Chapter 24 Playing fire and you get burn

2101 Words
The sunlight scattered the horizon, mangilan-ngilan din tao ay nagsigising upang isagawa ang kanilang trabaho nila, habang ang mga ibon naman ay malayang humuni habang lumilipad sa langit. Ang mapayapang umagang `yon, partikular na sa general manor ay nasira, sumabay sa huni ng mga ibon ang isang matinis na tili na tila tunog ng baboy. Ang tili na yun ay umabot sa buong sambahayanan at dahilan na nagpagising sa mga Yuen. Ang iba ay pinili na ignorahin ang ingay na nagmula sa labas at ang iba naman dahil sa inis ay lumabas para alamin kung anong nangyayari. "Anong nangyari dito, ha? Gusto niyo ba talaga na pumunta kayong lahat sa silid parusahan, ha?" Naningkit ang mga mata ni Madam Ivina na tanong sa matandang katulong niya na si yaya meng. "Madam, ayon sa narinig ko mula sa katulong ay kanina ay may nakita daw na isang bangkay si Natasha no’ng lumabas siya sa kanyang patyo kanina." Imporma ng matandang katulong sa kanya, “Halos nahimatay ito sa sobrang takot sa nakitang bangkay.” Kumunot ang noo ni Madam Ivina sa narinig, since the beginning, tinuring na niyang mortal na kaaway ang p*tang babaeng `yon. Isa lamang itong patutot sa pulang bahay, matapos nitong akitin ang kanyang asawa ay nagtagumpay ito na baguhin ang sarili nitong istado sa buhay at naging babae ng kanyang asawa. Nang makarating siya sa sariling patyo ni Natasha ay lihim na umismid siya sa ng makita niya itong halos na mahimatay, kung ang ibang tao ay madaling mapaniwala sa acting nito pwes hindi siya. Ha, hindi na siya makapagtaka kung bakit patay na patay parin ang kanyang asawa rito nitong sampung taon na ang nakalipas. Sobrang galing nitong umakting, kung hindi pa niya nakita itong ng personal kung pano nito pinatay ang sarili nitong katulong noon ay baka maniwala rin siya na takot na takot itong makakita ng bangkay. Inilipat niya ang tingin sa bangkay, from head to toe, the corpse body had suffered a severe scald unable for them to tell who’s this person is. Dahil sa kaguluhan dito, maraming mga tao na nagsipuntahan dito sa patyo ni Natasha. "Umagang-umaga pa ay ang ingay ninyo, ano ba ang nangari dito?!" Napalingon silang lahat sa kadarating na lalaki, si Diego iyon, ang kanyang bayaw. Nakasunod rito ang asawa nito. Sinagot naman ng matandang katulong ito. Matapos nitong isinalaysay ang kay Diego ay naningkit ang mga mata nito. "Sino naman ang gumawa nito?” Hindi nito maiwasan na magtaka. Hindi kaya pakana ito ng ibang pamilya para gambalain sila? Kung gano’n, bakit dito pa sa tinarget nila ang babae ng kanyang nakakatandang kapatid? “Ano pa ang tinutunganga ninyo? Kunin na ninyo `yang bangkay na iyan dito." Akmang aalis na ito pero biglang nagsalita ang isang steward. "Guard Kim, imbestigahin mo ng mabuti kung sino ang lapastangan ang gumawa nito.” Utos naman niya sa bantay na nandito. "Third senior master! M-may n-nakasulat sa braso nito!" "Ano?" bumaling uli si Diego sa nagsalitang steward. "Ano naman pakialam ko sa nakasulat sa braso niya, ah?" "Master, tila sinadya pong sulatan ang braso nito. Ayun sa nakasulat dito; huwag daw maglaro ng apoy dahil kung hindi ay mapapaso raw ng apoy. Para pong may gustong ipahiwatig ang taong pumatay sa taong 'to." Although the third senior master heard it, he pays no heed and storm away from the vicinity. Subalit nang marinig `yun ni Madam Ivina ay hindi maipinta ang mukha at tiningnan ulit si Natasha. Ano ba ang ginawa nito? Oo, pinaghihinalaan niya ito dahil kung wala itong ginawang masama, ba’t na patyo nito ang bangkay? Sa gilid ng mata ni Madam Ivina ay nakita niya ang isang puting pigura na kakarating lang, sa likod nito ay ang tatlong babaeng personal nitong katulong. Tila bumara ang dugo sa lalamunan ni Ivina nang maalala niya ang ginawa ng babaeng ito sa mga katulong niya. "A-anong nangyari d-dito? B-ba't may patay?" Bakas sa mukha ang takot at sopresa ng itanong ni Meisha iyon. ~**~ "Hindi ko alam kung bulag ka ba o hindi, sa nakikita mo may poncio pilatong nag-iwan ng bangkay sa pamamahay natin, tanga!" Millard said contemptuously. He had been here for a long time, tahimik na in-obserbahan ang nangyari kanina. Nang makita nito si Meisha ay hindi nito mapigilan na suminghal sa dalaga. Subalit hindi ito pinansin ni Meisha at tinrato lang ang binata na parang hangin. Nang dumako ang paningin ni Meisha sa bangkay na bitbit ng mga guwardya. Umakto siya na tila nagulat at napatuptop ng bibig. “Naku, sinong walang awa ang gumawa nito? Kung sinuman ang gumawa nito ay kailangan managot!" Ang totoo niyan, naisipan na pumunta ni Meisha na pumunta rito para panoorin ang kaguluhan rito. Ngunit hindi niya inaasahan na makita ang isang bangkay roon. Kumibot ang isang sulok ng kanyang labi at lihim na pinagalitan si Phyliss sa ginawa nito. Napansin rin naman ang pagbabago ng mood ng kanyang amo kaya nakipag-usap ito sa kanya sa isipan. ‘Ops, nakalimutan kong sabihin sa`yo na tinapon ko ang bangkay rito sa patyo ng babaeng nakasuot ng orange dress—blop!’ Napasulyap naman si Meisha sa babaeng inagapay pa ng katulong para makatayo ng maayos. Maganda ito. The orange dress she’s wearing were very alluring, nagbibigay na empasis sa hubog nitong katawan. Siyempre kilala niya ang babaeng ito, ito lang naman ang kasalukuyang paboritong babae ng kanyang ama, si Natasha. Iniangat niya ang kanyang kamay at bahagyang kinamot si Phyliss na kasalukuyang nag-anyong hikaw na pinapahiwatig na magpatuloy sa sasabihin. ‘Hindi mo alam, master, noong napadaan ako sa patyo niya para maghanap kung saan ko itatapon `yong bangkay ay narinig kong iniinsulto ka niya—blop.’ Hindi na iyon kinagulat ni Meisha ng marinig niya ang dahilan nito. After all, there was no single people here are nice people. Pero itong si Natasha, naalala niya na may atraso din pala itong babaeng sa kanya. Ten years ago, noong una palang itong pumasok ito sa kanilang pamamahay at nagkita sila. Mabait ang pakikitungo nito sa kanya. Akala niya ay iba ito sa mga taong nakilala niya ngunit nagkamali siya. Niloko siya nito na pumunta sa sariling patyo nito pero hindi niya akalain na balak siya nitong i-frame up na dahilan para nakatikim siya ng latigo sa kanyang ama. Hindi niya alam kung bakit nito ginawa iyon pero tanging malinaw sa kanya ng araw na iyon ay wala itong magandang intention sa kanya. "Meisha, hija, pinapaimbistihan na ng Tito Diego mo ang nangyari, hindi mo na kailangan pang mag-alala rito.” As usual, her stepmother still put's up an air of holier-than-thou. Sa akto palang nito ay bahagyang nagkaroon siya ng goosebump! “Kapag nalaman natin kung sino ang nagpakana nitong insidente ay makakatanggap ito ng matinding parusa.” "Mabuti naman kung gano’n, dapat madakip na natin ang salarin sa pumatay ng taong iyan,” Sabi niya pero pinanatili parin niya ang pag-alala at takot sa ekspresyon niya. Maya’t maya ay bumaling siya kay Natasha. "Mukhang hindi yata maganda ang kalusugan mo, Natasha? Ayos ka lang ba?" Lumapit ito kay Natasha, ang katulong naman nito ay muntikan nang mapaurong ng makita siya. Marahang kinumpas ang kaliwang kamay ni Natasha at sinabing, "Huwag kang mag-alala, medyo nanghihina lang ako ng makita ko ang bangkay na `yon." "Kung gano’n ay ba’t hindi ka bumalik sa iyong silid para magpahinga? Ano ba naman ang iniisip ng mga katulong mo, alam naman ninyo na nanghihina si Natasha kapag nakakita ng bangkay tas hindi ka parin pinabalik sa silid mo para magpahinga.” Sabi niya sa kanila, “Tumawag narin kayo ng doktor para naman mapatingnan siya,” Nakita niya na balak nitong tumangi ngunit hindi niya ito hinayaan. “Huwag ka ng tumanggi, Natasha, hindi ka na bumabata, kailangan alagaan mo ang iyong kalusugan.” Sa likod ni Meisha, napakagat sa labi si Wanwan nang marinig `yon, pigil na matawa ito sa sinabi ni Meisha. Although her young miss said it with heartfelt but behind those words was truly ironic! Lihim naman napaismid si Julia habang si Natasha naman ay nagkaroon ng gatla sa makinis nitong noo nang marinig nito ang sinabi ng dalaga. Sinasabi ba niyang matanda na ito, uugod? Mariin na pinagdikit ang mala-rosas nitong labi at pilit na ngumiti sa kanya. “Salamat sa pag-alala mo, Binibining Meisha, tatandaan ko `yang sinabi mo. Paano, maiiwan ko muna kayo rito at ako’y magpapahinga muna.” Pero sa tingin ba nito na gano’n na lang ito basta-bastang makaalis? Nang maglakad ito at lalampasan sana siya at biglang tumili si Meisha. Sa ginawa ni Meisha ay muntikan ng mapatalon ang mga ito sa pagkagulat. "Ahas! May ahas!" "Ahas?! Nasaan?!" Naging alerto ang mga tao sa paligid. Ang katulong naman ni Natasha ay hinila ito upang protektahan ang amo. "Ayan! Nasa paanan! Waaah! Gumapang patungo kay Madam! My God!" "Ah! Asan? Asan?" "Huwag kayong mag-alala Madam, po-protektahan kita!" All of them were fretting, sa sobrang takot at pag-alala ay hindi napansin ng mga ito na lihim na lumapad ang pagkangiti ni Meisha Hindi rin nagtagal ay tumigil sa pagkabalisa ang lahat at yamot na tinitigan ng mga ito si Meisha. Ahas? Kung meron, saan na?! Si Jamal na nasa tabi ni Julia ay hindi nakatiis at dinuro siya. Hindi parin kasi nito nakakalimutan ang ginawa ng dalaga rito. "Binibining Meisha, pinagloloko mo ba kami? Wala naman ahas ah!" She inclined her head to the left, and frowned a bit in confusion. "Ano baa ng pinagsasabi mo, Jama? Paano ko magagawang lokohin kayo rito? Sigurado ako na may nakita akong ahas na dumaan kanina dito malapit sa paanan ni Natasha tas tumungo kay Madam!” Sinigundahan rin naman iyon nina Wanwan, Alice at Ezperanza. "Totoong sinasabi ni Binibining Meisha! Sinasabi mo bang sinungaling ang amo namin?!" Naningkit ang berdeng mata ni Ezperanza na tinanong ang matandang mayordomo. "Oo nga, at ano naman mapapala ng amo namin kung gagawin niya iyon?” Wanwan stared at him. "Tama na! Magsitahimik kayong lahat. Gayong wala naman ahas dito ay magsibalikan na kayo sa inyong trabaho.” Napahawak sa noo si Madam Julia, pigil ang sarili na kutusin si Meisha, sa kaibuturan ni Julia ay naniniwala ito sa sinabi ni Jamal. Ahas? Saglit na napaisip si Julia. She was not a fool alright, ever since she married to this family, natotong makipaglaban si Julia sa mga tao rito na hindi gumagamit ng kahit anumang sandata at sa talinong niya ay naintindihan niya kung bakit gano’n na lang ang kilos at pananalita ni Meisha. She resists the urge to vomit blood, this loathsome girl really done it! Hindi kagaya ni Julia na mahusay sa pagtago ng emosyon, si Natasha naman ay naubos ang pasensya nito. Ang maamo nitong hitsura ay hindi maipinta ang mukha lalo na’t sa wakas ay kagaya ni Julia ay na realize din nito ang ibig ipahiwatig ni Meisha. Nanlilisik ang mga mata nito na nakatitig sa dalaga. “Buwisit k—“ "Natasha, kung hindi ka po naniniwala sa'kin, wala na akong magagawa diyan. Hindi ko na problema kung hindi ninyo nakita ang nakita ko kanina.” Napapailing na sabi niya rito at saka nagpatuloy sa pagsasalita, “Mas mabuti pa na magpahinga ka na lang, baka kasi malungkot si ama kapagnalaman niyang masama pala ang kalusugan mo. Bueno, maiiwan ko na po kayo." She curtsied before leaving them befuddled. Bago tuluyan makaalis sa naturang lugar ay sinulyapan ni Meisha si Jamal. “Ang bilis mong gumaling ah.” She said with meaningful look at iniwan narin ito. Nang marinig nito iyon ay hindi maiwasan na mangatog sa takot. Nang nasa gate na sila ay nakita niya ang tatlong lalaki na nakatayo malapit sa karwahe. "Hindi ko ma-gets kung bakit kailangan ni, Binibini, na gawin yu-aray!" "Tumahimik ka, Wanwan!" Sita ni Ezperanza rito nang makalayo na silang lahat doon. "-sa babae na `yon!" Meisha tuck a few stands of hair behind her ears and chuckled, saka nagpatuloy sa paglalakad. Hinayaan na lamang niya ang dalawa na magbangayan. She looks up the clear blue sky and muttered incoherently. "Let there be stormy befall." Inalis niya ang tingin sa langit at saka lumapit kay Vito. "Everything's ready?" "Sigurado po ba kayo sa gagawin mo? Paano kapag nalaman ito nang pamilya mo na aalis ka, Binibini?” Sinabihan na kasi niya ang mga ito na lilisanin na nila ang bahay na ito. "Kahit na malaman nila iyon ay baka aabot ng buwan bago ni mapansin ang pagkawala ko lalo na’t may mas pagkakaabalahan ang mga ito ngayon. Mas makakabuti narin na umalis tayo rito ng maaga habang wala pa rito ang ama ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD