, si Heneral Rolf Yuen.
Kaya lang naman mukha itong bata kesa sa actual nitong edad na sesenta-singko anyos dahil sa mahika. May kasabihan nga dito na kung gaano ka kalakas, ganun din kabagal ang pagtanda mo.
Gayunman, hindi ito nagdulot ng sopresa sa kanya. Ganun din kasi sa dati niyang mundo. Hindi madaling tatanda ang isang tao kapag may malakas silang kapangyarihan.
Sa `di kalayuan nito, may dalawang mag-asawang nakatayo malapit kay Heneral Yuen. Agad naman nakilala niya ang dalawa. Sila lang naman ang pangatlong anak na lalaki ng kanyang lolo, si Diego Yuen at asawa naman nito ay si Soraya.
Binati niya ang tatlo.
Tumango lang ang dalawang lalaki bilang tugon sa kanya.
"Naku, pamilya tayo, hindi mo na kailangan masiyadong maging magalang." Tugon naman ni Soraya, ang asawa ng tito niya.
Kiming ngumiti siya rito bago ibinaling ang tingin sa kanyang lolo.
"Sabi ni Millard pinapatawag niyo po daw ako?”
Bahagyang napakunot si Heneral Yuen ng mapansin niyang hindi niya tinawag na kuya ang kapatid na lalaki.
"Narinig ko na pumunta ka sa palasyo, totoo ba `to?”
The clan leader, General Rolf Yuen, stared at his granddaughter with probing eyes. Kahit na hindi sila malapit sa isa't isa, General Rolf still regard her as his granddaughter. However, this matter was serious and he cannot just let it go.
"Opo." Her serene expression didn't let anyone know what's in her mind.
Sinalubong niya pa nga niya ang titig nito. Kumislap na asul na ilaw ang kanyang mga mata pero dahil masiyadong mabilis ang pangyayari ay hindi iyon napansin ng mag-asawa maliban kay Heneral Yuen.
Mas lalong nagsalubong ang kilay nito. Namalikmata ba ito? Tinitigan ulit ng Heneral ang dalaga pero tanging nakita niya ang malinis at bilog niyang puting iris.
“Estupida! Ang lakas talaga ng loob mo na pumunta sa palasyo nang hindi namin nalalaman! Sinong nagsabi sa`yo na ikansela ang kasal ha?! Alam mo ba kung gaano kadaming pamilya na gusto ipakasal ang kanilang anak na babae sa kanya para maging crown princess?!” Nanggalaiting sabi ng Tito Diego habang nakaduro sa akin.
Ha! Hangang ngayon ay ang interes parin ang importante sa kanila!
Nanatili parin nakatitig si Meisha sa kanyang lolo at hindi man lang binigyan ng isang sulyap ang kanyang Tito.
"Inaamin mo ba ang pagkakamali mo, Meisha? Bakit mo nagawa `yon, ha?" The general remained level-headed after hearing her confession.
She titled her head and said. “Inaamin ko na mali ako sa ginawa. Dapat pinaalam ko muna kayo bago ako pumunta sa palasyo para kausapin ang hari. Pero hindi ko pinagsisihan na ikansila ang kasal namin ng prinsipe cleo.”
Napasinghap ang mag-asawa habang ang lolo naman niya ay matiim na nakatitig sa kanya. As far as he knows, this granddaughter of his was timid and introvert, so where did this little girl get the courage to speak to him like that? Where's his granddaughter who always let her head downcast whenever he speaks to her? He was displeased at this thought kaya mas lalong nadagdagan ang gatla sa noo niya.
"Oh? Bakit mo naman nasabi iyan?"
“Alam naman ng marami na ayaw sa akin ni Prinsipe Cleo at balak nito ikansela ang kasal. Gayon ba’t ako maghihintay na mangyari `yon at maging katatawanan? Kahit na ganito ang anyo ko, kasumpa-sumpa man, hindi parin maialis na parte parin ako ng pamilyang yuen at apo niyo rin po.”
He hates to admit, but he was move by her words. Such a brave girl, kung sa iba kaya mangyari ay baka iiyak o magmakaawa ang ibang babae para lang hindi matuloy ikansela ang kasal.
"Isa pa, hindi ba sila rin naman ang nag-alok ng kasal tas ngayon gusto nila na ikansila ang kasal, dahil ba sa kulay ng buhok ko? Naniniwala ba talaga kayo sa pamahiin na disipulo ng demonyo at kasumpa-sumpa ako?" Her eyes show her emotion as she said it.
Kaya nasasabi ni Meisha ang mga salitang ito ay dahil alam niya ang mga kiliti ng mga ganitong klaseng tao. Matalinong tao si Heneral Yuen at mahala rito ang reputasyon ng kanilang angkan.
Sandaling tinitigan ni Heneral Yuen ang apo. Huminga ito ng malalim at saka minasahe ang sintido.
"Meisha, marami sigurong naniniwala sa pamahiin na iyan pero hindi ako. Gayong nangyari na ang dapat mangyari, this old man will not keep further ado and shall punished you. Pumunta ka sa ating ancestral hall and repent for three days sa ginawa mong paglabas ng walang permiso. That's all, you may leave."
Hindi makatiis na magsalita si Tito Diego.
"Ganito na lang ba ang parusa niya? Hindi ba't napakababa ng parusang ito?"
"May problema ka ba sa desisyon ko, Diego?"
"T-that...wa-wala po, ama." Nauutal na tugon ni Diego nang naramdaman nito ang presyon ng ama.
“Mabuti.” Bumaba ang presyon na inalabas nito.
Kahit si Meisha ay naramdaman din niya `yon. Hindi niya maiwasan na pagpawisan. Masiyado kasing mahina ang katawan niya ngayon.
At kahit na tutol siya sa desisyon ay wala rin siya magagawa. It can be seen that this old man has rich experiences in combat, Meisha still chose to follow his instruction. After all, even if she’s confident to fight with him, she didn’t want to add more enemy.
What’s more, isn’t it just staying in the ancestral hall? She can do that.
"Kung wala na po kayong kailangan sa akin, aalis na po ako."
Bago pa makahakbang si Meisha patungo sa pintuan ay biglang nagsalita ang Tita Soraya. "Meisha, nakatangap ako ng birthday invitation mula kay kagalang-galang na Arsobispo Samiel, kasama ka na do’n. Gusto ko lang itanong kung gusto mong sumama next week, para naman makapaghanda tayo ng damit ng susuotin mo."
Pigil na itirik niya ang kanyang mga mata nang marinig niya ito.
Ano ba ang binabalak nito?
Nakita naman ni Soraya sa mukha niya ang pagdududa.
“Isang malaking selebrasyon ito at hindi rin maganda titingnan kung hindi ka dadalo. Lalo na’t kaarawan ito ng arsobispo.”
Wala siyang tiwala sa babaeng `to, pero gayunman tumango na lang siya bilang sagot na dadalo siya sa kaarawan ng arsobispo.