#BetweenYouAndHim EPISODE 13 Magkatabing nakatayo ngayon sila Khiro at Kameon sa tapat ng bintana. Kapwa nakatingin mula sa labas kaya kitang-kita nila ang papalapit na paglubog ng araw at pagsapit ng takip-silim. Nasa loob pa rin sila ngayon ng hospital room ni Howard at kakatapos lamang kumain. “Mahal mo talaga siya noh…” pabulong na tanong ni Kameon na narinig naman ni Khiro kaya napatingin siya rito. Nangunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay. “Huh?” pagtatakang tanong nito kahit narinig naman niya ang sinabi ni Kameon. Napatingin na rin si Kameon kay Khiro. Tipid na napangiti ito. “Ang sabi ko… Mahal na mahal mo talaga si Howard…” sabi nito sabay tingin sandali sa nakahigang si Howard. Bumalik rin kaagad ang tingin nito kay Khiro. Napa