Chapter 32.1 Mongolian Death Worm, Argagidai (1)

2039 Words
Tirik na ang araw nang magising si Meisha. Bumangon siya sa kanyang kama at nag-inat ng kanyang katawan. Pagkatapos niyon ay nagpalit muna siya ng damit bago lumabas ng kwarto. Eksakto naman na pagbukas niya ay biglang sumalubong sa kanya ang nakakuyom ang palad. Mabuti na lang at mabilis niyang nahawakan ang galanggalangan para hindi iyon tumama sa kanyang mukha ang kamao nito. Nagkasalubong ang kilay niya ng tiningnan niya si Barrette at nakita na may sinasabi ito na hindi niya marinig. Ano daw? Medyo naasar yata ito sa kanya at base sa ekspresyon nito ay sigurado siya na nilakasan nito ang boses para marinig niya ang sinasabi nito ngunit wala parin siyang narinig. Ops. Naku naman, nakalimutan niyang gumamit siya kagabi ng mahika upang wala siyang marinig kahit anumang tunog. Bahagyang napapailing na lang siya at agad na inalis niya ang salamangkang nilagay sa sarili. “Bingi ka ba?!” Agad na binitiwan niya ang galanggalangan nito at mabilis na tinakpan niya ang kanyang tainga sa sobrang lakas ng boses nito. “Hindi. Tumahimik ka na nga. Kapag inulit mo ulit `to, matatamaan na talaga kita. Ano ba `yon?” “Pinapasabi sa`kin ni Ezperanza na nakahanda na `yong almusal mo sa ibaba,” saad nito sa kanya at saka naunang nagsalita. Sumunod naman siya rito at bumaba narin at nagtungo sa silid kainan. Mabuti na lang at pumayag ang bahay-panuluyan na gamitin ang kanilang kusina. Iyon nga lang may charge sa uling at tubig na ginamit nila. Marunong si Ezperanza na magluto kaya ito ang pumalit kay Alice na magluto ngayon dahil wala ito ngayon. “Tapos na ba kayong kumain?” Tanong niya sa tatlo ng makitang nakatayo ang mga ito sa tabi ng mesa. “Tapos na po kaming kaming kumain kanina,” sagot ni Ezperanza. Hindi na iyon nakapagtaka na nauna ng kumain ng almusal ang mga ito kesa sa amo dahil huli na siyang nagising. Batid ng mga ito na hindi niya gusto na may nakatingin sa kanya na kumakain kaya nagpaalam muna ang tatlo habang siya naman ay nagsimula narin kumain sa kanyang almusal ngayon. Pagkatapos niyang kumain ng kanyang almusal ay pinaalam muna niya sa tatlo na may lalakarin siya. Sinabihan rin niya ang tatlo na gayung wala naman silang ginagawa ngayon ay binigyan niya ang mga ito ng day off. Lumabas na siya sa bahay-panuluyan at nagtungo sa malaking ospital rito. Nagtanong muna siya sa mga taong nadaanan niya kung saan direksyon ang ospital dahil hindi niya kabisado ang daan patungo doon. Ayon sa tao na napagtanungan niya ay malayo rito ang sa lugar nila ang ospital at kinakailangan sumakay ng karwahe patungo doon. Nagpasalamat naman si Meisha bago nagpaalam rito at sumakay ng karwahe na eksaktong napadaan. Ang dahilan kaya balak niya pumunta doon sa ospital para kumunsulta sa manggagamot tungkol sa parasito na nasa loob niya. Hindi isang manggagamot si Meisha at kahit na may alam siya sa apothecary, hindi ibig sabihin niyon na alam niya kung paano puksain ang parasito na ito lalo na’t hinala niya na matagal na ito nanatili sa sistema niya. Isa pa, ito ang unang nakaikwentro ng ganito sitwasyon at hindi na iyon saklaw ng kanyang kaalaman sa medisina! ~**~ Pagod na pagod ngayon araw si Melfor at dalawang oras lang siya nakatulog kanina dahil bigla kasi siyang ginising ng kanyang kawani. Ipinaalam nito sa kanya na nagkaroon na naman ng komplikasyon ang isa sa pasyente na hinahawakan niya kaya kailangan asikasuhin iyon ora mismo. Sa totoo lang, hindi lang naman si Melfor ang nag-iisang manggagamot rito eh. Ang problema kasi, dinagsa sila ng maraming pasyente kahapon at marami sa kanila ang kritikal ang buhay. Ito ang dahilan kaya halos hindi sila magkandaugaga sa sobrang daming aasikasuhin. Ano pa kaya, siya, na ang natatanging nag-iisang estudyante ng dakilang pinuno ng kanilang greenlawn center? Maliban sa kinakailangan niya asikasuhin ang pasyente, kailangan rin niya tingnan ang mga dokumento na iniwan ng kanyang dakilang guro! Oo, wala siya rito sa greenlawn center sa mga panahon na ito at tatlong araw na rin ito hindi bumabalik! Bago ito umalis ay nag-iwan ito ng sulat at sinabing babalik ito sa loob ng dalawang araw. Pumunta ito sa Drerrith City para lumahok sa subasta nang marinig nito mula sa kaibigan na isa sa sangkap na kinakailangan nito ay nasa auction house. Wala sanang problema ang pagpunta roon sa lunsod ng Drerrith, pero! Dalawang araw na ang nakalipas pero wala parin kahit anino man lang nito dito! Aghh! “Ginoong Vrornas! Bumalik na kayo rito! Aghh.” Pasalampak na umupo siya kanyang upuan. Kababalik lang niya mula sa kanyang trabaho at ngayon naman ay kailangan pa niya tingnan ang dokumento na iniwan ng kanyang dakilang guro. “Ginoong Melfor!” “Ano na naman?!” Inis na saad niya sa kanyang kawani kapapasok palang. Ano na naman ang pakay nito sa kanya? Huwag na naman sana magkaroon ng problema sa pasyente na nasa silid ng 263? “May problema na naman ba sa pasyente na nasa silid 263?” Bahagyang napaatras ang kawani sa pagkabigla nito, “Naku, hindi po, Ginoong Melfor. Nasa mabuting kalagayan na po `yong pasyente.” “Mabuti naman,” Nakahinga siya ng maluwag, “Kung gano’n, ano ba ang pakay mo?” “Eh, Ginoong Melfor, mayroon po kasing bagong pasyente na pumunta rito sa ating greenlawn center para magpakunsulta…eh ang problema abala ang lahat ng manggagamot ngayon at walang ni isa sa kanila ang may oras para harapin siya maliban sa`yo, Ginoong Melfor.” Nagkasalubong ang kanyang kilay sa narinig, “Hindi ba’t sabi ko na hindi na tayo tumatanggap ng bagong pasyente dahil puno na tayo rito?” “Tatanggihan ko ba siya Ginoong Melfor?” “Hay naku, ikaw talaga, Ingrid, huwag na pero sa susunod alalahanin mo na hindi na tayo tumatanggap ng pasyente ngayon dahil puno na tayo rito sa ospital at abala ang lahat na manggagamot rito. Nakita mo naman na abala ako rito, tsk,” Inayos niya ang mga nakakalat na dokumento at saka sinenyas ang kawani na papuntahin ang bagong pasyente sa kanyang opisina. Maya’t maya ay may narinig siyang mahinang lagitik at pumihit ang pintuan. Pumasok ulit ang kawani niya at kasunod nito ang isang babae na nakasuot ng asul na damit. Nakasuot ito ng asul na asul na balabal at natatakpan ang kalahati nitong mukha sa talukbong, kaya nalaman ni Melfor ang kasarian nito dahil leeg at maliit nitong kamay. Pinaupo ng kawani ang babaeng pasyente sa harap ng mesa niya bago pinasa ang isang maliit na papeles na naglalaman ng impormasyon sa pasyente. Sinulyapan lang niya iyon at saka pinatong sa mesa, “Pangalan mo, Meicha Wistra?” Pamilyar sa kanya ang pangalan pero `di niya matukoy kung saan niya iyon narinig. Tumango ito bilang kumpirma nito sa kanyang katanungan at saka nagsalita, “Dok, hindi na ako magpaligoy pa para hindi na masayang itong oras ninyo lalo na’t alam ko na abala po kayo ngayon sa mga oras na `to. Itatanong ko lang sana kung may alam ba kayo kung pano puksain ang isang parasito na nasa loob ng katawan ng isang tao?” ~**~ Nabigla man ang doktor sa tanong ni Meisha ay napanatili parin nito ang imahe ng marangal na doktor. Sa halip na sagutin nito ang tanong ni Meisha ay hinawakan nito ang kanyang galanggalangan upang tingnan ang kanyang pulso. Kahit na nag-aral siya ng medisina at kahusay sa nakaraang buhay niya, hindi ibig sabihin niyon na gano’n siya kagaling sa larangan ng medisina. Hindi siya manggagamot at kaya lang naman siya nag-aral ng medisina noon upang makahanap siya ng lunas sa kanyang karamdaman. Dahil narin siguro walang advance medical equipment sa mundong ito, kagaya ng stethoscope kaya tanging magagawa nila para suriin ang pulso ay kinakailangan ilagay ang kanilang dalawang daliri sa pagitan ng buto at ng litid sa kanyang radial artery. Madali lang sabihin na madali gawin ang paraan para tingnan ang pulso pero mahirap gawin. Isa pa, iba ang manggagamot rito kesa sa nakaraang buhay niya. Hindi lang nito malalaman kung maayos ba ang puso niya, naramdaman niyang may manipis at komportableng enerhiya na pumasok sa katawan niya. Pakiramdam ni Meisha ay sinusuri siya nito. Medyo tumagal ang pagsusuri nito ngunit, gayunpaman, hindi niya inistorbo ang doktor sa pagtingin sa kanyang pulso. Batid kasi niya na kinakailangan nito ng konsentrasyon. Hindi rin nagtagal, biglang napansin na bahagyang nagkasalubong ang kilay ng doktor bago nito pinakawalan ang kanyang pulso. “Dok?” “Kelan mo napansin na meron ka nito?” “Nung nakaraang buwan, sa kauna-unahang pagkakataon ay bigla ako nakarinig ng isang matinis na tunog at nagsimulang sumakit ng sobra `yong ulo. Pangawalang beses naman intake ako ng matinis ng tunog na `yon ay napansin ko na may isa pang isang ingay na iba sa una kong narinig na humalo sa ingay ng mga oras na iyon. Naisipan ko nang mga oras na iyon nab aka may kung ano sa loob ng katawan ko.” “Nakaraan buwan ka lang inatake nito?” Ulit nito. Tumango siya, “Oo, bakit?” Ilang segundo ay napabuga ito ng hininga bago tumugon sa kanya, “nagtataka lang ako, sinabi mo kasi noong nakaraan buwan ka lang inatake nito pero base sa napansin ko sa awra nito ay mukhang matagal na ito sa katawan mo.” Hinihimas nito ang baba at saka nagsalita ulit, “`Yong sinabi mo bang sumasakit ng sobra, wala ka na bang ibang naramdaman maliban do’n?” “Oo, pero kagaya ng sinasabi ko, tumutugon ito sa tuwing maririnig ko ang matinig na tunog noon at do’n lang ito nagsimulang atakehin ako at pakiramdam ko gusto nito mamatay ako.” Nang marinig nito iyon, napansin niya na nagkaroon ito ng interes sa usapan nila. Hindi kagaya kanina na kahit na pinanatili nito ang imahe nito bilang marangal na manggagamot rito ay mapapansin parin sa mata nito ang pagod. “Argagidai,” “Pasensya na, hindi ko narinig ng maayos. Ano?” “Tinatawag na Argagidai ang parasito na ito at bihira lang ito makikita sa lugar natin. “Hindi man ito ang pinakanakamatay na parasito na nakita ko sa tanang buhay, gayunman, nakalista parin ito sa pinakailalim na ika-beinte pinakamasamang parasito sa kontinente natin,” binuksan nito drawer sa ilalim ng mesa nito at kinuha ang isang papel, “Paborito nito kainin pagkain nito ay ang mana ng isang nilalang; maari itong mula sa tao o hayop basta may tinataglay itong kapangyarihan. Maselan klaseng parasito na ito at kadalasan hindi agresibo. Mayroon din itong kakaibang katangian at iyon ay magpapakamatay ito kasama ang host nito kapag pinapahirapan ang buhay nito. Base sa narinig ko mula sa`yo at obserbasyon ko sa parasito na ito ay inalagaan ng isang tao at tinanim sa`yo. Masiyado rin pinahaba ang buntot ng taong iyon ang parasito na ito kaya kahit kaunting sakit na narinig nitong ingay na nilikha ng amo para pasikitan `to ay gusto ng magpakamatay kasama ka.” ~**~ Pagkatapos niyang lisanin ang greenlawn center, wala siyang nakitang karwahe na dumaan sa kalsada at kung meron man ay hindi ito tumutigil sa harap niya kaya naman nagdesisyon siya na sumakay na lang ng kalesa. Sakay ng kalesa, daladala parin sa isipan niya ang sinabi ng manggagamot. Ayon rito, mahirap daw tanggaling ang parasito na ito at tanging ang guro lang nito ang maari sumagawa ng operasyon dahil mas mahusay ito tanggalin ang Argagidai sa katawan ng tao lalo na’t masyadong mahigpit na kumapit ito sa kanyang katawan at mahihirapan ang manggagamot na nakausap niya kanina kapag ito ang magtatanggal niyon sa kanya. Napabuga siya ng hininga, mukhang hindi maisasagawa ang operasyon ngayon. Maliban kasi sa masyadong hectic ang schedule ng mga empleyado sa ospital ngayon, kasalukuyan na nakabakasyon raw ang guro nito at `di niya alam kung kelan ito babalik. Bumalik na lang daw siya next week sa ospital. “Hindi man ito bihira makikita pero hindi rin karaniwan makikita sa kontinente natin. Sa pagkakaalam ko, karamihan nakatira ito sa mga mataas na uri ng piitan kung maraming naninirahang mataas na uri ng demonyo.” “Nandito na po tayo,” sabi ng kutsero kay Meisha. Ibinigay muna ni Meisha ang plete rito bago bumaba ng kalesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD