EPISODE 1

1496 Words
#BetweenYouAndHim EPISODE 1: GROW OLD WITH YOU     Magkatabing nakatayo ngayon sila Khiro at Howard sa veranda ng tinitirhan nilang condominium. Kapwa nakatingin ang dalawa sa madilim na kalangitan kung saan nagsabog ang marami at makikinang na mga bituin. Sa condo na ito nabuo ang masaya nilang pagsasama. Sa condo na ito na silang dalawa ang bumili at nagpundar sila namuhay na parang isang tunay na mag-asawa.     “Napakaraming mga bituin…” mahinang sambit ni Khiro na narinig naman ni Howard. Napangiti ito.     “Oo nga…” sagot ni Howard sa sinabi ni Khiro. “Di ba gustong-gusto mo na nakakakita ng maraming mga bituin?” dugtong na tanong pa ni Howard.     Napatingin si Khiro sa gwapong mukha ni Howard. Napangiti.     “Oo… Gustong-gusto...” sabi nito. “Dati… gustong-gusto ko na makakita ng maraming bituin kasi wala lang… nagagandahan lang ako kapag nakikita sila ng mga mata ko pero ngayon… Gustong-gusto ko na makakita ng mga bituin kasi… naaalala kita…” sabi pa ni Khiro.     Nangunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ni Howard dahil sa sinabi ni Khiro.     “Naalala mo ako sa mga bituin? Bakit naman?” tanong nito.     Lumawak ang ngiti sa labi ni Khiro.     “Kasi… para kang bituin para sa akin… Ikaw ang pinakamakinang at pinakamaganda sa lahat ng nilikha ng Diyos para sa akin… Pero hindi katulad ng mga bituin na hanggang abot-tanaw lang… Ikaw, hindi lang kita abot-tanaw kundi abot-kamay pa kita…” nakangiting sabi ni Khiro.     Napangiti si Howard.     Napasandal si Khiro sa katawan ni Howard dahil bigla nitong inihapit ang kaliwang braso sa kanyang baywang at mahigpit na niyakap siya nito.     “Ako ang bituin na sobrang mahal na mahal ka…” madamdaming sabi ni Howard na nakapagpangiti naman kay Khiro.     Ilang sandali lang ay binitawan ni Howard ang pagkakayakap niya sa baywang ni Khiro at ang kanang kamay naman ng huli ang hinawakan nito. Nakatingin ito ngayon sa gwapong mukha ng kasintahan.     “Halika sa loob…” pag-aaya ni Howard. Tango ang isinagot ni Khiro.     Magkahawak kamay na pumasok sa loob ng condo sila Howard at Khiro.     Binitawan ni Howard ang hawak na kamay ni Khiro at nagpunta sa entertainment set. Kinuha ang nakapatong na remote control sa ibabaw ng DVD player. Binuksan ang DVD player pagkatapos ay may pinindot ito sa remote control. Nakatingin lamang si Khiro sa mga ginagawa ni Howard habang nanatiling nakatayo sa tabi ng king size bed.     Pamaya-maya ay namatay ang mga ilaw sa buong condo at ang tanging mga ilaw na nakasindi na lamang ay ang mga ilaw na galing sa lampshades. Ito ang mga nagsisilbing liwanag sa buong condo ngayon.     Kasabay ng automatic na pagkapatay ng mga ilaw at pagkasindi ng mga ilaw sa lampshades ay ang pagplay ng tugtog ng isang pamilyar na awitin ni Daniel Padilla.     Nakangiti si Howard ng muling lumapit kay Khiro na ngayon ay itinatago ang nararamdamang kaba sa pamamagitan ng pagngiti.     “May I have a dance with you… My OO?” tanong ni Howard sabay lahad ng kanang kamay nito. My OO means My Only One. ‘Yun ang minsan tawagan nilang dalawa sa isa’t-isa pero madalas ay buong pangalan ang tawagan nila kasi mas gusto nilang marinig mula sa isa’t-isa na binabanggit nila ang pangalan ng isa’t-isa.     Napangiti lalo si Khiro. “Yes Mr. Howard Vergara…” sagot naman ni Khiro. Tinanggap ang kamay ni Howard. Lalong naglapit ang dalawa.     Mahigpit na hinawakan ni Howard ang kaliwang kamay ni Khiro habang ang napunta naman sa bewang ng huli ang kaliwang kamay nito at pumalibot roon. Ang mga kamay naman ni Khiro ay naipatong nito sa leeg ni Howard. Nagdikit ang harapang mga katawan nila na animo’y hindi mo na mapaghihiwalay. Halos magkalapit na rin ang kanilang mga mukha na halos magkadikit na rin ang tungki ng mga ilong. Nagkatitigan sila sa mga mata. Kitang-kita sa mga mata ng bawat isa ang pagmamahal.     Dahan-dahang nagsimula sa pagsasayaw ang dalawa. Nagpapalitan ng ngiti.     Nagulat na lamang si Khiro ng biglang magsimulang kumanta si Howard.   I wanna make you smile whenever you’re sad Carry you around when your arthritis is bad Oh all I wanna do is grow old with you     Nagsimulang mangilid ang luha sa gilid ng mga mata ni Khiro habang pinapakinggan ang magandang pag-awit ni Howard. Napakaganda talaga ng boses nito na kahit ilang beses na niyang narinig, hinding-hindi pagsasawaan ng kanyang mga tenga na pakinggan. Isa pa, tagos sa puso nito ang pagkanta na animo’y ‘yun ang nais nitong sabihin sa kanya. Damang-dama ni Khiro ang awitin ni Howard kaya hindi niya rin maiwasang kiligin, matuwa.   