CHAPTER FOUR

1202 Words
ISANG TAWAG ang natanggap ni Markus ng araw na iyon mula sa unknown caller na hindi niya naman kilala. Ayon dito ay nakita raw nito ang address na pinagtataguan ni Patrick kaya naman nagmamadali siyang lumabas ng bahay. “Saan ka pupunta?” tanong ni Patricia nang nakasalubong niya ito. “May importante lang akong lalakarin,” sagot niya sa babae kaya nagtataka ito. Kulang nalang ay takbuhin niya ang kanyang sasakyan. Kung siya lang talaga ang mayor ay baka naglabas na siya ng shoot to kill order kay Patrick Samonte dahil sa sobrang kasamaan nito. Matagal na itong may atraso sa kanya at ang hindi niya matanggap ay ang itago nito ang kanyang anak at angkinin. Halos paliparin niya ang kanyang sasakyan upang marating kaagad ang sasakyan. Pagdating niya sa address na binigay sa kanya ng unknown caller ay sinipat niya ang kabuuan ng bahay. Walang bantay sa bakuran ng bahay kung kaya tiningnan niya ang gate. Naka-lock iyon. Mabilis niyang hinanda ang kanyang baril kung sakali man na mapasubo siya. Libangan niya ang firing kung kaya malakas ang kanyang loob na sumugod. Inakyat niya ang gate ni Patrick habang hawak ang kanyang baril. Pagtulak niya ng main door ay bukas iyon. Walang tao sa baba kung kaya maingat siyang umakyat sa pangalawang palapag. Alisto siya sa kanyang kilos. Isa pa sa dahilan kung bakit sumugod siya sa bahay na iyon ay dahil sinabi sa kanya ng tumawag na doon daw itinatago ni Patrick si Cristina at ang anak nila kung kaya nagmadali siya. Nakarinig siya ng kaluskos mula sa loob ng kwarto kaya mabilis niya iyong itinulak. Itinutok niya ang kanyang baril pero magulong silid ang bumungad sa kanya. Pumasok siya ng silid. Nagulat pa siya nang tumambad sa kanya ang katawan ni Markus na nakahiga sa kama at wala ng buhay. Natigilan siya sa nakita. Akmang aalis na siya nang biglang may dumating na mga pulis at siya ang naabutan ng mga ito. Kaagad siyang pinusan ng mga ito. “Teka! Wala akong alam dito!” bulalas niya. “Hindi ako ang pumatay!” sigaw niya sa mga pulis. “Sa presinto na lang kayo magpaliwanag Sir.” Wala siyang nagawa nang dalhin siya ng mga pulis. Malinaw pa sa sikat ng araw na set-up ang nangyari sa kanya. Kaagad siyang dinala sa interrogation room at kung ano-ano ang mga mga itinanong sa kanya. “Ilang beses ko bang dapat na sabihin sa inyo na wala akong kinalaman dito? Hindi ako ang pumatay kay Patrick at kahit pa pilitin niyo ay wala kayong maririnig na pag-amin mula sa akin,” naiinis niya ng sagot dahil paulit-ulit na lang ang mga tanong sa kanya. “While my attorney is not present, I have the right to remain silent.” Napabuntong-hininga ang kanyang kaharap. Nakikita niya itong kasama ni Hunter noong sinugod siya nito sa minahan. “Tama ka, dapat nga sigurong tawagin mo na ang abogado mo para maipaliwanag sa amin kung paano napunta sa bahay mo ang bangkay ni Cristina Perez,” wika sa kanya ni Chief Lagman kaya natigilan siya. “Bangkay ni Cristina?” ulit niyang tanong. “Patay na si Cris---tina?” bulalas niya na hindi makapaniwala. “Pinatay mo Mr. Herrera,” wika pa ni Chief Lagman sa kanya. Bigla siyang nanghina sa nalaman. Paano niya papatayin ang babaeng matagal niyang minahal? Ang babaeng ina na kanyang anak? Nag-unahan sa pagpatak ang kanyang luha. “Hindi ko magagawang patayin ang babaeng una kong minahal. Wala akong rason para gawin iyon,” wika niya pang sunod-sunod ang pag-iling. “Hindi totoong patay na si Cristina. You’re lying!” sigaw niya sa kaharap. Natigil sila sa pag-uusap nang pumasok si Mayor Hunter Villareal. Marami pang itinanong si Chief Lagman sa kanya sa harapan ni Hunter pero isa lang ang sagot niya. Wala siyang alam sa mga nangyari. “Naniniwala ako sayo Markus. Alam kong hindi mo ‘yun magagawa kay Patrick kahit pa sukdulan ang galit mo at lalong hindi mo magagawa kay Cristina iyon,” wika ni Hunter sa kanya. “Kahit pa patayin nila ako ay hindi ako aamin. Wala akong dapat na aminin sa kanila dahil wala akong kasalanan. Gusto ko lang naman na makita at makasama ang anak ko, Hunter.” "Naniniwala ako sayo Markus. Alam kong set up itong nangyari sayo at hindi natin alam kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito pero makakaasa ka na nasa likuran mo ako," wika ni Hunter sa kanya kaya tumango siya. "Salamat," sagot niya. "Ang hindi ko lang alam ay kung sino ang pumatay kay Cristina at kung bakit nasa bahay ko niya." "Kailangan nating malaman ang mga 'yan." "Sa tingin mo ba ay may kinalaman si Samuel rito?" tanong niya kay Hunter. "Hindi ko alam Markus pero malawak din ang koneksyon ni Samuel. Kung nagawa niya ngang patayin ang kinikilala niyang ama ay hindi malabong patayin niya si Cristina," wika pa ni Hunter sa kanya. "Hunter, si Patricia----baka isunod siya ni Samuel. Baka pati ang babae ay patayin nila. Walang kasama sa bahay si Patricia ngayon. Nakikiusap ako sayo. Iligtas mo siya," pakiusap niya sa lalaki. "Sige," wika ni Hunter bago tumayo at akmang iiwan na siya. "Hunter!" tawag niya sa lalaki kaya humarap ito sa kanya. "Bakit?" "Lalaki sa lalaki Hunter----akin lang si Patricia," wika niya sa lalaki kaya napangiti ito. "Tinamaan ka na yata ni kupido?" nanunuksong tanong ni Hunter sa kanya. Ngumiti siya sa sinabi ni Hunter. "Isa lang ang alam ko sa kanya. Gusto ko siya. Gustong-gusto," sagot niya. "I'm happy for you." "Kahit na akitin ka ulit ni Patricia 'wag siyang papatulan okay?" paniniguro niya pa. "Yes sir!" sagot ni Hunter sa kanya kaya natawa siya. Pag-alis ni Hunter ay naiwan siyang mag-isa kasama ang isang pulis na bantay niya. Ayaw niya sanang tawagan ang kapatid niyang si Mark pero kailangan niya ito ngayon. Isa itong lawyer. Ito lamang ang malalapitan niya ngayon upang ilabas siya sa kulungan. "Pwede ko bang matawagan ang lawyer ko?" tanong niya sa pulis na nakabantay sa kanya. "Sige." Nakailang tawag siya bago sinagot ni Mark ang kanyang tawag. "What?" tanong ni Mark sa kabilang linya. Masyadong seryoso ang buhay nito at galit sa mga pinaggagawa niya. Palibhasa kasi perfectionist ito at siya ay ang black sheep sa pamilya. Gulo at kahihiyan ang idinudulot. "I need your help. Nakakulong ako ngayon," wika niya sa kapatid. "Ilang tao na naman ba ang pinatay mo na dapat mong ayusin?" tanong ni Mark sa kanya. "Wala akong pinatay okay? Hindi ko sinasadya na may mga namatay sa minahan. Ibang kaso ito. Na-set up ako." "Dahil sa babae na naman ba 'yan? Hanggang kailan ko linisin ang kalat mo?" "Last na ito Mark. Gusto mo bang atakihin si Papa kapag nalaman na nakakulong ako ngayon. Seryoso ang kaso kong ito," sagot niya pa sa kapatid. "Puntahan mo ako sa kulungan ngayon." Napabuntong-hininga na lamang siya ng mawala sa kabilang linya ang kapatid. Kutang-kuta na kasi siya at malapit na siyang buminggo sa pamilya niya. Sakit nga talaga siya ng ulo dahil sugod lang siya ng sugod. Alam niyang hindi basta-basta ang nasa likod nang lahat ng ito pero titiyakin niya na magbabayad ang pumatay may Cristina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD