#BetweenYouAndHim EPISODE 11 Nakangiti si Khiro habang pinagmamasdan si Howard. Nakatayo ito sa tabi ng hinihigaang kama ni Howard. “May bago akong kaibigan… Bestfriend to be exact… Kameon ang pangalan niya… alam mo, mabait siya… may pagkamahangin nga lang… palabiro pero minsan may sense kausap… Ang gaan ng loob ko sa kanya… Para ko na rin siyang kapatid kahit na maikling oras pa lamang namin nakikilala ang isa’t-isa… Sana nga lang gumising ka na kaagad para makita at makilala mo na rin siya…” sabi ni Khiro kay Howard. Again, kinakausap na naman niya ito kahit na alam niyang hindi ito sasagot sa mga sasabihin niya. Napabuntong-hininga si Khiro. Hinila nito ang isang monoblock chair palapit sa kama at doon ay naupo siya. Hinawakan niya ang kanang kamay ng kasintahan.