Inalis niya ang kanyang paningin sa direksyon nila at pumasok na sa loob kung sa manatili pansamantala ang mga manlalahok. Sobrang daming tao sa loob at wala ka nang makitang espasyo na maaring mauupuan. Napabuntong hininga siya sa eksena ito at saka inilipat ang tingin sa kaliwang bahagi kung saan napakaraming tao na nagkumpulan para tingnan ang bulletin board. Tumungo siya roon upang tingnan kung kelan ang match niya. Ang paligsahan sa taong ito ay gaganapin sa loob ng tatlong araw. Mayroong higit limang libo ng mga tao ang lumahok sa paligsahan ngayon. Upang hindi humaba pa ang laban na ito, sa unang round, hinati nila ang anim na libo mga kalahok at sa isang grupo ay mayroon limampung mga kalahok. “Nasa unang grupo ako…” “P*tangina, ba’t kagrupo ko pa ang mangkukulam na babae na