Chapter Ten

1449 Words
ATHENA’S DEBUT celebration was one of the most talked-about celebrations in Costa Fuego that year. Kahit na kaunti na lamang ang panahon para sa preparasyon nila, it was still successful and undeniably grandiose, thanks to the event organizer’s expertise. The debut was held right there at the mansion. It was like a fairy tale under bright chandeliers, filled with joy and fancy dresses. Guests chatted and danced all night. Champagne and delicious food were everywhere. It was a night of a fancy and elegant spectacle. “Athena, you look so beautiful,” wika ni Jobert nang lumapit ito sa dalaga, dala ang dalawang wineglass. “Happy birthday.” “Thank you, Jobert!” Nakipagbeso-beso siya rito at kinuha ang isang wineglass. “Where’s Kristy?” “Hmm… I’m sure she’s just somewhere, dancing.” Titig na titig ang lalaki sa mukha niya. “May dumi ba ako sa mukha?” Natatawang tanong niya. “No,” agad nitong tugon. “I just think you have the most beautiful face.” Umismid siya. “I know it’s my birthday, pero hindi mo ako kailangang bolahin.” Tumawa ito. “I’m just saying the truth, Athena." Nang maubos nila ang champagne, muli siyang hinarap ni Jobert. "May I dance with you?” Tiningnan niya ang braso nitong naghihintay sa kanya. “Sure, why not?” Inakay siya nito papunta sa gitna ng dance floor kung saan marami-rami na rin ang mga sumasayaw sa tugtugin ng live orchestra. “They must be killing me right now,” bulong ni Jobert nang hawakan siya nito sa kamay at baywang. “Huh?” “The boys in this room. They must be killing me in a thousand different ways in their imaginaton. I’m sure they are all dying to dance with you.” Tumawa siya habang umiling-iling. Ngunit unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya nang mamataan si Kristy na sumasayaw, ilang metro ang layo sa kanila. Ang nakapagpagulat sa kanya ay ang kasayaw nito. Si Jeric. Pero bakit pa nga ba siya magugulat kung ilang beses nang sinabi ni Kristy sa kanya na gusto nito ang binata? Binilhan pa nga nito ng formal attire si Jeric para sa okasyon na iyon. Hindi maipaliwanag ni Athena kung bakit nairita siya nang makita ang dalawang sumasayaw. “Are you okay?” Untag ni Jobert nang mamalayan ang pag-iba ng timpla ng mukha niya. “H-ha?” Sinundan nito ng tingin ang tinitingnan ni Athena. Nang makita sila Kristy ay napailing ito. “Ugh! Look at my sister. Isn’t that your dad’s alalay?” “He’s my father’s scholar,” she corrected sharply. Hindi niya alam kung bakit nainis siya sa condescending tone ni Jobert gayong mas matindi pa nga ang term na ginagamit niya noon kay Jeric. “Tinutulong-tulungan niya lang ang dad.” Nagkibit-balikat ang lalaki. “It’s the same. Ewan ko ba diyan sa kapatid ko. She can’t even choose decently. She has such poor taste.” Tuluyang nawalan ng gana si Athena. “I’m tired,” malamig niyang sabi at umalis sa gitna ng dance floor papunta sa cocktail bar. “Hey, are you okay?” Nagtatakang tanong ni Jobert na nakasunod sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga at saka hinarap ito. “Yes, I’m fine. I’m just tired. Gusto kong mapag-isa muna.” Ilang segundo siya nitong tinitigan, binabasa ang mukha sa biglaang pagbabago niya ng mood. Kapagkuwan ay nagdesisyon itong sundin ang request niya at umalis. Nagpagawa ng piña colada si Athena sa cocktail bar. Muli niyang tiningnan sina Kristy at Jeric na sumasayaw sa dance floor. They looked like they were having a good time. Hello! Ako ang may birthday dito. Bakit si Kristy pa yata ang mukhang enjoy na enjoy? Nagmamaktol na inubos niya ang inumin. Halos hindi na niya pinapansin ang mga lumalapit sa kanya para batiin siya. Naiirita siya sa lahat ng mga taong nandodoon at hindi niya mawari kung bakit. Nagpagawa ulit siya ng isa pang inumin. “Hey, birthday girl!” Nilingon ni Athena si Kristy na bigla na lamang sumulpot sa gilid niya. “Hey,” walang gana niyang sagot. She had to muster all her willpower to keep from glaring at her friend. “Having a great time, birthday girl?” Magiliw nitong tanong. “Hmmm…” “Come on, let’s dance!” “No, thank you.” “Aw, come on, Athena.” “I’m just a little tired,” dahilan niya. Lumabi si Kristy. Pero agad ding bumalik ang sigla sa mukha nito. “Guess what?” Tiningnan niya lang ang kaibigan. “I think it’s gonna happen anytime soon,” excited na bulong nito. “Who knows? With my prowess, it might even happen tonight.” Kristy winked and flipped her bleached hair. Athena knew she was talking about Jeric. She fought an urge to grab Kristy’s hair and drag her across the dance floor. Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng kakaibang galit sa sinabi nito. “I-I think I need some fresh air,” dahilan niya saka iniwan na ito. Lumabas siya papunta sa malaking terrace sa left side ng mansion kung saan walang tao na makakaistorbo sa kanya. Dumiretso siya sa barandilya saka tumingin sa kawalan habang sunod-sunod ang paghugot ng malalim na hininga. Tuwing umaga, makikita mula roon sa kinatatayuan niya ang dagat sa di-kalayuan. “Happy birthday, Ma’am.” Napasinghap si Athena nang marinig ang malalim na boses sa kabilang dako ng terrace. Agad niya itong nilingon. “Jeric!” “Sorry, nagulat ka ba kita, Ma’am?” “N-no. Hindi naman.” Napatingin ulit siya sa direksyon ng dagat. Hindi niya alam kung bakit parang bumilis ang t*bok ng puso niya. Pigil ang hininga niya nang lumapit ang lalaki at tumabi sa kanya. “Bakit nag-iisa ka dito ngayon, Ma’am? Hahanapin ka ng mga bisita mo sa loob.” “Gusto ko lang mapag-isa.” “Sorry, naiistorbo pala kita.” Akmang tatalikod na ang lalaki. “Wait!” mabilis na pigil ni Athena. Humarap naman ulit ang lalaki sa kanya at salubong ang mga kilay na naghintay ng sasabihin niya. Athena clenched her fists. There were a thousand things going through her head at hindi niya alam kung saan doon ang papakinggan niya. Mayamaya ay humugot siya ng malalim na hininga at tiningnan niya ang lalaki sa mga mata. “Kiss me, Jeric.” Halata sa mukha nito ang pagkabigla. “H-ha?” Bago pa man ito naka-react ulit ay hinila na niya ang kuwelyo ng binata at siniil ito ng halik sa mga labi. It was just a soft kiss, just like the gentle caress of the breeze on that warm starry evening. Smash! Sabay na napalingon sina Jeric at Athena nang marinig ang nabasag na wineglass. Nakatayo si Kristy sa pintuan ng terrace, nanlalaki ang mga mata habang palipat-lipat ang tingin sa kanila. Tila napako ito sa kinatatayuan at nakalutang pa rin sa ere ang isang kamay nito na may hawak na wineglass ilang sandali lang ang nakaraaan. “What the hell?” Hindi makapaniwalang bulong ni Kristy nang makabawi ito sa pagkabigla. Naningkit ang mga mata nito bago mabilis na tumalikod at patakbong umalis. Ilang segundong katahimikan ang namayani sa kanila. “B-bakit mo ginawa ‘yon?” naguguluhang tanong ni Jeric. Pumihit si Athena sa direksyon ng madilim na dagat. She shrugged her shoulders. “It’s your gift for me.” Hindi kumibo ang binata. Tila malalim ang iniisip nito. Mabilis pa rin ang kabog ng dibdib ni Athena. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang reaction ng katawan niya ngayon na ilang pulgada na lamang ang layo ng lalaki. “It’s so hot here,” ‘pagkakuya’y deklara niya. “Ang daming tao. Shall we go to the beach?” “Hahanapin ka rito.” “So?” Tiningnan lang siya ng binata. “Kung ayaw mong sumama, bahala ka.” Nang bumaba siya sa brick staircase sa gilid ng terrace ay sumunod si Jeric. Ayaw siya nitong iwan nang mag-isa lalo’t gabi na at madilim ang paligid. Naglakad sila papunta sa dagat. Walang katao-tao doon dahil halos lahat ng tao ay nasa loob ng mansion at nakikisaya sa kaarawan ni Athena. But Athena had other plans. Kapwa sila hindi nagsasalita ni Jeric habang binabagtas ang dalampasigan. Maya’t maya ay naririnig ang pagbuntong hininga nilang dalawa. Malayo-layo na sila sa mansion nang huminto si Athena. Without saying any words, bigla niyang hinubad ang suot gown. Gulat na napatalikod agad si Jeric. Nanlalaki ang mga mata niya. “M-Ma’am, anong ginagawa mo?” Tumawa ng mahina si Athena at hinubad ang suot na platform heels at stockings. Sunod niyang hinubad ang bra at ang underwear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD