Kumalat ang balita tungkol kung pano ginulpi si Butler Jamal at grupo nito ng bagong tauhan ni Meisha. Sa hindi malaman ay tahimik ang kabilang panig, naging dalawang araw, isang linggo hangang sa maging buwan. Tuluyan na din humupa ang balitang `yon at napalitan ng tuwa dahil nakatangap sila ng mensahe mula kay Master Balcan at kay Señorito na babalik silang dalawa dito galing sa southern border dahil tapos na nilang supilin ang maraming tulisan na nagtatago doon.
Sa mga araw din ito, tapos na ng mga tauhan niya na ayusin ng kanyang patyo. Ang dating sira-sirang bahay ay ngayon disente na. Kung gugustuhin ni Meisha ay kaya naman niyang ibalik sa dati ang bahay niya, gamit ang 「Restoration」, pero naisip niya na baka makahalata ang ibang tao sa loob ng pamamahay na ito.
Hindi sa takot na malaman nila kundi dahil gusto lang niyang mag-ingat, kahit na sabihin na may malaking pagbabago sa kanya ay isang bagay lang ang ayaw niyang malaman ng iba at iyon ay malaman nila na may kakayahan siyang gumamit ng mahika. Ang nangyari ngayon at kilos niya ay mabibigyan rin naman ng katwiran lalo na’t hindi naman sekreto rito na natalo si Lavina at kaibigan nito no’ng nakaraang araw at ngayon may malaking pera siya ngayon para makabili ng battle slaves at kung ano pang bagay.
Isa pa, mahirap na at baka may makasanga pa siyang malakas na tao maliban sa mga kapatid at pinsan niya dito.
Tahimik lang na naglalakad si Meisha pero sa hindi malaman ay muntikan na siyang bumuway nang tila nakaramdam siya ng pagkahilo at naririnig ng hugong mabuti na lamang at naagapan iyon ni Phyliss gamit ang kapangyarihan nito.
'Master, anong nangyari sa`yo—blop?' Nag-aalalang tanong ni Phyliss sa kanya, nasa anyong ear cuff and earrings parin ito.
Subalit bago pa tumugon si Meisha kay Phyliss ay bigla siyang nakaramdam ulit ng pagkahilo at kasunod niyon ay pananakit ng kanyang buong katawan na may kasama pang hugong na umalingawngaw sa tainga niya. Tinaas niya ang dalawang kamay at takpan ang tainga ngunit wala parin silbi iyon. Tinangka niyang gumamit ng mahika at nagbabasakaling mawala `yong hugong na naririnig niya ngunit bago pa niya magawa iyon ay nawalan siya ng malay.
~**~
Hapon na nang nagising si Meisha at natagpuan ang sarili na nasa kanyang kwarto. Medyo sumasakit parin ang ulo niya ng bumangon siya sa pagkahiga mula sa kama.
“Mabuti naman at gising ka na pala, Señorita!” Naging maaliwalas ang mukha ni Alice nang pumasok ito sa loob ng kwarto at nakitang gising si Meisha. “Mayroon po ba kayong dinadaramdam na sakit o ano pa?” Tanong nito. Umiling lang si Meisha, maliban sa saglit na sumakit `yong ulo niya ay wala na siyang naramdaman na kahit ano pa man na sakit. “Lumabas nga po pala sina Ezperanza at Wanwan kanina para tumawag ng doktor.” Imporma nito sa kanya tas nagsalin ng tubig sa tasa at ibinigay sa kanya bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Pero hangang ngayon ay hindi parin sila dumarating.” Nakakunot ang noo nito.
Bumaling si Meisha rito.
“Ilang oras ba ako nawalan ng malay?” Tanong niya matapos inabot ang tasa binigay nito at sinimsim `yon upang mabasa-basa ang kanyang tuyong lalamunan.
“Apat na oras na ang nakalipas no’ng nawalan ka ng malay, Señorita.”
Apat na oras! Matagal din pala siyang nawalan ng malay! Pinilig niya ang kanyang ulo tas pinaalis muna sa kwarto niya si Alice.
Matapos nitong umalis ay agad naman lumitaw sa harap niya si Phyliss.
“Master, okay na po ba kayo?!”
“Huwag kang mag-alala, Phyliss, okay na ako.”
“Pero anong nangyari? Ba’t nagsimulang nakaramdam ka ng sakit? Mayroon ka bang sakit na hindi mo sinasabi sa akin—blop?!” Sunod-sunod nitong paulan ng tanong sa kanya. Hindi rin naman niya ito masisi lalo na’t sa nangyari sa kanya noon sa dati niyang buhay.
“Hindi ko alam, Phyliss. Wala naman akong dinadaramdam na sakit kanina maliban sa bigla ko narinig isang matinis na hugong.”
Dahil silang dalawa lang naman dito ay malayang nagsalita siya. Maliban kay Alice na nanatili rito, ang iba ay nakakasigurado siya na hindi pa nakabalik lalo na’t `yong tatlong lalaki. Inutusan kasi niya ang mga ito kaninang umaga na bumalik sa downtown para kunin `yong customize na sandata na binili no’ng isang araw. Hindi kasi nila iyon nakaha agad.
“Hugong? Anong hugong? Wala akong narinig na hugong kanina—blop.”
Sa narinig niya, nahulog sa malalim na pag-iisip si Meisha. Wala? So, ibig sabihin niyon, siya lang pala ang nakarinig no’n?
Isipin palang ni Meisha iyon ay nagkasalubong ang dalawang kilay niya. Sa totoo lang, kahit na naranasan niya ang matinding sakit sa katawan kanina, hindi parin iyon nag-iwan sa kanya ng takot na maranasan niya ulit iyon. She had live for second lifetime, ilang beses na siyang nakaranas ng mas matindi pa rito. Ang tanging kinatakot lang niya ay baka mamatay na naman siya ng wala sa oras.
This time made her become more vigilant, alam niya na hindi ito isang pangkaraniwang itong nangyari sa kanina kanina. Pananakit ng ulo at katawan na halos manginig ang buong buto niya sa sakit. It was not that long when she had recuperated after being bedridden a couple of months ago, those days she had suffered before she recalled her past life memories were still fresh in her mind. That pained she felt awhile ago almost exactly the same as she felt when was bedridden before.
It was only speculation before, but now she finally confirmed that someone is trying to kill her! Pero sino? Sa dami ng tao na gustong-gusto siyang maglaho sa buhay nila ay hindi niya matukoy kung sino sa kanila ang totoong mastermind.
Napaungol siya sa inis.
Sa aksyon niya, hindi maiwasan na mas lalong mag-alala si Phyliss. Akala kasi nito na nakaramdam na naman ito ng sakit. Biglang kinuha nito sa interpatial storage space nito ang maliit na corellian. Mababang uri na corellian iyon pero nakakasiguro ito na kahit pano ay kaya niyon maibsan ang sakit na naramdaman ni Meisha.
“Salamat pero wala akong naramdaman na sakit ngayon.”
“Kahit na, gamitin mo parin para naman magkaroon ka ng lakas ngayon. Pagtiyagaan mo na ito, nakuha ko pa ito sa mababang uri ng magical beast no’ng pauwi ako rito sa bahay mula tavern.”
Kahit ayaw ni Meisha ay sinunod na lang niya ang sinabi ni Phyliss. Tama nga ang sinabi ni Phyliss. Kahit pano ay bumalik ang lakas niya ngayon at nagbigay rin iyong essence ng corellian ng ginhawa sa kanya.
Iba ang demonic beast kay sa magical beast, ang demonic beast ay isang uri ng halimaw na mas agresibo at pinakamahirap na paamuin, hindi rin sila pwedeng kainin dahil marumi ang enerhiya nito maliban na lang siguro kung gagamitan ito ng purify magic. Kapag may isang tao kasi ang kumain ng karne ng demonic beast ay mawawala ang mga ito sa katinuan at magiging uhaw na uhaw sa dugo. Sa magical beast naman ay kabaliktaran ito sa demonic beast, para bang isa lamang ang mga itong ordinaryong hayop na nagkataong nag-evolve mula sa karaniwang hayop at nagkaroon ng kakaibang abilidad.
“Ano nga ulit `yong tinutukoy mong may naririnig kang hugong—blop?” Nanatiling hindi parin maipinta ang hitsura ni Phyliss ng tinanong siya nito ulit tungkol do’n.
Nagpakawala ng buntong hininga si Meisha, “Alam mo naman ang kasalukuyan kong sitwasyon ngayon.” Bumaling siya sa sidetable kung saan nakapatong ang maliit ang plorera na may sariwang rosas.
Of course Phyliss fully aware about her predicament. Ever since her master was born here in this world a lot of people has prejudice against her because of appearance. Bumuntong hininga ng malalim si Phyliss. It was not like she hadn’t seen much worst situation than her current master situation, still Phyliss couldn’t help but feel frustrated. After her master death, she was hoping that her master will be able to reincarnated into a good family but reality hit her. Ano ba ang pinagkaiba noon at ngayon?
Kinuha ni Meisha ang isang tangkay ng rosas at iniikot iyon sa pagitan ng dalawang daliri niya. Dumilim ang mukha niya at saka malamig na sinabing, “May isang taong gusto akong saktan.” Biglang hinawakan niya ng mahigpit ang tangkay ng rosas na dahilan para matusok ang kanyang palad mula sa tinik ng rosas.
Naalarma naman si Phyliss nang makitang tumutulo ang dugo mula sa sugat ng amo nito. “Kung umalis na lang tayo rito—blop? Hindi na natin kailangan pa manatili rito lalo na’t may pera na tayo—blop.” Inungkat na naman ni Phyliss ang payo niya noon. She was truly disgusted with this place. Minsan na nito iminungkahi ang tungkol sa pag-alis rito sa bahay pero tinangihan ito ni Meisha dahil nga hindi pa sila ready na umalis sa pader ng yuen.
Ngunit iba na ngayon, mayroon na silang pera at kahit na umalis sila sa pamamahay na ito, hindi na nila kailangan mag-alala na mamatay sila sa gutom dahil walang pera.
Siyempre, alam ni Meisha kung anong iniisip ni Phyliss. Kung gusto niyang umalis rito sa pamamahay, mas makakabuti na gawin nila ng mas maaga lalo na’t kasalukuyan wala rito ang Heneral at ang iba pa.
Isa pa, may importante pa siyang kailangan gawin at iyon ay hanapin ang iba pang celestial spirit niya na ngayon ay hindi niya alam kung saan lupalop sila napadpad.
“Mas makakabuti pa nga na umalis rito.” Sinang ayunan naman ni Meisha ang mungkahi ni Phyliss.
Umalis siya sa kanyang kama at dinampot ang malinis na panyo na nasa sidetable. Tinapon niya ang tangkay ng rosas at sinimulan punasin ang duguang kamay.
“Talaga—blop?!” Paninigurado nito sa kanya.
“Oo, kelan ba ako nagsinungaling sa`yo?”
“Yes!” Masayang pumalakpak ito at umiikot sa sobrang saya pero agad rin itong napahinto at umayos na humarap sa kanya. “Sabi mo iyan ha—blop. Siya nga po pala, nasaan ba ang katulong mo—blop? Aba, papalubog na ang araw at hindi pa sila—ah—blop—blop! Saan ka po pupunta—blop?” tanong nito sa kanya. Sumunod ito sa kanya ng makita si Meisha na lumabas ng bahay.
“Nagugutom na ako,” Maikling sagot niya. Eksaktong paglabas niya ay nakita niya si Alice na naglalakad patungo sa likod ng bahay na may bitbit na palayok. Mukhang magluluto na ito ng makakain para sa kanya. Wala siyang kusina dito sa patyo niya kaya sa labas na lang niya pinapaluto.
Nagkibit balikat siya at saka naglakad palabas ng patyo. Mula kasi dito sa entrance ng kanyang patyo ay makikita ang isang puno ng melokoton. Nang may nakita siyang isang bunga doon ay naisipan niyang pitasin iyon para naman kahit pano ay maibsan ang gutom niya ngayon.
Huminto siya sa harap ng puno at nag-angat ng tingin. Napabuntong hininga siya. Isang bunga na lang talaga ang meron dito, hay naku, hindi bale na nga. Marahan hinawakan niya ang katawan ng puno, mas matanda pa ang punong ito kesa sa kanya. Sa hindi malaman, nagsimula na naman naglalaro sa memorya niya ang isang imahe ng batang babae. Humihingal ito na pumasok sa loob na sira-sirang kwarto at napaupo sa sahig habang mahigpit na hinawakan ang isang bilog na prutas.
‘Meicha! Nagnakaw ka na naman ba ng prutas ha! Buksan mo itong pinto ngayon din!’
Napagitla naman ang batang babae ng marinig niya ang malakas na katok mula sa pintuan. Sa takot na kukunin ng matandang babae na nasa labas ng kwarto ang prutas ay sinimulan ng batang babae na lamunin `yong hawak nitong prutas. Umiiyak ito habang patuloy lang kinakain ang prutas.
Nang maalala `yon ay biglang napaatras si Meisha. Taas-baba ang kanyang dibdib, parang nakaramdam siya ng paninikip sa dibdib. Mabuti na lamang at hindi `yon napansin ni Phyliss. Mabilis na pinilig niya ang ulo, sinuri muna niya ang paligid at nang makasiguro na walang tao ay mahinang kinumpas niya ang daliri, kasunod niyon ay nagsimulang umuugoy ang sangay ng puno na dahilan upang mahulog ang nag-iisang melokoton na nakabitin doon. A swirl of wind caught the fruit at dinala sa mga kamay ni Meisha.
Hinati niya sa dalawa ang melokoton at binigay ang kalahati kay Phyliss.
Nang makabalik ulit sila sa kwarto ay ubos na ang kanilang melokoton. Hindi pa `yon gaanong hinog kaya medyo matigas at ang lasa ay hindi rin gano’n katamis.
Dumiretso siya sa lumang aparador at kinuha mula roon sa loo bang bagong bili niyang interpatial storage bag at nagsimulang ipasok roon ang mga gamit niya. Kunti lang ang mga damit niya kaya hindi siya natagalan na ipasok ang mga iyon sa bag niya. Pagkatapos niyang mag-empake ay tumungo sa cabinet ng altar na nasa tabi lang ng aparador. Binuksan niya iyon at tanging makikita sa loob ay isang placard na napagitnaan iyon ng incense burner.
Pumatong si Phyliss sa balikat niya at binasa ang nakasulat do’n sa placard.
"Bierness Windham? Sino po ito—blop?" Nagtatakang tanong ni Phyliss.
Hindi nagdalawang isip si Meisha na damputin ang placard at burning incense at pinasok sa loob ng bag.
"Pangalan ng ina ko." Bahagyang sinulyapan niya si Phyliss na tila nagtataka parin. In her previous life, wala siyang kinagisnan na magulang at naiwan siya sa pangangalaga ng kamag-anak ng kanyang ama ngunit hindi rin naman siya nagtagal roon sa pangangalaga ng mga ito dahil sa isang trahedya na ayaw na niyang maalala pa. Simula ng tuluyan ng namatay ang mga ito ay wala ng ibang kamag-anak na gustong ampunin siya kaya naman dinala siya sa bahay ampunan.
Dahil isa lamang sa mga babae ng kanyang ama ang ina niya, hindi ito binigyan man lang ng matinong libingan. "Nakakahinayang talaga, sa lahat ng tao nakilala at inibig niya ay tao pang iyon.” Bulong siya sa hangin. Isasara sana niya ang cabinet ng altar ng biglang may narinig siyang sagitsit ngunit bago pa tumama ang bagay na iyon sa likod ng dalaga ay sinangga iyon ni Phyliss.
Dumilim ang mukha ni Meisha nang makita ang palaso. Hindi kailangan mag-alala ni Meisha rito dahil yari sa tubig ang pisikal nitong katawan at hindi masasaktan sa isang simpleng palaso lalo na’t kung may lason. Hindi kasi ito tinatablan ng kahit anong lason. Subalit kahit na wala man nasaktan sa kanila ay hindi ibig sabihin niyon na ipagsawalang-bahala niya ang nangyari.
Gano’n ba sila ka desperadong patayin siya?
It can be seen that the preperator overunderestimate her and think that they could easily killed by mere arrow.
"Phyliss."
"Yes, master, blop~?"
"Ikaw na ang bahala sa kanya."
"Masusunod."
~**~
Sa hindi kalayuan, may isang lalaki na nakasuot ng itim na damit at maskara na nagtatago sa mayabong na puno. Lihim siyang napamura nang hindi siya nagtagumpay sa ginawa. Anong nangyari? Bakit hindi tumama sa katawan ng target niya ang palaso at ano `yong lumulutang sa likod ng babae?
Pero sa isang iglap ay naglaho rin kaya hindi maiwasan niya kung namalikmata ba siya o hindi.
He stealthily approaches the room where his target currently resided, nakahanda na ang crossbow nito. This time, hindi na siya sasablay. Naniniwala ang taong ito na nakatiyamba lang ang babaeng ito.
"Found ya!"
Nagulantang ang taong nakaitim nang makitang isang kakaibang maliit na nilalang—kakaiba dahil buong katawan nito ay isang tubig! Her eyes were full of killing intent while smiling at him with innocent smile.
H-halimaw! Saan lupalop nanggaling ang halimaw na ito?! Ba't hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya?! Tangina! Sabi niya wala ito sa impormasyon na binigay niya, ah?! s**t!
"Master's mad, very mad~! And now this is your end~"
Her body started distorting and expanding, before the man in black escaped, he was already engulfed by the water monster.
"Huwag kang lalapit—ahhh!!!!!!!!!!"
Walang kalaban-laban na nilamon ito nang buo at tuluyan nang nalagutan ng hininga.