CHAPTER FIVE

1508 Words
NATARANTA si Patricia nang makita niya ang apat na pulis sa bahay ni Markus. Bigla siyang kinabahan. Ang lakas ng t***k ng kanyang puso lalo pa at wala naman si Markus. Ang tanging kasama niya lang ay stay out cleaning lady ni Markus. Sa laki ng bahay ng lalaki ay aalog-alog sila sa loob ng bahay. Hanga nga siya sa lalaki dahil kahit na mayaman ito ay ito ang namamahala sa buong bahay. "Anong kailangan ninyo?" tanong niya sa mga pulis. "Ito po ang search warrant ma'am," wika sa kanya ng pulis sabay abot ng papel sa kamau niya. "We need to search the area," dagdag pang wika sa kanya ng pulis. "Pero wala rito si Markus." "Nasa presento po siya ngayon for interrogation," wika pa ng kausap kaya natigalgal siya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. "Bakit?" bulalas niya. "Main suspect siya sa pagpatay kay Patrick Samonte." "Patay na si Patrick?" bulalas niyang hindi makapaniwala. Pumasok ang apat na pulis sa loob ng bahay ni Markus kaya sumunod siya sa mga ito. Lahat ng sulok ng bahay ay pinuntahan ng mga ito. Sa pananatili niya sa bahay ng lalaki ay wala naman siyang napansin na kakaiba. "Positive!" sigaw ng isang pulis na pumasok sa loob ng silid ni Markus. Ang tatlong pulis na nasa baba ng bahay ay nag-unahan sa pag-akyat sa pangalawang palapag ng bahay. Nagmamadali siyang umakyat upang makita ang tinutukoy ng mga pulis. Nabigla pa siya nang makakita siya ng chest type freezer sa loob ng silid ni Markus. Napatingin siya sa mga pulis. "May alam ka ba dito?" tanong sa kanya ng isang pulis. "Wala akong alam dahil unang-una wala naman ang freezer na 'yan sa kwarto ni Markus," sagot niya sa mga ito. "Hindi mo rin ba alam na may bangkay sa loob ng freezer na 'yan?" "What?" tanong niyang biglang natakot. "Bangkay ng dating Vice Mayor. Si Cristina Perez," sagot sa kanya ng kausap. Bigla siyang natakot. "That's impossible-----wala naman ang freezer na 'yan dito," nagtataka niyang sagot. "Impossible talaga na magkaroon ng bangkay sa loob ng kwarto niya Miss," wika pa nito sa kanya. Natigilan siyang napaisip. Bagong kilala niya lamang si Markus at iba ang sinasabi ng kanyang puso. Alam niyang wala itong kinalaman sa bangkay na nasa freezer. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso. Hindi niya malaman ang gagawin lalo na at nasa kulungan na pala ang lalaki for interrogation. Pumasok sa kanyang isip si Samuel. Baka mamaya ay ito ang may kagagawan sa lahat ng kaguluhan ngayon lalo pa at patay na si Patrick. Baka mamaya ay gusto sila nitong balikan at pagbayarin dahil nakakulong na ito ngayon. Mabilis niyang tinawagan si Hunter pero hindi ito sumasagot sa kanya kaya wala siyang choice kundi si Becca ang kausapin. Kaagad naman siyang pinuntahan ni Becca sa bahay ni Markus kaya nagkaroon siya ng kasama. "Ano ba ang nangyari?" tanong sa kanya ng babae. Pagdating nito ay nilalabas na ang freezer sa loob ng silid ni Markus. "Hindi ko talaga alam. Kanina kasi ay nagmamadaling umalis si Markus pagkatapos niyang may nakausap sa cellphone," sagot niya kay Becca. Naging magkaibigan na silang dalawa pagkatapos niyang humingi ng tawad dito. "Paano napunta ang bangkay ni Cristina sa loob ng kwarto ni Markus?" "Wala naman 'yan kahapon dahil nasa loob ako ng silid ni Markus," pag-amin niya kay Becca dahil wala naman siyang choice. Tinitigan siya ng makahulugan ng babae. "May nangyari sa inyo?" prangka pang tanong ni Becca kaya namula ang kanyang mukha. "Alam ko na ang sagot," natatawa nitong wika kaya napangiwi na lamang siya. Wala na siyang maitatago pa dahil iyon naman talaga ang totoo. Aaminin na lamang siya pero sa ganitong paraan pa. "Nakakahiya," napapangiwi niyang wika. "Walang ibig sabihin 'yon ha?" wika niya pa. "Don't get me wrong pero hindi naman siguro ikaw ang naglagay ng freezer na 'yon hindi ba?" tanong pa ni Becca sa kanya. "Of course not!" kaagad niyang sagot. "Hindi ko naman magagawa 'yon ano," sagot niya pa. "Isa pa hindi ko kilala si Cristina Perez. Mga mga nagawa man akong kasalanan noon nagbago na talaga ako." "Siya ang unang minahal ni Markus," wika ni Becca sa kanya kaya natigilan siya. "Ang ina ng kanyang anak," dagdag pa ni Becca sa kanya. "May anak na sila?" "Oo at ang alam ko ay itinago siya ni Patrick at inangkin ang anak niya." Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib dahil sa nalaman. Bigla niya tuloy naisip kung ano ang nararamdaman ngayon ni Markus ngayong alam na nito na wala na si Cristina. "Pwede bang ihatid mo ako sa presento? Gusto kong makausap si Markus. Nararamdaman ko na hindi niya kayang patayin si Cristina lalo pa at mahal niya ito. Oo at bagong magkakilala lang kami pero nararamdaman ko naman na mabait siya," wika niya pa kay Becca. "Ganun din naman ang iniisip ko. Sige ihahatid na kita sa presento para masundo ko na rin si Hunter," sagot ni Becca. Pag-alis ng mga pulis ay sumund na rin sila ni Becca. Habang lulan sa sasakyan ay labis ang kabog ng kanyag puso. Hindi niya yata kaya na makitang nakakulong si Markus. Kahit na palagi niya itong tinatarayan ay mabait pa rin ito sa kanya. Ito ang naging tagapagtanggol niya kaya dapat lang na damayan niya ito ngayon. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan nang makita niya si Hunter. "Si Markus?" tanong niya rito. "Nasa interrogation pa rin siya," sagot nito. May kasama itong pulis. "Pwede ko ba siyang makausap?" pagmamakaawa niya. Binalingan nito ang pulis na katabi. "Chief, dalhin mo siya kay Markus," wika ni Hunter at tumango naman ang pulis. "Sumunod po kayo sa akin," wika sa kanya ng pulis kaya sumunod siya rito. Kumaway muna siya kay Becca na ngayon ay kausap na ni Hunter. "Mabuti na rin at dumating kayo rito Ms. Patricia dahil for questioning din po kayo," wika ng pulis sa kanya habang naglalakad sila sa pasilyo. "No problem," sagot niya rito. Wala naman siyang dapat na ikatakot dahil sasabihin niya talaga lahat ng kanyang nalalaman. Pagpasok niya ng interrogation room ay nakita niyang nakaupo si Markus at binabantayan ito ng dalawang pulis. Tumayo ito at sinalubong siya. Nagulat pa siya ng yakapin siya ng lalaki. Napansin niyang namamaga ang mga mata nito. Mukhang galing sa pag-iyak. "Salamat at dumating ka. Malapit na akong masiraan ng bait dito," wika ni Markus na inalalayan siyang umupo. "Okay ka lang ba?" tanong niya. "Hindi pero nagpapakatatag. Hindi ako ang pumatay kay Patrick, Patricia. Hindi ko 'yon magagawa kahit pa sukdulan ang galit ko sa kanya. Pagdating ko sa lugar na 'yon at patay na siya," pagpapaliwanag pa nito sa kanya. "Kaya ka ba pumunta sa lugar na iyon dahil may tumawag sayo? Iyon ba ang dahilan kanina kung kaya ka nagmamadali?" "Oo---- hindi na ako nag-isip pa. Set up pala ang lahat," napapailing na wika ni Markus sa kanya. "At ang bangkay ng ex mo ay natagpuan sa kwarto mo. Paano nangyari 'yon?" tanong niya pa sa lalaki kaya natigilan nito. Namula ang mga mata nito na tila ba nagbabadyang umiyak. "I don't know. Pumasok ka naman sa kwarto hindi ba? Alam mong walang freezer sa loob ng kwarto ko. Ang gumawa ng lahat ng ito ay gusto lamang akong idiin." "Pero sino Markus? Ikaw at ako lang naman ang nasa bahay mo. Pwedeng isa sa atin ang may kagagawan and I'm pretty sure na hindi ako 'yon. Hindi ko kilala ang ex ko," sagot niya pa. "Hindi lang ako. Ang cleaning lady ko, ang oncall driver at hardinero. Lahat sila ay may access sa bahay." Natigilan siya sa sinabi ni Markus. "Pero amo ka nila, siguro naman ay loyal sila sayo," wika niya pa. "Oo pero kapag nagkagipitan ay hindi mo masasabi. Nag-aalala ako sayo dahil baka ikaw naman ang balikan nila sa bahay." "Kaya ko ang sarili ko Markus. Ang gusto ko lang malaman ay kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito? Sa tingin ko ba ay si Samuel?" tanong niya pa. "Siya ang may atraso sa akin. Bakit ako ang ididiin niya?" tanong ni Markus sa kanya at may point naman ito. "Hindi ikaw ang puntirya niya kundi ako. Ako ang gusto niyang magbayad dahil naging traydor ako," wika niya sa lalaki kaya natigilan ito. Ginagap ni Markus ang kanyang kamay. "Hindi ko hahayaan na saktan ka nila Patricia. Hanggat nabubuhay ako ay hindi ka nila magagalaw. Papatayin ko siya kapag ginalaw ka niya at wala akong pakialam na makulong," galit na sagot ni Markus sa kanya. "Salamat," tanging naisagot niya. "Huwag ka na munang umalis hanggat hindi dumarating si Mark. Kapatid ko siya at the same time ay abogado ko na rin. Sa bahay na muna siya tutuloy. Magiging kampante lang ako kapag may kasama ka sa bahay." "Paano ka?" nag-aalala niyang tanong. "Don't worry about me, hanggat walang matibay na ebidensya na ako ang pumatay ay hindi nila ako pwedeng ikulong. Tinutulungan naman ako ni Hunter," wika pa ni Markus sa kanya kaya napatango siya. Hindi siya tumanggi nang muli siya nitong yakapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD