HINDI ALAM ni Patricia kung bakit nasasaktan siya sa pagluluksa ni Markus sa pagkamatay ni Cristina. Kitang-kita niya ang labis nitong pagmamahal kay Cristina. Pina-cremate nito ang bangkay ng babae. Ayon sa isinagawang autopsy sa bangkay ni Cristina ay tatlong buwan na itong patay at itinago lamang sa freezer. Karumal- dumal ang sinapit nito. Hindi makatao. "Pinapangako ko sa'yo Cristina. Gagawin ko ang lahat para mahanap ang pumatay sayo. Hahanapin ko siya, " wika ni Markus. Kitang-kita niya ang pagkuyom ng kamao nito sa galit. “Hahanapin ko ang anak natin. Hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nakikita,” dagdag pang wika ni Markus sa larawan ni Cristina. Punong-puno ito ng paghihinagpis. “Excuse me,” paalam niya kay Markus. Uupo na lang sana siya at doon na lamang ito hihintayin n