#BetweenYouAndHim
EPISODE 5
Unti-unting iminulat niya ang kanyang mga mata. Inadjust ang linaw ng mga paningin pero kaagad rin siyang napapikit muli dahil nakaramdam siya ng pananakit ng ulo. Napahilot siya sa kanyang sentido.
Ni-relax muna niya ang sarili bago muling imulat ang kanyang mga mata. Napansin niyang nasa hallway pala siya ng condominium at doon nakatulog. Bahagya siyang natawa sa sarili. Naalala niya na sobra ang kalasingan niya kagabi kaya ito, natulog siya sa labas ng tinitirhan niyang condo.
Dahan-dahan siyang tumayo. Medyo nakakaramdam pa siya ng hilo pero kaya na niyang dalhin ang sarili niya. Kinuha niya mula sa bulsa ng suot niyang pantalon ang susi ng condo niya. Tumapat siya sa kaliwang pinto at inulusot sa susian ang susing hawak-hawak at nagbukas iyon. Nang mabukas niya iyon ay pumasok siya roon.
Kaagad niyang tinungo ang sofa at doon ay inihiga naman ang sarili. Nakahiga lang siya at hindi tulog dahil ang mga mata niya’y nakatitig ngayon sa puting kisame ng tinitirhan niyang condo.
“Ano na naman kayang ginawa ko kagabi?” tanong nito sa sarili. Hindi niya maalala ‘yung mga nangyari sa kanya sa nagdaang gabi. Ganun kasi siya, kapag sobra ang kalasingan ay wala siyang naaalala sa mga pinaggagagawa niya kung meron man.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Kaya lang naman siya naparami ng inom kagabi sa pinuntahan niyang bar ay dahil sa wala lang. Gusto lang niyang uminom.
Kaagad siyang napaupo sa sofa ng maramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Kinuha niya iyon sa kanyang bulsa at nakita niya mula sa screen nito ang pangalan ng kanyang mommy na nagtext sa kanya. Binasa niya ang text.
“Hello Anak… Are you ok? Oo nga pala, baka one of these days ay pumunta ko diyan sa condo mo to give your allowance… Kung hindi man ako makapunta ay idedeposit…”
Hindi na lamang niya ipinagpatuloy ang pagbabasa sa text ng mommy niya. Hindi na rin niya naisipan na replayan ito. Ipinatong na lamang niya ang phone niya sa katabing mesa ng sofa. Napabuntong-hininga siya.
Aaminin niya, Kahit na ilang taon na rin ang nakalipas simula ng mangyari ang lahat ay hanggang ngayon ay may tampo siya sa kanyang mommy, hindi lang sa kanyang mommy kundi pati na rin sa kanyang daddy. Paano naman kasi, hindi man lang inisip ng mga ito ang mararamdaman niya sa mga ginawa ng mga ito. Hindi man lang nila naisip na sa ginawa nila, labis siyang masasaktan. Nag-iisa pa naman siyang anak ng mga ito. Ngayon nga ay may sari-sarili ng mga pamilya ang mga ito at doon ay nagkaroon rin siya ng mga kapatid. Sa pagkakaalam niya, naka-base na ngayon at doon na nakatira sa US ang bagong pamilya ng daddy niya kaya hindi na rin niya ito nakikita, nakakausap lang niya sa tuwing tatawag ito sa kanya para kumustahin habang ang bagong pamilya ng mommy naman niya ay doon sa Davao nakatira. Minsan na nga lang sa isang taon kung puntahan siya nito. Ni-minsan ay hindi pa niya nakita ang mga bagong pamilya ng magulang at wala siyang balak na makita ang mga ito.
Pakiramdam nga niya, kahit na ibinibigay ng mga ito ngayon ang luho at kung ano-ano pa, wala nang pakielam pa ang mga ito sa kanya. Kunsabagay, may sari-sarili na rin naman silang buhay kaya pabayaan na lang. At least, sa materyal na bagay ay hindi naman siya pinababayaan ng mga ito.
18 years old siya nun ng maghiwalay ang kanyang mommy at daddy. Grabe, gulat na gulat nga siya nung mga panahong iyon dahil sa desisyon ng mga ito. Hindi rin naman niya masisisi kung maghiwalay ang mga ito dahil nga sa araw-araw na lang ay nagbabangayan ang mga ito dahil lamang sa mabababaw na dahilan. Wala naman silang problema sa pera dahil mayaman naman sila pero hindi lang pala iyon ang pwedeng maging isa sa dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa, marami pa palang iba.
Doon nagsimula ang hindi na niya pagseseryoso pagdating sa pag-ibig. Ang tingin niya kasi, kapag nagkaroon siya ng minamahal, baka matulad rin sila sa mommy at daddy niya na eventually, maghihiwalay rin. Kaya paiba-iba rin siya ng mga nakakarelasyong babae. Habulin rin naman kasi siya ng mga ito dahil sa angkin niyang kagwapuhan at pagiging matipuno. Pero sabi nga, hindi niya sineseryoso ang mga ito, hanggang kama lang ang nagiging ugnayan niya sa mga ito at pagkatapos, wala na. Itatapon na lang niya na parang condom na pagkatapos gamitin, dispatcha na.
Kung nandito lamang sana ang Lolo’t Lola niya, sana hindi siya nag-iisa ngayon, mas close pa nga siya sa mga iyon kumpara sa mga magulang niya. Hindi pa man kasi naghihiwalay ang mga magulang niya nun, puro trabaho na ang mga inatupag ng mga ito pagkatapos kapag uuwi naman, magkakaroon ng laban ni Pacquio. Hindi man lang siya naaalagaan ng mga ito. Malayo na nga ang loob niya sa mga ito nung hindi pa naghihiwalay ang mga ito, mas lalo pang napalayo ang loob niya sa mga ito nang maghiwalay na ang mga ito.
But sadly, the same year after maghiwalay ng mommy at daddy niya, namatay rin ang lolo’t-lola niya. Magkasunod na buwan pa. Grabe, napakamalas nga ng taon na iyon sa buhay niya.
Pero wala na siyang magagawa pa. Nangyari na ang lahat at ngayon ay nag-iisa na lamang siya sa buhay. Nag-iisang nakatira sa condong ito. Hinihintay ang padala ng mga magulang sa kanya at namumuhay na masaya… Masaya nga ba?
Oo nga pala. bago ko makalimutan, siya nga pala si Kameon Ace Del Castillo, 27 years old, pure Filipino. He’s a happy go lucky guy. May pagkaisip-bata rin kung minsan. Lahat ng gusto niya ay nagagawa niya. Sa edad na 27 anyos ay wala pa itong kahit isa na nagiging trabaho dahil na rin sa sustento at luho na ibinibigay sa kanya ng mga magulang na siyang pampalubag loob ng mga ito sa kanya. Doon pa lang sa mga ipinapadala ng mga ito, buhay na siya at sobra-sobra pa. Ang mga magulang nga niya ang bumili ng condong tinitirhan niya ngayon eh. Sayang nga lang iyong tinapos niyang kurso na business management sa isang kilalang university kasi hindi naman niya nagagamit. Pero kung maisipan man niyang magtrabaho, gagawin niya. Alam naman niyang kaya niyang magtrabaho dahil may laman naman ang utak niya at magaling rin siya sa mga bagay-bagay.
With his pure black eyes, siguradong titili sa kilig ang mga babaeng tititigan niya. Dagdagan pa ang gwapo niyang mukha, tangkad na nasa 6’1 na bumagay sa matipuno niyang katawan na may maumbok na dibdib, 6 packs at v line, at ang pinakamalupit ay ang kanyang killer smile, siguradong hindi lang maglalaway ang mga bibig ng babae kapag siya’y nakita kundi pati ang mga ibabang bahagi ng mga katawan nito ay siguradong mamamasa. Grabe rin kasi ang s*x appeal nito sa paningin ng ibang tao.
Kaya nga wala siyang magagawa kung habulin man siya ng mga babae. Biyayaan ba naman kasi siya ng gwapong mukha na gustong-gustong makita ng mga babae. Napapailing na nga lamang siya sa tuwing titingnan siya ng mga ito na may halong pagkamangha at pagnanasa pa.
Pero ang hindi alam ng karamihan at kaunti lang ang nakakalaalam, may kakaiba sa kanyang pagkatao. Natuklasan niya ito nung 16 years old pa lamang siya. Nalaman niya sa kanyang sarili na nagkakagusto siya sa kapwa niya lalaki. Nagkaroon kasi siya ng crush nung high school siya na isang basketball captain. Hindi niya ito personal na kilala at mas matanda sa kanya. Graduating na nga yata ito nung panahong nakita niya ito. Hindi naman ganun kagwapuhan, actually, mas gwapo pa nga siya pero talagang tinamaan siya roon. Hindi nga lamang niya pinahalata at inilabas sa iba na may ganun siyang klase na nararamdaman dahil ayaw niyang may makaalam. Hanggang ngayon, lihim pa sa nakakarami ang sikreto niya. Nilabanan rin naman ang pagiging ganito niya pero wa epek pa rin. Kapag nga minsan ay nakakakita siya ng lalaking malakas ang dating sa kanya, talagang mapapatingin siya rito at makakaramdam siya ng kakaiba.
Hindi naman sa hindi niya tanggap ang kakaiba sa kanyang pagkatao, actually, matagal na niyang natanggap iyon, ang ayaw lang kasi niyang mangyari kaya hindi niya inilalantad sa iba ang kakaiba sa kanya ay ang panghuhusga ng ibang tao. Alam naman kasi niya na sa mundong ito, maraming mapanghusga. Hindi nag-iisip kung masasaktan ang taong kanilang hinuhusgahan. At iyon ang ayaw niya, ang mahusgahan ng mga taong may makikitid na utak.
Pero sa kabila ng pagiging ganito niya. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan niya na humalik o makipagniig sa isang kapwa lalaki. Ewan ba niya kung ayaw lang talaga niya o sadyang hindi pa lang siya handang gawin ang bagay na iyon. Kaya mga babae lang ang nakakatikim sa kanya at sa galing niya sa ibabaw ng kama. Wala pang kapwa niya ang nakakatikim roon.
Wala rin siyang mga kaibigan. Gaya ng paniniwala niya pagdating sa pag-ibig, ganun rin ang paniniwala niya pagdating sa pagkakaroon ng kaibigan. Alam niyang iiwan rin siya nito sa ere. Minsan naman talaga ganun ang nangyayari kaya hindi niya rin hinahayaan ang sarili na magkaroon ng kaibigan at ma-attach roon. Hindi rin niya hinahayaan ang sarili na mahulog ang loob sa iba. Kaya hanggang ngayon, ni-first love ay wala siya. Hindi pa niya nararanasan ang umibig sa buong buhay niya. Hanggang tingin at crush lang siya.
Aminado siya, takot siyang masaktan at maiwan. Tama na iyong naramdaman niyang matinding sakit sa nangyari sa magulang niya. Tama na iyong sakit na hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya. Hindi man na ganun kagrabe ang sakit gaya nung una dahil tanggap na niya sa sarili ang lahat ng nangyari pero ayaw niya pa rin kaya hangga’t maaari, umiiwas siya. Marami man siyang nakikilala at nakakakita sa kanya na siya’y masaya pero sa likod nun ay isang lalaking natatakot, nalulungkot at nasasaktan.
Muling nahiga si Kameon sa sofa, muling napatitig sa puting kisame ng may kalakihan at modern and manly style niyang condo. Pamaya-maya ay napabuntong-hininga ito.
Tumagilid ng higa si Kameon. Nakita ng mga mata niya ang gitara niya na nakapatong sa gitnang mesa ng living room niya. Ang lumang gitara niya na mataas ang sentimental value para sa kanya. Napangiti siya ng mapait. Dati, hilig niya ang tumugtog nito. Lagi niyang dala ang gitara niya. Magaling nga siya kaya marami rin ang humahanga sa kanya nun kapag siya’y tutugtog sa kung saan mang lugar niya maisipang puntahan. Pero nung 18 years old na siya at nangyari ang lahat ng malulungkot na kaganapan sa buhay niya, hindi na niya ninais pang tumugtog nito. Tumigil siya sa pagtugtog. Ang dahilan lang rin naman kasi niya kapag siya’y tumututog ay dahil sa masaya siya pero ngayon… Hay!
“Kailan kaya kita muling matutugtog?...” ang sabi nito sa sarili habang nakatitig ang mga mata sa gitara.
-END OF EPISODE 5-
#BetweenYouAndHim
EPISODE 6
“My OO… Bibili lang ako ng pagkain nating dalawa diyan sa labas huh…” bulong na sabi ni Khiro kay Howard na hanggang ngayon ay tulog pa rin.
Napabuntong-hininga ito. Alam naman kasi niya na kahit anong sabihin niya rito ay hindi nito magagawang sumagot sa kanya. Namimiss niya tuloy na marinig ang boses nito.
Hinalikan niya sa noo si Howard bago lumabas ng hospital room nito.
Nakalabas na siya ng hospital at kasalukuyang patungo sa pinakamalapit na convenience store.
Nang nakarating siya roon ay kaagad siyang pumasok. Naghanap ng mga bibilhin.
Dalawang ready to eat lunch, dalawang bottled water at ilang chichirya ang mga napili niyang bilhin. Kahit na alam niyang siya lang ang makakakain ng mga ito at siguradong maraming matitira dahil hindi naman makakakain si Howard ay kasama pa rin niyang ibinili ng pagkain ang kasintahan. Malay niya kung gumising na ngayon si Howard, at least may nakahanda ng pagkain para rito.
Pagkatapos niyang pumili ng mga pagkain ay pumila na siya sa cashier. Pang-apat siya sa mga taong nakapila.
Pamaya-maya ay naramdaman ni Khiro na may pumila sa may likod niya. Hindi niya maintindihan pero parang naamoy na niya sa kung saan ang pabangong gamit ng taong kakapila lang. Parang pamilyar sa kanya.
Hindi na lamang niya iyon pinansin at hindi na lang rin niya nagawang tingnan ang taong iyon. Ang alam lang niya, lalaki ang nasa likod niyang nakapila rin ngayon dahil lalaki lang naman ang kadalasang gumagamit ng amoy ng pabango nito.
Pamaya-maya ay siya na ang susunod na ipapunch ang mga pinamili. Napabuntong-hininga siya dahil nababagalan siya sa kilos ng mga taong nasa cashier.
Nagulat na lamang si Khiro ng biglang napadikit sa likod niya ang harapang bahagi ng katawan ng lalaking nakapila sa likuran niya kaya napatingin siya rito na may inis sa mukha.
“May prob… Ikaw?” gulat na gulat na sabi na tanong ni Khiro ng makita ang mukha ng lalaking nasa likuran pala niya.
Nagsalubong naman ang magkabilang kilay ng lalaki dahil sa pagtataka habang nakatingin kay Khiro.
“Ahm… Sorry, naitulak kasi ako kanina kaya napadikit ako sayo…” sabi ng lalaki sabay bigay ng pilit na ngiti. Infairnes, lalaking-lalaki ang boses nito. Bilog at buong-buo.
Nakatitig lamang si Khiro sa lalaki. Aminado siya nung unang kita pa lamang niya rito nun ay nagwapuhan na siya rito kahit tulog, lalo na ngayon at buhay na buhay pa ang diwa nito at nakadilat ang mga mata. Napakaganda ng mga mata nitong kasing itim ng gabi.
“May problema ba… Pare? Parang kilala mo ako…” tanong at sabi ng lalaki.
Umiwas ng tingin si Khiro. Hindi sumagot sa tanong nito. Napabuntong-hininga.
‘Hindi pala niya naaalala… marahil ay dahil sa sobrang kalasingan niya kaya hindi niya maalala iyong panggugulo niya sa akin nung nakaraan…’ sabi nito sa isipan.
“Pare…” pagtawag sa kanya ng lalaki.
Hindi na lamang iyon pinansin ni Khiro. Hanggang sa siya na ang nasa harapan ng cashier at iniisa-isa ng i-punch ang mga pinamili niya at isinupot. Pagkatapos gawin iyon ng taong nasa cashier ay nagbayad na siya at pagkabayad ay kaagad niyang kinuha ang mga pinamili at dali-daling lumabas at umalis sa lugar na iyon.
Napapakamot naman sa ulo ang lalaki na nakasunod lamang ang tingin kay Khiro. Mababanaag sa expression ng mukha nito ang pagtataka. Para pang may nag-uudyok sa kanya na sundan si Khiro. Para kasing kilala siya nito base sa pagtingin sa kanya. Alam naman niyang gwapo siya at kahit na ang ibang lalaki ay napapatingin sa kanya pero iba kasi ang tingin nun sa kanya. Parang pati ang kaloob-looban niya ay kilala nito.
Nagmamadaling naglalakad ngayon si Khiro pabalik muli sa ospital. Hindi pa man siya nakakalayo sa pinuntahang convenience store ay nagulat na lamang siya ng sobra ng may biglang humawak sa kanyang braso dahilan para muntikan na niyang maihampas sa taong humawak sa kanya ang supot ng pinamili niya. Nabitawan rin siya nito kaagad.
“Hep! Hep! Hep! Hindi ako holdaper…” sabi ng lalaki na kaagad na nakaiwas sa nagbabadyang paghampas sa kanya ng supot. Nakataas pa ang dalawa nitong kamay at nakatingin kay Khiro.
Nagulat na naman si Khiro at napatigil ang kamay na may hawak na supot sa ere. Nanlalaki ang mga matang nakatingin siya ngayon sa lalaki.
Ibinaba naman ng lalaki ang nakataas na dalawang kamay.
“Huwag kang matakot sa akin… Gusto ko lang magtanong… Saka pasensya ka na kung sinundan pa kita huh… Nagtataka lang kasi ako… Parang kilala mo ako. Nagkita na ba tayo dati or….”
“Hindi…” sagot agad ni Khiro at kaagad na tumalikod sa lalaki at naglakad palayo rito.
Pero sadyang makulit ang lalaki at sinundan siya nito sa paglalakad.
“Pero kasi… parang kilala mo ako eh… Kaya…”
Napatigil sa pagsasalita at paglalakad ang lalaki dahil biglang huminto si Khiro sa paglalakad at tiningnan siya.
“Huwag mo akong sundan Ok… Hindi tayo magkakilala…” matigas na sabi ni Khiro.
“Pero…”
Napatigil muli ang lalaki sa sasabihin pa ng magsalita muli si Khiro. “Ok… Hindi tayo magkakilala pero nakita na kita… Happy?” sarcastic na sabi ni Khiro. Sinagot na rin niya ng totoo ang tanong nito dahil mukhang sadyang makulit ang lalaki.
Nagsalubong ang magkabilang kilay ng lalaki. “Hindi tayo magkakilala pero nakita mo na ako? Saan?” pagtatakang tanong nito.
“Sa loob ng condo ko…” diretsang sabi ni Khiro na ikinagulat ng lalaki. Literal na nanlaki ang mga mata nito.
“Haaa??? Sa loob ng condo mo? Bakit? May ginawa ba tayo…”
“Wala tayong ginawa… Pero ikaw ang may ginawa sa akin…” sabi ni Khiro.
“A-Ako? May ginawa?... Teka nga lang… wala akong alam sa mga sinasabi mo…” nalilito at gulat na sabi ng lalaki.
Napabuntong-hininga si Khiro. Mukha nga talagang walang alam ang lalaki sa ginawa nito.
“Wala ka ba talagang maalala?” tanong ni Khiro. Napailing naman ang lalaki bilang sagot.
“Kunsabagay, paano mo nga maaalala iyon kung sobrang lasing ka to the point na hindi ka na magising pa… Kaya hindi mo na alam ang mga ginagawa mo…” sabi ni Khiro.
Lalong nagtaka ang lalaki. “Lasing?...” tanong nito sa sarili. Pamaya-maya ay naalala niya na lasing nga pala siya nung isang gabi. “Ah oo… Lasing nga ako… Pero…”
“Ngayon naaalala mo na?” tanong kaagad ni Khiro na nagpatigil naman sa pagsasalita sa lalaki. “At alam mo ba na sa sobrang kalasingan mo, kung saan-saan ka ng condo ng ibang tao nagagawa mong pumasok…” sabi pa ni Khiro.
“I-Ibig sabihin…”
“Oo… Sa condo ko… Sa condo namin ikaw pumasok nung gabing lasing na lasing ka… at hindi lang panggugulo ang ginawa mo sa loob ng condo namin… Kundi pati…” napatigil sa pagsasalita si Khiro. Kailangan pa ba niyang sabihin rito ‘yung ginawa nitong paghalik sa kanya sa labi? ‘Wag na lang siguro.
“Nevermind… Anyway I have to go at may pupuntahan pa ako…” sabi ni Khiro sa lalaki at kaagad na tumalikod at nagsimula ng maglakad.
“Wait…”
Pero napahinto rin siya kaagad sa paglalakad at halos manigas siya ng maramdaman ang paghawak nito sa kanyang kanang braso. This time kasi, nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kuryente na nanggaling sa paghawak nito. Hindi tuloy siya kaagad nakakilos.
“I’m sorry sa nagawa ko... hindi ko naman sinasadya iyon… Lasing na lasing lang kasi talaga ako nun kaya kung ano-ano na rin iyong mga kakaibang nagagawa ko tapos hindi ko pa maalala… Sorry talaga…” sabi ng lalaki sa kay Khiro. “Akala ko naman kilala mo talaga ako dahil isa ka sa… Ahm Nevermind…” sabi pa ng lalaki.
Bumalik sa wisyo si Khiro. Kaagad siyang pumiglas sa pagkakahawak ng lalaki dahilan para mabitawan siya nito. Tiningnan niya ito kahit na pakiramdam niya ay may kakaiba siyang nararamdaman kapag tinitingnan niya ito. Naaalala kasi niya iyong ginawa nito sa kanya.
“Wala iyon… So pwede na ba akong umalis? Nasagot ko na rin naman iyong mga tanong mo…” sabi ni Khiro.
Nahihiya naman ang lalaki na tingnan siya. Alam kasi nito na may nagawa siyang kasalanan rito. Isa pa, hindi niya maintindihan ang sarili ngayon sa kakaibang nararamdaman toward sa lalaking kaharap. Aminado naman ito na gwapo si Khiro pero may something rito na hindi niya matukoy kung ano. Parang para sa kanya ay may special na nakikita ang mga mata niya para rito.
“Ahm Sorry talaga… Kung gusto mo… Babayaran ko na lang iyong mga nasira ko sa condo mo kung meron man… Ito iyong calling card ko…” sabi ng lalaki sabay kuha sa bulsa ng wallet nito at kuha roon ng isang piraso ng calling card at ibinigay iyon kay Khiro.
Tinanggap naman ni Khiro ang calling card. Binasa niya iyon.
Kameon Ace Del Castillo
******
******
0912*******
RM # 45 **** Bldg, ******
Muling napatingin si Khiro sa lalaki ng mabasa ang mga nakasulat sa calling card nito. Magkasalubong ang magkabilang kilay.
“Magkatabi lang pala ang condo nating dalawa?” pagtatakang tanong ni Khiro.
Nagsalubong rin ang magkabilang kilay ni Kameon.
“Bakit? Doon ka rin ba nakatira kung saan ako nakatira?” pagtatakang tanong ni Kameon.
“Oo… Doon rin, magkaiba lang ang room number nating dalawa… Room 45 ka kami Room 46…” sabi ni Khiro.
“Ah…” sabi ni Kameon at bahagyang natawa. “Kaya pala sa condo mo ako napasok nung gabing lasing ako… Magkaparehas pala tayo ng condominium building na tinitirhan, magkatabi pa ang mga rooms natin… Akala ko siguro nun, condo ko iyong napasukan ko iyon pala sayo ‘yun…” sabi ni Kameon.
Napatango na lang si Khiro. Napatingin ito sa wrist watch na suot.
Muling napatingin si Khiro kay Kameon. “I have to go… May pupuntahan pa ako…” sabi ni Khiro.
“Gusto mo ba ihatid kita?” tanong ni Kameon. “Bilang bayad na rin sa ginawa kong perwisyo…”
“No need…” sabi kaagad ni Khiro. Hindi siya nagsusungit, ganyan lang talaga siya makipag-usap sa mga taong kakakilala lang niya… “Salamat na lang… Bye…” sabi pa ni Khiro na kaagad ng tumalikod at naglakad palayo kay Kameon na nakasunod lamang ang tingin kay Khiro. Napabuntong hininga si Kameon at tipid na napangiti.
“Kameon…” mahinang pagbanggit ni Khiro sa pangalan ng lalaki habang naglalakad. Bahagya siyang natawa. Kakaiba kasi sa pandinig niya ang pangalan nito. Parang ngayon lang niya narinig sa buong buhay niya. At ewan ba niya kung bakit siya natatawa dahil doon.
-END OF EPISODE 6-