I’ll get your medicine when your tummy aches Build you a fire in the furnace breaks Oh it could be so nice, growing old with you…     Tumigil sa pagkanta si Howard. Patuloy na tumugtog ang tunog ng awitin.     Inalis ni Howard ang mga kamay na nakahawak kay Khiro at humiwalay ito ng bahagya kaya natanggal rin ang pagkakahawak ni Khiro kay Howard.     Halos manlaki ang mga mata ni Khiro sa gulat ng makita si Howard na biglang lumuhod sa harapan niya.     “Howard… Ano bang ginagawa mo? Tumayo ka nga diyan…”     “I wanna grow old with you… Khiro Martinez…” sabi kaagad ni Howard habang nakangiti at nakatingalang nakatingin kay Khiro na napatigil sa pagsasalita. “I want to be your doctor who will take care of you when you are sick, I want to be your chef who will cook the best foods just to fill your empty stomach and make you happy… I want to be your mentor who will guide you… I want to be your bestfriend who will comfort you when your sad… and lastly… I want to be your husband who will love you for the rest of your life… I want you to carry my surname… I want you to be Khiro Martinez- Vergara…” madamdaming sabi ni Howard.   Tuluyan ng tumulo ang kanina pang pinipigilang luha ni Khiro. Napapakagat-labi habang nakatingin kay Howard.     “Howard…” walang maapuhap na sasabihin si Khiro. Sa totoo lang, napakasaya niya ngayon. Biruin mo, mararanasan niya iyong pakiramdam na may nagpropose sayo? Napakasaya niya na si Howard ang lalaking nagmamahal sa kanya ng wagas at totoo.     May dinukot si Howard mula sa bulsa niya. Pamaya-maya ay itinaas niya ito para makita ni Khiro. Isang singsing na sa tingin ni Khiro ay isang white gold ring.     “Khiro… My OO… I want us to be together for the rest of our lives… I want you to be mine forever… Will you marry me?” tanong nito kay Khiro. Puno ng pagmamahal. Si Khiro na ang nakikita niyang tao na siyang makakasama niya habang siya’y nabubuhay.     Tumigil sa pag-iyak si Khiro. Pinunasan ang luha na nasa mukha nito.     “Tumayo ka nga diyan…” sabi ni Khiro.     Nawala ang ngiti sa labi ni Howard pero nanatili pa ring nakataas ang kamay nito na may hawak na singsing at nakaluhod.     “Khiro…”     Napatigil sa pagsasalita si Howard ng bigla siyang hawakan ni Khiro sa magkabilang braso at sapilitan siyang itinayo. Ngayon ay magkaharapan na silang nakatayo.     “Khiro… Ayaw mo ba…”     Muling napatigil sa pagsasalita si Howard ng biglang sunggaban ni Khiro ang labi niya. Naghalikan ang dalawa na puno ng tamis.   Pamaya-maya ay tumigil si Khiro sa paghalik sa labi ni Howard. Tinitigan niya ang kasintahan sa mga mata.     “Mahal na mahal kita Howard… At bakit ba tinatanong mo pa sa akin kung gusto kitang pakasalan eh obvious na obvious naman sa akin na gusto ko… Di ba nga magpapakasal na tayo sa US?... Mahal na mahal kita Howard at kahit na mangyari man na hindi tayo maikasal… Mamahalin pa rin kita ng buong buhay ko…” madamdaming sabi ni Khiro. “Ikaw lang ang lalaking gusto kong makasama habambuhay…” sabi pa nito.     Napangiti si Howard. Hinaplos niya ang kanang pisngi ni Khiro habang nakatitig sa mga mata nito.     “Gusto ko lang naman gawin ito kasi gusto kong maging masaya ka ng lubusan… Alam ko naman na ikakasal na tayo at masaya ka na dahil doon pero gusto ko na hindi ka lang masaya… gusto ko, masayang-masaya…” sabi ni Howard. “At ang ginawa kong pagproprose na ito sayo ang siyang magiging tanda na sa akin ka na talaga at sa iyo na ako… sabi pa ni Howard.     Napangiti si Khiro. Walang mapagsidlan ang tuwa na nararamdaman.     “ Thank you for loving me this way Howard… Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na minahal mo ako…” madamdaming sabi ni Khiro.     Napailing si Howard. Ngumiti. “Don’t thank me Khiro… Mahal kita at hindi mo kailangan ipagpasalamat iyon… Ako nga ang dapat magpasalamat sayo eh kasi kahit na… alam mo na, hindi naging maganda ang pagtatagpo at simula nating dalawa… Na hindi naging maganda ang pag-uugaling ipinakita ko sayo nung una… Minahal mo pa rin ako…” madamdaming sabi ni Howard. Napangiti na lang si Khiro sa sinabi ni Howard.     Nagkatitigan ang dalawa sa mga mata. Pamaya-maya, unti-unting naglapit ang kanilang mga labi hanggang sa magtagpo ang mga ito at nagpalitan ng matatamis at maiinit na halik.     At sa gabing iyon… pinagsaluhan ng dalawa ang nagbabagang init at sarap ng kanilang pag-iisa na puno ng saya at pagmamahal. Kapwa isinisigaw ng bawat isa ang kanilang ngalan.   -END OF EPISODE 1-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD