CHAPTER NINE

1757 Words

NATIGILAN si Patricia nang makarinig siya ng katok. Mahinang katok lamang iyon sa kanyang pinto na tila ba takot na takot na makalikha ng anumang ingay. Kanina pa siya nakahiga pero hindi niya magawang matulog dahil iniisip ang lalaki sa katabing silid. Ayaw niyang isipin na nasaktan niya si Markus pero iyon ang kanyang iniisip. Pati ang pagtulog niya ay ginugulo ng lalaki. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding ng kanyang silid. Alas-dos na iyon ng madaling araw. Hinintay niya munang may kumatok ulit bago niya nagpasyang tumayo. Nagpanggap siya na para bang naalimpungatan. Pagbukas ng pinto ay nakita niya si Markus. Kaagad niyang naamoy ang alak sa katawan nito. “Bakit gising ka pa?” tanong niya. “Hindi ako makatulog,” sagot nito. “Kahit anong gawin ko ay hindi ao makatulog

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD