KAHIT pa gustuhin ni Patricia na umalis sa kanyang bahay ay hindi niya ito pinapayagan. Isa pa nalaman niya mula rito na wala na itong pamilya. Wala na itong matatakbuhan pa. Isa lang ang alam niya ngayon---gusto niya si Patricia at mahalaga ito sa kanya. “Ano bang meron sa babaeng ‘yan at hindi mo mapalayas dito sa bahay mo? Sa lahat ng babae mo ay ngayon ka lang nagpatira sa bahay mo,” puna sa kanya ni Mark. Lahat naman ng naging babae niya ay tutol ito. Nasisira raw kasi siya pagdating sa babae. Kung minsan nga ay iniisip niya na baka bakla ito kung kaya wala itong relasyon na tumatagal. Nakamasid lang siya sa kapatid habang gumagawa ito ng kape sa coffee maker. “Ibalato mo nalang sa akin s Patricia. Mahalaga siya sa akin,” sagot niyang humigop ng kape. “Palagi mo naman sinasabi ‘ya