Chapter 20 & 21 Running to Lion's Den

2638 Words
Dalawang araw na ang nakalipas simula ng binili niya ang anim na alipin, at sa nakalipas na araw na nakalipas ay nanatili siya sa inn at hindi bumalik sa bahay. Marami kasi siyang gustong puntahan na lugar na hindi pa niya napupuntahan at higit sa lahat hinintay lang niya ang araw na mapawalang bisa `yong parusa ng matandang heneral sa kanya. And this was exact day she can finally be out of that ancestral hall. So far, maayos naman ang pakikitungo nila sa isa’t isa at sumusunod sila sa kanyang utos kahit na medyo may iba sa kanila na pasaway kagaya na lang ni Richie, Wanwan at higit sa lahat ay si Barette! Matapos ang itinenaryo sa buong araw, at nang makasigurong wala ng nakalimutan bilhin si Meisha ay umupa siya ng two-wheel cart na may tabing sa bawat bahagi ng kariton upang hindi makita ang nasa loob. Nang ipasok nila ang lahat ng pinamili ay agad na napuno ang buong kariton. Maari naman ilagay ang lahat sa interpatial storage bag niya pero naisip niyang huwag na. Hindi niya kailangan maging low-key ngayon lalo na’t kapag naiisip niya ang ekspresyon ni Lavina kapag makarating sa tainga niya ang balita na marami siyang pinamili ngayon. Dahil puno na ang two-wheel cart at hindi naman sila magkakasiya doon ay tumawag na lang siya ng karwahe. Matapos niyon ay sumakay silang apat sa loob ng karwahe habang si Barette at Richie naman ang bahala sa two-wheel cart na hinihila iyon ng isang kabayo na dala ang pinamili niyang gamit. Tahimik lang sila sa loob ng karwahe pero hindi rin nagtagal ay biglang binasag ni Wanwan ang katahimikan na iyon, "Señorita, itatanong ko lang po sana ito, sana hindi ka magalit sa'kin," Simula nito. Hindi niya pinagkaabalahan na lingunin ito at patuloy lang sa pagtanaw sa labas ng binatana "Ano?" "Matagal ko kasing napansin ito, hindi ba’t nagmula ka sa isang kilalang aristokrata na pamilya pero bakit kailangan mo pang rumenta ng two-wheel cart, sumakay sa ganitong karwahe tas higit sa lahat wala ka ni isang katulong na kasama at kailangan mo pa na personal na pumunta sa tindahan ng alipin para bumili ng alipin kung pwede naman ipagawa ang ganitong bagay sa katulong.” Napasinghap naman ang dalawang babae at bigla nilang tinakpan ang bibig ni Wanwan. "Ano ka ba, Wanwan! Ba't ka nagtatanong ng ganyan sa amo natin, ha? Gusto mo ba talagang maparusahan o ibalik ka sa tindahan ng mga alipin?" Bagaman sinaway ni Ezperanza si Wanwan ay sa kaibuturan ng isipan nito ay pareho lang sila ng iniisip, kahit si Alice ay gano’n din ang naisip ngunit walang lakas ito ng loob para magtanong sa kanilang amo. Bago pa nakapagsalita si Meisha ay narinig nila ang malakas na halakhak ni Barette sa labas ng karwahe. Nakasakay ito sa two-wheel cart. "Haha! Baka naman nagsinungaling siya na isa siyang apo ni Heneral Yuen? Alam niyo naman ang panahon ngayon, may mga tao talaga na mahilig magpanggap na hindi naman siya. Ano nga ang `yong pangalan mo? Meisha Yuen? Aba, kapangalan mo pala `yong kilalang apo ng Heneral. Iyon nga lang puti ang buhok at mata nito ayon sa sabi-sabi!” “Barette,” Tawag niya rito at nang tumingin naman ito sa direksyon niya ay binuka niya ang kanyang bibig at nagsalita, “Isara mo `yang malaki mong bibig.” Kusang sumara naman ang bibig nito ng sabihin niya iyon. "Malapit na tayo." Wala siyang sariling karwahe at higit sa lahat palihim siyang umalis kaya pano niya maisipan gamitin ang karwahe? Nang makarating sila sa bahay ng pamilya ng yuen ay huminto ang karwahe sa harap ng malaki at pulang tarangkahan. Eksakto naman sa paghinto ng karwahe sa tarangkahan ay lumapit sa kanila ang dalawang bantay. "Tigil! Sino kayo at anong kailangan mo dito?" "Oh? Hindi ko alam na makakalimutin na pala ang guwardiya dito. Hindi bale, ipapaalom ko kay lolo na palitan kayo." Nang iniangat niya ang mukha at makita ang buong mukha niya sa ilalim ng talukbong ay tila naubusan ng dugo sa mukha ang dalawang guwardiya. The two guards were aware that Meisha has no power to speak in Yuen Family but after they heard the rumors that their general has been attentive to her despite being punished, they didn't dare to slight her, only those higher ups daringly bully her. “Binibining Meisha! A-anong ginagawa ninyo sa labas?!” Nagtatakang tanong ng isa sa bantay. Alam nilang dalawa na pinarusahan ito ng Heneral at ngayon araw ay takdang petsa na maari siyang umalis sa ancestral pero sa hindi malaman ng dalawa ay wala silang natandaan na umalis ito kaninang umaga sa bahay! Hindi nagpatumpik pa si Meisha, ginamitan niya ito ng hypnotic magic at hinayaan ang dalawang bantay na isipin na lumabas siya kaninang umaga. “Buksan niyo ang pinto.” Mabilis na kumilos ang dalawa at pinagbuksan sila. Bago siya pumasok sa loob ng manor ay malamig na sinulyapan niya ang isa sa bantay. "Ang madame at kapatid ko?" "Kanina pa po sila dumating galing sa Treasures Assembly House...umm." May gusto sana itong sasabihin ngunit nag-alinlangan itong ipagpatuloy, kahit na hindi nito sabihin ay nahuhulaan niya kung anong gusto nitong ipahiwatig, lalo na't panay sulyap nito sa kasama niya. "Simula ngayon ay sila ang mga tauhan ko.” Tahimik na sumunod ang lima maliban kay Barrette na umusli ang dalawang daliri at tinuro ang sarili nitong mata na para bang sinasabing; ‘I am watching you two’, sa dalawang guwardiya. After seeing his gestured, the two guards were enraged but they force themselves to suppress it. "Pwede ba, Barette, umakto ka nga sa edad mo. Daig mo pa ang walong taon na bata." Saway ni Vito rito. "Humph! Kung ikaw kaya ang magpapasok nitong two-wheel cart, ha?" "Wow, ang ganda naman ng lugar na ito." Hindi mapigilan na anas ni Alice habang patingin-tingin sa paligid. ~**~ Nang sa wakas ay nakarating na sila sa courtyard ni Meisha ay lahat ng antipasyon na nakasulat sa mukha ng kasama niya ay tila inanod ng malakas na baha nang masaksihan nila mismo kung anong hitsura ng kanyang apartmento. All their faces stiffened at the horrifying sight. Butas na bintana, may lumot at baging sa bitak na pader at nanlalata ng pintuan! Isa ba talagang membro ng isa sa pinakamalaking angkan ang amo nila? Ba't ganito ang bahay ng dalaga? Ang tanging maganda lang rito ay ang isang maliit na flowerbed sa di kalayuan! Anumang nasa isipan ng anim ay walang pakialam si Meisha. Tinangal niya ang talukbong at tumambad ang buhok na kasing puti ng niyebe, mas lalo pang tumigas ang anim ng ng makita siya, kanina lang ay itim ang buhok nito ba't ngayon puti na?! Nakakatawa ang kanilang mga reaksyon kaya hindi napigilan umangat ang isang sulok ng labi ni Meisha. Kung mayroon lang talagang camera sa mundong ito ay baka kinunan na niya ng litrato ang mga ito. "Oh ano ang tinutunganga niyo diyan? Dapat alam na ninyo kung sino ako nang pinakilala ko sa inyo na ako si Meisha Yuen, hindi ba, Barette?” Binigyan niyang nakakalokong tingin ito. “Huwag na kayong tumunganga diyan at magsikilos na kayo, sundin niyo lang ang kaliwang daan na ito para makarating sa likod ng bahay, at i-set up ninyo ang tent doon sa likod." Nang matapos niyang ibigay ang instruksiyon ay tila doon lang sila nahimasmasan. "Malinaw ba ang sinabi ko?" Anumang saloobin ng mga ito ay pinili na lamang nilang itago 'yon at marahan na lamang tumango, maliban kay Barrette na naman. "Ikaw ang puting babae! Ahhh! Bakit mo kami niloko, ha?! Anong motibo mo, ha?! Naku naman, naku naman! Anong gagawin mo sa amin, ha?!" "Anong pinagsasabi mo, binili ko kayo para maging taga-linis, taga-ayos ng bahay, guwardiya dito sa patyo at higit sa lahat ay para may kasama ako para makapasok sa loob ng dungeon. Sa madaling salita multi-tasking errand boy kita." She answered with a deadpand expression. "G-gano’n—aray! Anak ng tokwa naman o, bakit mo ako pinalo, Vito?" In-adjust ni Vito ang salamin at saka nagsalita, "Alam ko na nakakabigla itong nalaman natin na ang ating bagong amo ay ang sinasabi mong babae na may puting buhok at mata pero huwag mo parin kalimutan na siya ang amo natin kaya umayos ka. Baka sa susunod ay sa tindahan ng alipin ka na naman mapadpad." Seryosong saway ni Vito kay Barette bago humarap kay Meisha. "Paumanhin kung naging lapastangan itong si Barette. Huwag kayong mag-alala, didisiplinahin ko siya para hindi na niya ito uulitin.” Sapilitan na pinayuko nito si Barette. Gusto magpumiglas ni Barette ngunit masyadong ginamitan ng lakas ni Vito ito upang tumigil ito sa pagpumiglas. Maya’t maya ay nagpatuloy ito sa pagsasalita, “Pero kakaiba parin itong sitwasyon ha, hindi ko maintindihan ba’t kailangan mo pang ikubli itong totoo mong anyo?” "Hindi ko kinubli ang anyo ko. Ganito talaga ako simula pagkabata.” Sagot niya ngunit hindi niya dinagdagan ng paliwanag para maintindihan ng mga ito ang sitwasyon. She claps her hands and said. "Pano? Magsimula na kayong magtrabaho. Kung mayroon kayong gustong itanong na may kinalaman sa alintuntunin ninyo ay puntahan ninyo ako sa pabilyo na nadaanan natin kanina." Nang makasigurado na tuluyan ng pumunta ang anim sa likod-bahay ay palihim na tinawag niya si Phyliss para samahan siya. Hindi pa nga nakakalayo sa paglalakad si Meisha ay may binulong si Phyliss sa kanya. "Master, master, kanina habang wala ka, blop. May naramdaman akong dalawang malalakas na aura nagmamasid dito—blop. Anong gagawin ko—blop? Mukhang may balak silang masama sa`yo." Umangat ang isang sulok ng labi niya, ang mga mata ay kasing lamig ng mga yelo. "Sa ngayon, hayaan muna natin ang mga daga na labas-masok dito. Subalit kapag isang maling kilos lang nila, hindi ko garantiya ang kanilang buhay." Chapter 21: Running to lion’s den (2) 'Noong unang panahon, ang apatnapung Diyos at Diyosa ay nagtulong-tulong na mabuo ang mundong ito at tinawag nila ngayon Oestrell. Dati, hindi pa nahati sa walong kontinente ang mundong ito. Matapos nilang likhain ang mundo ay kasunod ay ang halaman, hayop o mahiwagang hayop, tao, elves, duwende at iba pang uri ng lahi. Hinayaan ng Diyos at Diyosa na mamuhay ng malaya ang mga ito sa mundong nilikha nila. Sa panahon na nakalipas, ang mga nilalang na ginawa ng poong maykapal ay mas lalong naging matalino at madaming katanungan sa utak nila; 'Bakit tayo ginawa ng maykapal?', 'Ganito na lang ba tayo, nasisiyahan sa ganitong buhay na walang pabago-bago?' and etc. Iyan ang laman ng katungan nila, dahil dito ay unti-unting naging masama at naging ganid ang iba sa kanila lalo na't ang mga tao...' "Boring..." Meisha muttered, she flips the next page and continued. 'Sumiklab ang digmaan...' Flip '...nagkaroon ng sakuna sa buong Oestrell na dahilan para magwatak ang lupain at ngayon ay nahati sa walong kontinenteng tinatawag na; Xendrik, Dinotopia, Nas'Neren, Red Dominion, Cirinia, Everice, Serranean at Deadlands.' Nalaman ni Meisha na saw along kontinente ay ang Serranean pinakamaliit na kontinente gayunman kilala parin ito dahil nangingibabaw ang maraming bundok at higit sa lahat ay maraming mga adventurer na dumayo pa rito sa Serranean para lang sa Babel Tower, napakataas ng tore na iyon at ayon rito sa libro ay halos maabot na nito ang langit—eh? Napakataas? Ba’t wala naman siyang napansin tore. Kung gano’n kataas iyon dapat makikita niya iyon kahit dito. Dahil sa kuryusidad ay bumalik siya sa unang pahina para tingnan kung kelan itong libro nalathala. Bahagyang nagkasalubong ang kilay niya ng makitang seventeen years ago nap ala itong nalathala. Ang tagal na pala. Nagkibit balikat na lang si Meisha at nagpatuloy na lang sa pagbabasa. Naputol ang pagbabasa ni Meisha nang may napagtanto siya na isang pigura ng isang babae na mabibilis ang hakbang papasok sa pabilyon, si Alice ang babaeng ito. Nagmamadaling lumapit ito sa kanya para impormahin siya. Her eyes glowered after she heard what she said, tumayo siya sa kinauupuan niyang stone bench at naglakad pabalik sa kanyang patyo. Tahimik naman nakasunod si Alice sa likuran niya. Pagdating niya sa backyard ay natagpuan niya ang kaguluhan doon. "Ha! Sino ang nagbigay sa inyong permiso na pumasok dito, ha? Kayong mababang uri ng tao at taong-hayop ay hindi nakakarapat na umapak dito sa bahay ng mga Yuen! Dalhin ninyo sila sa silid ng parusahan at pukpokin ng dalawampu beses!" Utos ni Jamal sa kasama nito. Taas-baba ang dibdib ni Meisha at mariin pinikit ang kanyang mga mata. Nang makita ni Alice ang reaksyon ng amo, kahit na hindi halata sa ekspresyon, ay batid nito na hindi maganda ang mood ni Meisha. ‘Nandito na naman ang matandang huklaban—blop!’ Bago pa makalapit ang dalawang lalaki na kasama ni Butler Jamal, isang iglap ay tumilapon ang mga ito at tumama sa dingding. Booogshh! Nanlaki ang mga mata ni Butler Jamal at napanganga sa nasaksihan. What the f**k just happened?! Sa sobrang bilis ng pangyayari, tanging si Jamal lang ang nakasaksi sa nangyari maliban sa grupo nito. Kabilang sa mga alipin na nagtatrabaho sa sambahayanan na ito ay marunong ng martial arts at sumailalim sa matinding training kaya pano natalo ang mga ito? "Tanda, tahimik lang kaming nagtatrabaho rito at gustong-gusto ko na matapos ang trabahong ito tas pumunta ka pa rito para istorbohin ako? Naghahanap ka ba nang gulpi?” Pinatunog pa ni Barette ang isang kamao sa sobrang inis, “Kahit na matanda k—" Clap! Clap! Napahinto sa pagsasalita si Barrette nang may narinig itong pumalakpak ng dalawang beses, lahat ng mga tao na nando’n ay sabay na napatingin sa iisang direksyon. They saw a white haired girl with silvery-line white robe figure amble in their direction with a serene expression. "Umalis lang ako ng ilang oras dito sa patyo tas ito ang matatagpuan ko. Ano ba ang problema at kailangan pa ninyong lumikha ng gulo dito, Jamal?" Her eyes narrowed at the old man. "Narinig ko kanina na nagdala ka nang hindi kilalang tao rito, sinisiguro ko lang ang kaligtasan ng mga tao rito sa sambahayanan na ito at isa pa, kung gusto mo kumuha ng katulong ay kailangan mo rin ng permiso mula kay Madame Julia.” "Anong—" Aangal sana si Barette pero nang makita nito ang mata ni Meisha na kasing lamig sa yelo ay pinili na lamang nitong tumahimik. Opening his mouth again will only be pouring the oil to the fire. "Isa pa, matagal na ako sa serbisyo na ito. Ako at ang Madame ang namamahala sa loob ng pamamahay na ito kaya lahat ay may proseso at kasama na doon sa pagtangap ng tauha—" "Itikom mo muna `yang bibig mo, tanda. Kahit na ikaw pa at ng madame ang namamahala dito ay wala rin kayong karapatan kung tatanggap ako ng tauhan dito o hindi. Sarili kong pera ang ginagamit ko para ipangbayad sa kanila at hindi sa inyo. Higit sa lahat kung maari lang ay huwag mo kalimutan ang lugar mo at kung sino ka. Umalis na nga kayo at huwag ninyo istorbohin ang trabaho ng tauhan ko rito!” She said emphatically, didn't even spare him a chance to speak up. "Baka nakalimutan mo kung sinong pamilya ang inaapi mo, akala mo ba na hindi ito malalaman ng lolo ko ang ginawa mo? Kahit na ganito ako ay nakakasiguro ako na hindi niya hahayaan ang isang katulong na apak-apakan ang isang membro ng yuen lalo na’t apo nito.” She harrumphly flip her wide-sleeves and turned her back against them. Malalaki ang hakbang na naglakad siya palayo rito. The old fool and his co. almost vomit blood, anak ng lelang mo! Minsan ka lang binigyan ng pansin ng Heneral at ganito na kakapal ang mukha na magsumbong?! Did this third miss eat the lion and bear's gall?! Really, isusumbong talaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD