“YOU MUST be so proud of yourself.” Athena squinted her eyes as she looked at Jeric.
Kasalukuyan siyang nakaupo sa dalampasigan na parte pa rin ng lupain ng Hacienda Escarbal nang dumaan ang lalaki na suot-suot ang isa sa mga t-shirt na binili ni Kristy.
“Anong ibig sabihin mo, Ma’am?”
“Look at you. Napabili mo ang kaibigan ko ng mga damit para sa’yo. Binilhan ka pa niya ng formal attire para sa debut ko. You must be so proud that you can make people pay for you kagaya ng pagpapaaral ng daddy ko sa’yo.”
“Grabe naman, Ma’am.” Halata sa mukha nito ang pagka-offend sa sinabi niya. “Pinagta-trabahuan ko pa rin naman dito sa hacienda ang kung ano mang naitutulong sa akin ni Don Alvaro sa pag-aaral ko. At itong mga damit, nakita mo naman na tinanggihan ko si Ma’am Kristy. Hindi ko sana talaga tatanggapin ang mga damit na ‘to pero pinilit niya ako at magagalit daw siya. Kung hindi niyo nagustuhan na tumatanggap ako ng bigay ng iba, puwede ko namang isauli sa kanya ‘to.”
Tumaas ang isang kilay niya. “Then give that to me! Ako na magsasauli sa kanya.”
Saglit itong natigilan. Kapagkuwan ay walang-sabing hinubad ang t-shirt nito sa harap niya. Nang tumambad sa kanya ang maskulado nitong pangangatawan, bigla siyang pinamulahan ng mukha at napaiwas ng tingin.
Binato ni Jeric sa hita ni Athena ang t-shirt.
“Pati din ba itong shorts ko, ma’am, ipapasauli mo na din?”
Akmang maghuhubad ng shorts ang lalaki.
“Ano ba!” Hinagis niya pabalik dito ang t-shirt. “Isuot mo nga ‘yan. Nakakadiri kang tingnan.”
“Eh ano ba talagang gusto mo ma’am? Sabi mo hubarin ko, ‘di ba?”
“Umalis ka na lang diyan sa harapan ko. Nasisira mo ang magandang view.”
Paalis na sana si Jeric nang biglang magbago ang isip ni Athena.
“Wait! Ikuha mo ako ng juice. Nauuhaw ako.”
“Masusunod po, kamahalan.” Yumukod pa ito ng kaunti bago umalis nang ilang minuto at nang bumalik ay may dala-dalang orage juice.
“Ayaw ko niyan. Gusto ko lemon juice. Yung fresh.”
Napakamot ito sa ulo. “Hindi niyo naman po sinabi agad.”
Nawala ulit ito at bumalik na may dala-dalang lemon juice.
“Wala man lang ba’ng snacks? Anong oras na, o. It’s merienda time. Hello! Common sense naman.”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng lalaki bago ito pumunta ulit sa mansion.
Nang bumalik si Jeric na may dalang plato ng clubhouse sandwich, nakadapa na si Athena sa buhangin. Nakahubad na din ang suot niya kaninang see-through cover up at natira na lamang ang bikini top at ang beach shorts.
“Ma’am, ito na po merienda niyo.”
“Ang tagal mo! Naubos ko na tuloy ang juice. Ayaw ko nang kainin ‘yan.” Nag-angat siya ng paningin at nakita ang pawisan nitong mukha. “Kunin mo ang sunblock diyan sa bag ko. Kailangan ko nang mag re-apply.”
“Ito po.” Inabot nito sa kanya ang bote ng sunblock.
“Lagyan mo ang likod ko. Hindi ko abot.”
Naramdaman niya ang pag-upo nito sa gilid niya at narinig ang pagbukas nito ng sunblock. Mayamaya lamang ay naramdaman na niya ang paglapat ng isang kamay nito sa balat niya.
Napaigtad si Athena, hindi inaasahan ang kung anong kiliti na gumapang sa katawan niya. “Ano ba? Ayusin mo. Ang bigat ng kamay mo.” Agad niyang rason para pagtakpan ang naging reaction ng katawan.
“Ma’am, halos hindi pa nga lumalapat ang kamay ko.”
“Nagrereklamo ka ba?”
“Hindi po.”
“Good. Wala namang karapatang magreklamo ang mga aliping saguiguilid.”
“Grabe ka naman, Ma’am.”
“So nagrereklamo ka talaga?” Bigla siyang pumihit paharap at dahil sa bilis ng galaw niya ay hindi kaagad nakuha ni Jeric ang kamay. Napahawak tuloy ito sa kaliwa niyang dibdib.
Kapwa sila nagulat sa nangyari. Agad na binawi ni Jeric ang kamay na tila napaso. Pagkakuwa’y umupo si Athena, tinulak ang lalaki at mabilis na nagtatatakbo papunta sa dagat upang itago ang pamumula ng buong mukha.
……………..
LAGING KASAMA ni Athena si Jeric sa mga lakad niya. Ito na ang naging personal driver s***h personal assistant ni Athena dahil tuwing aalis siya ay ito ang pinapasama sa kanya ni Don Alvaro.
Hanggang sa nasanay na si Athena. Tuwing gusto niyang pumunta sa sentro ng Costa Fuego upang mamasyal o may mga gusto siyang bilhin ay siya na mismo ang naghahanap kay Jeric upang isabay ito.
One week bago ang debut party ni Athena ay niyaya niya si Jeric na pumunta sa sentro dahil gusto niyang bumili ng regalo para sa daddy niya. Kahit na siya ang may birthday, gusto niya itong bigyan ng regalo bilang pasasalamat sa buhay na binigay nito sa kanya.
“I think you know him better than I do,” ani Athena kay Jeric habang nakatingin sa display ng mga mamahaling pabango sa isang shop. “Which do you think he will like best?”
“Sigurado ako matutuwa ‘yon kahit anong ibigay mo, Ma’am.”
Lumabi siya. “Kaya nga kita sinama para tulungan mo akong mamili rito.”
“Sir, ma’am, baka gusto niyong i-try ang mga tester namin,” anunsiyo ng babaeng sales assistant.
“Bigyan mo nga ako ng tester nito.” Tinuro ni Athena ang isang pabango.
Naglabas ang sales assistant ng tester bottle at in-spray iyon sa maliit na papel saka binigay kay Athena.
“Hmmm… it smells nice,” tumatango-tangong komento niya. “But I want to know how it smells on the skin. Puwede mo bang i-spray sa pulso ng kamay niya?” Tinuro niya si Jeric. “I’m wearing a perfume. Baka maghalo ang amoy nila sa akin.”
Agad namang sumunod ang sales assistant at in-spray-han ng pabango ang binata. Pagkatapos ng ilang segundo ay inamoy ni Athena ang kaliwang pulso ni Jeric.
“Oh, it smells better on the skin,” masayang sabi niya.
“Baka nababanguhan ka lang talaga sa akin, Ma’am,” bulong ni Jeric.
“Anong sabi mo?”
“Ah, wala, Ma’am. Sabi ko ang bango nga nitong perfume.”
“Can we try this too?” Baling ni Athena sa sales assistant habang tinuturo ang isang pabango.
Ini-spray nito ang tester sa kanang pulso ni Jeric.
“Hmm… “ Athena smelled it. “I think I like this better. It has a hint of woody scent.”
“Yes, Ma’am,” sang-ayon ng sales assistant. “Mayroong cedar at New Caledonian sandalwood kasi ito. If gusto niyo po ng mga woody scents, baka gusto niyo ding i-try ‘to. May cedarwood, sandalwood at leather sa ingredients niya.”
Kinuha nito ang isang bote at ini-spray iyon sa bandag leeg ni Jeric. Athena was not even thinking about it. She tiptoed and slightly pulled Jeric’s collar to smell his neck. She only realized how close they were when she felt the heat of his body and when he moved his face to look down at her.
Natigilan si Athena habang nakatitig sa mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit parang may mga maliliit na kuryente na gumagapang sa buong katawan niya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
Natauhan lamang siya nang marinig ang pagtikhim ng sales assistant. Marahan niyang tinulak ang lalaki saka hinarap ang sales assistant.
“W-we'll get the last one.”
She rummaged through her bag, searching for her credit card. s**t! Why were her hands shaking?
“Sa kotse na lang ako maghihintay, Ma’am,” paalam ni Jeric saka lumabas.
“Bagay kayo, Ma’am,” tukso ng sales assistant habang tinitingnan ang papalayong lalaki.
Napaangat ng tingin ng Athena. “W-what? He’s my driver.” Salubong ang mga kilay na sabi niya.
“Oh! Naku, sorry po. Akala ko kasi call sign niyo lang ang ma’am at sir. Sorry talaga, Ma'am.”
Sinulyapan ni Athena si Jeric. Tama ba namang mapagkamalan itong boyfriend niya? The nerve!
Padabog na kinuha niya ang paper bag na naglalaman ng binili niyang pabango matapos iyong bayaran.
Naglalakad si Athena sa malawak na parking lot papunta sa kotse nang sinalubong siya ng isang lalaki na nakasuot ng kupas na sando, punit na shorts, at pudpod na tsinelas. Sa tantiya niya ay nasa mid-twenties na ito. Mukhang tambay sa kanto ang pormahan.
“Hi, miss.” Kumindat ito sa kanya saka ngumiti ng nakakaloko. “Ganda mo naman.”
“f**k off,” iritadong sabi niya, dire-diretso sa paglalakad.
“Aba, ang taray mo, Miss, ah. Ikaw na nga itong binabati.”
“Well, I don’t know you. So puwede ba? Tigil-tigilan mo ako ha.”
“Aba, ang sungit talaga! Sino ka ba sa akala mo, ha?”
Sinimulang kabahan si Athena nang hindi ito tumigil sa kakasunod sa kanya. Binilisan niya ang paglalakad.
“Hoy, Miss, huwag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap kita!” Dinuro-duro siya nito.
Nagsimula nang tumakbo si Athena, takot na takot sa kung ano ang puwedeng gawin sa kanya ng di-kilalang lalaki. Namataan niya si Jeric sa di-kalayuan na tumatakbo rin pasalubong sa kanya. Nang mapag-abot sila ay napayakap siya sa lalaki at napasubsob sa dibdib nito, relieved na nakahanap siya ng kakampi. Nangangatog ang buo niyang katawan sa takot.
“Anong problema mo pare?” Pagalit na sigaw ni Jeric.
“Eh ‘yang babaeng ‘yan eh. Akala mo kung sino! Kinakausap ko lang naman. Ang arte-arte!”
Nilayo ni Jeric si Athena at walang-sabing nilapitan ang lalaki at sinapok ito sa mukha.
“Umayos-ayos ka pare ha!” Dinuro ni Jeric ang lalaking nakahandusay sa semento. “Piliin mo pinagti-trip-an mo!”
Bumalik si Jeric kay Athena at inakbayan ito papunta sa kotse. She was still shaking all over.
“Okay ka lang ba, Ma’am?”
Hindi siya nakasagot. Nang makaupo na sila sa kotse at makaalis sa lugar na iyon, saka lamang nakahinga ng normal si Athena.
“S-salamat.”
“Loko ‘yong lalaking ‘yon eh,” iiling-iling na sabi ni Jeric. Halata sa mukha nito ang galit.
Napatitig si Athena sa mukha ni Jeric. Buti na lang talaga at kasama niya ito. Hindi niya lubos-maisipi kung ano ang gagawin niya kung wala siyang kasama na nagtanggol sa kanya kanina.
Buntong-hiningang sinandal niya ang ulo sa head rest at tumingin sa kalsada.
“I think I have to promote you now,” anunsiyo niya. “Hindi na kita aliping saguiguilid. You’re now my body guard.”
Mahinang tumawa si Jeric. "Wow! Thank you sa promotion, Ma'am," sarkastiko niyang sabi. "Hayaan niyo't mas lalo kong pagbubutihan ang serbisyo ko sa inyo."
Muling napatingin si Athena rito. Tama nga si Kristy. Jeric was strikingly handsome lalo na kapag tumatama ang sikat ng araw sa mukha nito kagaya ngayon. Parang nanghihigop ang mga mata nito at nang-iimbita ang mga mapupulang labi.
What the hell? Kung anu-ano kasi pinapasok ng Kristy na 'yon sa imahinasyon ko!