Between You and Him (BOYXBOY)
DISCLAIMER:
No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including photocopying, printing, or by any information storage and retrieval system without the permission of the author. Please do not re-copy, re-edit, and re- publish this story without asking the writer's permission.
All of the characters in this story are fictitious, and any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental.
Copyright (c) 2020
All Rights Reserve 2020
DATE STARTED: OCTOBER 24,2015 (SATURDAY)
DATE FINISHED:
THIS SERIES CONSIST OF EPISODES
GENRE: ROMANCE, BOYXBOY
PROLOGUE…
“I love you…” nakangiting sabi ni Khiro sa kasintahang si Howard. Hawak nito ang kanang kamay ng kasintahan na nakapatong sa mesa. Halos maningkit ang mga mata nito dahil sa pagngiti at nakalabas ang biloy nito sa kaliwang bahagi ng kanyang pisngi. Kitang-kita sa chinito nitong mga mata na kulay brown ang pagmamahal sa kasintahan na nakaupo sa harapan niya ngayon at nakangiti rin. Nasa fine dining restaurant sila ngayon na isa sa pagmamay-ari ni Howard at nagde-date dahil sa second anniversary nilang dalawa. Si Howard ang siyang naghanda nito para sa kanilang dalawa.
“I love you too...” sagot naman ni Howard kay Khiro sabay ngiti pa na lalong nagpalabas sa magkabilang biloy nito. Kitang-kita sa may kabilugan nitong mga mata na kulay black ang pagmamahal at saya sa nangyayari ngayon kasama si Khiro.
Mga mata’y nag-uusap. Sumisilay sa kanilang mga labi ang mga ngiti ng kaligayahan. Kahit hindi sila mag-usap ay kitang-kita mo sa dalawa ang matinding pagmamahal sa isa’t-isa. Sa bawat kilos at galawa ay makikita mo na ang pagmamahal.
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Khiro sa kamay ni Howard. Animo’y ayaw na nitong pakawalan ang nobyo. Sa gitna ng pagtugtog ng romantikong awitin na namamayani sa buong restaurant na nagpapadagdag naman ng kilig na nararamdaman ng dalawa ay hindi naman alintana na sa paligid nila’y may mga taong sa kanila’y nakatingin at iba’t-iba ang reaksyon sa nakikita sa dalawa. May nandidiri, may natutuwa, may namamangha at iba pa. Hindi naman talaga maiiwasan na tignan talaga sila dahil sa sobrang sweetness na ipinapakita nilang dalawa sa isa’t-isa. Lalo na’t ang nakikita ng mga mata nila ay pareho silang lalaki.
Wala namang pakielam ang dalawa sa iba. Basta masaya silang magkasama ngayon. Pakiramdam nila, sa kanila ang mundo at walang pwedeng sumira roon.
Parehong gwapo, matipuno at may sinabi sa buhay sila Khiro at Howard. Halos pareho rin ang buhay nilang dalawa. Lumaking ulila na sa mga magulang, naghirap sa edad na 12 dahil walang tumulong sa kanilang mga kamag-anak, nagpalaboy-laboy sa kalsada at nabigyan rin ng pagkakataon para buuin ang buhay, Nag-aral, nagtrabaho ng mabuti at Nagsumikap para makatapos at maabot ng dalawa ang kung anumang narating na nila ngayon.
Si Khiro ay kasalukuyang isang supervisor sa isang construction company sa Ortigas habang si Howard naman ay nagtrabaho noon bilang chef sa isang sikat na restaurant. Nang makaipon ng sapat na pera ay nagpatayo na ito ng sariling restaurant na siyang negosyo nito ngayon. Maganda ang takbo ng negosyo nito kaya hindi rin nakapagtataka na bigtime na ito ngayon. Marami na rin kasing branches ang restaurant nito.
Si Khiro, 27 years old, pure Filipino, ay masasabi mong boy next door type na lalaki. Sa tangkad na 5’6, mestiso at makinis na balat, may pagkamatipuno ang katawan na hubog sa suot nitong blue na polo na nakatuck-in sa suot nitong black slack. May kahabaan ang buhok na kulay dark brown at may pagka-korean style ang gupit. May kagwapuhan ang maamo nitong mukha kaya masasabi mong habulin talaga siya ng mga babae at lalaki na rin.
Si Howard naman, 29 years old, pure Filipino, ang nagrerepresent sa isang lalaki na Tall, Dark and handsome. Clean-cut ang style ng buhok na itim na itim ang kulay, Maganda ang hulma ng mukha na may pagkamaangas, Moreno ang makinis na balat na bumagay sa tindig nito. Matipuno ang katawan na parang kay Sam Milby. Hubog sa suot nitong navy blue na polo. Matangkad sa tangkad na 5’9 at talaga namang kahit sino mang makakita sa kanya ay siguradong maglalaway o di kaya ay malalaglag ang suot na underwear.
Nagsimula ang kwento ng pag-iibigan ng dalawa sa isang aksidente sa carpark. Nabangga kasi ng hindi sinasadya ni Khiro ang kotse ni Howard noon tatlong taon na ang nakakaraan sa may carpark ng isang mall. Aalis na kasi siya nun sa mall at nakasakay na siya ng kotse niya ng bigla na lang niyang mabangga ang isang nakaparadang kotse sa tapat. Hindi naman grabe ang pagkakabangga pero medyo matindi ang pinsala na natamo ng harapan ng kotse nun ni Howard. Basag kasi iyong ilaw at nayupi ang pinakaharap. Saktong nasa loob pa pala ng kotseng iyon ang driver. Tandang-tanda pa nga niya kung paano siya sigawan ni Howard noon ng magkaharap sila at animo’y tigre sa sobrang galit sa kanya at lalabas na ang litid nito sa leeg dahil sa lakas ng husky nitong boses. Siya naman nun ay chill lang na nakipag-usap sa lalaki at humingi na rin ng paumanhin sa kanyang nagawa. Malamig ang kanyang boses at kahit galit siya ay talagang mahinahon ito magsalita. Saka kasalanan rin naman kasi niya kaya nagalit ito sa kanya. Nagkapag-usap ang dalawa at napagkasunduan na sasagutin lahat ni Khiro ang gastusin sa pagpapagawa ng kotse ni Howard. Natatawa na nga lang si Howard kapag sinasabi ni Khiro sa kanya kung gaano ito kasungit noon ng una silang magkita. Ganun naman daw talaga siya kapag may isang taong nakagawa ng mali sa kanya, talagang susungitan at sisigawan niya. Pero ngayon, hindi na niya sinisigawan at sinusungitan si Khiro, siyempre, mahal niya iyon eh.
Doon nga nagsimula ang lahat. Pagkatapos nilang ipagawa noon ang kotse ni Howard gaya ng napag-usapan, Lagi na silang pinagtatagpo sa kung saan mang lugar. Nagtataka na nga noon si Khiro kung bakit sa kahit saan mang lugar siya magpunta ay nagkikita sila. Aminado naman siya na gwapo sa paningin niya ang lalaki kahit na may pagkamaangas ito. Unang kita pa lang niya rito ay talagang namangha na siya sa angking kagwapuhan nito. Kahit na sinungitan siya nito ay hindi nabawasan ang paghanga niya. Alam naman niya noon pang teen age years niya na may kakaiba na sa kanyang pagkatao. Hindi nga lamang ito nalaman ng mga magulang niya kasi nga maaga ang pagkawala ng mga ito. Aksidente sa daan ang kumitil sa mga buhay ng mga ito. May-ari kasi sila nun ng isang maliit na flower shop sa dangwa at iyon ang kinabubuhay nilang mag-anak at ang mga magulang niya ang personal na kumukuha ng mga supply nila sa Baguio. Doon nangyari ang lahat. Nawala ang mga ito sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon. Naaksidente ang sinasakyan ng mga ito na truck na siyang ginagamit sa delivery. Doon rin nagsimula ang paghihirap niya dahil nag-iisa lamang siyang anak. Walang kamag-anak na gustong kumupkop sa kanya. Ang flower shop naman nila ay kinuha ng isa niyang tito na walang awa. Makapal ang mukha kumbaga. Kaya hanggang ngayon, miski isa sa mga kamag-anak niya ay wala na siyang contact. Hindi rin naman niya gusto na kontakin ang mga ito. Aminado siya na may galit ang puso niya para sa mga ito.
Sa lagi nilang pagtatagpo ni Howard, doon umusbong ang pagmamahalang hindi napigilan ng panahon at ng kahit sino. Nalaman rin ni Khiro na mahal na siya ni Howard nung nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya ng magkita na naman sila sa Park. Gulat na gulat nga siya nung mga panahong iyon at hindi inaasahan ang ipinagtapat nito. Hindi sinasadya ang lahat pero pansin ni Khiro na mukhang ang tadhana talaga ang gumagawa ng paraan para sila’y magtagpo.
Nalaman ni Khiro na sa unang kita pa lamang ni Howard sa kanya ay nainlove na ito sa kanya. Hindi nga niya nun mapigilan ang maging masaya dahil pareho pala sila ng nararamdaman. Pareho silang dalawa na sa likod ng lalaking-lalaki nilang anyo at sa suot nilang mga damit na panlalaki, lalaki rin ang itinitibok ng puso. Lahat ng nangyari sa buhay ni Howard ay sinabi nito. Katulad niya, ulila na rin ito sa magulang sa edad naman na 10 dahil naman sa isang car accident. Nag-iisang anak at wala ng kamag-anak dahil sa nag-iisang anak rin lang pala ang mga magulang nito. Napunta siya sa pangangalaga ng DSWD hanggang sa tumuntong siya ng edad na dose at ng maglaon ay umalis rin siya roon para makipagsapalaran sa buhay ng nag-iisa.
Halos pareho ang mga nangyari sa buhay nila Howard at Khiro. Sa tingin nga ni Khiro, talagang silang dalawa ang itinadhana para sa isa’t-isa dahil halos sa pagkakapareho ng buhay nilang dalawa. Nalaman rin niya na mukhang pati ang mga kotse nilang dala-dala noon nung magkita sila at magkabanggaan ay match made in heaven. Halos magkasunod kasi ang plate number ng mga kotse nila. ‘Yung kay Khiro, NYG 997 at ‘yung kay Howard naman, NYG 998. Natatawa na may halong kilig ang nararamdaman ni Khiro sa tuwing maaalala iyon. Ngayon, naniniwala na siya sa destiny dahil sa nangyari sa kanila ni Howard.
Pinayagan ni Khiro na ligawan siya ni Howard.
Halos isang taon ring nanligaw si Howard kay Khiro bago ito sinagot ng huli. Lahat na yata ng klase ng pagpapakilig ay ginawa na ni Howard para makuha lang ang matamis na oo ni Khiro. Umamin na rin si Khiro na mahal na niya si Howard na lalong ikinatuwa ng huli. Pakiramdam noon ni Khiro, para siyang isang babae na sinusuyo ng isang gwapong lalaki. Aminado siya na sa bawat ginagawa nito ay kinikilig siya at hindi mapagsidlan ang tuwa na nararamdaman kaya hangga’t kaya niya, ginagawa rin niya ang lahat para maiparamdam rito na mahal na mahal niya ito gaya ng pagpaparamdam nito kung gaano siya kamahal nito.
Napakasaya para sa dalawa ang mga sandaling iyon. Pakiramdam nila… Para silang tumulay sa isang mahabang rainbow na pagkatapos ng pagkahaba-habang paglalakad sa ibabaw nun, sa dulo’y natagpuan nila ang isang lalagyan na naglalaman ng walang hanggang kaligayahan. Kaligayahan na natagpuan nila sa piling ng isa’t-isa.
Parehong first nila ang isa’t-isa. First boyfriend ni Khiro si Howard at ganun rin si Howard na first boyfriend si Khiro. First time rin kasi nilang makaramdam ng love at ang isa’t-isa ang naging first love nila.
Hindi lang magkasintahan ang turing nilang dalawa sa isa’t-isa kundi itinuturing rin nila ang isa’t-isa bilang isang pamilya at mag-bestfriends na rin. Dahil ang isa’t-isa lamang ang masasandalan nila sa hirap man o ginhawa.
Marami ng nangyari sa relasyon nilang dalawa at hindi naging madali ang mga iyon. Masaya man sila sa piling ng isa’t-isa, hindi mawawala ang panghuhusga at pagtutol ng ibang tao sa relasyon ng dalawa. Nakakadiri raw, nakakasuka at kung ano-ano pang masasakit na salita na naririnig nila.
Hindi na lamang nila hinayaan ang mga sarili nila na i-absorb ang mga iyon. Hindi mahalaga sa kanila ang masamang sasabihin ng iba. Alam nilang mahal nila ang isa’t-isa at kahit ano pang sabihin ng iba, sa huli ang mahalaga ay masaya sila at nagmamahalan. Sa huli, ang mahalaga ay magkasama sila na haharapin ang buhay at mga pagsubok na kaakibat nito. Walang makakahadlang sa kanilang dalawa. Mali man sa paningin ng iba ang pagmamahalan nilang dalawa, sa tingin naman nilang dalawa ay tama ito. Puso ang ginagamit nila at walang mali kapag nagmahal ka. Alam rin nila na kasama nila ang Diyos dahil binibigyan sila nito ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang kung ano man ang meron sa kanilang dalawa. Pinapanatili nitong masaya at tahimik ang pagsasama nilang dalawa.
Kahit minsan ay hindi sila nag-away, selos at tampo maybe meron pero alam naman nilang kasama talaga iyon sa isang relasyon. Napag-uusapan rin naman nila kapag sila’y may problema at kung paano ito lulutasin.
Nagpaplano na nga rin ang dalawa na magpakasal sa US. Doon lang naman kasi legal ang kasal ng dalawang taong pareho ang kasarian. Sa kasalukuyan ay inaayos na lamang nila ang mga kakailanganin para mangyari ang gusto nila. Alam nilang silang dalawa ang itinadhana para magsama habang buhay. Ramdam ng bawat isa na sila ang tamang tao para magsama habang buhay.
Dahil sila ang pinagtagpo para makilala ang isa’t-isa… Sila ang itinadhana para magmahalan.
At dahil sa sila’y itinadhana… Ngayon ay napakasaya ng kanilang pagsasama…
Wala na silang mahihiling pa…