MATAGAL NA TINITIGAN ni Athena ang kaharap na lalaki bago tinanggap ang kamay nito. He squeezed her hand tightly. “B-bakit mo ako kilala?” Ngumisi ulit si Tom. “I told you. I’m Jeric’s best friend.” Nakuwento siya ni Jeric dito? Tom breathed deeply and faced the sun. “Don’t worry, hindi ko ikukuwento sa kanya ang mga narinig ko kanina. Of course, hindi mo rin sasabihin sa kanya ang mga narinig mo sa akin.” Sumandal ito sa barrier at matagal siyang tinitigan sa mukha. “Damn, you really are beautiful. Tama nga ang sinabi ni Jeric. Too bad, he hates your family so much, right?” Napakurap siya. Nakuwento din iyon ni Jeric? Tumawa ng mahina si Tom. “Jeric told me a lot about you. He’s a total jerk, you know. Don’t get me wrong. I admire and respect that man. But sometimes I wish he’s no