2

1174 Words
Nagising ako sa pagyugyog ni Sheena sa balikat ko. Mabilis akong napabangon at napatingin sa balkonahe. Umaga na pala. "Hoy gaga, bakit d'yan ka natutulog?" Pupungas-pungas akong napatingin sa kanya. Nakaayos na siya at mukhang handa nang umalis. May hawak pa na mug ng kape. "Aalis ka na?" Tumango siya. "Mamaya-maya pa pero medyo nagmamadali na ako. Baka ma-late sa work. Alam mo naman si Boss." Tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap siya. "Ingat Shi. Next time ulit." She hugged me back. Pagkatapos ay nilagok niya ang natitirang laman ng kanyang mug."Oo naman 'no. Pa'no, alis na ako. Huwag ka nang masyadong magmukmok d'yan." Nang makaalis si Sheena ay nag-umpisa akong maglinis ng apartment. Mula sa tambak ng hugasin na naiwan kagabi hanggang sa mga marurumi kong damit na kailangan nang labahan. Every now and then I check on my phone dahil baka may interesado na na maging roommate ko. Wala pa ring nagte-text sa akin. Kunsabagay, kaka-post ko pa lang naman no'n. Nagtimpla ako ng sarili kong kape at nagpunta sa balkonahe. Tahimik kong pinagmasdan ang siyudad na pinaliliguan ng sikat ng araw. Tahimik ang lahat at may mahinang hanging lumalaro sa damit ko. I always cherish these kinds of morning. Tahimik, hindi mainit, ikaw lang at ang mundo. Mas madaling makapag-isip. Mas nararamdaman mo ang emosyon mo. I stood up, and then continued to clean up the place. Pagkatapos ay nagsalang ako ng bag ng popcorn sa microwave at nagbukas ng laptop. Kailangan kong magsulat doon sa website na parte ako dahil sayang din ang kikitain ko para sa araw na 'yon. Walang anu-ano'y tumunog ang cellphone ko. Natigilan ako sa ginagawa ko. I checked it. Unknown number. Hindi ko na sana bubuksan pero naisip ko na baka interasado 'yon na maging roommate ko kaya binasa ko na rin ang message niya. "Is the room still available?" mahina kong basa sa laman ng text message. Wala man lang paki-pakilala. Ipinagkibit-balikat ko 'yon. Nag-reply ako na siya pa lang ang nag-inquire sa akin tungkol sa apartment ko. Mabilis naman itong nag-reply. "Can I drop by around 1 PM?" I softly read the message. I typed "sure" and hit send. Hindi naman na niya kailangang kuhanin ang address dahil nasa ad naman na 'yon. Isinantabi ko ang phone ko nang marinig ko ang pagtunog ng microwave oven. Kinuha ko ang mainit pang popcorn ko at isinalin 'yon sa bowl. Then I continued to do my work. Time slowly passed. Natapos ko na ang isang chapter na update ko para sa araw na 'yon kaya naman napagdesisyunan ko na maligo na at magluto ng tanghalian. Dahil wala nang laman ang ref ko ay nagbukas na lang ako ng canned chicken afritada at niluto 'yon. Nagsaing na rin ako at tahimik na kumain nang mag-isa. Sh*t. I can't believe that I've been living like this for four months now. Sitting in my home, eating alone, like an old lady. Nakakabato rin pala kapag wala kang kasama. Well, at least I can look forward on weekends because Sheena decides to hang around pero hindi naman puwedeng palagi kong hahatakin si Sheena para lang samahan ako dahil may iba rin siyang mga commitments. Iba pa rin pala talaga 'yong may dumadalaw sa'yo tuwing gabi. I frowned as I remembered Gino. His memories are one of my most hated. It's not that I hate the person, though. I just hate some of the memories. Sabi ko nga, hindi mo puwedeng pilitin ang ibang tao na mahalin ka. I quickly finished my meal and decided to drop by the market. Nakakahiya naman sa titingin mamaya kung wala siyang makikitang stock ng pagkain sa kusina ko. Grabbing my wallet and a reusable bag, I headed downstairs and gave a quick nod to the guard who's doing his job that morning. Naglakad lang ako papuntang palengke. I didn't bothered changing into some fancy clothes. Wearing my plain t-shirt and maong shorts, I went on my business and went home straight after that. I get it. My life is dull. It is monotous. Para lang akong sumusunod sa pattern. Walang bago, walang kakaiba. It's just that, sometimes, you wish of something new, something that would spice up your day, right? Well, I have been wishing for that for three months now and yet I don't see anything new in my life yet. Nang makabalik ako sa apartment ko ay inayos ko ang mga pinamili ko at nilagyan ng laman ang ref at ang basket na pinaglalagyang ng prutas. After that, hindi ko na alam kung ano pa ang susunod kong gagawin. Ano pa nga bang puwedeng gawin? Magmukmok? Umiyak? I must have done those things so many times. I received a call from Sheena around 12 noon. She sounds so excited. "Hey girl, may tumingin na ba ng apartment mo?" I rolled my eyes. "Isa pa lang. Pupunta raw mamayang 1 PM. I hope maganda sila kausap." She laughed. "Who knows, right?" Napakunot-noo ako sa taas ng energy niya. "Bakit parang angsaya-saya mo? Something happened?" "Huh? Wala ah! Masaya lang talaga ako. Bye girl! Enjoy your day!" Nakakunot-noo pa rin ako nang ibaba niya ang linya. Sheena can be very weird sometimes. Nagbukas na lang ako ng TV at nanuod ng pelikula sa Netflix. Sobrang hooked na ako sa pelikula nang tumunog ulit ang phone ko. May message ulit doon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang message ng titingin ng apartment ko na nasa may entrance na raw siya ng building. Mabilis akong tumayo at pinatay ang TV. Wala pang ala-una. Ang aga naman niya yata? I changed my clothes to some plain sweater and jeans. And then I let my hair run loose, wear some home slippers, and anxiously waited for the doorbell to ring. And it did, well, apparently, after a few minutes. Napatalon pa ako sa tunog niyon. I quickly went to the doorway and opened the door. I never thought I'd see him again. Apat na buwan na rin simula noong huli kaming nagkausap. Pero gano'n pa rin siya. 'Yong tangkad niya na halos hanggang leeg niya lang ako, 'yong matipuno at makisig niyang pangngangatawan, prominenteng panga, ilong na hindi katangusan ngunit bumagay sa kanyang mukha, mapupulang labi, at ang kutis niyang mala-Espanyol sa puti, ganoon na ganoon pa rin simula noong huli ko siyang makita. Simula noong gabi na sinabi niya mahal na mahal niya ako. Noong mga panahon na wasak na wasak pa ako. I want to ask why he didn't contacted me. Then I remembered I changed my number. Changed adresses, and just shut everyone out of my life. Disappeared from their lives. Well, with the exception of Sheena. Tulad ko ay tila nagulat din siya nang makilala niya kung sino ang nasa harapan niya. Awtomatikong napangiti siya nang makita ako. His eyes sparkled and stared at me like a kid staring on their most loved posession. "Maja?" "Keith Figueroa?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD